Jenie: Doc, nagkafracture yung isa kong ipin, tabi ng pangil malapit sa mga molars. May pasta siya before pero biglang nagcrack and nabasag ng tuluyan yung gilid, nakikita ko pa yung pasta pero pag kinapa ko ng dila ko, may part na butas. Sumasakit na siya ngayon, pwede pa kaya itong pastahan? kahit parang abot na sa gumline yung fracture? Hanggat maari kasi ayoko pabunot kasi medyo malapit na siya sa front teeth, makikita pag nagsmile ako na may gap. Nung pinapastahan ko to mababaw lang naman siya, kaya taka ako why bigla nabasag. Btw, pinastahan siya i think 2 years ago. Thank you
Ask the Dentist Philippines: Hi Jenie. Base sa pagkakakuwento mo, malamang na nagkaroon ng recurrent caries yang ngipin mo. O pwede ding nagcrack dahil sa may nakagat kang bato sa kanin, o iba pang matigas na bagay. O pwede ding nagcrack lang talaga, dahil siyempre ginagamit mo naman lagi ang ngipin mo. Hehehe! Hindi na yan pwedeng pastahan. Base sa kuwento mo, malamang infected na yan. Ang pwede mong gawin, iparoot canal treatment mo. Kapag sumakit na, ipaRCT mo. Kung infected, hindi pwedeng pastahan lang. Lalala lang yang kalagayan ng ngipin mo.
Ang ginagawa sa RCT, nililinis ang infected na canal, kapag malinis na, lalagyan ng gutta percha pamalit sa infected na soft tissue na inalis sa loob ng ngipin mo.
Pagkatapos ng Root Canal Therapy, depende sa laki ng sira, pwedeng pastahan o lagyan ng dental crown. Sa Pilipinas, ang cost of root canal treatment is P3,000 up bawat canal. Sa premolars, 2 to 3 canals yan. Kaya P3,000 times 2 or 3, kaya equals P6,000 – P9,000 ang gagastusin mo. Ang presyo naman ng dental crown is P5,000 up (mas mura sa probinsya). Read: Dental Crown Cost – http://www.dentalcrown.tv/dental-crown-cost/ and Fixed Dentures – http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/ for more info about dental crowns. Dapat porcelain or porcelain fused to metal dental crown ang ipagawa mo ha. Huwag acrylic o plastic jacket. Unless siga ka, pwedeng plastic jacket crown.
Pwede mo rin ipabunot. Pinakamurang paraan.
Sabi mo, “mababaw lang noong pinastahan”. Kadalasan, ang cavity, mababaw lang pag titignan mo sa ibabaw, minsan dot lang sa liit. Pero sa loob, malaki. Malamang hindi yan mababaw. Malaki yan sa loob. Pwede ding mababaw nga talaga noong pinastahan, pero nagkaroon ng caries sa loob at lumaki nang hindi mo napansin. Maihahalintulad mo sa chicharon. Hollow sa loob. Akala mo solid pa, yun pala may sira na sa loob.
Sa Root Canal Treatment nga pala, ini-X-Ray yang ngipin mo. Huwag kang maniniwala sa RCT na walang X-Ray. Ang tamang RCT, may X-Ray. Unless kayang hulaan ng dentist kung ilan ang extra canal at gaano kahaba ang canal ng ngipin mo.
Pwedeng mali ang sagot ko sa tanong mo. Kaya dapat ikonsulta mo sa Dentist at wag mo gawing absolute na tama ang nababasa mo sa internet. Karamihan ng nababasa mo tungkol sa Dentistry sa internet ngayon, hindi gawa ng Dentist. Karamihan sa nababasa mo online ngayon gawa ng simpleng writer lang o kaya mga web developer lang na gusto kumita sa ads.
Hanggang sa muli. Merry Christmas!
Doc pano po ba malalaman kung kailangan na iroot canal yung ngipin? Yung sa front teeth ko kase sumasakit pag kumakagat ako at tumatama sa lower teeth.
Isa yan sa senyales. Ipaxray mo para sigurado. For info browse : http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
Masama po ba Doc kapag hindi agad nagpa-RCT? Kase ngayon po hindi na siya sumasakit. Nung nagpa xray naman po ako sabi nung Dentist na tumingin wala naman visible na damage sa ngipin at dun sa pasta.(?)
Please read my reply.
Masama po ba Doc kapag di agad nagpa-RCT? Kase ngayon ngipin ko di na po siya sumasakit after nung huling pagpunta ko sa dentist(?) Nung nagpa xray naman po ako sabi nung dentist na tumingin wala naman daw po visible damage sa ngipin at dun sa nilagay na pasta.
Ang sagot ay masama. When the infection hits the nerve, it will spread out one way or another. Kung papabayaan mo, once na nagkaroon ng swelling yung area, it only means infection is destroying the bone underneath. Don’t let the infection sit in there kasi kung lalaki ito, mas complicated yung procedure you might have to undergo eventually.
Pwede na po ba ipabraces pag naroot canal na yung isang ngipin ko sa bandang unahan? Salamat po sa sagot.
Pwede.
Doc naka jacket po 2nd and 3rd molar ko para po may kapitan ang dalawang teeth ko nagleak po yt ung isa kong jacket kya sumasakit, e nasa mga 3yrs palang po, kung pabunut ko po ba ung sumasakit at ibalik ang jacket di napo ba pwedi gamitan ulit ung mga crown sayang po kz mga porcelain po lahat..tnx po
Hindi na pwede. Babakbakin yang existing Bridge mo.
Doc, nagpa-RCT ako ng molar. 4500 each canal. Tapos separate fee pa ang Xray, 400/xray. Eh naka-tatlong xray si Doc. Makatarungan ba yun? Nagtatanong lang po. Bka napamahal ako.
Oo.
Galing km ng anak ko s dentist kanina sabi nia ipaRCT na dw front teeth kc namaaga at sumasakit nagbebleed. Me option pdw since mahal ang ganung procedure ipabunot nlng tas ipapustiso at ipajacket nlng sb dentista. Ano kaya doc ang dapat gawin? Nagreseta sia ng antibiotics, for pain and vitamins. Thank u
If the tooth can be saved, there is a healthy bone surrounding the tooth and there is sufficient crown, I would say ipa-RCT ang ngipin then crown. AS much as possible, extraction is avoided. Your child will suffer eventually in terms of esthetics and oral function.
Doc nagpa-RCT ako n walang xray n nirecommend ung Doctor. At nka 3 canals ako.
Tama b n icontinue ko ung RCT at lumipat s ibng doctor? Or i suggest ko s doctor n ixray p din khit nsimulan n i root canal ung molar ko?
Hanap ka ng ibang dentist.
Doc nagpa-RCT n walang advise ng doctor n magpa-xray ako. At nka 3 canals ako.
Tama po ba na icontinue ko ung RCT ko khit walang xray? Or humanap ako ng ibng dentist? Or isuggest ko s current dentist ko n mgp/xray ako khit nsimulan n ung RCT ko?
Hello. Ginagawa ang root canal treatment together with dental xrays. Sorry but imperative ang xray sa Root Canal treatment. Even Endodontists, specialists in this field, would use xrays during the RCT procedure. 🙂
usually ilang days tatagal ang procedure pag mag pa root canal?
Depends sa laki ng infection. There are some cases, we can do the rct in one day. Some may take 3-4 weeks which may consist of 3-4 appointments.
Doc after akong nagpapapasta masakit ito nagprescribed ang dentist thru txt ng flanax at cefalexin. Nawala nmn ang sakit pag naikakagat pero kumikirot nangingilo pag umiinom ng tubig majnit man o malamig..ano po dpt gawin? Tnkx po
IPacheck mo. Malamang na for RCT na yan. For more info browse : http://www.denturesaffordable.com/rct/
Doc need po ba talaga ang crown pagkatapos ng RCT sa molars
Usually oo.
hi. tanong ko lang po. nagpa root canal ako last 2015. kanina naramdaman ko na nag crack sya. ano po pwedeng option?
Pumunta sa dentist is your only option kasi mag further crack yan.
safe po b ang RCT? madami po kc naagsa2bi n nagiging cause ng cancer.
Safe. Hay nako, kung nagsabi sa iyo eh professional doctor, i contest nitong doctor nito ang practice ng Endodontic Dentistry sa 236 countries worldwide. Kung paanong may FAKE NEWS online, FAKE NEWS itong nahagip mong balita.
Hi Doc, tanong ko lang po nagpa root canal kasi aq nung June lang po. 1root canal, possible po ba na mangilo parin yung ngipin na naroot canal na? Sobrang ngilo po kasi ngaun e db patay na yung ugat nito? Ano po pwede kung gawin? E yung dentist ko sa Iloilo pa tapos dito ako sa Manila.
Paxray ka. Send mo x ray sa fb ko.
Hi.
Nag pa root canal po ako . Yung ngipin ko po malapit sa pinaka bagang sa itaas. Ang kaso po sumasakit po sya. Lalo kapag natatamaan ng ngipin ko sa baba. 1 week na sumasakit. Ano kaya ang dahilan ? Ang sabi ng doctor ko umimom lang ako ng antibiotics. Eh hanggang ngayon nasakit pa din. Gusto ko sana na ipabunot nalang kase sobrang sakit na di na ako makatulog sa sakit.
Pasned ng x ray. RCT yan kaya tiyak ako may x ray yan.
Hello doc,
Yung right canine ko po dati is tumubo sa likod ng front teeth ko. And then years after nagkadecay po yung central incisors ko kasali na yung isa kong lateral incisor. Nagpunta po ako sa dentist at nabunot nya ang apat (kasali yung nasa likod), then pinalitan po ng dentures yung tatlo.
Na-save po ba sana yung teeth ko ng root canal?
( I didn’t know about it until now)
Was it possible to pluck the tooth (yung nasa likod) habang tumutubo pa noon?
Halos lahat possible basta may pera ka.
Doc.ano pong mangyayari kung hindi po kayo agad ng pa RCT agad???
Bakit ako?
Doc ano po ibig sabihin ng dressing sa rct?
Change of dressing means change of medicament applied intra-canal o sa loob ng canal. We apply wound dressing or dressing intra canal as it serves as a medicine and works as an antimicrobial agent to fight off the active infection sa ngipin. there are different sorts of bacteria we try to eradicate and sometimes irrigation alone wont suffice due to chronic infection. Hence, we add wound dressing.
Hi Doc.. Nagpapasta po ako last July 2017, ung 2nd to the last upper teeth ko po sa left side.. Ngayon po sumsakit na sya simula nung weekend pero kaya pa naman kase nawawala din naman po ung sakit.. Pero last night po di ko na kinaya kaya po nagpunta ako sa dentist knina.. Sabi impacted na daw po.. Ang suggestion po nya tatanggalin ung permanent pasta at papalitan ng temporary and then observe.. Pag sumakit pa daw po bunutin na lang pero magkakaron ng epekto sa placement ng ngipin or RCT daw po.. Pero sa ngayon po umiinom muna ko ng dolfenal.. Ano po maisasuggest nyo? Tsaka magkano na po kaya ngayon ung RCT? Sana po makareply po kayo.. Thank u po..
OKay first question, kinuhanan ba yung area of concern ng xrays?