May naiwan na ngipin

Mikee : Doc yung wisdom tooth ko po medyo may sita na pero di ko pa mapasched ipabunot. Kagabi po kumakain ako naikagat ko sa matigas ayun nabasag po. As in natanggal na po yung ipin pero may naiwan po yung sa loob. Pano.po ba gagawin? And usually magkano po aabutin? Thanks po..

Ask the Dentist : Pabunot mo. 5K pataas.

Mikee : Paano po maging procedure nun doc. Hihiwain ba yung gums para makuha yung naiwan? Mahal pala..huhuhu

Ask the Dentist : Oo.

Anong ways para gumaling ang pinagbunutan ng ngipin

Brecca : Doc ..
Ano anong ways na dapat gumaling ung pinagbunutan ng front teeth ??

Like ice cream ..

Tnx in advance

Dr. Jesus Lecitona : Inumin ang inireseta. Hintayin gumaling.

Brecca : Mga ilang days po

Dr. Jesus Lecitona : 2 weeks usually.

Pwede ba bunutin kapag sumasakit

Shy : Hi doc. pwede po bang bunutin ang ngipin pag sumasakit? nagstart po ako antibiotic last tuesday, bali pang 3rd ko na ngayon at sumasakit pa din po.

Dr. Jesus Lecitona : Ipacheck mo sa dentist kung pwede o hindi depende sa lala. Ipacheck mo na din kung pwede pa masave sa pamamagitan ng RCT. Read : http://www.denturesaffordable.com/?s=rct&x=0&y=0

Kailangan ba ng Surgery

Lhyne : hi doc good pm.ask ko lang po kasi nagpabunot po ako nung saturday ng ngipin. then yung ngipin po na binubunot ay naputol kaya yung ngipin po ay naiwan po sa loob ng gilagid po. pano po matatanggal?
masakit na po kasi pag kumakain ako

Dr. Jesus Lecitona : Pabunot mo.

Lhyne : need po ba surgery?
kasi nkalubog na po talaga sa gums need po ba ng surgery

Dr. Jesus Lecitona : Oo.

Pwede na bang magpabunot ang kakapanganak

Stefhanie : hello tanong ko lang po kung pwede na po ba ako magpabunot ng ngipin kapapanganak ko lang po by c-section 3 weeks na po kami ng baby at breastfeed po ako . Sobrang sakit na po kasi magang maga na po yung pisngi ko ilang araw ko na po ito iniinda di rin po ako makatulog ng maayos at makakain sana po matulungan nyo ko. Salamat

Dr. Jesus Lecitona : Hingi ka ng clearance mula sa physician na nagpaanak sayo.

Stefhanie : pero pwede na po magpabunot

Dr. Jesus Lecitona : Hingi ka ng clearance mula sa physician na nagpaanak sayo kung pwede ka na magpabunot.