Temporary Pasta

Vharry : Doc gusto ko po ipakita sainyo yung picture ng napastahan kong ngipin, mejo alanganin padin po kasi ako mag patingin dito kasi hindi po Pilipino yung mga dentist dito, natatakot po ako ng baka pag praktisan lang ako, eto po, sana po matulungan nyo po ako salamat po ulit. . .

Temporary pasta
Temporary pasta

Ask the Dentist : Eh hindi ka pala sumunod sa sinabi ng dentist mo eh. Kaya naman pala sumakit. Base sa picture na iyan, pinapabalik ka ng dentist mo. Pero hindi ka bumalik.

Vharry : Sir wala po sinabi sakin na bumalik ako, kung sinabi naman po nya na bumalik ako babalik ako ee
Kaso po wala talaga
Loko yung dentist na yun aa, doc ano po maipapayo nyo?

Ask the Dentist : Hindi ka din nagpalinis ng ngipin. Magdudugo talaga yan, may gingivitis ka din.
Sigurado ako pinapabalik ka.

Vharry : Doc wala po talaga sya sinabing bumalik ako di pa naman ako ganun makakalimutin para diko matandaan yung mga sinabi nya, ang sinabi nya lang sakin ee ” temporary lang yung ilalagay ko sayo, maganda din naman to at tumatagal so nga nga, ” pag kanga nga ko nilinis po nya yung butas ng ngipin ko tapos nag halo sya ng mixture na ilalagay dito sa ngipin ko, tpos nung pinasta na nya ko tapos ayun po after ng pasta pinirmahan na nya yung kelangan ko para sa requirment ko tapos pinaalis n nya ko, ayan po yung nangyari

Ask the Dentist : Alright. Yun ang sagot temporary. May 2 option ka. IpaRCT mo or ipabunot mo.

Vharry : maraming salamat po doc:) ee yung about naman po sa gingivitis ko?? pano po kayang treatment ang pwede gawin?

Ask the Dentist : Magpalinis ka ng ngipin nang madalas. Twice a year.

Vharry : sige po doc maraming salamat po… last question po doc, mag kano po kaya ang rct?

Ask the Dentist :
http://www.askthedentist.tv/root-canal-treatment-rct-canine-tooth/

2 thoughts on “Temporary Pasta”

Leave a Reply