Ask the Dentist’s Legendary Frequently Asked Questions Page
Q: Bakit po hindi niyo sinagot ang tanong ko?
A: Hindi ko nakita. Itanong mo ulit.
Q: Bakit po oks ang reply niyo? Sa (tanong?) ko?
A: Madalas kong isagot ang “Oks” sa mga hybrid na sentence. Kapag hindi nagtapos sa question mark, oks ang sagot ko. Kung minsan sinisipag ako at kinukunsulta ko ang mahiwagang bola ni madam Auring at hinuhulaan ko kung ano ang tanong ng manananong. Madalas hindi. Kaya kapag nagtapos ang sentence sa tuldok, “oks” ang sagot ko.
Q: Ang haba haba ng kuwento ko, bakit ang ikli ng sagot niyo?
A: May paniniwala akong hindi na dapat pakumplikaduhin ang simple. Kaya kung ano ang tanong, siya lang ang dapat sagutin. Isipin mo na lang kung ano ang mangyayari sa mundo na kahit hindi tanong ay sinasagot.
Jade : eh doc ok lang po ba yun kasi nga po nkadentures ung Central and Lateral Incisor ko sa upper left po.. Pakipaliwanag po kung anung magiging proseso nya. and iniisip ko po kasi kapag nagbaces po ako prang ang panget po kung may bracket ung iba tapos ung dalawa sa unhan wala..Nagegets mo po ako?? Badly need your advise po.. Salamat po ng madami..
Ask the Dentist : Ok nagegets kita.
Q: Pwede po bang upper lang ang braces?
A: Hindi. Upper at lower lagi ang braces.
Q: Pwede po bang lower lang ang braces?
A: Hindi. Lower at upper lagi ang braces.
Q: Gusto kong magtipid. Pwede po bang retainer ang isuot ko para maayos ang ngipin ko?
A: Ang retainer, sinusuot lamang pagkatapos ng orthodontic treatment. Pwedeng isuot, pagkatapos ng ortho treatment.
Q: Saan po ang clinic niyo? Ang galing galing niyo, idol ko kayo. Gusto ko kayong tularan paglaki ko. Sana makita ko kayo ngayon na.
A: PM mo ako sa FB kung gusto mo ako makita. May mas magaling pa sa akin. Minsan nagpakilala na ako sa manananong. Pero ang kulit kulit palang patient niya.
Q: Babae ka po ba? Manliligaw po sana ako.
A: Lalaki.
Q: Ilang taon ka na?
A: 17 years old. Kung minsan 18 years old.
Q: Magkano po ba ang pustiso?
A: Depende sa pustiso, sa hirap ng case, sa kondisyon ng pasyente, sa lokasyon ng clinic at sa specialization ng dentist.
Q: Bakit niyo po sinasagot kung minsan na magpalit ng dentist?
A: Iniiwasan kong magkomento laban sa kapwa dentist. Nasa batas namin na bawal magpahayag laban sa kapwa dentist. Kung sinabi kong magpalit ka ng dentist, magpalit ka na. Sorry, hindi lahat ng dentist, magaling.
Q: Doc, crush kita. Tagasaan ka ba?
A: Tagadito lang.
Q : Ang galing galing niyo Doc. Saan po ba ang clinic niyo? Gusto ko po ng natural looking na crown kung sakali na mura lang. Matutulungan niyo po ba ako doc? Tulungan niyo ako doc!
A : Magaling ako gumawa ng crown. Pero nadala na ako sa pagtulong sa kapwa. May isang pasyente mula dito na ginusto ko tulungan. May problem din sa crown tulad mo. Pero yung pasyente hindi sumusunod sa usapan. Nali-late ng kalahating araw, at umaastang siya lang ang pasyente sa mundo. Madami kaming naperwisyo niya. Para lang akong gago nakiusap sa mga kaibigan na gawan siya sa murang halaga, para lang paghintayin ng ilang oras ang dentist at maginarte. Tanong ng tanong kung kailan matatapos ang treatment samantalang hindi naman nagpupunta sa oras. Nagmamadali pero paano masisimulan ang dental treatment kung wala ang patient na gagawan? Ngayon nagback-out, binabawi ng buo ang maliit na downpayment. Perwisyo na, gusto pa ako pagabunuhin. Sa dental treatment, kailangang pumunta ang patient sa oras ng usapan. Dapat niya ding gawin ang part niya.
Q : Kapag ako ba’y nagtanong at ako’y sinagot mo, ang tawag ba sa akin ay “client mo”?
A : Hindi. Para matawag na “client kita”, dapat nakita ko ng personal ang bibig mo, Umupo ka sa dental chair ko, pumasok ka sa dental clinic ko at lalo lalo na binayaran mo ang serbisyo ko.
Q : Kapag ako ba’y nagtanong at ako’y sinagot mo, ang tawag ba sa akin ay “pasyente mo”?
A : Hindi. Para matawag na “pasyente kita”, dapat nakita ko ng personal ang bibig mo, may ginawa ako sa bibig mo, umupo ka sa dental chair ko, pumasok ka sa dental clinic ko at lalo lalo na binayaran mo ang serbisyo ko.
Jed Gregorio : Then remove ur page..mkhang wla lng pla ito..yes u have to probe that’s ur job ksi wla kming alam sa gusto mong mlaman..dba kw ngsbi na hnd u nkta ang ipin ko..e d dpat ngsabi k man lng na d ko kita ung ipin mo..oo dpat ako nlng si dentist ksi ms mkhang alam ko ang dpat iprobe sa client ko..
Ask the Dentist : Hindi kita client. Hindi ko kailangan gawin ang gusto mo, hindi ko yun job unless binabayaran mo ako para maging job ko. Hehehe!
Haha and this is entertainment π Nice one Doc!
Jen!!! Saan ka na?
Silip kayo sa bintana doc π hehehe nandyan lang ako sa tabi~tabi.
Yuuuuuuuun! π
Hahaha ansabe ni doc
Hehehe! Oks.
Can you please teach me Filipino, I tech you English? What do you think? I want to speak and write in Filipino. Thanks.
What you should do is have your panoramic x ray taken. Ask for a digital copy and send the file through my facebook. Letβs start from there. π
My nose is bleeding now. T_T
Hahaha kaya yan doc. xD
Syempre kaya yan.
Magkanu po pustiso
Depende sa madaming bagay. Masasabi lang kung magkano kung nakita na ng dentist at nagusap na kayo.
For more info, read:
http://www.denturescostguide.com/
http://www.denturesguide.com/dentures-cost/
doc penge facebook nyo
Ito ang FB ko : https://www.facebook.com/askthedentistphilippines
doc, my problem is that, tabingi na po ang face ko kc 2 bagang ko po sa lower right ang missing for almost 10 yrs, anong mga procedure po kaya ang dapat para pumantay bo ung jaw ko? how will it cost? i wanted to ask you first doc para na din ma assess ko kung cnong dentist ang pagkakatiwalan ko, kc naghahanap pa din po ako ng magaling at mapagkakatiwalan na dentist. im from general santos city po. thank you doc
Depende sa target at gusto mo. Budget din. AT siyempre dapat makahanap ka ng magaling na dentist.
Ang una mong gawin, magpapanoramic x ray ka tapos send mo sa FB ko.
hi doc kailangan na po ba palitan ang amalgam na pasta o yung gray na pasta?sabi po ng dentist dito sa amin may mercury content daw baka sumama sa pagkain ko.kaso matibay po kasi.ok po ba na palitan ng puting filler?nagtanong po ako magpabrace sa ipin ko mejo protrude po pero walang bungi. fifty thousand daw at fifty percent down at one year daw ang alignment d na rin bbunutan.doc bakit napakamahal po ng singil nya compare sa ibang ortho?d po ba overpricing?medyo marami din kc sya napuntahan na seminars.pls advise po salamat
Kung wala pang caries at ok pa ang pasta, hindi kailangang palitan.
Kung kumplikado ang kaso mo. Depende sa hirap ng case yang price.
hi dok,gusto ko lng po sana itanong kung pwede pa po ulit ako magpa brace, naka braces po ako dati kaso di po kc regular ung check up ko dhil lumipat po ng lugar ung dentist ko dati so pinatanggal ko po ung braces ko sa ibang dentist kc sira sira na ung braces ko nun.,kaso di nman nilinis nung isang dentist ung ngipin ko.,ngaun po my mga sira na ung ngipin ko.,pwede pa rin po ba akong magpa braces ulit?
Pwede pero dapat aayusin muna ang sira.
HI dok, Question lang po. pag may braces ka at may monthly check up ka .. pag adjust lang ang ginagawa at hindi kasama ang cleaning?
Depende sa napagkasunduan niyo ng dentist mo.
Luhh! Parang same kami ng situation nung jade O_O naka bridge(dentures) din un central and lateral incisor ko and may braces din ako.. at buti nakita ko din tong page na to :’3 super ang dami kong tanong :)) Im planing din kasi mag pa dental implant :’3 kaso I think kelangan ko nalang i private message sa facebook page nyo.. iba kasi case ko haha.. ayun :))
Oks. π
hi doc! pwede po ba magpa brace kahit my isang akong ngipin sa likod. kumbaga talikuran sya. o kelangan pabunot ko na po? thank you π
Pwede.
doc, natanggal po jacket crown ko sa upper front teeth and napansin ko na sobrang liit na ng ngipin at naputol pa. so ano po suggestion niyo na pwedeng gawin? tingin ko po kasi di na kaya ito ng jacket. saan po location ng office niyo? thank you.
Send ka ng xray sa fb ko.
hi doc ask ko lng po, yung ngipin ko kc my dalawang maliliit sa harap muka tuloy akong rabbit amp! anu po ba ang mas ok gawin? ibrace o ijacket?
Braces.
dok ask ko lng po, magkano po ba ang restoration? ung isang ngipin ko po kasi natapyas ang left part. mga 1/8 po cguro ng ngipin ang naalis. kaya pa po kaya ng restoration un? tapos may denture po ako, ung isang front tooth ko. sungki po kasi cia kaya pinaalis ko. ayaw ko na din po ng denture, may mas ok po ba na solution maliban sa implant? wala po kasi akong ganong pera. mga 5k to 8k lng po kaya ko. sori dok if kuripot ha! liit lng po kasi salary ko e. thank u po.
Send ka ng photo sa fb para makita ko.
Pogi hahahaha
Naks thanks. Ikaw yata ang nanay ko ah. Ikaw ba yan inay?
Hi dok! yung ngipin ko po pala medyo crossbite siya tapos instead na may ushape siya straight lang po. maaayos po ba ito ng braces? thanks
Yes.
Gud day po dok!! Angela p0 i2 from laguna.. Nakajacket po ngipin ko sa taas(front), napansin ko po na ndi na po cia fit sa gums ko, ano po ba dpat gawin? Dapat ko po ba papalitan ung jacket ko, at magkano po kaya pagpapajacket bale 4 po un? Salamat po
Nakafit ang jacket crown sa ngipin. Kung sobra at tumutusok o sumasakop sa gilagid, mali nga yan. Oo, papalitan mo. Dapatding makita kung healthy pa ang ngipin. Kaya ang pinakamabuti mong gawin, ip-x-ray mo muna, tapos send mo sa FB ko.
Follow-up question po,
Ok lang po ba magpabrace ng lower teeth lang? Nkabutterfly po kc ngipin ko sa ibaba (front), eh nkajacket nga po ung upper front teeth ko? Thank u po
Nakakatuwa ka. Nagreply ka sa FAQ, pero hindi mo binasa. Yang tanong mo ay siya mismong isa sa FAQ. Nararamdaman kong may dugo kang SPartan. Dahil ang mga Spartan, hindi talaga nagbabasa. SUgod lang ng sugod. Sugod. Sugod. π
Ai sencia na po! Ndi ko po talaga nabasa ung msg ng iba! Hehe cge po tingnan ko na lang! Sencia na po π
Ha? Hindi ng iba. Ako. Nasa taas. Nanalaytay sayo ang Sparta.
Hi po. Yung magkabilaang molars ko po ay napastaan na po parang 2 years ago . Pero natanggal po yung pasta at ngayon po ay parang halos maubos na po yung ngipin ko. Sabi po nung dentist ko noon na tanggalin na lang daw. Ano po ba yung mabuting advice nyo po dahil gusto ko na rin pong maayos ang mga ngipin ko.
Kung healthy pa ang molars mo, ipapasta mo ulit or Jacket Crown.
Hindi na po talaga.
Ano ang hindi?
doc π help namn po kasi kahapon thur (may 23, 2013) nag down ako ng 6k for the braces up lang then di pa nia nakakabit ung braces sabi po ng secretary niya tom pa may 25, 2013 ikakabit yung braces ) eh ngayon po gsto ko sana irefund yung downpayment ko.. pde pa po ba yun? kasi sbi po ni dra. na hindi na daw po pde irefund dahil na deliver na daw yung braces? paano po kya yun? ang mahal po ksi nia maningil doc π
Mura ang 6 K na downpayment. Usually, 10 K to 20 K ang downpayment. Hindi ko masyadong maintindihan yung “6k for the braces up lang then”. Ano ang “braces up lang then”? Tagalugin mo na lang, Filipino naman ako.
haha doc ganto po ksi yung pinag usapan namin 6k ung down payment ko tapos 2k monthly for 4 months then after 4 months doc 1k na ibabayad ko. doc yung taas lang po ung papa brace ko. may nakita po kasi ako dito samen mas mura kaya gsto ko po sana lumipat kaso nkapag down payment na po ako? mababawi ko pa po ba yung dinown payment ko kahit sabi ni doctora na na deliver na daw po yung braces ko? eh di pa namn po nakakabit ehhe π
Upper at lower lagi ang braces. Palpak agad yang treatment mo pag upper lang. Dito ka nagpost sa FAQ. Binabasa mo ba itong FAQ? Nandito malinaw nakalagay, Upper at lower lagi ang braces. Lagi. Lagi. Maliban na lang kung wala kang ngipin o halos wala ka ng ngipin sa upper and vice versa.
Haha.. natawa naman ako.. astig po mga sagot niyo. Magpapabrace din ako sa katapusan sana maging successful 10k ang downpayment ko.
Successful yan. Habang may buhay may pagasa. Lalo na’t may dugo kang Spartan.
doc pag ba masakit na yung ngipin na may sira wala na chance mapastan? ano po ang choice ko kung hindi na pwede?
Depende sa kung ano ang dahilan ng pananakit ng ngipin. Kung iyan ay dahil infected na ang pulp, dapat i-rct.
Tingin ko infected na. Pag na rct na, pwede na pastahan o jacket na?
Dear Master Yoda. Ang force ay nasa sayo. Ang sagot, pag na rct na, pwede na pastahan o jacket na.
Hahaha! Syempre pasta na lang para mura. K. :))
Oks.
Doc, pwede po ba magpalagay ako braces kahit my jacket po ngipin ko sa harap upper and lower po? thanks po..
Pwede. Pero hanap ka ng magaling na dentist para alam ang gawin sa case mo. Hindi yan tulad ng karaniwang kaso na wala pang mga jacket. Ito recommended dentists ko: http://www.askthedentist.tv/clinics/
Haha idol ko na si Doc nag tanong pa tuloy ako sa isang page kung asan ang clinic nio, gusto ko lng malaman san clinic nio Doc eh! kc ang kulit kulit sumagot!!
Nandito ako sa puso mo.
Pwede ba i like lahat ng reply mo dito doc. HAHA
Pwede. Lalo na’t isa kang magandang babae, para malike din kita. π
haha. yun din naisip ko Yan, maglike ng comments.kulit ni Doc, pero sinasagot din naman. doc, medyo nahilo nako sa mga dental terms kababasa. Married na si doc malamang
Hindi pa. Bakit, manliligaw ka? π Pwede mo ako ligawan sa FB.
Nkakatuwa ung mga reply nyu hehe:-)
Ako po my tanung.. 3 pong ipin ko sa harap pustiso pwd bp ko mag pakabit
ng braces??
Yes. Hanap ka ng magaling na dentist, para alam ang gagawin sa case mo. HIndi yan ordinaryo na kaso.
Doc ! May nagsabe sakin na parang di reliable na dentist puedeng maalign yung teeth ko without using braces
Unti lang kase parang urong abante lang ng slight. Hahahah
So, puede nga po ba? Magkano naman po kaya?!
Maghanap ka ng ibang dentist.
Doc ung bagang ko sa lower is wala na ung 10 ngipins hrap ntira pero feeling ko nangkkron n ng space kc bga la n ngipin s loob.. Tas ung taas 2 lng ang nbunot .. Ayw ko din mgka space anu ggwin ko .. Tnx doc
Magpapustiso.
very informative and entertaining ang page ni doc… sarap magbasa… pero magaling din naman ang dentist ko kaya sa kanya na lang ako magtatanong dahil kabisado na nya ang bibig ko at mga ngipin ko…
more power sayo doc and more patients… and patience sa mga makukulit na nagtatanong…. hehehehe…
Thanks.
Pwede po ba magpapustiso within a week after bunutan?
Possible. Ang purpose ay “healing”, “immediate”.
Hello po Doc.. gusto ko po sana magpa fixed bridge.. 3 na pong clinics pinag tanungan ko.. ang presyo po nila ay 10,000 kada crown.. 2 po yung missing teeth ko sa harapan.. so 4 na crown daw po, that is 40,000 all in all… Is that a reasonble price? May maire-recommend po ba kayong dental clinic sa Marikina? Thank you po….
Anong klase ng bridge yan? ANong material? All ceramics or porcelain fused to metal? Tilite metal ba?
Porcelain fused to metal po… ganun po ba ang usual na price?
Kung Tilite ay oo.
Ano po ba mas magandang klase? Porcelain fused to metal or tilite metal?
Syempre yung mas mahal.
Doc, magandang klase po ba ang VITA VMK for fixed-bridge??? Yung dentista ko po kasi yung ang sinuggest nya.
Malamang ng porcelain fused to metal yan. Yang tinutukoy mo ay brand ng panlabas na layer na porcelain. Ang kagandahan ay nakadepende sa gagawa. Pero sa materyales, pinakaok ang all ceramics dahil walang metal.
Opo porcelain fused to metal nga po.. 2 po yung missing teeth ko sa harapan pero 6 crown ang ikakabit, yun daw po kasi ang tama.. at ang presyo eh 30,000 kasama na po yung temporary crown. Okay po kaya yung ganun doc?
Kung okay ay nakadepende sa galing ng dentist mo.
Doc, normal po ba na ang process ng pagawa ng fixed-bridge eh na sa 1 linggo lang? At 1 to 2 sessions lang po? Normal po ba yung ganun??
Possible. Kung 2 whole days yun, kung ako kaya kong gawin yun. Kung may Masteral ng Prosthodontics ang dentist mo, possible yan. Kung may Masteral siya, at may sariling lab sa clinic niya, possible na isang araw. Pero mahal ang ibabayad mo dahil ikaw lang ang magiging px niya sa araw na yun. Usually, ang lab works ay ginagawa kapag vacant ang time (halimbawa gabi).
Pero kung ordinary dentist lang, at gusto mong makatiyak, don’t rush. Tandaan mo, ang minadali, pangit.
Dito po ako nagpagawa sa Ortho_ sa Marikina. Sana nga po maging maganda ang result kasi kinakabahan po ako…hehe
Maraming salamat po Doc sa pag entertain sa mga tanong ko po. God bless po Doc~^^
Oks.
Doc, normal po ba sa temporary crown na apektado ang pag sasalita? Likes sa letter S ko po, masyado syang mahangin at ndi ako makakain… ndi po ako makanguya.. plastic po yung temporary crown ko…
Syempre hindi normal. Pero madalas mangyari yan lalo na’t naghanap ka ng cheapest crown. Symepre kung pati temporary crown eh pagkakagastusan ng dentist mo sa materyales at pagkakagawa para maging perfect temporary crown, malulugi na siya.
Doc, nakabit na po yung permanent crown ko po.. okay naman po sya, halos kakulay ng natural teeth ko… kaso normal po ba na parang naiilang ako magsalita? Para po akong na-concious ako. Ndi po ba basta lumuluwag yung cement basta basta? Nag aalala po kasi ako na baka matanggal or lumuwag kagad kahit okay pa yung crown.
Kung matanggal ipasemento mo lang ulit. Walang permanent na bagay sa mundo.
Pero normal po ba yun na kakalagay palang, wala pang 1 week feeling ko po maluwag na yung crown.. normal po ba ito or pakiramdam ko lang dahil nanibago ako? Magkano po kaya ang presyo ng cement for crown.. 6 na crown po yung akin. Thank you po.
Temporary crown yan di ba? TEMPORARY. Base sa nakapost, TEMPORARY CROWN. Kaya malamang TEMPORARY CROWN nga yan. Temporary, sa tingin mo dapat ba tumagal?
Sorry po doc, ndi ko na ispecify.. permanent crown na po doc, nakabit last sya last wednesday. Pero pakiramdam ko po maluwag na po. Ndi po sya natatanggal pero kapag nagsasalita ako feeling ko matatanggal po sya. Normal po ba ito or naninibago lang po ako? Pano nyo po ba malalaman na ndi maganda ang pagkaka cement?
Ipa-x ray mo. Clear na x ray. Send mo sa FB ko para malaman natin kung maganda pagkakacement o hindi. Hindi ko mahulaan, hindi ko makita kahit anong describe mo. Wala pa naman akong power ni Madam Auring para mavisualize ko.
HIndi natatanggakl pero feeling mo matatanggal. Dapat kang magdecide kung ano nga ba. Mahirap yang hindi ka sigurado sa sarili mo kung ano nga ba ang ano.
Hello po.
Under RCT po ako kaya po di ako malagyan ng braces, medyo nagiging hopeless na po ako kasi October pa ako nagpapabalik balik, meron pa po bang alternative na way?
Thank you.
Send me an x ray.
hi doc, ask lang po ok lang po b n di lagyan ng molar band yun dulo ng ipin?thanks po
Hindi ok.
Doc
Zhai
Dr. Kkpabrace ko lng po nung april 20, 2014, my jacket din po ako kaso po lge po nttanggal ang bracket crown ko po, ibinalik ko po knina, tpos po ang gnwa nila po sa crown ko inukaan po ng konti pra daw po dumikit, kaso po hindi p po ako nkkauwi ntanggal n po ulit. Ngdecide nlng po yung dra na tanggalin nlng po ang bracket. Dr. Plsss help me nman po ok lng po b yun? O kelngan ko na po lumipat ng dentist? My irerecomend po b kyo? Pls dr. Naubos ang ipon ko sa dp ng braces ko po. Nadedepress n po ako.
Madalas mangyari yan kapag naghanap ng cheapest. Kulang pa ang kaalaman ng dentist mo.
paano po kapag hindi napapalitan ung corwn every 5 years, anung mangyayari s ngipin or s gums ?
Ipacheck mo sa dentist kung ok pa. Madalas kapag umabot na ng 5 years, may caries na or may crack na.
Gusto ko po lumipat nlng dr. Sayang sa loob p nman cla ng sm malls nakapwesto. Plsss help me dr. Near fairview po ako. Ndedepress n ko, bukod sa malaki na idown payment ko hindi po ako satisfied sa service. Help dr.
Oks. Hindi kita matutulungan tungkol diyan. Ikaw na ang bahala sa diskarte mo. Labag sa batas ang dentist vs dentist.
Anu po name ng clinic nio?
Then, my sungki po kasi ako sa unahan sa taas na part ng teeth. Ko ano po kya mganda gawen?
thank you po.
Recommended dentists: http://www.askthedentist.tv/clinics/
Doc gud pm!!! Tnong ko lng po sna doc kung magkanu ung teeth whitening na bright smile? Tnx po doc.
Nasagot ko na ang tanong mo sa FB?
This one is entertaining. hahaha
Walang tulugan!!!! π
doc pede ba ako nalang mag bubunot ng ipin ko grabe na talaga yong oga.onti nalang matatanggal na talaga paano po gagawin ko? huhuhuhu…bawal ba na ako nalang doc ?ayaw ko ipabunot dahil mahal po dito magpabunot d pa po dumating insurance ko.
Pwede. Tatagan mo lang ang loob mo. Puso! Puso ang kailangan!
ask ko lng po pde po b ipa brace apat po n ngipin pustiso pde po b ipa brace yun? mgkno po aabutin mga 100k po b?
Pwede. Pero waste of money na. Pagipunan mo na alng dental implants: http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
Hahahaha! Oks! π
Oks.
Magkano po isang pustiso sa left lateral?..
..ung pinakaminimum… At pinakamahal..
Please reply kahit estimate lng po…
5K pataas. 500K ang pinakamahal.
…ilang taon po pala bgo palitan ang pustiso.. Itong left lateral.. ..
Every 5 years.
Tnx for the reply po..
Oks.
Hello! Nung nagpalagay po ako ng brace sa taaslast 3weeks paguwi ko po may tanggal na isa tapos nung next friday kinabit na yung baba tas natanggal is 3 brackets na hindi naman ako kumakain ng hard foods, natatanggal siya kapag natutulog ako. And then kahapon na yung appt ko sabi ng dentist ko ingatan yung pagtanggal ng brackets ksi pag paulit ulit daw yun mawawala yung pagka alignment ng braces ko. Ngayon pag gising ko natanggal na naman yung back bracket ko sa baba. Pano po gagawin ko? Natatakot po kasi ako baka tanggalan na ako ng braces tas magbabayad na naman ng bago. Pls reply
Send photo ng ngipin mo sa fb ko, tignan ko. Yung malinaw na photo.
Hi, Ask ko lang po paglumipat po ba ng dentist kelangan bayaran ung natitirang balance sa dating dentist? nalaman ko kc na hindi talaga xa orthodontist, hindi nya rin ako hiningan ng xray, at first sabi nya upper lang ang ibrace, then suddenly biglang upper and lower na, tapos hindi xa nag ggloves at may nahulog na coil pero hindi nya hinugasan at kinabit nya sakin, at ang nakakatakot po eh naninigaw….. papano po ggwin ko…thank you!
Hindi ako pwedeng makialam sa kaso mo. Kung wala kang tiwala sa dentist mo, alam mo na ang gagawin.
hahaha ang galing ng mga reply ni Doc π Awesomeness !!
ie kaso hnd nyu po nisasagot tanong ko Doc kakatampo na kayo ee -__- hahaha π
Oks. π
Hi doc ano po magandang brand ng bracket para sa brace
Wala. Nakadepende sa dentist ang success ng braces.
Hi gudpm po..ask q lng po kung ano po bng posibleng mangyari sa ngipin o gums pag ngpalagay ng braces sa d lisensyadong dentist delikado po b un? Salamat po…
Syempre delikado. Para kang nagpaopera ng puso sa karpintero. For more info read:
http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
http://dental.tips/dental-braces/
Hi doc! Ask ko lang po sabi ng dentist ko 6k daw yun pure porcelain sa isang tooth para sa jacket ko. Tama po ba price niya? Wala po kasi akong budget kapag sobrang mahal student lang po ako. π
20K pataas ang all porcelain. Malamang na hindi yan all porcelain :
http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
http://dental.tips/dental-crowns/
Pwede b ppsta khit my brace?
Depende sa lokasyon ng sira.
Saan po kayo sa Quezon??
Clinic info: http://dentistquezoncity.com/
Magkanu po pag permanent ung pustiso??
Walang permanent na bagay sa mundo. ANg info ng clinic ay nandito : http://dentistquezoncity.com/
Pwede po ba makuha contact # nyo
Clinic info: http://dentistquezoncity.com/
tanong lang po,may sira ang ngipin ng anak ko sa bagang na mamaga po ito.7 taong gulang po sya.kailangan na po bang bunutin ito?
Makikiata sa xray kung ano ang pwedeng gawin.
Dentist , pwde po bng mgpapostiso bga pasta?
Pwede. Read : http://www.denturesguide.com/
doc sa teeth whitening po ba kasama rin bang puputi ang bagang o lahat lahat ba damay sa puti? thanks doc
Usually hindi isinasama ang bagang,
doc, hindi madilaw masyado ang ngipin ko pero gusto ko po ng puting gaya sa commercial .. sa ganung kaso lalagpas po ba ng 15k magagastos ko ? thanks
Send photo sa fb ko. Quote mo itong tanong mo.
Good Evening po!
Ano po ba ang pangtnggal sa jacket, ung pnkang cement nya.
Sa dentist mo ipapatanggal.
Doc bakit ganon kabbupabunot ko lang kahapon tapos, Nag stop na ung pag bbleed nya. Then ngayon nag bbleed ulit tas parang lumabas ung laman pag nassagi ng dila ko nag bbleed sya. Hndi ko lang po alam kung laman lang sya or bulak na natira. Color black na mared ang kulay nya e.
Hayaan mo lang. Wag mo dilaan nang dilaan. Wag mo din sungkitin.
Doc, plano kong ipa fixed bridge ang 10 units sa taas pero suggestion ng dentista eh ipa-brace muna daw ung lower para ma correct ang bite tapos tsaka nila ilalagay ung bridge base sa posisyon ng ipin sa baba. ganun po ba talaga ang procedure?
UPPER AND LOWER PALAGI ANG BRACES.
Good day po Doc., ask ko lang po kung pwede po ba mag pabunot kapag highblood? salamat!
Yes and no. Your doctor will have to gomover your medical history, medication, and will take your bp to evaluate your condition. If you didnt pass the evaluation, the doctor will give you a medical clearance to be signed by your physician that will give us a cue if its going to be safe or not kapag binunutan ka
Bakit po “pasta” ang tawag sa dental filling?
Dahil yun ang naisip ng mga sinaunang pinoy.