May hiwa ang gilagid sa pinagbunutan

Francis :hi doc . ask ko lang po . kapapabunot ko lang po ng ngipin ko sa may babang parte sumunod sa dulong ngipin ko sa kanan . tapos tinignan ko po . parang may hiwa din po ung gilagid ko sa dulong ngipin . normal po ba yun ? parang nadamay po sa pagkakahugot ng ngipin na pinabunot ko . salamat po

Dr. Jesus Lecitona : Hintayin mong gumaling.

Ano ang Epekto ng pagbunot sa dalawang pangil sa Taas

Brent :Goodafternoon. Doc may long term effect ba kapag binunot ung dalawang pangil sa taas?

Dr. Jesus Lecitona : Oo mamumukha kang matanda

Brent : Tnx po. Pwede po ba magpabrace kahit may dalawang wisdom tooth sa itaas? Normal and fully erupted po sila hindi sila impacted

Dr. Jesus Lecitona : Oo

Brent : Tnx po

Natirang Kalahati ng Ngipin

Ysabel : gud evening po doc. itatanong ko lang po kung ano po bang epekto kapag may natirang ipin? natanggal po kasi yung pangil ng anak ko tas yung kalahati naiwan hanggang sa naglihom. ano po ba ang epekto noon? hindi po ba iyon mabubulok?

Dr. Jesus Lecitona : impeksyon. Ang pinakamalalang pwedeng mangyari ay kanser.

Ysabel : slamat po.

Pwede na ba magpabunot

Jayson : Doc good am.. mag 2 months plng baby ko sa april 8.. pwede na po ba ako magpabunot ng ngipin at the same magpapustiso eto po yung papabunot ko yubg 3 sa harap.. ang matitira lang yung pangil..

Jayson : Good am.. safe na po ba ipabunot yung 3 teeth sa harap kahit mag 2 months palang na kapapanganak at the same time magpa dentures thanks

Dr. Jesus Lecitona : Paghilumin mo muna bago magdentures. Bago magpabunot, kailangan mo ng clearance mula sa nagpaanak sayo.
http://www.dentures.com.ph

Natirang Ngipin

Monica : Hi dr. Gud pm.
May taint Lang po sana aq.
5 day ago po kasi nag bunot aq, pero Medyo masakit Parin. Then 3 days after May nakapa po aq na natirang ngipin. Until now makirot po. Pwede q na po ba patanggal sa dentist na nag bunot sa ngipin q?hindi po ba delikado yun,? makirot po Talaga kasi. Kindly advise thanks po.

Monica : Hope I’ll notice me po.Thank you. God bless.

Dr. Jesus Lecitona : Oo papatanggal mo sa dentist na nagbunot sayo.

Bukol sa Dila

Gustavo : Dok, meron po akong bukol bottom of my tongue.ano po cause nito. Pag uminom po ng drink with, very thick po ang white na nasa dila at me bad breath na rin po. Ano po pwed gawin at gamot d2.
I mean po pag uminom ng drinks lalo na with milk parang mas mkaoal ang puti sa dila po.

Dr. Jesus Lecitona : Ipakita mo sa dentist. Wag mo na idaan online. Sa actual na.
Seen by Gustavo Tenore at Saturday 8:49pm

Gustavo : Thanks po. Dko po kasi alam kong sino na pong dentist ang pupuntahan ko lahat ng advice sinunod nman po kaso parang walang epekto.

Dr. Jesus Lecitona : Punta ka sa pgh

2 Weeks nang nabunot pwede na bang magpapasta

Lyka : Good day doc , tanong lang po .ng pa bunot ako 2 weeks ago.hindi pa totally nag sara ang gums na nabunutan.by tomorrow pwd na po ba ako mgpa cleaning at mg pa pasta o need ko na hintayin mg sara muna ang gums na nabunutan?thank you

Dr. Jesus Lecitona : Oo pwede na.

Lyka : Thank you po sa pag reply

Dr. Jesus Lecitona : Oks

May Nakakapa sa Pinagbunutan

Jane : goodeve doc, ngpabunot po ksi ako ng ngipin 4weeks ago na peo okay nman po sia . then mkalipas ng arw pinabunot ko po ung 2 ko pong sirang ngipin na putol . then nung nabunot po sia 1week ndi na po sia sumakit . peo panay ku po kinakapa sa dila ko na parang may natirang ngipin . peo ntakpan na sa ginalid . Doc ask ko lang normal lang po ba un ? pakisgot po frown emoticon

Dr. Jesus Lecitona : Malamang na buto yung nakakapa ng dila mo.

Halos matabunan ang 3rd molar

Jennesy : Doc, yung wisdom tooth ko po kc n,nainfect yung gums. Sobrang namanga po gums ko sa baba. Halos matabunan na 3rd molar ko. Ano po dapat kong gawin? Sobrang sakit n po ksi

Dr. Jesus Lecitona : Ipakita mo sa dentist. Depende sa makita nya kung ano ang gagawin.

Jennesy : Slamat po

%d