3,298 thoughts on “About”

  1. doc, parang nagsasala po ung joints ko sa panga. hindi naman po masakit. medyo nakakairita lang. ano po ba magandang gawin? nakakafix po ba ng alignment ng panga ang braces? ano po solusyon dito?

    salamat..

  2. hi doc
    nagpa retainer po kasi ako tapos yung gums niya po ay nasira ano po ba ang pwede kung ipalit para masuot ko ulit yung retainer ko?
    thank you po..

  3. Doc.pwede po ba na magpabrace ang 11 yrs old pa lng.atsaka po bakit po kaya hanggang ngayon d parin po tumutubo ipin ko.

  4. Doc pumunta po ako sa clinic nung thursday para magpabunot kse natanggal po yhng pasta nung ngipin ko then lumaki. Kalahati na lang po yung natira sa taas tapos nung thursday nga po bubunutin na. E nung ininjectionan na ayaw tumalab nung anesthesia kse ramdam ko pa din sakit. Sabi may nana daw. Pinainom po ako cephalexin at mefenamic for 1 week. Pag balik ko po kaya this coming thursday mawawala na yung nana? Tsaka di ko na mararamdaman yung sakit pag hinuhugot na?

  5. Doc, ask ko lang po, bakit po ba hindi pwedeng bunutan ng ngipin ang highblood?

    At tsaka Doc, gaano po ba kalaki yang higanteng langgam na yan?

  6. dok. nginginig lang po kase ko sa takot na baka di mawala. namaga ang gilagid po at nagkaron ng nana. ..sumakit po ung ngipin kopo nung lunes ,nagfloss lang nmn po ako,sa me harapan po na ngipin na napasta po.. dahilan din po siguro ng malamig na panahon sa korea po.ano po bang magandang gawin?saka kung dipo ba nakakatakot na baka masugatan ng sipilyo yung me nana na gilagid po?? hope for the response po.maraming salamat po.

    1. Anong magandang gawin? Nako hija, ipinupinta na yan sa dentist dahil ang ngipin mo obviously ay infected. The infected tooth needs a root canal treatment in order for it to be saved. Kung ayaw mong i-save, bubunutin.

  7. Hi Doc ,
    Ask ko lan po pwede na po ako mag ka brace kase po sungki na po ngipin ko eh .
    I am 11 year old

  8. Doc, ask ko lang po Ang pasta ko isang taon mahigit na pinastahan ngaun po sumasakit na subra Pwdi po ba pasahan lang ulit un?or my tendency po ba bonotin? Ano po gamot Samantala inumin habang hindi po napagamot, Salamat po

    1. May 2 possible reason why it is causing you discomfort:
      1- maaring may cavity sa ilalim ng pinastahan
      2 – yung cavity umabot sa nerve kaya nagrereact ang nerve (causing you to feel pain)

      Malalaman yan sa Xray kung ano ang nangyari sa ngipin. I highly advise go to a dentist to have it checked. Ano ang mangyayari kung napBayaan? Patuloy ma pagkabulok ng ngipin. Prevent that to happen. Go to your dentist.

      Ang Bunot ginagawa na lamang yan kung hindi na kaya ma save ang tooth at ayaw ng pasiyente na gumastos.

      Kung yung discomfort is agitating you, you may drink Analgesic meds such as Ibuprofen, Mefenamic Acid

  9. Doc nag pabunot po ako ng ngipin sa bagang after 4days nilalagnat pa po ako.
    Pero po umiinom nmn ako ng gamot

  10. Doc, kailan mo po malalaman kng pasta lang o bubunutin na ang ngipin mo? Sa back ng front teeth ko po kasi may cavity. Nag iiba na ang color ng half tooth ko.

  11. goodmorning po doc. nagpabunot po ako nung tuesday ng gabi tapos wednesday pumasok ako ng office okie lang po ba yun, pero wla nmn po ako binuhat na mabigat?

  12. Doc tanung ko lng po for second opinion lalagyan daw po aq ng splinter up and down for my tmj treatment for 6 months ko daw un ..then after 2 months daw po pwd n din daw isabay braces sa taas splinter sa ibaba but before daw ikabit braces dpt dw isurgery impcted molar q sa left.and ryt .posible po b un na bunutan aq ng 2 pa ngipin kahit di nmn ito sira?

    1. Yes possible dahil kung impacted, what to expect:
      – bad pain eventually
      – it is going to put pressure on the adjacent tooth (which is your second molar)

      So yes, if your teeth are impacted, specifically 3rd molars, have them taken out soon

  13. doc ask ko lang po yung anak ko po kase na 5 y.o lageng sumasakit ang ngipin tuwing gabe namimilipot po siya pag natutulog siya , ano po kaya pwedeng inumin na gamot ? Salamat po at god bless po

    1. hindi gamot idinadaan yan. Obviously, yung pain na iyan means something. Hence, Ikonkonsulta yan sa dentista.

      At mukhang hindi mo pa kailanman dinadala ang anak mo sa dentista. As early as 6 months old dapat dinadala na yan sa dentist for checkup and treatment. Hindi kung kailan trip ng magulang or kung kailan masakit ang ngipin at bulok na at wala ng ibang treatment kundi bunot. Ang nagsusuffer yung bata of course

          1. Did you listen attentively to the dentist why Pediamoxand is prescribed to your child? You should have your kid undergo cleaning procedure just to he/ she becomes comfortable on the chair unit and gets familiarized with the dental settin

  14. Doc, tanong lang, meron po kasing dumudugo pag nagtu-toothbrush ako. Sa may bandang gums ata. Hindi naman masakit pero dumudugo. Matagal na po ito. I tried using Bactidol, no effect. Sabi naman nung dentista njng nagpabunot ako, wala lang daw ito. Pero kasi gusto ko mawala, kasi wala naman po ito a year ago. Soft brush naman po gamit ko. Thanks po in advance sa reply.

    1. Ang tawag sa condition mo ay gum disease. Mahirap yan ma diagnose lalo kulang sa training ang dentist. At this point, you need a DEEP SCALING. Periodontal Treatment iyan. Bleeding gums is a sign of infecftion. I could go on, write stuff about gum disease…. However whats importanter is you get a treatment.
      Dahil kapag hindi ka magpa treatment, malalagas ang ngipin mo. Not just one, but almost all. Yan ang malalang epekto ng gum disease

        1. May localized na gum disease Henry. Anyhow?,malalaman ko ang coverage / affected areas when i see you on my chair, nagawan kita mg periodontal exmination and charting, nakuhanan kita ng diagnostics ( xray). Ganoon ang pag checheckup na gagawin

  15. doc, nagpabunot po aq bagang ko last monday, kc po sumasakit sya kht may pasta sya, and d q po alam if bkit sumasakit, kaya pnabunot q na lng po sa dentist. ang tagal po bago nabunot kc matibay pa raw po yng teeth, pero ndurog na po yung pinaka pasta nya. pero mga ilan oras po nabunot na rin.. after pong mabunot nkita nun dentist na may nana pala kaya pala sumsakit. pero na-trauma po talaga aq, kc halos nak 3 anesthesia aq, kc po lage q nrramdaman yung skit …niresitahan nya po aq ng cloxallin at mfenamic acid po..
    pero bakit po ganun? sobrang skit pa rin kht 5days na nakakaraan ,at ska may nalalasahan po aqng parang kalawang na ngga2ling dun sa binunot sken, ayun po ba yung nana?! normal lang po ba na magnana sya til now? at ska sobrang sakit pa rin talaga nya.. nagkaron na rin po aq ng singaw dhl ata dun sa nana na nalalasahan ko..

    normal lng po ba na sumasakit pa rin to kht mag 1 week na? at bkit may kulay white na andun sa butas na pnagbunutan sken? at kahit po uminum aq mefenamic bakit masakit pa rin?

    THANKS IN ADV. sa reply nyo doc :((
    sakit 🙁

    1. Base sa sintomas mo, mukhang Dry Socket yung condition na naeexperience mo. Go back to your dentist as he will render treatment on that. Oo normal na sumasakit yan dahil nga sa dry socket condition. Siguro, masiyado mong pinaglalaruan yung extraction site, or you constantly been using straw nung initial healing. Talagang matatanggal yung blood clot dun sa site!

      at bkit may kulay white na andun sa butas na pnagbunutan sken? Don’t even dare touch that dahil early sign of healing yan. Sige inday at paglaruan mo yan at hindi talaga gagaling uan.

      at kahit po uminum aq mefenamic bakit masakit pa rin? Bumalik ka sa surgeon mo. Mag offline ka. Tawagan mo siya, i relay mo lahat ng symptom na ito sa kanya. Wag kag mahiya. Trabaho niya yan at responsibility ka niya until na gumaling ka. Bibigyan ka niya ng mas malakas ng Analgesic kung hindi tumatalab sa iyo ang Mefenamic Acid. Wag kang matakot. That’s his job

  16. Hi doc, tanung lng po nung nag action ng sumakit yung teeth ko tska ko pa lng pina pastahan. Ngayon after pasta po lge na xa sumasakit. Ano po pwdi gawin dito?parang namamaga yung gums ko

  17. Doc. Nabunutan po ako sa baba na ngipin ko ngayon sa may bagang po. Totoo po ba na mag hihiwa hiwalay daw po ang ngipin ?

  18. Good evening po! Kakatapos lang po hugisan ng dentist ko yung ngipin ko sa front kasi magpapafixed brdige ako. So now po wala pa po akong ipin. Kaso ang prob ko po nangingilo po ng sobra yung tooth na nabawasan. Ano po pwede gawin para matanggal ang pangingilo? salamat po!

    1. Wag ka maghanap ng cheapest next time. Sa mga dentist na matino, nilalagyan yan ng temporary bridge para hindi mangilo. Ang pwede mong gawin ay itext mo ang dentist mo para mastress siya.

  19. Hi doc pwede po bang magpabunot ng dalawang ngipin root canal ata to kahit mahigit akong 13 weeks na kong buntis maultra sound pa ako bukas ?

  20. Goodmorning Doc .
    Doc pano po mawawala ung nana sa may taas ng ipin ? At tsaka doc. Bat sa may bandang ilong ko parang may nakakapa ako na ipin or ano man un na masakit kapag diniinan ?

  21. Doc pwede po ba magbunot kahit namamaga at masakit ung gums na kinakapitan ng ngipin? Thanks po sa sagot.

  22. Hi doc. Good eveninv po bagong bunot po kasi ako bagang po kasi ang sakit po kasi at dumudugo pa ano po kaya pwede gawin para dna sumakit kasi malaki po yung nabunot sakin… salamat po

  23. sumasakit po ung tooth ko na may pasta.. several years na po kasi sya napastahan. Do i need to go to the dentist and have a root canal? Is it still possible to save my tooth?

  24. Helo po may anak po akong 2yrs old may tumubo po sa gums nya sa harap n bukol n parang may nana…ano po un doc?

  25. Doc possible po ba na yun jacket pde ipa root canal ksi naninilaw na siya at sobrang laki niya kaya gsto ko na siya palitan ano po ba maganda gawin para maging normal un ngipin ko ?

  26. Doc ano ba dapat gawin sa teeth ng baby qo 1yr& 4mnths po sya ung apat na ipin nya sa harap nassira agad tpz muka marupok kc po kalahati na sya,hnd pa po complete ang ipin nya nasisira agad tinutoothbrush qo nmn po sya araw araw

    1. Ang sagot sa katanungan mo ay ito:
      Unang una sa lahat, hindi idinadaan ang teeth condition ng babies. You should have seen a dentist as early as 6 months to see kung okay ang tubo ngmga ngipin. Mag pa schedule ka ng apppointment sa dentist or pediatric dentist to find out what is wrong as online consultation won’t suffice at all. Kung dadalhin mo ang bata sa gulang na 6 years or more, baka too late na masiyado at malala na ang sira ng ngipin by that time

  27. Doc ask ko lang po.ung friend ko ponkc nagpabunot tapus meron po naiwan na maliit na ngipin tapus sabe po saknya ibalik nlang after 1 mnth.kaya lng po ngaun sumasakit lage ung ngipin nya

  28. Hi po doc,nagpabunot po ako ng isang ngipin sa bagang tas nung pahilom na po yung sugat napansin ko po na may maliit na parte ng ngipin ko ang naiwan sa may bandang ibabaw….so ask ko lng po kung ano advice nyo kung ipapatanggal ko na po ba agad ito sa dentist ko or dapat munang ipa x-ray?…thanks po

    1. Unang una sa lahat, nasabi ba sa iyo ng dentist mo na May naiwang parte ng ngipin? SInasabi yan. Bumalik ka sa dentist mo para i relay yang concern mo. Hindi sa akin or anyone else dahil mas alam ng dental surgeon mo yung extraction site, dental history and ginawang treatment sa iyo.

  29. Slmat po sa answer nyo…yun nga pinabalik aq ng dentist q tas nung ni check po nya sv nya nd daw po ngipin un alveolar bone dw po un so I asked her bkt sumsakit un? sv nya mskit dw po tlga un tas ang ginawa po nya ni tream po nya…tas after few days nsa2lat q ba dn po yung kaputol feeling q tlga ipin pa rin kc matigas po eh,so kinonsulta q po ulit sa kanya sv nya nd na dw ngipin yun buto na dw po pag tinanggal p dw nya masyado lng dw la2lim gums..hi2d

  30. Hingi lng po sna aq second opinion sa inyo possible po b tlga na buto nga po ung naiwan?,I had a feeling po tlga n ipin pa dn un..sv po kc ng dentist q buto na d..ngayon naguu2luhan nq worried lng po kc tlga aq..eh nahi2ya nman po aq ipagpilitan sa dentist q ung opinyon q..

  31. Doc ask ko lang po sana kung masakit po ba ung mag pa root canal ?kasi po natatakot ako e or pwd pa ba gumaling ung ngipin sa front teeth po kasi kaya d ko kayang pabunot mabubungi lang ako ..pls respond thanks

  32. hi doc.. good day… pwede na po bang magpabrace kase may sungki po ako .. kahit di pa po kumpleto ang mga ngipin ko? 🙂

  33. doc yung gums ko up right side at sa lower part left side merong bukol yung napisa dahil sa pag sipilyo white liquid yung lumabas at mabaho nana b yun… d p ko ngppcheck sa dentist kasi busy sa work any home make cure para pag punta ko sa dentist ehh.. di nakakahiya!

  34. Ask q lng po bakit yung 4 y/o kong anak di pa rin tinutubuan ng 2 front teeth after xia bunutan..Nadapa po kasi xia pasubsob tpos un 2 front teeth nia prang nabaliko papasok.Nung inexray sabi po ng dentist medyo na damage dw po.Mag 1 yr na po sa feb 10 nung nabunutan xia.
    Thank you po sa response.

  35. hi po 12 years old na po ako at yung 2 ngipin ko p sa harapan ay nauga(medyo)
    mag-thithirteen na po ako baka p matanggal na yung mga ngipin ko pwede pa po ba akong tubuan ng ngipin ?????

    1. Pumunta ka sa dentist at ipaxray ang ngipin na yan. Hindi ako manghuhula para mabigyan kita ng tiyak na kasagutan may kinalaman sa katanungan mo. Ang dentista makapagbibigay ng kasagutan kaya mag offline ka na

  36. Gud am po doc, pde na po ba ipa brace yung 9 yrs old, kc hiwa hiwalay po yung ipin niya sa harapan, nu po b dapat gawin dun, thx po

  37. doc paano po ba nagkakaroon ng sungking ipin?kasi po yung anak ko 7 years old kaya pala nasakit ipin nya dahil may natubo na ipin sa gilagid nya ,..tapos nabunot pagkatanggal ung natubong ipin nya nakatagilid na paano po bang gagawin dun?papantay pa po ba ang tubo ng ipin nya?

  38. hello, doc ung ngipin ko po na pinasta ay sumakit, niresetahan lang po ako ng antibiotic at mefenamic, nawala naman. tapos ang kapalit may tumubong nana sa gilid nung masakit na area, anu po gagawin? im 20 years old, nagsimula ng tumubo ang wisdom tooth at parehong impacted pa sa baba. huhuhu what to do? tnx

  39. Good evening doc.. ask ko lang po, pwede po ba makuha yung nana sa may gums? I mean yung ngipin ko po kasi sa may bagang sobrang sakit na alam ko po may nana na po yun.. pwede po ba alisin muna yung jana tapos bunutin yung ngipin?

  40. doc natatanggal po ba ang pasta sa ngipin at
    paano po ang gagawin para tumaqgal at hindi matanggal ang pasta

  41. Doc ask ko lng po. Yung anak ko po 2 years old palang sira na ngipin sa taas dahil po sobrang hirap nya toothbushan ang na totoothbrushan ko lng po is yunh sa baba. Anu po ba magandang gawin and pag natanggal po ba ung ngipin nya ngayon sa taas na bulok tapos my tumubo tapos pag natanggal po ulit yung bagong tumubo wala na po bang tutubo pa?

  42. Doc may mga bawal po bang kainin kapag katapos nabunutan ng ngipin? sabi ng mga matatanda wag daw kakain ng malansa. totoo po ba ung pinagbabawal na yun?

    1. Hindi ka ba bingiyan ng post op instruction ng dentista mo? Soft Diet ka muna for the next few days. Nothing spicy, nothing hot, nothing grainy, nothing seedy; do not use straw, drink straight from cup

  43. Kailangan po bang bunutan ng ngipin kapag magpapabrace? sabi kase ng iba kailangan daw e? totoo po ba yung hakahakang un??

  44. hello po Doc gusto ko lang pong itanong kung natural lang pong may parang umaangat na parang laman sa parte ng panga na pinabunutan ko ng ipin ilang oras pagkatapos ko magpabunot

  45. Good afternoon po..

    Nagpabunot po ko ng ngipin, 4 days ago..
    Bakit po kaya ko nilalagnat 2 nights na po?

    Dahil po ba binunutan ako kaya ko nilalagnat?
    Ano po ang best gawin?

    Thank you po.

  46. Doc nagpapasta po kase ako ngayon po sumakit at namaga gums ko. Ibinalik ko po sa dentist inulit po nya yung pasta ko. Masakit nnmn po sya pero dna po tulad before kaya umiinom po ako ng amoxiclav. Tama po ba ginawa ko?

    1. I’ve got couple of things I’d like to know:
      1. Prinescribe ba sa iyo ng dentist mo yung Antibiotic o nag self medicate ka lang?
      2. Kung nag self medicae ka lang, alam mo ba ang doseage?
      3. Did you even tell your dentist na may maga sa dun sa involved tooth?
      4. If you did, what did your dentist do when you mentioned swelling was present?
      5. Did he take an xray if your dentist knew there was a swelling on area?
      6. What other things did he do? Did your dentist did stuff like, tap the tooth and adjacent teeth?

  47. Doc good morning po. Im pau tanong ko lang po doc kung pwede nakong mag laro ng volleyball today kakapabunot ko lang po ng ipin kahapon. Is that ok doc? Finals na kase namen sa liga thank you in advance doc.

  48. Doc ask ko lang po, nagkaroon po ng itim itim sa paligid ng brackets (braces) yung ilang ipin ko..hindi po sumasakit pero syempre po pangit tingnan kase nasa medyo harap. ano po magiging treatment dito? pwede po ba ang filling kung front teeth? or crowns po ba ? or kailangan po kayang i-root canal kahit hindi naman po masakit?(umabot na po kaya sa pulp ang tooth decay kung sa labas naman po nag-start ang cavities–which is yung braces).

    gusto ko rin po itanong, paano po ba ang system/ process nung mismong pagtanggal nung mga itim itim sa surface ng ngipin.
    reply po pls

  49. Good morning Doc! Ung anak kong 6 yrs old, 4 na milk teeth Nya sa Harap ang natanggal na. Pero 2 ngipin Lang ang pumalit. Ngyon, parang one seat a part cla. Magdidikit pa po b un?
    At ung panganay Ko po, mag 11 na xa. Ang pangit ng tubo ng ipin Nya, sungki, meron sa likod? Ano po b dapat Gawain pra umayos teeth Nya Kung Hindi p po advisable ang braces sa age Nya?

  50. doc ask ko lang po kung natural na nauga ang ngipin at kpg nakagat ako masakit at nauga nga po. kpag nag pabraces ka? nag pabraces po ako mag 1 month palang?

  51. doc gud day. last wik nagpabunot ng ngipin ang mister ko, nahirapan ung dentist almost 1hour sya binunutan pero di nakuha ung root. pinababalik sya ng dentist after 1 month kasi my posibility daw na umangat ung natira. nag cloxacillin sya at dolfenal for 1 wik. kaya lang namamaga pa rin sya masakit at di nya mainganga. ano maganda gawin doc?

  52. Hi doc..in joy kapapabunot ko lbg ngaun.and tama po ba or okey lang ang pagkain ng malalamig na food ex.ice cream ice candy?..tnx

  53. Goodmorning po, yung ngipin ko po sa harap nangilo pagkatapos ko kumain ng ice cream. Pang 4thday na po ngayon masakit pa rin. Tapos namamaga na po yung gilagid. Tama po ba na amoxicillin ang inumin ko para mawala? At ano po ang magandang gawin?

  54. Doc, ask ko lang po kc my 6yrs old daughter pudpud na pudpud po ung teeth nya sa taas, di nmn po sya palakain ng sweets pro ngayon lang sya nag stop mag bottle. Pano po kaya mangyayari kung lalabas na ang permanent teeth nya, malalaglag po ba un or kailangan alisin? Thanks

Leave a Reply

%d