Sthepen Cohen : Dok! Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Ang tanong ko po ay: Mahal ba talaga ang root canal treatment?
Ask the Dentist : Hi Sthepen Cohen. Oo, nasa mabuti akong kalagayan. Nasagot ko na ito dati: RCT Cost. Mura ang root canal treatment kung long term ang iisipin mo. Kung ang plano mo ay mabuhay pa ng matagal, mura ang root canal treatment kumpara sa ipabunot mo saka bridge o pustiso. Mas conservative ang onlay or crown para sa na-root canal na ngipin kaysa pustiso sa bunging ngipin. At mas masarap ipangkain ang ngipin o ngipin na may crown kaysa sa bridge o pustiso. Basahin mo na lang ang inilink kong post para sa impormasyon.
Hi doc maraming salamat sa site nyo at very informative.
Hingi lang po sana ako ngi advice, nag pa-filling ako ng lower molar teeth ko last month but within 4 days sumasakit po ipin ko. ibinalik ko sa dentist then binawasan nya yung pasta, nawala ung sakit pero after 2 weeks sumakit nanaman ipin ko. Unang tanong ko po paano malalaman kung mali lang yung pagkaka-pasta nung dentista o talagang dapat ipa-RCT na ang ipin? sabi kasi niya sensitive lang daw ung ipin ko kasi malaki yung sira before pinastahan. kung gusto ko daw ipa-root canal ko raw. nandito po ko sa Singapore ngayon and plan to see dentist in Philippines sa Dec kasi mahal yung singil nila dito which is $800 SGD o P26,800 wala pa crown, kaso iniisip ko baka lumala pa yung case. Second question po may possibility po bang mahawa yung katabing ipin ko? or worst case ano po effect kpag pinatagal ko bago mag-pa-treatment? lastly kung sa pinas ako mgpapa-RCT aabot din po ba sa ganung halaga kung sa Manila ako mgpapagawa?
Pasensya na po mahaba kwento at madaming tanong. Maraming Salamat po.
Ang palaging nangyayari, kapag may sumasakit saka lang pumupunta ang patient sa dentist. Ang problema, kapag may masakit, involved na ang pulp or malapit na sa pulp ang caries. Kapag malapit na ang caries sa pulp, ang pagpapasta ay parang sugal na. Kahit gaano kagaling ng dentist mo. Pwedeng lumala, pwedeng mawala ang sakit. Kung sumakit ipa-RCT mo.
Para sa second question mo, hindi mahahawa. Pero possible na may caries rin yan. Ipacheck mo.
Kung malapit ka naman nang umuwi, dito mo na lang sa Pinas ipa-root canal treatment. Mas makakamura ka nang higit. Mahal talaga ng dental treatment diyan sa Singapore. 😀
salamat po sa mabilis n reply ninyo doc. sana kayanin ko pang i-bear ung sakit kasi mas tiwala tlga ako sa filipino dentist. nung nag pa-filling ako sa dentist dto wala pang 30 mins tapos n dalawang ngipin ang pinastahan para pong minadali kaya prang nde ako secured sa gnawa.
Kung masakit yan, at binagalan niya ang paggawa, at nakanganga ka ng apat na oras para sa 2 ngipin, matutuwa ka kaya? 🙂
ok po got your point. salamat po ule.
You’re welcome. 🙂
Hi doc ask ko lang kasi naaksidente ako 11 years ago. Ngpustiso po ako. 2 front teeth. Pw walang pede po ba un ipajacket pa. Ano meaning pi pag jacket. And wala ba ung bakal na kakapitan at gums? Mga how much po?
Pwede sayo ang bridge or implant:
http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/
http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
Kung magkano ay depende sa klase ng bridge, lugar ng c;inic, galing ng dentist at bilang ng bungi. Pwede ka bumisita sa clinic kung trip mo : http://denture.cheap/