Magaling na Dentist

Edree : Hi doc, hihingi po sana ako ng recommendation nyo na magaling magpasta at magaling na TMJ. So far, yung napapastahan ko sa ____ Health Service ang pinakamagaling nga lang nde ko nakuha name hehe. Pero yung gawa nyang pasta sa front tooth, naitulak yung left tooth masyado so d na aligned yung two front teeth ko Thanks po!

Ask the Dentist : List – http://www.askthedentist.tv/clinics/

Edree : Thanks po how about sa Alabang area? Mas malapit kasi ako sa Alabang.

Ask the Dentist : Tingin ka sa list ng malapit sayo.

Nagkuwento lang si Edmund Tungkol sa Bukol sa Bibig

Edmund-Lenie : Doc ako ko nga po kasi may bukol sa ngalangala ko po doc kasi sumasakit yung ngipin ko po doc at pati yung wisdow tooth ko sa taas sumakit po dahil po ba dun dok.

For RCT
For RCT

Edmund-Lenie : Doc yan po yung bukol sa ngala ngala ko po. Sana makatanggap po ako nga sagot ninyo soon. Matagal na po akong hindi bumisita sa dentist doc.

Edmund-Lenie : Yung sirang ngipin ko doc pwede bang root canal o bunot na.

Edmund-Lenie : Yung wisdom tooth ko doc hindi pa naalis kaya ngayon sumasakit po doc.

Ask the Dentist : Oks.

Gusto Mag-Retainer kahit hindi nag-Braces

Charie : ask ko lng po. pwde po ba akong mgpa retainer kahit hndi pa ako nkapg pa braces?

Ask the Dentist : Hindi dapat. Pero pwede. Dahil walang gamit ang retainer sa mga taong hindi nagpabraces.

Charie : Kahit yung straight lng na retainer po?

Ask the Dentist : Bale ano ang tanong mo?

Charie : I mean po kahit yung straight na retainer bawal?

Ask the Dentist : Useless yun. Nakakasira lang sa ngipin. Sinusuot lang yan pagkatapos ng ortho treatment. Pero siyempre, katawan mo yan, kung gusto mo, try mo.

Charie : Ahh. Sge po. Thankyou

Sungki ang Ngipin na Tumutubo

Mark : doc tanong ko lang po ..may baby po ako na 6YRS OLD NA .. HINDI PA PO NAWALA MGA NGIPIN NYA KAHIT ISA..YON PO MGA MILK TEETH NYA ..

ngayon po may tumubo po sa lower teeth , sungki po xa. sa tingin nyo po ba pernament na din po ba yon ?? or maaalis din po yon ?? kasi never po sya nabungi eh

thank you doc

Ask the Dentist : Ah. Tumutubo na yung kapalit ng ngipin na nasa ibabaw. Patingin mo na sa pediatric dentist.

Mark : Doc mag send ako ng voice record para ma explain ko ng maayos ah

Mark : Sa lower teeth yon mga lumalabas na ngipin doc eh

(Mark sends a voice record saying “Blah blah blah. Gets niyo ba doc? Gets niyo ba doc?”)

Mark : Gnyan ang ngipin nya doc complete pa mga milk teeth nya , sa age nya 6yrs old never xa nabungi

Mark : Ngayon my tumubo sa lower teeth nya sa loob na isaaa ,, pro mukang my kasunod paaa , sa tingin mo doc?? Maalis din ba yon ? Ayoko kasi mging sungki xa eh

Ask the Dentist : Malinaw na malinaw sa una mong naisend na message. Tumutubo na yung kapalit ng ngipin na nasa ibabaw (ibabaw/nauna/1st set/unang mga ngipin na tumubo). Kapalit ng nauna. Kapalit ng 1st set. Imagine-in mo ang ibabaw. Kung ano ang mas mataas, siya ang nasa ibabaw. Kunyari may dalawang palaka, yung isa nasa ibabaw ng isa, kahit nakatagilid konti yan, o bandang loob, alam mong nasa ibabaw yung isa kasi nasabi nating nasa “ibabaw”. Kung sa tingin mo malabo pa din kung ano sa dalawa ang nasa ibabaw, yung ano ang bagong tubo, yun ang nasa ilalim. Kung ano ang bagong tubo siya ang matitira diyan, kung ano ang luma, siya ang bubunutin.

Patingin mo na sa pediatric dentist para makita niya at mapagdesisyunan kung dapat na bunutin yung nasa ibabaw or maghintay pa ng ilang buwan. Usually, sa pinoy, sa lower central incisors, tumutubo sa gulang na 7. Sa kano, 6. Kaya kung dapat na bunutin yung 2 deciduous lower central incisors, ay mapagdedesisyunan lang kapag nakita na ng pediatric dentist. Pediatric dentist ang tawag sa dentist na pambata. Madaming specialization ang dentist, may prosthodontist, may orthodontist, may pediatric dentist.

Mark : Sa tingin mo doc ??? Ndi ba pedeng hntayin nlng na mtanggal mga ngipin nya ?? Takot kc xa sa dentist eh ,,

Ask the Dentist : Sa tingin ko ay hindi ko makita. Bibili pa ako ng bolang kristal para makita ko.

Mark : ahahahahhahahahha :)))

—————————–
Ask the Dentist : Hindi nagsend ng photo si Mark at nagtatanong siya kung ano sa tingin ko. Kaya kailangan ko ng bolang kristal para makita ko.

Supra erupted tooth

Jocelyn : Doc, kaya pa ba mabalik tong overerupted teeth pag nag pustiso sa bagang sa baba?? Or braces na tlaga dpat?? thanks in advance

Supra erupted tooth
Supra erupted tooth

Ask the Dentist : Mukhang kailangan mo na magpapasta.

Ask the Dentist : Ipa braces mo.

Jocelyn : Slamat doc. Malaking tulong po kau. Godbless

Ask the Dentist : Oks.

Bumuka ang Sugat ng Odontectomy

Gliezel : Doc, ask ko lang po kung pano ung gagawin ko. Nabunutan po kasi ako ngayon ng wisdom tooth, tpos kumaen po ko ng icecream tapos nagmotor pauwi. Pagkatingin ko po sa part na binunutan, bumuka po. Nwala ung tahi. So ang gnwa ko po ininum ko lang po muna ung mga gmot na nireseta nya, tapos uminom po ako ng hemostan, para tumigil ung pagdudugo kasi nkabukas ung sugat. Tas nag gargle ako ng warm water with salt, tapos bactidol after. Ibblik ko po to bukas sa dentist ko, kaso po nttkot po ako bka magka dry socket ako? Malaki po ba ung possibilidad na ganun ung mangyre? Pano po gagawin ko netong buong gabi? Thanks po

Ask the Dentist : Oks lang yan. Ipakita mo na din mamaya.

Halaga ng Odontectomy

Jeyloo : Doc, good evening po. Ask ko lang po kung pwede ng bunutin ang ngipin na namamaga pa ang gums? Sabi po kasi nung dentist pwede na daw po. At tatanggalin din daw po niya ang wisdom tooth ko pero hihiwain daw po kasi parang nag-overlap na ung gums sa wisdom tooth ko po.. Magkano po kaya yun? Salamat po!

Ask the Dentist : 5K pataas.

Ask the Dentist : http://iaskthedentist.com/odontectomy/

Jeyloo : Ah, thanks po doc.

Jeyloo : Doc pwede po ba bunutin ang ngipin na masakit at namamaga ang gums? prang may nana?

Ask the Dentist : Yung dentist mo ang magdidecide.

Jeyloo : May mairerecommend po ba kayong dentist dito po sa Taguig? Thank you po.

Ask the Dentist : Wala. Hanap ka na lang dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/

Apat na Bungi sa Harap pero Gusto magpabraces

Arliza : ask ko lng po pde po b ipa brace pag pustiso ang ngipin s harap bale po apat po yung pustiso s harap kung pde po b sya ipa brace? tnx

Arliza : plss reply tnx

Ask the Dentist : Pwede. Pero waste of money na. Pagipunan mo na lang ang implant: http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/

Arliza : magkno po b ang implant pg implant po b pde po b ipa brace? fnx

Ask the Dentist : Final na ang implant.

Arliza : ah cge po mgkno po b aabutin..

Arliza : i mean po pde po b ipabrace pg nka implant ang ngipin s harap po tnx

Ask the Dentist : Possible. Pero mas oks kung final na ang implant.

Gusto ng Permanent Teeth

Chan : hello Doc. im planning na ipaayos teeth ko

so heres the situation wala na ung isa kong teeth sa harap nakapustiso ako ngaun but im planning na gawing permanent na sya.. then sira na ung katabi nya… what procedures po kaya pedeng gawin dto plus how much pabunot at pasta sa inyo.. and san location nyo po..

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay. Kahit nga ngipin nabubungi. Pwede ka magpaimplant. Or bridge.

Porcelain Fused to Metal Bridges

Dental Implants Cost Guide

Chan : ok thank u so much for the info.. mga magkano nagrerange ung price ng bridge..

Ask the Dentist : Madaming material na pwedeng gamitin for bridge: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/ . Ang pinaka ok sa harap na ngipin ay e.max, pero medyo mahal. Para sa isang bungi, 60K pataas. Ang porcelain fused to metal bridge, 15k pataas.

Pwede ba ipabunot ang Canine tooth

Loiskies : Doc. Eto po yung actual pic ng teeth ko.
Pwd ko pabunot yung high canine tooth ko? Wala pa kasi ako budget for braces e.

Canine tooth
Canine tooth

Loiskies : How much kaya maging cost pag pinabunot ko to? Then how long kaya dpat ipahinga after bunutin? Thanks

Ask the Dentist : Pwede pero pangit ang kakalabasan. Pero kung wala talaga budget, ipapustiso mo na lang or bridge. http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Loiskies : Pano po ba yung bridge? Pustiso lahat nung nasa upper na ngipin ko po?

Ask the Dentist : Basahin mo na lang yang website.

%d