Kulay white sa gums ilang araw matapos bunutan

Charmaine : nagpabunot po kc ako ng ngipin kahapon and hind naman po nasakit ngayun.,pero parng merong maliit n nana n kulay white sa gums ? Delikado po bayun ? And doc pwede po ba mgpasukat ng denture after 3days binunutan?

Dr. Jesus Lecitona : Yung white na yun ay pagsasara ng sugat. wag mong galawin para magsara agad. Mabuti nyan kapag wala nang dugo. Ang pinaka oks na panahon para magpasukat ay after 6 to 8 weeks.

Gustong ipush ang lower na Ngipin

Rose ann : Hello po doc.tanung ko lang po anu po bang treatment sa ngipin f ung lower part is nauuna sa upper part..may possibility p po b na Mapush in ang lower part para ung upper part ay umuna…thanks in advance po.

Dr. Jesus Lecitona : Depende sa lala. Usually kaya na “ipush” sa pamamagitan ng braces. Pero kung sobrang lala, dapat icombo sa maxillofacial surgery.