Yow : Hi doc… Uhmm umpisahan ko na po kwento ko.. Nung bata po ako may nagpunta sa lugar namin na mga dentista para sa libreng bunot at pag gawa ng mga sirang ngipin.. Ang ngyari po is natakot ako at nagka trauma kasi po nagbiro po ung dentista nun.. At never na po ako nagpupunta sa mga dentista.. Ang ending po nagkaron ako ng 10 ipin na bulok at sira.. Mga 10yrs old po ata ako nun.. Tapos po nung 21 yrs old ako nabuntis ako, nagka problem po ako sa pagbubuntis ko ng dahil sa ngipin.. 3mos pregnant pa lang po ako nun pero tiniis ko po yung sakit ng ipin ko hanggang sa makapanganak ako… After 5mos pagkapanganak, naglakas loob po ako magpabunot ng ngipin mga 3 ipin lang po ang nabunot sakin at 4ipin na pasta (front) po yun lang po kasi kaya ng budget ko.. Ngayon po mag 2yrs old na baby ko, nakakaramdam nanaman ako sa ipin ko.. Ang ikinababahala ko po kasi ngayon yung ipin na sumasakit at namamaga is ung 2 front teeth ko.. Nararamdaman ko po na parang humihina na ung ugat sa mga ipin kong toh.. Katunayan po 1 week na po namamaga ang gums ko to the point na umabot na po sa ilong ko at ibabang mata ung maga dahil sa ipin ko… Nung una po lips at gums ko lang namaga.. pero ngayon umabot na sya sa ilong ko ang ikanakatakot ko po is paloob ung maga nya habang kumakalat sa mukha ko… Ngayon po mejo di na visible ung maga sa mukha ko pero pag hinawakan ko po ilong ko at pisngi ramdam ko sa loob ung maga…

Gusto ko na po sana matapos tong paghihirap ko sa ipin kasi hindi ko na po nagagampanan ang pag aalaga sa anak ko at nahihiya po ako sa byenan ko dahil sa kalagayan ko ngayon… Ano po bang dapat kong gawin? Pag naiisip ko pa lng na babalik ako sa dentista natatakot po ako talaga Meron po akong budget na 10k para sa ipin ko.. Madami po kayang maitutulong yun sa ipin ko? Ang priority ko po is front teeth ko dahil graduating na po ako at kakailanganin ko po talaga ngumiti pra sa pag apply ko ng trabaho…
Yow : At napapansin ko din po na hindi na pantay yung mukha ko malaki po ang hinala ko na dahil po yun sa ipin ko.. magse send po ako ng pictures sa inyo doc
Yow : Hindi po ako mkanganga ng maayos kasi maga pa din po yan.. mukha lang po maliit ang maga kasi tumaas na maga ng ipin ko sa ilong yun nga lang paloob.. kung mapapansin nyo po dun buong mukha ko bukod po sa tabingi na talaga.. yung sa may pagitan po ng ilong ko at itaas na lips is maga po..
Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay bumisita sa dentist at ipakita ang problema mo sa ngipin.

