Habang may buhay, may pag-asa

Abeljon : doc, 4 po sa front teeth ko sira sira na, may pag-asa pa po ba sa ngipin ko? salamat in advance.

Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa.

Abeljon : pwede po ba pabunot nlang 4 na front teeth tpos, ano po susunod na pwedeng paraan?

Ask the Dentist : Pwede. Denture, bridge, implant ang mga option mo.

Ask the Dentist : Pero mas mabuti, isave na lang. Ipa xray mo muna kung kaya pa pastahan. Kung hindi na pwede, ipa-RCT mo tapos crowns: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Abeljon : hindi na daw pwede i’pasta doc eh, wala na daw tlaga chance.

Ask the Dentist : Okie ito ang option mo:
RCT tapos crowns: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Denture : http://www.denturesguide.com/
Bridge: http://www.dentures.com.ph/fixed-fixed-dental-bridge/
Dental Implants : http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/

Gusto ng Permanent na Ngipin

Rael : Doc gud pm po.heto po ung retainer na may ngipin. Question ko po is pwedi po bang palagyan ng ngipin yan ung naka permanent na sya? Mga magkano po kayo ang cost? Senxa na po medyo yellowish tlga ngipin ko. Thanks po doc.

Rael : Before and after po doc . Gusto ko po sana magkapermanent na ngipin pwede po ba un? And then mga magkano po kaya? Thanks much po

Retainer
Retainer

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Kahit nga yang ngipin nabubungi. Pwede mo yan ipa-implant or bridge:

Dental Implants Cost Guide

Porcelain Fused to Metal Bridges

Rael : Ehe thank you po doc

Maaayos ba ang Sungki

Joy : Hello doc, ask ko lang po kung pwedeng maayos ang sungking ngipin at magkanu?

Ask the Dentist : Oo. Depende sa pagkasungki kung magkano. Punta ka sa dentist mamaya. Masasabi sayo ng dentist kapag nakita na niya. http://www.askthedentist.tv/clinics/

Joy : KailangN po bang bunotan ang dalawang malaki, o may paraan pa para maipantay ang harap magkano po ba, para mapaghandaan?

Ask the Dentist : May paraan lagi yan.

Ask the Dentist : Send photo ng ngipin mo. Usual cost ng braces: http://www.costbraces.org/cost-of-braces/

Joy : May paraan po ba para mapantay yan, nga sa dalawng malaki.

Maaayos ba ang Sungki
Maaayos ba ang Sungki

Ask the Dentist : Oo. Sa braces maaayos yan.

Joy : Magkano po kaya?

Ask the Dentist : Mga 40K din pataas.

Find an Orthodontist

Janille : Hi Doc, I’m looking for a good ortho.. Can you recommend one who is (dental health insurance) accredited?

Thanks!

Ask the Dentist : Kapag (dental health insurance), automatic na low quality. AT hindi tinatanggap ng (dental health insurance) ang ortho. Hanap ka na lang ng ortho dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/

Bukol sa Labi

Jln : Hi!

Jln : I just want to ask something. Nakabraces ako and I just realized na medyo matagal na yung singaw ko. I dont know if singaw to kasi nagcreate na sya ng parang uneven na skin. If it’s okay, I’ll send you a pic.

Bukol sa labi
Bukol sa labi

Ask the Dentist : Dentist ang nagbraces sayo?

Jln : Yup

Ask the Dentist : Kailan ka nagstart magbraces?

Jln : Aug 2011

Jln : Here’s a clearer shot

Ask the Dentist : Anong sabi ng dentist mo? Mukhang madalang ka magpa-adjust.

Ask the Dentist : Maximum of 2 years lang ang braces.

Jln : Pero anong cure dito? Hindi sya masakit pero uncomfortable kasi parang may excess na laman

Ask the Dentist : Inaalam ko kung ano yan depende sa sagot mo.

Jln : Di ko din alam kung ano to. Hindi ko pa natatanong sa dentist ko kaya sayo ako nagtatanong

Ask the Dentist : Maximum of 2 years lang ang braces. Malamang na hindi ka na bumalik sa dentist mo. Nangyayari yang ganyan kapag napabayaan ng pasyente ang pagpapaadjust. Malaki ang probability na 1 to 2 years na ang huli mong punta sa nagoortho sayo.

Jln : Kakapunta ko lang last week. Every after 3 weeks pumupunta ako sa ortho ko. Madami akong sungki dati kaya matagal braces ko not just normal sungki. Yung nasa taas mismo yung teeth ko kaya it was kind of longer than the usual

Ask the Dentist : Kahit na malala. Dapat naayos na yan within 2 years kapag regular ka nagpapadjust. Mas mabuting tanungin mo siya, itext mo. Kapag regular kang nagpapaadjust dapat alam mo cellphone niya. Kasi kapag tinanong mo ang iba ibang dentist, iba iba ang magiging sagot dahil hindi alam ang history niyan. Yun ngang mga tanong ko, medyo malabo ang sagot mo kaya hindi ko masabi kung ano yan.

Sumasakit araw araw ang Ngiping Pinastahan

Joyce : Goodevening po doc, ask ko lang po. Nagpapasta po kasi ako sa harap dalawa po na magkahiwalay. After ko po magpapasta, sumasakit na po yun araw araw. Ano po ba ang dapat kong gawin.? Pag po ba nagpa jacket yung gantong sumasakit na, kailangan na po ba i-rtc? Salamat po..

Ask the Dentist : Oo, RCT yan tapos jacket crown. Pero para sigurado, ipaxray mo. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Joyce : Salamat po.

Nangingilo ang Kakapastang Ngipin

Jhenny : hi !
tanung ko lang po ,kakapasta lang po kc ng ngipin ko bkt po nangingilo parin ?

Ask the Dentist : Bigyan mo ng tatlong araw. Kapag hindi nawala ang pangingilo, balik ka sa dentist mo at ipakita. Kapag hindi nawala ang pangingilo baka RCT ang kailangan: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Jhenny : thank u po .

Mukhang matanda kapag nabungi ang Pangil

Loiskies : tanong ko lang po kung ano maganda gawin sa ngipin na underbite then yung canine tooth is nakalabas tlga sa my front
“HIGH CANINE AND UNDERBITE

Ask the Dentist : Patingin ng panoramic x ray.

Loiskies : Wala pa po ako paboramic xray e. Posible kaya na pwd nalang bunutin..? Kasi msakit po pag tumatama sa my upper lips ko.

Ask the Dentist : Kung may pambayad ka ipabraces mo. Kung wala ipabunot mo.

Ask the Dentist : Tapos pustiso: http://www.denturescostguide.com/

Loiskies : Ok thank you po

Loiskies : Parang ganito po yung problem ng teeth ko. Pede naman kya ito ipabunot nlang yung canine tooth?

Gusto ipabunot ang cuspid
Gusto ipabunot ang cuspid

Ask the Dentist : Pwede naman lahat eh. Lahat pwede mo ipagawa, kaya lang may epekto. Kung pinabunot mo eh di bungi ka, mukha kang matanda ang ang ngiti mo, pigil. Katawan mo yan, kahit ano ipagawa mo pwede. 🙂

Loiskies : Okay po.

%d