Michiko Jeffnix: bakit ho kailangang makuha ang na remain na ngipin. ano hong pwedeng mangyari kung di nakuha?pls repz po
Ask the Dentist Philippines: Yung natirang parte ng ngipin ay magiging source of infection.
Itanong mo sa Dentista!
Michiko Jeffnix: bakit ho kailangang makuha ang na remain na ngipin. ano hong pwedeng mangyari kung di nakuha?pls repz po
Ask the Dentist Philippines: Yung natirang parte ng ngipin ay magiging source of infection.
Michiko Jeffnix: just want to ask f it is okay na after mabunutan i may natira ang a little lang na ngipin according to the dentist. tapos tinahi cia dahil daw malakas pagbuga ng dugo. its more than 7 days still hindi pa rin nag clo-close yung wound. please do help. thanks.
Ask the Dentist Philippines: Hi Michiko. Normal lang na tahiin. At normal ding itigil muna ang pagtanggal ng ngipin kung may nakita ang dentist na hindi normal na sitwasyon. Normal lang ang ginawa niya nang mapansin niyang malakas ang pagbuga ng dugo. Pero dapat tanggalin niya ang natirang ngipin kapag naging normal na ang kundisyon mo. 🙂
Kate: Follow up ko lang po sa wisdom tooth na root na lang ang natira sa gum. Oral surgery po ba ang gagawin doon? May idea po ba kayo kung magkano magpabunot ng ganitong condition? May diabetes at hypertension po yung magpapabunot.
Magkano din po ang pagpapalit ng silver filling gagawing white filling? Dapat po bang palitan pa o huwag na lang?
Salamat po.
Cavite Area or Alabang Area po sana may mai-suggest kayong honest at magaling na dentist.
Ask the Dentist Philippines: Hi Kate. Thanks for visiting our website. Yes. Odontectomy ang tawag, which is a type of oral surgery. Mga 5,000 to 10,000 pesos depende sa kakumplikaduhan ng operasyon. Kung may diabetes, dapat makontrol muna. Hypertension, dapat sa hospital ka magpabunot niyan. Punta ka sa PGH. O kaya sa Mary Chiles Hospital sa Gastambide st malapit sa University of the East.
Continue reading “Odontectomy”
Krueger: Tanong ko lng po kung pano po matanggal ung nakabaon na ngipin sa gilagid po kc nag nana na po ung gums ko.
Ask the Dentist: Kung may sira at nagnana, matatanggal iyan sa pamamagitan ng pagpapabunot nito sa Dentist. Dentist dapat ang magtanggal niyan. Huwag mong ipatanggal sa albularyo, huwag mo din ipatanggal sa mga kalaro mo. Kailangan dentist ang magtanggal niyan para makita niya kung dapat ngang tanggalin. Salamat sa tanong mo Krueger. Bisitahin mo na ang Dentist mo. Now na!