Walang matibay sa batong malaki

Ask the Dentist: Noong bata ako, uso pa ang tirador. Minsan, nagkaroon ng payabangan. Kanino ang may pinakamatibay na tirador. Syempre payabangan, mas matibay ang tirador ng bawat isa, kanya kanyang papuri sa kanyang kanyang tirador.

May tirador na gawa sa nara. May tirador na binili sa palengke. May tirador na gawa sa puno ng kaimito. May tirador na gawa sa puno ng bayabas. May tirador na gawa sa bakal.

May nagsuggest na testingin ang mga tirador para mapatunayan. Babagsakan ng malaking bato ang bawat isang tirador. Kung anong tirador ang hindi nabali, syempre siyang pinakamatibay.

Nabali ang gawa sa nara. Nabali ang tirador na binili sa palengke. Nabali ang tirador na gawa sa puno ng kaimito. Nabali ang tirador na gawa sa puno ng bayabas. Hindi nabali ang tirador na gawa sa bakal.

Ang tawa ng kaibigan ko. Pinagyabang niya pang lalo. Ang ika, “Sabi ko sa inyo eh ang tirador ko ang pinakamatibay. Sige bagsakan niyo pa ulit ng bato.”

Binagsakan ulit ng malaking bato. Hindi nabali.

Tuwang tuwa ang kaibigan ko. Lalo pang yumabang. “Wala pala ang mga tirador niyo eh. Bagsakan niyo pa.”

AT binagsakan pa ng malaking bato.

Nabali.

Halatang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Habang tinatagni ang hating tirador.

Moral lesson
Walang matibay na tirador sa batong malaki. 🙂

Amalgam, composite resin pasta Philippines

Kent : Hello po!

I just wanna ask kung sino po yung inererecommend mong dentist dito sa cebu city? Im planning to get braces na po kasi this May.. and may tanong lng po ako sa inyo.. is it safe po ba to use amalgam fillings? sabi ng ortho kasi may 5 na tooth akong ipapasta and im wondering whats the best filling to use that would last several years Thanks po!

Ask the Dentist : Safe ang amalgam. The best sa anong pamantayan?
Compositeb resin at amalgam, parehong tatagal, depende sa kalidad ng pagkakapasta, kalidad ng mismong pasta at kung maalaga ka sa ngipin mo.

Kent : ah thanks po.. tsaka po yung first molar ko salower left kaw ko po pinabunot ko.. possible pa rin bang mag pa brace?

Ask the Dentist : Yes.

Braces and X-Ray Philippines

Arvin : kapag po ba magpapabrace kailangan pa po bang magpa X-ray ng ngipin.. magkakano po kaya ung ganun.. maliban po sa pagpapakabit ng brace at pagaadjust my other expenses pa po ba? salamat po..

Ask the Dentist : Panoramic x ray. Kapag hindi ka hiningan ngx rayng dentist mo, magpalit ka ng dentist. Yung other expenses, magtanong ka sa dentist na gagawa sa ortho treatment mo.

Arvin : sila na din po ba ang nag xxray nun.. kung hnd po saan po magpapaxray nun..

Ask the Dentist : Yung iba oo. Yung iba, itanong mo sa dentst na gagawa.

Arvin : cge po maraming salamat.. God bless po

Madaming salamat sa mga bumibisita

Dumarami ang bumibisita sa Ask the Dentist.

Dumarami ang tanong.

Madami na ding mga tanong ang nasagot. Sa FB man o sa dito sa website.

Sa kaunaunahang pagkakataon, nagexceed ang Ask the Dentist sa bandwidth.

Isa itong tagumpay.

Tagumpay hindi lang sa mga taong may dugo ng Sparta. Maging sa mga simpleng tao. Mga taong walang bahid ng dugo ng Sparta. Mga pinoy na bumuto kay PNoy. Mga pinoy na hindi bumuto kay PNoy. Mga matanda. Mga bata. Mga babae. Mga lalake. Mga maganda. Mga mas maganda.

Naaalala ko tuloy. Noong bata ako. Sabi ko sa nanay kong dentist, balang araw ayokong maging Dentist. Gusto ko maging Engineer. Gusto kong maging Scientist.

Matapos ang mga taon. Ang ate ko naging doctor. Ang kapatid ko naging nurse. Ang kuya ko hindi naging dentist.

Kumuha ako ng exam sa iba’t ibang unibersidad na may Engineering Courses. At ako’y pumasa sa lahat.

Dahil hindi naging dentist ang kuya ko. Kumuha ako ng exam sa University of the East College of Dentistry. Pumasa ako. Naging Dean’s Lister sa Pre Dentistry. Naging Tan Yan Kee Scholar sa Dental Proper.

Matapos ang ilang taon bilang working student. Nakapagtapos ako. Hindi bilang Engineer. Kundi bilang Dentist.

At akalain mo matapos ulit ng siyam na taon sa Dental Practice, nandito ako, sinasagot ko ang mga tanong niyo.

This is not Sparta. This is Ask the Dentist. 🙂

Hiwalay na Ngipin sa Gitna for Braces

Ada : Hi dok gusto ko lang pong itanong kung anong pwedeng gawin sa hiwalay na ngipin ko po sa gitna di pa po sya totally hiwalay. dati nmn po di ito hiwalay. Thanks po sa reply

Ask the Dentist : Braces.
Pero mas mabuti kung, makakasend ka ng photo ng smile, i focus mo sa space. At panoramic x ray para makita lahat ng problem. Kailan ka huling pumuntang dentist?

Ilang buwan ang braces

Ivan : doc, ilan buwan ako pupunta sa dentist para magpa-adjust?

Ask the Dentist : Depende sa lala.

Ivan : ahh ok poh salamat
eh doc panu po yung may pangil ka tas di pantay pantay yung ngipin mo dahil mahaba yung pangil bubunutin pa yun?

Ask the Dentist : Kung ang mga tanong mo sa akin ay hindi masagot ng iyong dentista, magpalit ka na lang. Itanong mo sa dentist mo yang mga tanong mo dahil napakabasic niyan.

Ivan : ok

Price of Fixed Bridge

Jamiara : doc have a nice! doc ask ko lang po kung how much po ung fix bridge nio? 7 units po e2. thank u soo much. and where po located ung clinic. thank u. Godbless

Jamiara : doc have a nice! doc ask ko lang po kung how much po ung fix bridge nio? 7 units po e2. thank u soo much. and where po located ung clinic. thank u. Godbless
doc have a nice! doc ask ko lang po kung how much po ung fix bridge nio? 7 units po e2. thank u soo much. and where po located ung clinic. thank u. Godbless

Ask the Dentist : Ipa panoramic xray mo para makita yung kakapitan ng bridge.

Jamiara : actually doc nka bridge na sya. natanggal na kc plastic ung bridge. balak ko po nxt week magpakabit ng porcelain. thank u
how much po ung per unit nio for porcelain doc?

Ask the Dentist : Ipapanoramic xray mo muna bago ka magpakabit ng bridge. Kung gusto mo ng tama at hindi maling treatment, dapat makita muna kung healthy ang kakapitan bago ka magpalagay ng bridge.

Jamiara : meron na kong panoramic xray doc. ok nman daw. kaso ayaw ko magpagawa dto sa dentist kong bago kc hnd daw mganda gumawa. kaya hanap muna ako ng mgaling n dentist. ang dati ko po kc na dentist nag migrate na po ng australia. kung meron po sana kayo ma refer o kau na po mismo. kung ok lng po. tenx

Ask the Dentist : May listahan ng recommended dentists sa website, hanapin mo na lang kung sino ang malapit.

Jamiara : Ok. Tenx sa help

Fixed Bridge Cost: Isang Bunging Ngipin

Geovanie : e panu po kapag isang ngipin lang, mgkano gagastusin?

Ask the Dentist : Ano ang isa? Bungi?

Geovanie : bali naputol po, tpos papabunot ko lang po..pwede ba kahit isa lang papajacket ko?

Ask the Dentist : Kung ipapabunot mo, ano ang ijajacket?
Malamang na bridge ang tinutukoy mo. Kung may isang bungi at nagpabridge ka, 15 thousand pataas yung mukhang ngipin. May mas mura pero siyempre hindi kagandahan, at halatang bridge.

%d