Paano mo malalaman kung gusto ka ng gusto mo sa Unang Date

Dahil ba sa tatlo ang ugat ng binunot mong ngipin kaninang umaga, senyales na iyan na gusto ka din niya?
Dahil ba sa tatlo ang ugat ng binunot mong ngipin kaninang umaga, senyales na iyan na gusto ka din niya?

Ronald : Dear dentist. Laging akong nagbabasa nitong website nyo. May tanong po ako.

May crush ako. Crush ko na siya nagaaral pa kami. May boyfriend siya noon. Bantay sarado. Kahit anong epal ko, hindi niya ako mapansin.

Ilang buwan ang nakakaraan, nagkakilala kaming muli. No. Siya lang siguro, nakilala niya ako. Dahil ramdam kong kilala ko na siya buong buhay ko.

Noong makita ko siya, nahiya ako kasi baka mahalatang kilala ko na siya, siya hindi niya pa ako kilala. Sabihin pa niyang, stalker ako. Na mukhang ganun na nga. Pero inapproach ko pa rin. Tagtag ng puso.

Unang date namin mamaya. Ang tanong, paano ko ba malalamang gusto niya din ako?

Ask the Dentist : Gusto kong sabihin naliligaw ka. Gusto ko ding sabihing dapat sa love expert ka nagtanong. Pero dahil may specialization ako sa puso, sasagutin ko ang tanong mo.

Sa pagsakay sa kotse, ihatid mo siya sa pinto ng kotse. Pagbuksan mo. Kung mababa ang kotse, harangan mo ang lugar na pwede siyang mauntog. Isara ang pinto.

Sa pagpunta mo sa gawi ng driver seat, hintayin mo. Tumayo ka doon sa tapat ng pinto. Pasimple. Kung ikaw pinagbuksan niya mula sa pagkakaupo niya sa side niya sa loob ng kotse. Gusto ka niya.

Matapos ang date. Inihatid mo na siya. Nagkapaaalaman na kayo. Pagtalikod niya. Hintayin mo, titigan mo. Mga ilang sandali pagkatalikod niya. Hintayin mo. Kung siya tumanaw/tumingin sayo pabalik. Gusto ka niya.

Kung hindi nangyari ang mga bagay na ito, huwag kang magalala. Habang may buhay, may pag-asa.

Good luck! 🙂

8 thoughts on “Paano mo malalaman kung gusto ka ng gusto mo sa Unang Date”

  1. ahahaha!!! Ayus ka Doc! usapang ngipin napunta sa love story..hindi ka lang pang ngipin, pang love story ka pa!!! hahaha lap trip ako…nice Doc!

  2. hi doc sumasakit ang ipin ko almost 1 month na, may pasta na sya dati at may butas na maliit sa gilid. uminom ako ng antibiotic. nagkaroon na ng abcess sa gilagid, sobrang sakit kaya pa bang pastahan un o root canal treatment na kagad? thanks.

  3. pahabol po, ilang root po ba meron ang 2nd molar tooth? 🙂 just in case root canal treatment makabudget ako. thanks ulit.

Leave a Reply