Canine tooth, delikado bang ipabunot?

Glenn : Good day po. May butas po ang left canine ko.parang abot sa gums. Minsan po may fluid na lumalabas and medyo mabaho. Pwede po ba i papasta ko nalang ito?

Ask the Dentist : Ipakita mo sa dentist kung pwede pa pastahan. Or, magsend ka ng xray sa akin. Sumakit na ba?

Glenn : sumakit na po ito dati. din namaga cheek ko malapit sa nose. but now indi na..ayaw ko din namang mag pa RCT.

Ask the Dentist : Kung sumakit na, sign yan na abot na sa pulp. Kung abot na sa pulp, kailangan I-RCT. Kung ayaw mo magpaRCT ipabunot mo.
Kung infected na ang pulp at pinapasta mo, sasakit din lang. Sayang lsng ang gastos mo. Para mawala ang infection, pwede mo ipa-RCT or ipabunot mo.

Glenn : masyado pong mahaba ang canine ko..baka delikado po ipabunot.

Ask the Dentist : Bale anong tanong mo?

Glenn : di po ba delikado ipabunot ang canine?

Ask the Dentist : Lahat ng bagay delikado. Kahit pagtawid sa daan. Pero nakikita mo ang mga tao, tumatawid. Delikado din ang kumain ng mamantikang pagkain, pero kinakain pa din ng tao. Delikado ang magpaulan, pero madaming kabataan ang naliligo sa ulan. Delikado ang makipagtext habang nadadrive, pero madami pa ding nakikipagtext habang nagmamaneho. Lahat ng bagay delikado, pero hindi sapat na dahilan ito para tumigil ang mundo sa pag-ikot.

Glenn : XD?
Ok po doc.

Ask the Dentist : No problem. 😀

Glenn : may kilala po ba kayong destist sa cebu na magaling at mura

Ask the Dentist : Mahirap hanapin ang combination na yun. Kasi ang dentist, nag-aaral para gumaling. Pera ang kailangan niya para makapag-aral. Saan niya kukunin ang gagastusin niya kung mura siyang maningil?

Tooth Extraction Philippines

Roxanne : hi gud eve 🙂
ask ko lng po ano dapat kong gawin nagpabunot po ako ng ngipin last nov2 sa bagang 2 po sya sabay magkatabi po kxe den nung binunutan po ako naramdaman ko po ung sakit sabi ng doctor my nana daw den ung nireseta nia lng po mefenamic ..hanggang ngaun po maga ung gums ko tsaka parang my nana pati ung side ng gums ko meron na ..iniinuman ko po ng amoxicillin ..help me pls natatakot po ako kse mag 1’1wik na po … tnx gbu

Ask the Dentist : Gumagaling pa lang. After 1 week ganun pa din, ask mo ulit ako.

Roxanne : ok po ..cge po ..madaming thank u po :))

Nasira ang Permanent Denture

Pepito McCracken : Bakit po ang permanent denture ko nasira agad?

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Kahit yang denture mo. Gaano kaagad ba ang agad? Ilang taon? Anong klase? Nabagsak mo ba?

Yang denture mo, dapat i-adust yan every 6 month to 1 year. Dapat din pinapalitan yan every 7-14 years (depende sa klase ng pustiso)

Natatakot magpabunot ng ngipin

Mary-Ann : Hello! Natatakot na akong magpabunot ng ngipin, kc twice na ako ngpabunot ng ngipin up and down cea sa my bagang on the same side.. But if u are going to check it wala ceang space dun sa pnagbunutan and ung mga tooth na katabi nung mga pnagbunutan is dikit na dikit.. Then ngeon feeling ko parang nag.Adjust dn ung jaw ko kc mnsan nglolock cea.. My koneksyon ba un sa jaw ko ? Or normal lang ba un na ngdidikit ung 2 ngipin na katabi nung pnagbunutan ng ngipin ? Ndi ako makapagpacheck.Up kase walang time.. Busy sa work.. Thanks..

Ask the Dentist : Oo connected yang ngipin mo sa jaw mo. Oo kapag nabungi, gumagalaw paunti unti ang ngipin mong natira sa puwang at unti unting magiging abnormal ang kalagayan ng ipinangkakain at ipinangngingiti mo.

Pagpahalagahan mo. Hindi ka mawawalan ng time sa mga bagay na mahalaga sayo.

Tooth Extraction Cost – Tooth Bonding Cost Philippines

Rain Angelo : Good Day, ask ko lang po kung magkano usually ang teethbonding sa front teeth.. and magkano po ang magpa extract ng First Bicuspid and First molar.. pati po Bridging.. Thanks..

Ask the Dentist : Search mo na lang sa website ko. Ask the Dentist

Toothache

Brendyll : gud am po ask ko lang po if ano po ung mga effective na gamot or medicines kc sumaskit po ang ngipin ko sa may pangal na ngipin sa upper right and left na pangal kc po alternate na sumasakit minsan sa left minsan sa right?

Ask the Dentist Philippines : May butas ba?

Brendyll Narvas : opo

Ask the Dentist Philippines : Biogesic, tapos punta ka agad sa dentist para makita kung ano kalagayan ng ngipin mo. Kung dahil sa infection ng pulp, malamang RCT ang solution sa sakit ng ngipin mo.

Extraction Philippines

Mark Brian: Ask ko lang po if safe pabunot ngipin kahit namamaga ung pisngi ko ngayon? Naalala ko lang kahapon ay uminom ako ng amoxicillin and mefenamic para mawala yung sakit. almost 2 weeks narin po sumasakit ang ngipin ko.

Ask the Dentist Philippines: Punta ka sa dentist offline. Base sa description mo, hindi ko kayang malaman kong gaano kalala ang condition mo.

Dental Mission Philippines

Kaye Halili: Need volunteers for a dental mission in Carmona Cavite. There are around 200 patients. We were not expecting a big registration. Is there a way for us to contact dental associations that do volunteer work? The oportunity to serve is here 🙂

Ask the Dentist Philippines: Contact Cavite Dental Chapter. Search mo lang sa FB or sa Google or Bing.

%d