Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Itanong mo sa Dentista!
Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Hi goodday po doc! Pwede ko po ba ipabunot yung sungki ko kaso may sirang ngipin po sa tabi nya dalawa po sa bandang unahan sa upper teeth po. Thanks po
Pabrace ka para hindi ka magsisi balang araw.
Doc magkano poba Yung dental bonding?na putol po kasi ngipin ko sa gitna
Iba iba. Masasabi lang sayo ng pupuntahan mong dentist kapag nakita na nya. Read : http://costdentures.com/ask-the-dentist/ceramic-veneers/
Lalabo po ba ang mata kapag binunutan ng bagang sa taas?
Hindi.
Doc pede na po ba magpabunot kahit 4 months palang since nanganak ako ? Salamat po
Oo pwede na.
Hi doc pwede po ba magpa brace kahit walang damage naman ang ngipin?
Oo mas mainam.
Doc, matatanggal po ba ng kusa yung natirang ipin? and normal lang po ba yung blister like sa tabi ng binunutan na ipin? Thank you po!
Ipabunot mo soon
masakit po ba kung magpabunot po ako sa second molar ng ngipin ko (ung ngipin katabi ng widom tooth ung pangalawa sa dulo)?? medyo malalim na po kasi ung bagang dun eh
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam. 🙂
Hi po. Meron po akong tmj pero Hindi pa po ako nakakapag pagawa ng mouthguards para sa tmj.May liga po ng basketball saamin. Pwede po ba ako gumamit ng mouthguards na pang basketbal para sa liga
Hello Raphael! Lahat naman tayo may TMJ (Temporo mandibular joint) or Jaw Joint. Ideal yang mouthguard sa gaya mo na nag lalaro ng basketball for preventive at protective reasons. Pwedeng pwede kang gumamit. Mas maganda kung custom made para maganda ang fit at comfortable. See your dentist about this!
Hi dok
Thursday po nagpabunot ako sa bagang. Napansin ko lang kasi hanggang ngaun po naka open pa din yung butas or laman sa nabunot. Normal lang po ba yun na matagal ang hilom or mag close ung parte na laman dun sa bagang ko.Medyo nararamdaman ko pa din kasi na masakit siya kahit nabunutan na.
salamat po
Oo, 2 weeks or more.
Pwede po ba mag pabunot ng ngipin kahit po puyat or walanv tulog
Hindi.
Doc,nagdugo po and ngipin ng lolo ko,Hindi po natigil,ano po and gagawin ko
Ipunta mo sa dentist .
Doc good afternoon pwede bang uminom nang alak pag ka tapos mag pasta sa fron teeth
Oo.
Doc goodmorning po ask ko lang po kung ano pwedeng gawin sa front teeth ko na may 6 na bungi na mag kakahiwalay . Nahihiya na po kasi ako sa sarili ko . Sana po matulungan nyo ako . ?
Ang best na ma-advice / recommendation ko sa iyo is to condition your mind that you need to see a doctor to fix your case. Next mong gawin ay magpaschedule ng appointment. Kung wala kang personal dentist, may mga recommended dentists kami based on the location.
Goodmorning doc ask ko lang po kung ano dapat gawin ko gawin s front teeth ko sa taas na may 6 na bungi . Sana po matulungan nyo ko
Dentures. Pwede ding implants. Read : http://www.dentures.com.ph/
http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
Hi Doc Meron po tumubong parang bukol sa labi no, nung u a nakakagat no lang labi ko tapos hanggang sa naging singaw at nung gumaling naging parang lobo na to pero may puti laman at a in sa loob doc.
Oks.
Good morning po ask ko lang po kung pwede papo ipasta yung apat na ngipin ko sa harap kase maitim napo eh ayoko po kaseng magpabunot pwede papo ba ipasta yun
Patingin. send photo sa fb ko.
Good day anu pong gamot sa nana sa ngipin sa pinakadulo po.. Sa gums
Depende sa kung ano ang dahilan ng pagnanana. Patingin ka sa dentist para maresetahan ka ng pwedeng gamot.
Hi good day po
Ask ko lang po sana kung pano po yung gagawin if nabasag yung ipin sa harap medyo malaki yung nabasag
Send photo sa fb ko.
Good evening po doc. Lampas 1 month na po ako nagtitake ng ibat ibang uri ng gamot para sa sakit ng ngipin na nireseta ng doctor kaso lang sa tuwing bubunutan na ako ayaw tumalab ng anestisia kahit nakaapat na. Grabe po parin kasi ang sakit kaya hindi parin mabunot. Ano po ba ang dapat ko na gawin
Hanap ka ng dentist na kayang bunutin yan.
Hi po doc. Magpapa porcelain crown pi kasi tapos kinikil na po ngipin ko pero sobrang nangingilo po sya tapos parang may laman po sa kinikil na ngipin ko tapos pag natatamaan po sya sobrang sakit kahit dila lang po nakakatama.. normal lang po ba yun? Yung may parang laman na naka usli sa ngipin na kinikil?
Hindi.
Okay lang po ba yung may braces tapos bubunutan ng ngipin na sira?
Oo.
Hi po doc pwede po bang magpabunot ng ngipin ng puyat kung saan may tumubo na wisdom tooth kaya po nasira sa may bagang ko at yun po naging sanhi pagkasakit ng ngipin ko ?
Magpahinga ka bago magpabunot.
Gaano po kasakit magpa plaque removal or magpa dental cleaning?
Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
Doc pwede po b ko mgpalagay ng kht pnsamntalang pustiso khit n my maliit pang ipin n natitira. D aq mkapgpabunot kc my ppnthan po ko na nkakatagtag. Pnsamantala lng para my ipin lang sya. Pwede po ba yun.
Oo.
Hello matagal na ako di nakapagadjust ng braces ksi nasa province yung dentist ko possible ba magchange ng dentist na malapit sa akin. Ano po requirements?
Kausapin mo ang dati mong dentist tungkol sa record mo dati, para alam ng next na dentist mo ang gagawin.
Doc magkano TMJ treatment? Thanks!
Depende kung gaano kalala at kung ano ano ang gagawin.
Good pm doc!balak ko po magpa brace and postiso..ano po mauna dapat,brace muna?o postiso po..thanks
Brace
Doc tanong ko lang po .. ilang days po ba bago gumaling yung bunot ? Sakin po kasi 5days na masakit parin .. sa taas po,bagang. Umiinom naman ako ng mefenamic at antibiotic.thank you po in advanced ..
Initial healing is 2 weeks May. Kung yung tooth has chronic infection, typical post operative symptom ng patient is that they have a major discomfort afterwards. Magandang sabayan ang healing phase with warm salt water (tubig na may asin)
Doc how much would it cost me if I want to have a silver or diamonds teeth? Yung parang sa mga rapper mg Ibang bansa like lil Wayne? At Kung meron dto sa pilipinas non San nmn po? Binubunot ba ngipin or parang sinusuot lang? SALAMAT
The cost will vary depending on the materials. I think you need to see a doctor personally to discuss this personal concern of yours . Hindi binubunot yung ngipin. But rather, the surface of the teeth is used to bond that silver / diamond; it will be permanently bonded using materials na biocompatiable mouth
Hi doc pwede po bang mag pabrace kahit madami nang bungi
Pwede.
Hi doc. Good day, tanong lang po 1st time ko kasi magpapabunot. After po ba ng pabunot ok na ko magwork? Di naman heavy work ko, nakaupo lang naman pero panggabi puyat. Thanks doc
Yung dentist mo ang magsasabi kung pwede ka magwork agad.
Good day ask ko lang po kung pwede mag pa pustiso kahit my ipin pa n sira na hindi pa nabubunot?
Kung maliit lang ang sira, ipapasta mo.
Good day po ask ko lang po kung pwede mag papustiso kahit my ipin pa na sira na hindi pa nabubunot?
Pwede, pero magsisisi ka.
Hello po. Doc tanong q lang splint lang po ba ang pwede gawin pag may tmj disorder? Ung Eent doctor at dentist po kac pareho nila cnabi na may tmj disorder aq and the dentist recommend splint or mouth guard.
Magpapaniramic xray ka ng malinaw tapos send mo sa fb ko.
Doc ano pong treatment ang mas ok class 3 composite restoration or jacket po?
Patingin ng x ray.
Doc, pede po bang ang down payment sa braces ay 3k lang?
Hindi.
Good day po!
I’m still left anxious sa condition ko po. I’m only 22 years old and I was diagnosed na hypertensive with a bp of 140/90. Now, after some diets 6 months after po bumaba ng 140/80 and sometimes 120/80. Tapos po I ask my doctor kung pwede na ba akong bunutan ng ngipin then he even gave me a clearance after certain test like bleeding time na okay naman ako. Unfortunately natakot pa din ako kaya nagpatest po ulit ako sa ibang doctor. He even recommended me to drink meds for HBP pero after several days my blood pressure persists to 140/70 pero hindi nya po ako pinayagan.
What should I do? I’m still anxious and yet afraid for myself na baka may mangyari sakin sa dental chair. Should I continue with the extraction? Thank you po sa pag-answer.
Aside from the medical clearance provided by your own medical doctor, your own dentist will provide you a clearance which shall be signed by your medical doctor and will jot down precautionary measures and some modifications on the dental related materials to be used on you. That particular document need to be given back to your dentist to review it. The dentist will then apply the recommendations of the medical doctor. You shouldn’t be anxious as long as both parties are communicating and informing each other. Any doctors wouldn’t want anything bad to happen to their patient. We always look out for our patients. Apart from that, we are ready for any dental emergencies that may arise.
Doc magkano po magpaclean ng teeth at tanggal ng plaque? Yellow teeth at puro plaque na kasi teeth ko doc.
Depende sa mapagusapan nyo ng dentist mo.
Good day po doc! Concern ko poh is about root planing/scaling. Mgkano poh ba nagre-range yon? Per tooth basis poh ba ang bayad or lhat na poh ng affected? Thank you doc! 🙂
Iba iba, depende sa periodontist na kausap mo.
Hi doc ask ko lg may postiso po kase ako pag nag papasta bako Dina mag kakasya to?
Yung dentist mo ang gagawa ng paraan.
Good eve doc
Good eve.
Helo doc
Hi.
HI DOC, nka fixed bridge yung 4 upper front teeth ko. gusto ko mag pa brace para maayos ang alignment ng lower teeth ko. possible ba na malagyan ako ng brace upper and lower kahit nka fixed bridge ung upper teeth ko? thanks
Oo.
Doc,pwede po bang mag pa brace kahit may pasta yung front teeth ko?
Oo.
Hi doc I have 4 molars and 1 pre molar extracted auko po sana kasi magpa traditional bridge isang option ko ay maryland bridge magkano po kaya aabutin..
Patingin.
Dok pd po ba magpabunot ng ngipin ang my Pulmonary Hypertension?
Pwede pero may dental management sa case mo and we need to work closely with your medical doctor.
Hi doc,pwede po bang toothbrush’an yung kakapasta lang?
YESSIR!
Good pm doc, yung ngipin ko po na kinakapitan ng pustiso nagkaroon na po ng hole. Bale sa taas po kasi yung nasira. Ano po pwrdr gawin?
Pumunta sa dentist for a possible restoration procedure
Hai po anu po pwdeng pandikit sa denture (pasta )na malapit ng matanggal?
wait na confuse ako! Pasta ba o denture pontic???
Doc anu po pwding pansamantalang pandikit sa pasta teeth malapit na kc syang matanggal ?
walang ibang pandikit dyan at ang tanging solusyon dyan ay ang pag konsulta sa dentista mo
Im planning to have braces since my sungki ung upper front teeth at nag papaling na ung sa lower .
Pero once ako nag asked sa isang dentist na pinag palinisan ko about braces sabi if ever bubunutan daw nya ako ng ilang wisdom tooth pra part ng procedure alignment.
At yung isa naman this year lng sabi 40k pero ung mga wisdom tooth ko ganun n ung alignment ung front nlng ung i sasama sa i be brace .dahil wala nmang kaylangang bunutin.
Ano poba talaga ang dapat at maganda .
salamt po
Na confuse ako sa statement. One info at a time! Anyhow bago braces, lahat ng rehabilitation and extraction need to be done first. And kung ang wisdom tooth mo ay impacted at wrong eruption direction, they need to go as they will cause problems later on
Doc,namamaga yung ngala ngala ko. Hindi ko alam ang cause nung pamamaga. Pero 3 days na po syang namamaga. Twice a day ako nagtotoothbrush. Maaaring cause ba sya nung pagbunot nung ngipin ko last last week?
The oral surgery rendered may play a roll in the swelling, given upper tooth extraction ang ginawa sa iyo.
Doc gusto mag apply as FA sa middle eastern airlines like emirates pero i know they have very strict standards lalo na sa ngipin may sungki ako sa upper right side ng ngipin ko and if ipapabrace ko pa ay matatagalan pa bago bumaba iyon. Pwde ba doc ipabunot yung sungki then palitan nalang pustiso?
I wouldn’t suggest that. Your facial form will suffer and you will regret that later on. I will bet my life on that. Why not opt for lingual braces para hidden yung braces mo at the same time, correcting the sungki / mal occlusion
Good eve poh doc!! Ano poh b magandang gawin? Root canal or bunot nlang? Sbi poh ksi ng dentista iroot canal n daw ang front teeth ko ksi nakita poh sa x-ray n maitim n..need n daw iroot canal..pero pinag iisipan ko p poh ksi sira na den poh sya! Nakapasta nlang.. ano poh b pinaka best way ipa rct p? Or bunot nlang?
Kung maganda ka RCT. Mahirap mabungi. Read: http://www.denturesguide.com/rct/
Hi doc maari pa po bang mabalik pa yung tibay ng ipin ko po may crack na po kasi ang loob pero di pa po bumibigay. Salamat
Paano mo nalaman na may crack? Nakuhanan ba yung tooth ng xray perhaps or cbct?
Hi doc, Pwede po ba magpabrace ng may sira ang ngipin? O ipabunot ko muna bago ang brace?
Papastahan mo yung pwede pa ipapasta. Read: http://www.denturesaffordable.com/dental-filling/
Good pm doc!Pag 2nd adjustment po ng brace pwedeng band lang palitan?Bakit po Hindi kasali ang wire?
YUng dentist mo ang magdidecide ng gagawin. Hindi ikaw o ng barkada mo o ng nabasa mo sa google.
Ilang ngipin po ang pwedeng bunutin sa isang bunutan?
Yung magbubunot ang magdidecide kung ilan.
Hi po doc. Noong grade po 5 ako napingasbyung ngipin ko. Sabi po ngbdoctor ijacket po ako. Tas natanggal po tas ginawa nya po apat niliitan lahat ginawa porcelain. As of now po lahat ng titingin na doctor sinasabi bat ganyan ginawa sakin dapat pasta lang. Today po sira na apat kong ngipin at kailangan ng bunutin. Pwede po ba syang idemanda sa ginawa nya na sinabi dalawa lang tas ginawang apat? May habol po ba kami?
Hindi. Hindi exact science ang dentistry. Hindi masasabing mali ang ginawa ng naunang dentist mo ng ibang dentist kung wala siyang alam sa buong history dental problem mo.
Doc . Ask ko lang po kasi 4 na bracket na yung natanggal sakin after ilagay nung brace ko 4dayw ago na siguro normal ba yon? Kaht konti kagat lang ng chips natangal na agad
Bawal ang chips.
Doc tanung ko Lang po Kung anu po ba mganda gawin case ko Wla npo akong bagang sa taas Hindi ko po agad npalagyan ng pustiso bumaba po yung bite ko pag naismile po ako ngayon lab as na labas po yung gums ko .anu po mganda gwin pra maibalik sa dati?
Pasend ng photo sa fb ko.
hi doc pwede bang bunutin ng dentist 3na ngipin na mag kakatabi?
Oo. Given hindi ka medically compromised
Doc nagpa bunot po kasi ako ng ngipin 3 weeks na . Mejo parang hndi pa sya ganun ka healed. Pwde na po ba ako magpa sukat ng pustiso?
Oo kung palangiti ka.
Hi doc. ask ko lang kasi kada bwan ng pagpapaadjust ko sa dentist ko ng brace para pinapalitan lang yung rubber. adjustment na rin ba yun ?
Yes. Siguro, iniisip mo parang walang effect yon. Merong effect yon sa orthodontic treatment mo. Patience is a virtue
Doc ask ko lang po tapos napo ako mag pa brace gusto ko na ipatanggal okay na straight na. magkano po ba price ng retainer sinisingil ako ng 5k sa retainer
ask ko lang po ano maganda retainer straight wire o yung parang mouthpiece ang style?
SIno ang nagdecide na okay na? Ikaw? Yung dentist mo ang magdidecide.
Doc normal lang po ba ang pag galaw ng ipin pag nakabraces? Nawawala papo ba to pag wala ng braces? Slamt po. Natatakot po kase ko ayoko ko magpustiso. Matino naman po ang ipin ko bago mg braces
Yup Normal. Mag stabilize yan ulit after 2 weeks or 3 weeks
Doc kumain po kasi ako ee nalagyan po ng kanin yung nabunutan ‘ diko po tinatanggal kasi natatakot po ako baka dumugo at ma impeksyon ? di po ba sasakit ipin ko diun !
PWede mong mumugan. Hindi yan mag kakaron ng pain symptoms. Keep the area clean by the way.
PS. Wag kang mag alala. Malayo pa yan sa bituka.
Doc pg po b mjo nbwasan ang pasta my tendency n smkt talaga my halos 2 years n kc ang pasta ko s bagang at sobrang lalim talaga kya pnxray muna nuon bgo pinastahan ngaun lng xa sumakit hnd ako mxdo mkkagat kc mskt pg mtmaan
IpaRCT mo. For more info read : http://www.denturesaffordable.com/rct/
Doc ilang araw po pede mg pahinga pgkatpos po bunutan ng ngipin
Imperative ang first 24 hours na bed rest. for 5-7 days bawal strenuous activity.
Pwede po ba magpapalit ng fixed bridge, bunot at pasta ang 2 months preggy?
Bunot. Hindi. Minor restoration pwede. Fixed Bridge, defer.Bakit ngayon mo lang naisipan na ipagawa tong mga to?
hi doc
Hello Arlene
Hi doc hingi po ako nag advice plan ko po kasi papalitan yung 5fixed bridge ko sa left and right canine upto second molar syang naka fixed bridge plan ko po na ipa fixed bridge or crown na LAHAT ng upper teeth ko i dont know if thats a good idea pero ano po ba yung maganda klase if ever .i dont know whats the diffeence between zirconia and ips emax pero gusto ko po yung mag mumukhang natural and how much nag range yung price? thanks doc
Well, it all depends on remaining abutment teeth and the periodontal aspect (periodontal = gum and bone support) of teeth. Makakapag comment ako professionally regarding diyan sa case mo given I have necessary diagnostics gaya ng xrays. Your treating doctor should be able to assess your case and provide you the proper treatment plan based on your given condition. It is a good idea in my opinion that you see your dentist or recommended dentist. Zirconia and E-Max are good restorative material. However, you must know they have certain indication and with that being said, they’re not for everyone. The dentist who will have a look at your case will be able to know that. A lifelike restorations is a combination of a good doctor, a good ceramist, and a patient who trusts in his / her doctor’s treatment.
Pwede po ba cloxacillin instead of amoxicillin para sa bagong bunot?
Yes. FYI, theyre the same. Cloxacillin and amoxcillin both belong to Penicillin class and have same mechanism of action.
Doc pwede po ba cloxacillin instead of amoxicillin sa bagong bunot?
Miguel, gaya ng answer ko kanina. PWede. Anyhow, theyre the same nagkaiba lang ng name pero same effect hehe
Doc pwd b mgpabunot Ng ngipin tapos mgpapustiso agad
Pwede. Temporary denture ang tawag.
Pwede po bang magparetainer kahit walang problem as ngipin ko?
Walang inaayos ang retainer.
Hi doc. Pde po bang magpabunot khit kanina madaling araw ay nilagnat ang anak q?
Might not be a good time. Anyhow, see the doctor first for evaluation.
Hi doc.ask ko lng po how much cost in every teeth for dental implant.it may cost po ba na 200k?thanks
Well, here is a good dental implant cost guide you might want to take look into: http://www.askthedentist.tv/dental-implants-cost-philippines/
Since, I’ve been doing such a procedure frequently in the office, the answer is… the driving cost depends on the condition. You have to know that placing the implant fixture is not just the goal. Restoring it is the main goal and how such a restoration will be predictable too.
Hi doc. pwede po ba ipabunot ng sabay2 ang apat n impacted wisdom tooth?
Yung dentist mo ang magdidecide.
Doc asan yung post ko? Huhu
Search mo lang.
doc nagpa jacket po ako at sumasakit normal poba yon?
IpaRCT mo. Read : http://www.denturesguide.com/rct/
Ano pong pandikit sa natanggal na jacket? Temporarily po sana since I can’t visit a dentist yet due to work. Thanks doc
Ipunta mo sa dentist.
good day doc , ask ko lng pwede po ba ako magpa self ligating braces seafarer po ako 9months contract salamt sa pag sagot doc
Hindi.
Doc nag wowork kasi me , wala ako time, gusto ko na kasi magpabunot at mag pa dentures in 3 days. . Ayan lang yun Kaya ko days na I leave
Two front teeth, 2 sungki,1 beside teeth
Possible po ba pagkabunot makabitan ako nang pustiso agad ayoko naman pumasok sa work na bungi.. Thx sa response doc
Possible. Hanap ka ng dentist na kaya gawin yan.
Doc pwede ko po ba gamitin ang mighty bond sa naputol kung pustiso
Hindi.
Doc pwede po ba ako mag pabunot ng ngipin kahit masakit o medyo namamaga?
Oo. Tatagan mo lang loob mo.
Doc, pwede po ba mag pa bleach ng teeth kahit pasta yung 2 front teeth?,
Oo.
Doc my lagnat ako pwede po ba magpaayos o adjuat ng brace
Oo. Wag ka lang manghawa.
Ask ko lang po anong range price para sa ngipin ko for braces?
Send x ray.
Hi Doc, just wanna ask if I can have braces kahit wala na po yung molar ko sa right side ?
Yes.
Doc yung ngipin ko na hati tutubo pabayon?
Patingin.
Good morning po. Pwede po ba mag pa bunot pag po 3 hours lang po ang tulog? Salamat po
Hindi. Tulog ka muna.
Doc ask ko lang sana if natanggal yung jacket crown pwedi pa ba yon ipa dikit sa dentista mga magkano po ang bayad non?
Bagong gawa ba ang jacket mo?
Good day doc. Ask ko lng po about sa bagang ko, butas na siya tapos yung gums pumubo sa doon sa butas na bagang. Delikado po ba ito? Hindi nman po siya masakit wala din pong nana. Ano po ang maaari kong gawin d2? Salamat po sa sagot
Oo delikado. IpaRCT mo. Or pwede din bunot.
doc, active pa po ba kayo dito? may tanong ako. 1 month na kasi yung braces ko then may umuuga po, bale pang-apat na ngipin yon kung sa wisdom ka magsisimulang magbilang. may bracket at natatamaan siya ng upper tooth ko pag kumakagat. is this normal po?
Oo. Wag mo ugain.
Dr. Jesus Orlando M. Lecitona
Doc . Yrs Naman na ung fracture sa Mukha Pwede Po ba mag pabunot ng wisdom tooth Hindi Po ba Yun makakaapekto sa stracture ng Mukha.
Oo. Inform mo yung dentist na gagawa.
doc pwde ba mgpabunot ng ngipin sabay.?..same side po
Oo, magkasunod.
Good day doc ask ko lang po pag bubunutin isang premolar ko sa taas pwede ba iclose ng braces yung gap?
Tapos yung sa baba naman wala na yung first molar tapos tumubo na po wisdom tooth, e ngayon medyo nakahiga na po yung dalawa, kaya pa po ba ng braces yun?
Pwede basta hanap ka ng dentist na magaling.
Good day doc, pag binunot ba premolar ko sa taas pwede iclose ang gap gamit ang braces?
Tapos sa baba po wala na 1st molar, tumubo na din wisdom tooth, tapos ngayon medyo nakahiga na po yung dalawa, kaya ba to ng braces?
Yes basta makapunta ka sa magaling.
Hi doc, pwede ba magpabraces kapag missing na ang right upper first molar? para iadjust ang 2nd and 3rd molar in place sa missing first molar
thank you po sa sagot
Pwede