Biktima ng Fashionable Braces

Arjhay : Hello po doc. kapag po ba may malaking butas na ang bagang pwede pa po bang pastahan ito? kung hindi na po pwede ano po ang dapat gawin?

Ask the Dentist : Kapag sumakit na or umabot na sa pulp, RCT na ang gagawin.

Arjhay : Ano po yung pulp? Pero po kapag malaki lang po yung sira pero wala pang butas pwede pa po ipa pasta? dipa po sumasakit yung sira na yun. ty po sa reply

Ask the Dentist : Imposible yata yung sira na pero walang butas. Eh ano yung sira, hindi butas?

Arjhay : butas na po ba kahit parang cavity palang

Ask the Dentist : butas = cavity

Arjhay : ganun po ba. e pero magkaiba po kasi, yung isa dipa kita yung loob ng ngipin pero yung isa kitang kita na po.

Ask the Dentist : Anong sabi ng orthodontist mo?

Arjhay : Kapag nagttnong po ako gusto lang niya bunutin daw po.

Ask the Dentist : Sa nagbibraces sayo mo itanong. Bakit hindi niya pinastahan or ina-RCT bago lagyan ng braces.

Arjhay : upper palang po pinalagay ko kasi nga po walang lalagyan ng parang lock sa may dulo ng ngipin dahil sira

Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Mukhang hindi nakapagaral ng braces yang dentist mo. O malamang na hindi dentist yan.

Arjhay : May mga certificate naman po siya ng orthodontist atbp.. dko po alam baka nga po di yun nakapag aral ng braces

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *