Murang pasta, bunot at braces

Rennel : hi doc , pde po pag sabayin ang pasta at bunot? saka ung bunot and braces? salamat po

Ask the Dentist : Hindi. Pagsunurin pwede sa pasta at bunot. Pwede pagsabayin ang bunot at braces kung may dugo kan ni Wolverine.

Rennel : Maraming salamat po doc. Mga ilang weeks po pde palagay nun after ng bun0t?

Ask the Dentist : 4 weeks or more.

HIndi na Tumubo ang Ngipin

Charlotte : Nung nawala na yung isa kong ipin dahil sa pagkabulok , at hindi na tumubo ano po ba ang best way para mapalitan yun ? yung affordable pong treatment , 13 yrs old palang po ako ee

Charlotte : tsaka napapansin ko po yung dalawa ko pong sungki sa pagitan ng front teeth ko po dun sa upper para po siyang bumababa

Ask the Dentist : Pustiso. Removable denture: http://www.dentures.com.ph/acrylic-removable-partial-denture/

Pwede ba bunutan pag namamaga na?

Jessa : Good day,
Hi po, ask ko lang po sana kong pwede ipabunot ang ngipin pagnamamaga na??? sobrang sakit na po kasi…. Salamat

Ask the Dentist : Punta ka sa dentst bukas. Titignan niya kung pwede kang bunutan. kung hindi pa, reresetahan ka niya ng gamot. Importanteng makita yan at siya ang magsasabi kung pwede o hindi ka bunutan bukas.

Jessa : sige po.. salamat

Yellow na ang Jacket Crown

Carmen Talens : Doc bakit po ganun? Nag pa jacket po ako last year january and mag1 yr palang po ngaun pero nagyeyellow po siya-.- lahat po ng teeth ko white ung dalawang jacket lang po ung hndi yello sila, ano pong magandang gawin? Bakit po ganun? Salamat po.

Ask the Dentist : Malamang na plastic yan. ANg plastic pantemporary yan. Pagawa ka ng all porcelain or porcelain fused to metal. http://costdentures.com/fixed/porcelain-fused-to-metal-dental-crowns/

IPS e.max Restoration

Carmen Talens : Ganun po ba -.- sabi po kasi ng dentista porcelain. Haay malamang nanloko -.- mga magkano po ba ang range ng price ng porcelain? Thank you po.

Ask the Dentist : 5K up bawat isang crown.

Ask the Dentist : Yun yung porcelain fused to metal. Yun ang pinakamura. Ito yung iba pang klase. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

Carmen Talens : Andami po pala doc salamat po s mga links. Ano pong magabdang gwin temporarily sa stains na nagstay sa plastic na crown?

Ask the Dentist : Brush-in mo.

Hindi Pwedeng Magpabraces habang may Caries

Carters : doc pinipilit po ako mag papasta ng dentist ko para sa bucal tube, ayaw ko po tlga ng pasta dahil nangingilo ako pero piniplit nya dapat daw pastahan, pwd po ba na magkbit ng bucal tube kht di pastahan? thank you
pinastahan po kc un ipin ko sa baba nun nilagyan ng m0lar band, mbubulok daw po kc pag di pinastahanag kinabitan ng bucal tube pero its my dcition na wag nang pastahan, dahl auko po talaga
pwd po b yun?

Ask the Dentist : Dapat pastahan ang lahat ng may sira bago ibraces. Mas mabilis na mabubulok ang may sira kapag may braces ka, kaya dapat walang sira ang ngipin bago ilagay ang braces. Balewala ang braces kung malalagas ang ngipin mo dahil sa pakikipagtikisan mo sa dentist na wag sundin ang dapat.

Carters : thanks doc!

Kailangan ba Magtanggal ng Ngipin

Rennel : i doc, ask lang po sana ako kelangan mo bang mag tanggal ng ipin sa pag mag papa braces ka? nag pa check up po kase ako ang sabi kelanga mag tangal ng 2 ipin, naka usli lang po ng konti ung dalawa front teeth ko. may paraan po ba na wag na mag tangal? TIA doc.

Pwede ba
Pwede ba

Rennel : ang ganyan po ung teeth ko , sabi ng dentist kelangan mag tanggal para daw po magka space . may paraan po ba para walang ng tangalin sa mga teeth ko doc? salamat po.

Ask the Dentist : Kung magtatanggal o hindi ay makikita kapag may x ray ka na, nakita ng personal at nasukatan ka na ng cast. http://www.costbraces.org/cost-of-braces/

Rennel : Check up lng po gnawa nya pro sbi nya mag tatangal sya ng ipin ko. Kaya nag dadalawang isip tuloy ako. Anyway salamat d0c.

Ask the Dentist : Oks.

Gusto ng Cantilever Bridge

Toots : Doc Magandang araw po, ako po yung Toots Ramos na nagtatanong tungkol sa Cantilever..eto yung mga pics ng ngipin ko yung sa Left po pag may Denture tapos sa right naman po pag walang Denture pwede kopo ba ipacantilever yan? yung parang fixed bridge sya na isa lang ang nakakapit possible po ba yun Doc? tsaka mga magkano po kaya ang aabutin?…salamat po Doc,

Gusto ng Cantilever
Gusto ng Cantilever

Ask the Dentist : Malabo yan sa cantilever. Dalawa dapat ang kakapitan niyan.

Toots : ah ok po…so bale fixed bridge po ba dapat?

Ask the Dentist : Bridge na dalawa ang kapitan. http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Parang Nangingitim ang ngipin

Mae : Hello again doc! Nagpapasta po ako ng ngipin sa harap. At dahil may space sa two front teeth ko, nagdagdag yung dentist ko ng pasta para mafill in yung space. Ang problema ko po eh bakit parang “nangingitim” po yung idinagdag na pasta? Sabi nga ng friend ko para daw bukbok. Ganon po b talaga? Kung hindi, ano po bang maiaadvise nyo na dapat gawin sa ngipin ko para naman makangiti ako ng maayos?

Parang Nangingitim
Parang Nangingitim

Mae : Kuha po to nun kapapasta ng ngipin ko.

Ask the Dentist : Kung “parang” nangingitim, walang problema. Parang lang naman.

Mae : Ok po doc. Salamat!

Ang Braces ay Para sa Ngipin

Timmy : .good day! inquire ko lang kung pwede ba talaga malagyan yung dalawang front teeth ko na dentures nang braces kung sakasakali man at mga magkano po ang cost nito. thanks!

Ask the Dentist : Hindi lalagyan ang pustiso mo, yung ngipin mo ang lalagyan. Habang may braces ka, hindi mo isusuot yang pustiso mo.

Timmy : bakit nman po?

Ask the Dentist : Dahil ganun ang braces. Para yan sa ngipin.

%d