Root Canal Treatment (RCT) – Canine Tooth

Glenn Junio: Hello po at Happy New Year. Ito po tanong ko. Ang canine ko po sa Upper Left ay nagka-cavity and nabutas. Then sa tingin ko may abscess na po ako kasi may bukol na po malapit sa ilong ko pero di naman masyadong malaki at matigas po. Umiinom ako ng amoxicillin paminsan-minsan.
Ano po ba dapat ko gawin para mawala ang abscess at bukol?
Kung ipapabunot ko ang pangil gaano katagal para mabunot?
Maraming anesthesia ba kelangan?
Nakakatulong ba ang pag gargle ng may asin?
If root canal,ilang canal po ba sa palagay niyo?

Ask the Dentist Philippines: Hi Glenn. May 2 options ka, ipabunot mo or ipa-root canal treatment mo.

Dapat ipatingin mo sa dentist iyan agad dahil hindi natin masasabi kung mas malala pa kaysa sa simpleng panakitnakit. Malay mo cancer na pala. Dumadami ang kaso ng oral cancer ngayon, kaya dapat ipakita mo agad iyan.

Depende sa kaso ang tagal ng pagbunot. Madalas na mabilis lang ang pagbunot ng canine tooth. Kung wala ng crown, medyo matagal. Kung solid ang buto mo, medyo matagal.

Ang dami ng anesthesia ay depende sa timbang, height, tolerance sa pain, kakumplikaduhan ng pagtanggal, etc. Sa kaso mo, kahit damihan ang anesthesia, mararamdaman mo pa din yan. Base sa kuwento mo, malamang na masakit iyan kapag binunot.

Kung root canal treatment, 1 ang canal niyan at may possibility na may accessory canal/s.

Huwag kang uminom ng Amoxicillin nang “paminsan-minsan” lang. Kaya nagkakaroon ng antibiotic resistant na sakit dahil sa paminsan minsan na iyan. Kapag iinom ka ng antibiotics, dapat mawala nang tuluyan ang sakit (source ng sakit) bago mo ihinto ang paginom.

Ito ang payo ko. Ipa-root canal mo na lang iyan. Mahal ang root canal treatment kung titignan mo ngayon, pero sa long term, mas mura siya.

Compare natin:
Root canal treatment
1 canal = P3,000 up
– Kung maliit pa ang butas, papastahan lang = P500 up (presyo sa province)
– Kung malaki ang butas, dental crown = P5,000 up (presyo sa province)
Total = P8,000

Kung bunot (extraction)
1 bunot = P500
– Fixed bridge (3 units) = P5,000 x 3 = P15,000 (for more info read: Fixed Bridge)
– Pwedeng de-tanggal na pustiso, pero malamang na hindi mo magugustuhan. Kung ikukumpara mo mas masaya ang buhay ng hindi pustiso. Nakakangiti sila ng malaya, nang walang tinatago. Nakakangiti sila ng walang hiya (hehehe!). (for more info about removable denture read: Removable Partial Dentures)
– Magkukucollapse sa bandang gilid ng labi mo, magmumukha kang matanda = priceless, hahaha!
Total = P15, 500 + mukha kang lolo + nahihiya kang ngumiti dahil baka makita ang bridge slash pustiso mo.

Syempre, maghanap ka ng dentist na talented na mura maningil. Personally ang maipapayo kong dentist para sa kaso mo, yung mga member ng Philippine Prosthodontic Society and Endodontic Society of the Philippines.

Pwedeng mali ang sagot ko sa tanong mo. Kaya dapat ikonsulta mo sa Dentist at wag mo gawing absolute na tama ang nababasa mo sa internet. Karamihan ng nababasa mo tungkol sa Dentistry sa internet ngayon, hindi gawa ng Dentist. Karamihan sa nababasa mo online ngayon gawa ng simpleng writer lang o kaya mga web developer lang na gusto kumita sa ads (adsense, chitika, etc.).

197 thoughts on “Root Canal Treatment (RCT) – Canine Tooth”

    1. Baka Fixed Bridge ang tinutukoy mo? Wala naman permanent dentures sa mundo. After 7 to 14 years papalitan mo din ang fixed dentures. Usually, madidislodge din ang Fixed Dentures after some time, dahil nababakbak ang cement nito. Tapos, ipaparecement mo or papapalitan mo sa Dentist. Ganun din ang fixed bridge na nakakabit sa dental implants.

      1. Doc ano po ba ang dapat gawin pag umuuga ang ngipin at nangingilo anong dapat gawin upang hindi tuluyan matanggal yung ngipin

  1. Salamat po.Last nalang po.Kung ipapabunot ko ito tapos maglalagay ako ng denture, hindi naba ako magmumukhang matanda?^_^

    1. Inuulit ulit mo lang ang tanong mo. Yun din ang sagot. Oras na mabunot yang pangil, magmumukha kang matanda. Kahit may denture ka, nabunot pa din yang pangil. Kahit walang denture, nabunot pa din yang pangil. Tanggalin mo man ang denture, nabunot pa din yang pangil. Isuot mo ang denture, nabunot pa din ang pangil. Hindi magbabago, ganun pa din, ipinabunot mo ang canine tooth.

  2. doc….ansakit po ng left central incisor ko. auko mag pa root canal xe sabi rurupok daw ung teeth at mag kacrack..e front teeth to prone sa crack. what should i do?

  3. Gud evening Doc,.ask ko lng po sana if anu po gamot para matigil un pagdurogo ng gums,..kkabunot kc ng 2 ngipin q knina,.,tapus hanggang ngaun dumudugo prin po sya,.uminom na po aq mefenamic at amoxicillin,.yan po reseta nun dentist sa akin,.,tnx po,.wait ko po reply nyu,

  4. Doc, kahapon nagpa RCT po ako..tama nga po yung sinabi nyo na may x-ray..pero ganun po ba talaga? 3 sessions? babalik ako next week para sa another procedure..buti na lang may insurance card ako..anyway, andito po ako Saudi..isa pa pong tanong ano po bang mga dapat at hindi dapat kong kainin at inumin habang naka RCT tong ngipin ko..salamat po ng marami..

  5. doc.. itatanong ko lang sana kung kapag kalahati na ng tooth ko ung nabungal pwde pa kaya un ipapasta o kelangan ko na ipabunot and ipapustiso nalang? di na ba madadala ng pasta pag kalahati na ung natanggal sa tooth?

  6. Hi doc,
    Ask ko lang ilang years ba ang itinatagal ng RCT? paano kung nakakaramdam na ng pangingilo sa ngipin na naka root canal? May mga treatment ba ulet na gagawin?
    Thanks in advance..

  7. Doc Good day! Itatanong ko lang po kung pwde ba kong magpapasta pansamantala kung wala pa kong budget pang parootcanal para malinis siya at mafill yung butas. I’ll wait for your answer. Thank you ๐Ÿ™‚

  8. doc good evening.. pinapasta kopo ung central incisor ko 2 months ago and now 4days na po itong masakit at mejo namamaga pa.. kung iparct ko po? ano po ung disadvantages? peo pag ipabunot ko po.. cguo mas okay nalang? maaapektuhan po b ung mga ktabing gums pag nag pa rct ako?.. ang hapdi na po at tingin ko’y di na gagaling..

  9. Good eve doc ask ko lang nangingilo po kasi yung pinapasta ko na 3rd mollar last feb pero ung 2 na pinapasta ko almost 5 na po hindi na naman po nangingilo anu po ba dapat ko gawin and hindi na po ba kaya i pasta ung 3rd upper mollar basag na po kasi wala na po ung ยน/4 ng crown.

  10. good eve po doc, ask ko lang po kung ano dahilan at gamot sa pangingilo ng ngipin ko po, hindi naman po ako nagpabunot o nagpapasta o uminom ng malamig, kanina pagkagising ko po ay bigla na lang nangingilo yun ibabang harapan ng ngipin ko, gumamit na po ako ng sensodyne pero ganun pa din po. makakatulong po ba ang mefenamic? salamat po.

  11. hello doc, asko ko lng poh,ngpapasta poh aq 2 week ago, at wala nmn akong nrmadaman n sakit or pangingilo bat dis few days pag umiinom or kumakain ako ng kahit ano nrrmamdam ko n ngingilo aq, pero d yung pnasthan sken sa halip eh yung katbi ng pinasthan nung dentista ko.ano poh bah pwede ko gwen, ngttry n aq gmamit ng sensodyne.,d nmn sobrang ngilo sya, bgla bgla n lng xa ngilo minsan..wala nmn xa sira o ano pah kc nga kkpunta ko lng dentista..ano poh pwede gwen para maiwasan ang pangingilo..thank u and God bless

  12. doc namamaga po ung labi ko dahil may maliit na bukol sa ilalim ng ilong q. dhl po ito sa pangingilo ng ngipin q. doc anu po ang dpt kong gawin. rct po b? wla po bng ibng gamot para mwala ung bukol?

  13. i have a 9 y.o. child who complains about her tooth ache… my relatives brought her to a dentist and was suggested to undergo a ROOT CANAL (molar tooth). as the child is uncooperative with low pain threshold the dentist recommended a SEDATION approach… the price quoted is PHP 25,000 for the whole treatment… i was wondering if this is a common range fr a dental treatment in the philippines? the dentist claimed that the molar tooth is a permanent tooth and, without any x-ray, he straight away suggested a root canal (?)

    1. Mas mataas pa ang presyo diyan. Hindi lahat ng dentist kayang magsedate ng pasyente.

      Pero kung may duda ka wag mo ituloy. Maipapayo kong pumunta ka sa dentist na may tiwala ka. Dahil kung wala kang tiwala sa isang dentist, lahat ng ginagawa niya magiging mali para sayo.

      Kung magpaparct ang iyong anak, dapat kinukuhanan ng x ray yang ngipin niya ng ilang beses. Sa xray makikita kung tama ang ginagawang RCT, step by step.

      1. Salamat. U made a good point regarding as recommendation na mag root canal without having any x-ray. Wala na ung tiwalang dentist ko kya I thought mag tanong dito as forum.

        I agree with u na pumunta as tiwalang dentist, since wala sa ngayon, I’ll consider ung dentist na mag recommend NG X-ray muna bago mag reco NG root canal.

        Appreciate it if meron ka refer na pediatric dentist. Thanks!

  14. ha…ha…ha. finally sumagot ka din dok. ask ko lng po, may denture po ako, isa sa front (upper teeth). sabi po ng dentist, kulang daw ako ng isang lateral. tapos ung tooth sa tabi ng pangil ko sa left, nasira na. mga 1/4 ng ngipin ung nawala. since ayoko na pong magremovable denture, nag-suggest cia ng fixed bridge. ung 3 ngipin. igagaya ung shape nung jacket sa matitirang natural na ngipin ko. 3k/tooh daw kasama na pong i-fi-fixed bridge ung sirang ngipin na malapit sa pangil. pero i-rct muna daw ung sira (worth 1k) before i-jacket. porcelain po ang suggestion nia kasi better daw un kesa plastic. doc hindi po ba mukhang denture din ung jacket? kasi, ung isang denture nga lng po, nakakailang na e. possible po b na magmukhang natural pa din ung ngipin kahit fixed bridge lng? or hindi man mukhang natural, at least din naman masyadong halata na artificial. sori po if makulit, nasa decision-making stage na po kasi ako e. salamat po.

  15. u mean doc, possible na low quality dahil low price? husband po nia ung gagawa nung jacket. ewan ko lng if dahil don kaya mura. pero possible po b ung gusto ko na mukhang natural na ngipin pag tlgng high quality ung pagkakagawa? if sa inyo po ako pagawa, magkano po kaya aabutin? cencia na po sa pangungulit. thank you po.

  16. na-experience po saan? ang magpagawa dun sa dentist ko o sa inyo? magkano po ba if sanio, almost 20k? 5k/tooth (fixed bridge) + 3k (rtc) = 5 * 3 + 3 = 18k. tama po ba? galit na po ba kayo kasi makulit ako? sori po. limited lng po kasi budget ko kaya gusto kong makasigurado. thank you po.

  17. doc.. itatanong ko lang sana kung kapag kalahati na ng tooth ko ung nabungal pwde pa kaya un ipapasta o kelangan ko na ipabunot and ipapustiso nalang? di na ba madadala ng pasta pag kalahati na ung natanggal sa tooth?

  18. Doc tnong ko sana, 7 yrs ago nagpa root canal fo ako s front teeth ko. Ngayon iba na ung kulay nya naguging darkk na sya. At parang may white s gum s ko banda dun sa teecth na na rct. Ano po ba dpat gawin?thanks.

  19. Hi doc! tanong ko lang po, nagpapasta po kasi ako dati sa lateral incisor at natanggal na po ito in a year or year and a half. Ang nangyari po nadamay po ung front teeth ko. Ano po ang remedy pag ganun? RCT or pasta lang din ulit?

  20. hi doc, masakit po kasi ang kanan bagang ko, sira ana po siya, diba ndi pa po siya pede bunutin kapag masakit pa? pede po ba ako mag take ng garden? ska nagtaka lang po ako pati yung ibang ipin na di naman sira parang nangingilo at masakit na din. bandang kanann din po.

  21. doc sinurgery po ng dentist ko ung ngipin ko na n-root canal nia. Pre molar po cia, sa tabi ng pangil. Ang sabi po nia need daw po putulin ung ugat kaya kelangan isurgery, mdame po kcng nana ung sa may ugat, ndi natanggal nung n-root canal. Ganon po ba talaga un? Ang sakit po doc sobra, hiniwa nia po ung bandang gilagid ko, ndi po namin ntuloy ung procedure kc ayaw po umampat ng dugo ndi daw po nia makita ung ugat. Ayoko na pong ulitin ung surgery. Ntrauma na po ko. Sabi pa po nia ndi nia pdeng ikabit ung jacket hnggat ndi npuputol ung ugat. Sana mtulungan nio po ko. Thanks po.

  22. hello doc, may tanong po ako.. nagpa RCT po, ung lower left 1st molar ko nung june 2013 po tas nirestore po sya ng amalgam. tas nung nakaraan linggo po nasira nakakagat po kasi ako ng matigas na caramel.. pde po kaya iparestore ko to ulit kahit 1 wk na syang nasira/open???
    tska po pla doc, nkakaexperience po ako ng pain sa pinapasta ko po nung august 2013.. sa pagkakaalala ko po eto rin po ung ung tooth na pinaobserve po sakin ng 2wks aftr pastahan kasi nagiging sensitive po sya sa hot and cold drinks sb po ng dentist ko ioopen nia daw po ulit pag d nwala ung pain.e aftr nmn po ng 2wks nwala ung pain kaya nakampante po ako n okay na.. pero ngayon po nkakaramdam nnmn po ako. at mejo malala po ung pain ngayon. nkainom na nga po ako ng mefenamic q 8 at naka senstive pro relief po ako ng toothpaste ngayon…ano po kaya need ko gwin

  23. Good pm p doc. Tanong ko lang po if normal ba ang pangingilo ng ni-root canal na ngipin..nung oct. Po ung first session namin tas natapos po xa ng nov. Last year ngayn po minsan kapag iinom or kkain po ako ng mainit nakakarandam po ako ng pangingilo.. Ano po ba ang dapt kong gawin.. Nilagyan na din po ito ng porcelain jacket.. Bale ung pangil ko po ito sa right side.. Sana po masgot niu po.. Salamat…

  24. Hi Doc,

    I just had my 4th session for RCT on #36 left lower part. The dentist told me that RCT may fail since the tooth is perforated. And, an extraction is the only option. My question is why it became perforated? 2nd, is if there is a way to save the tooth. I also paid a portion of the RCT. Can i refund the amount paid?

    1. 1. Sa unang tanong mo ay ay hindi ko masasagot dahil hindi ko nakita ang ngipin mo at hindi ako ang dentist mo. AT kahit padalhan mo ako ng photo at x ray hindi ko pa din masasagot dahil hindi ko nakita yang ngipin mo bago i-RCT.
      2. Kung may way na masave ay masasagot ko kung nakita ko ang ngipin mo at x ray mo.
      3. No. Hindi exact science ang dentistry. Madaming pagkakataon na kahit nagawa mo na ang lahat, pumapalya pa din ang procedure. Kung ako ang dentist mo, hindi ko kaya ibigay ang refund dahil mahal ang ginagamit sa RCT. AT ginamit yun sayo, hindi sa pinsan mo o sa kapitbahay mo.

      Parang sa hospital, madami pa ding namamatay sa hospital kahit sa pinakakumpletong gamit at pinakamagaling na mga doctor. Parang sa babae yan, kahit ikaw ang pinakatapat sa mundo at gawin ang lahat, kung magtataksil yan, eh magtataksil yan. Marirefund mo pa ba ang pagmamahal at oras na binuhos mo sa kanya?

  25. good afternoon doc. ano po kayang treatment yung ggawin sa ngipin ko in frint? nbasag po kasi 2 days ago.. pero may bulok na po tlaga sya since highschool pa.. ngaun po nabasag na sya.. and ang pangit tgnan.. gusto ko po sana maayos ASAP.. and i am searching for the treatment na pwedeng gawin.. thanks for your immediate response.

  26. Tanong ko lang po , nag pa brace po kase ako ngayon bigla na lang nangingilo o sumasakit yung mga ngipin ko , tapoa minsan feeling ko naaalis o gumagalaw sila .. Nung di pa ko nagpabrace di maman ganito , pero start nung nalagay yung mga brace , sumasakit o nangingilo nha lhang bigla .. Bakit po kaya ..

  27. doc ok lang po ba magpa jacket lang khit nd na mag undergo ng RCT? pero bagang ang sira,ng ipin at mjo sensitive na rin xa..kc 4 now jaket lng budget ko.

  28. Doc ok lng po ba magpa braces kahit na root canal na ang 1 tooth ko. left central incisor. thanks.pero wala pong crown or jacket.

  29. Hello po Doc, nag pabunot po ako ng wisdom tooth ko 7/5/14 ng bandang 3pm ilang oras po ba bago mawala ang pamamadhid at kapal ng pakiramdam dulot ng anesthesia ng dulo ng dila ko at ibaba ng baba ko po hanggang ngayon makapal pa din po ang pakiramdam ko mga dalawat kalahating oras na po nakalipas…normal lang po ba ito doc? -Riza-

    1. tsaka po pala doc nagdudugo padin po hanggang ngayon normal lng po na yon doc? first time ko lang po kasi nag pabunot 3 hours na po

  30. Hello po Doc, ang kapal at madhid po ng pakiramdam ng ibabang bigbig ko at baba po ilang oras po ba mawawala ang kapal at madhid na pakiramdam dulot ng anesthesia? nag pabunot po kasi ako ng wisdom tooth 7/5/14 bandang 3pm po hanggang ngayon ganun pa din po 3 hours na po nakalipas normal lng po ba yon Doc? first time ko po kasi nag pabunot at dumudugo pa din po normal lang po ba yon Doc? -Riza-

  31. doc….tanong po… 10 years na po patay pala ngipin ko kasi na untog ako at may crack na sya at ma cavity na din sa 1 front teeth ko po.. pwede pa po bah ehh root canal..

  32. may nana po ehh sa front teeth ko ganon bayon doc kong patay ang ngipin at kong i root canal pwede bang mag pa plastic jacket or pasta……….thank you po doc…mag kano po ang root canal sa front teeth,…

  33. magandang hapon doc.. ano pong gamot sa pangingilo ng ngipin ko sa harap.. ansakit po kasi.. ok lang po ba uminom ng cortal bawat araw na masakit ? tnx

    1. You need to schedule an appointment with your dentist. Your dentist will do necessary diagnostics (xrays and different tests) to identify if the tooth is a candidate for root canal treatment.

      Just a heads up, if you have a crown/cap/jacket, I would like to emphasize that you gotta come back to your dentist every 6 months to check and assess the health of your crown/cap/jacket. Just cause you have a crown doesn’t make the tooth cavity-resistant.

  34. parang na troma po sha without any reason,na notice ko lng yesterday nbangga nung lower teeth ko ung upper teeth in front.tpos dun n po ngstart ung sakit at pangingilo nga jacket tooth ko.please help po

  35. doc gud pm naputol po isang ipin ko sa front tas may butas na po sya sa gitna ,then yung isa naman may crack po at may butas na din sa gitna..anu po magandang option para maayos sya…

  36. good morning po doc.. ask ko lng po kung ano ang mabisang gamot kapag lumobo po ung gilagid na parang tomato.. kasi po naroot canal n po ung front teeth ko then pinajakcet ko.. sometimes po my lumalabas na maliit na bilog sa gilagid ko katabi po ng front teeth ko ung isa po sa harap tumutubo ung isa nman po sa likod ng ngipin ko.. ano po ba ang mabisang gamot para mawala po at di n bumalik,?? sana po matulungan nyo ko..

    1. Ipakita mo sa nagRCT sayo para masolusyunan agad. Babalik at babalik yan kung ang sanhi ay hindi naman nawala. Malamang na kailangan mo ipa-RCT ulit. Pagkatapos kasi ng RCT, dapat narestore na agad yan within 1 month. Kung naghintay ka ng isang dekeda bago final restoration, ganyan ang nangyayari.

  37. salamat po doc. sa advice.. kaya lng po 12years ago na po at balita ko wala na po ung dentist na gumawa ng rct sa akin.. before po wala nman po ung maliit na bilog sa gilagid ko nagkaroon lng po after 5 years ago po pero nawawala naman po xa at bumabalik.. before po sa harap lng po sa taas ng front teeth ko kaya lng po this 1 week ago po may tumubo po sa likod ng front teeth ko at sobrang nakakadisturb po kapag kumakain ako kasi nadadali po ng food.. wala po ba kaung alam na medicine para dito??

  38. doc pde ko po bang itanong nagpabunot po kasi ako ng dalawang magkadikitna bagang and after a week lumobo yung gilagid ko at napansin kong may amoy ito ano po bang pwede kong gawin ๐Ÿ™ salamat po

  39. Anu po ba dapat kong gawin kase po nagpabunot po ako ng wisdom tooth,kc po pustiso po lahat ng ngipin ko sa taas ngaun my tumubong wisdom tooth pinabunot ko yun.sabi ng dentist dto sa taiwan pde q nadw po isuot pustiso q kht d pa magaling..ask q lng po ok lng po ba na isuot q agad?kc po 3days pa lng sya eh pag sinusuot q medyo madugo ng bagya

    1. If you are just staying at home, no need to wear dentures to let the area heal. Apparently, wearing your denture at this point is too early. Talagang i expect mo ang bleeding dahil sariwa pa. Anyhow, kung kailangan mo talaga lumabas at suotin ang denture, dear Tiis ganda

  40. hi doc ask ko lang if yung dental crown pwede syang applyan ng teeth whitening??…meron po kasi akong dental crown sa front teeth ko pero parang di pantay kulay sa normal teeth ko.medyo yellowish kasi ung normal teeth ko..should i apply whitening sa normal teeth ko at pati ba sa crown?and anung teeth whitening mREcommend mo doc

  41. ganun ba….another question,,,,pag yung crown po doc medyo nangingitim sa may bandang edge sa gums anu po sanhi nun…..

  42. wala po syang metal doc…..then parang lumalabas na po dun sa pinagkabitan yung parang cement nya,nung november ko lang to pinagawa eh

  43. Hello! may itatanong lang po sana ako. ung ngipin ko po kse may sira butas sa gitna. so, gabi gabi sya nasakit. ano po ba pwde kong gawin pra Hndi na sumakit? hndi ko po ksi mapabunot dahil lage nasakit ! pls asap.

    1. Kung hindi pa umaabot sa nerve, pasta/ fill. Kung umabot sa nerve, kailangan ng ngipin ng Root Canal Treatment. Kung wala ka pakialam sa ngipin kung gusto mo isave, bunot. Kung may swelling sa area, ipapapremedicate ka

  44. hello po doc me root canal po aq sa baba ktpat po cia ng pangil sa taas ngaun po namaga po sya sb dto sa hk d dw po sucessful rct masakit po kea eto pabunot

      1. nagpabunot po ako ng wisdom tooth mga ilan araw po ba bago mgsara ung pinagtagalan?ung skin po kc 4days na ndi pa rin ngsasara napansin ko po kc litaw ung buto ko sa panga at lagi nalalagyan ng kanin pag kumakain ako..rico po to

        1. Give it 7-14 days for initial healing/ closure of extraction site. You can ask a syringe from your dentist or you can get it at any drug store (3/5 cc) to wash off debris and food particle from the surgical site. Keep the area clean.

  45. Ba’t ganun po, nangingilo po yung isang teeth ko po sa front pag uminom po ng tubig na malamig, nag start lang po to kahapon. Pero wala naman po butas ngipin ko po, bakit ganun po? Salamat po. God bless!

  46. Hi Doc,

    Pwede pa din po ba pabunut ng ipin kahit na madalas sumasakit na din ang ulo ng pasyente? Gaano po ba kadelikado yun lalo na kung nadadalas na ang pananakit ng ulo dahil sa bulok na ipin?

    Thank you in advance.

  47. hi doc. tanong ko lang po kasi yung dentist na nag bunot sakin sa bandang harapan at dalawa sa left side pinalagyan ko ng pustiso. tapos yung ngipin sa harap medyo malaki kesa sa tunay na ngipin ko. pano po ang ggawin ko.thanks po

  48. Doc magtatanong lang po sana ako kung magpapabraces po ako libre na po ba yung pagpaparoot canal nun? Nagpunta po kase ako sa dentist ko sabi niya kailangan daw i root canal yung front teeth ko, ipabraces ko nalang po kaya para makatipid sana kase may balak rin ako magpabrace niyan e. Salamat po

  49. hi doc! kanina yung 1 session ko sa RCT. tapos may nilagay na bulak na may gamot sa ngipin ko. tatanggalin ko po ba ito o hindi? nakapasok po kasi siya sa mismong iniRCT. saka pwede po bang tooth brushin yung tooth na ini RCT? and talaga po bang babaho yung hininga kapag ini RCT or dahil lamang naamoy ko yung gamot na nilagay? thank you po.

  50. hi doc, tanong ko lang po, ilang araw po ba bago gumaling ang nabunutan na bagang? tuesday pa po ako nabunutan, and pwede na po ba ako sumakay ng mga rides sa amusement park? 4 days after simula nang nabunutan ako. thank you po.

  51. hi doc, ask ko lang binunutan ang ng ngipin sa bagang banda, ngayon napansin ko po hindi nabunot un root mismo anu un possible na manyari nito? thank you po nun petsa 29 december ito.

  52. Doc ask ko lang po, kasi nag pa wisdom tooth extraction po ako last december 24, 2015, after po ng a week ok na po ung pakiramdam ko, pero nagtataka po ako kung ano po yung parang bukol sa may pisngi na katapat nung pinagtanggalan ng wisdom tooth? Anu po ba yan? Buto? hndi nanaman po kasi sya namamaga. Tapos ung sutures po ay konti nlng ang natira.

  53. Hello po! Curious lang po ako, generally speaking po ba kahit gaano kalaki ang sira ng ipin basta mag-undergo ng RCT, possible pa po masagip ang ipin at mai-restore sa dati? Ano po bang mga dapat i-expect ng pasenyente pag sinabing Root Canal Treatment? Salamat po at God bless!

  54. Hello po doc. Ano pwdeng gawin sa na root canal po yung pong teeth ay na ngitim napo? Kasi po di po tinapus. magkano po aabutin sa gastus? Kapag puba naging okay na pwde padin puba pabrace? Thank you

    1. Kailngan mong i continue at tapusin yung treatment or else you will end up losing that tooth eventually. After which, your dentist will provide a plastic jacket crown. Pwede nang mag start ang Orthodontic Treatment after such.

  55. hi doc ask ko lng po if dentures nlng ang option. ano po kaya ang magandang klase ng dentures n mare recommend niyo po. salamat po doc.

Leave a Reply