Affordable RCT

Elaine : Doc, ask ko lang po, pwede po bang magpapasta muna habang wala pang budget pangrootcanal? para po sana kahit papano malinis yung ngipin tapos mafill. Alam ko po malala yung situation nung ngipin ko kasi po dahil sa dami na siguro ng bacteria bigla po nalaglag yung gitnang part ng ngipin bale po butas na sya, gilid na lang po ang natira sa pinakacrown kaya alam ko po root canal na at jacket kaso wala pa pong budget kaya kung ok lang po sana na pasta muna pansamantala bago pa umabot sa pinakaworst situation. Wiwait ko po ang response nyo. Thank you so much in advance! God Bless.

Ask the Dentist : Malamang na hindi ka gawan ng dentist na pupuntahan mo. Paano kakapit ang pasta kung mas malaki ang pasta sa ngipin na kakapitan?

Elaine : 🙁

Ask the Dentist : Oks.

Root Canal Treatment Cost Philippines

Jay : good pm po doc magkano po ba ang pagpapa-RCT…paki pm nlang pa ako…salamat po…

Ask the Dentist : Depende sa dami ng kanal at hirap ng angulation ng canal.

Jay : ganun po ba? wala po kc akong idea tungkol sa proseso ng RCT at kung magkano…

Ask the Dentist : Oks.

Jay : thanks po.

Pangarap Magpa-Root Canal Treatment

Udhalyah : hello po, good eve po. ask ko po sana kung ano yung best na gagawin sa molar teeth ko po. may cavities na po kc siya inside, no cracks or openings pong makikita. i didn’t want to extract it po kc ayoko po magsuot ng postiso and most definitely wag yung implant kc nakakabutas ng bulsa. I also heard about this root canal. ano po ba difference nang root canal from pasta ? are they the same in some way? thank you po and God bless.

Udhalyah : oh God. wait, are they the same? english ba ng pasta ang root canal? omg. hope not cause this is embarassing. hahah

Ask the Dentist : Hindi same ang pasta sa root canal. Sa RCT, tatanggalin ang impeksyon sa ngipin sa pamamagitan na paglilinis ng root canal ng ngipin. Sa molar usually, 3-4 canals. Ang usual na price per canal is P2,500. Kaya 3 x 2,500 = P7,500 ang magagastos. Ang mabuti diyan, ipa-xray mo, litratuhan mo ang x-ray tapos send mo sa akin para makita ko kung for root canal treatment nga talaga.

RCT & Braces Philippines

Reynalyn : hi..

Ask the Dentist : Hi.

Reynalyn : my braces po ako. 50k dw then d p pla kasama dun ung iffixed bridge ung bagang ko n bnunot nya- 12k dw un, tas rct nmn sa isa ko png bagang na sumasakit ngyun -( 6k mas mura mura kesa ipa fixed bridge din ) aiyt, d nya n inform from da start n ung 50k un braces lng un at my additional fees p pla at dpat gwin sa ngipin ko,hmm ala po xray na nganap, Dr. ________ po name ng dentist ko ,hehe la lng bka kilala nyo po?haha msbe lng ..ortho din dw xa. ..anyway im planning mgpa rct sa dentist ko kc ung bagang ko sa baba 2nd to last sumasakit n nmn ngyun ..actually my sira n kc yun at kulay dilaw ba, kainis.. hmm what shud i do and ask to my dentist ..

Reynalyn : anu po bng tamang protocol pag ngpapabrace or pag my brace n?
still der ?

Ask the Dentist : Ok. Dinadigest ko ang kuwento mo. Para mapayuhan kita ng tama, magpa-panoramic x-ray ka. Saan ka ba banda? Manila?

Ask the Dentist : Yung bridge, inilalagay lang pagkatapos ng ortho treatment mo. Yung i-a-RCT, iparct mo na. Sa RCT dapat ini-x-ray din. Kapag ina-RCT ka at hindi ka man lang ini-x-ray, wag mo na ituloy, hindi marunong ang dentist mo. Sa braces, dapat may panoramic xray lagi. Kung hindi ka hiningan ng x ray, well, kaduda duda kung nagaral nga siya ng orthodontics. Madalas yung mga ganito, murang mura silang maningil.

Magsend ka ng panoramic x-ray, para makita ko kung ano condition ng ngipin mo. Malaki ang tsansang hindi na kailangang i-bridge yan kung isang ngipin lang naman ang kulang, para masiguro ko tignan natin sa x-ray. Pero siyempre maghanap ka ng dental clinic na may malinaw na x-ray. Lapid Dental Center, madami silang branch, pa-x-ray ka doon, litratuhan mo at i-pm mo sa akin.

Reynalyn : magkanu po yung oanoramic xray ?
panoramic xray ? taga mambugan antipolo po ako ee
sige po pls. help me .. thank you.

Reynalyn : grbe sakit at kumikirot pdin po pdn hanngang ngayun ..5hrs. n to.. normal pa pu b to ?

Ask the Dentist : Depende sa clinic. Iba iba ang singil. P1,000 usually.

Reynalyn : minimum n po b yun ?
anu po bng gngwa wen u say ortho treatment ?

Ask the Dentist : Ang masakit ay hindi normal. Kasi pag normal ang pagiging masakit, hindi mo yan tatawaging “masakit”.

Reynalyn : haha tama nga nmn..

Ask the Dentist : Braces. Hindi yan ipinaliwanag ng dentist mo? Ginagawa sayo hindi mo tinanong kung ano?

Reynalyn : not further explained.. my mga spaces po kasi ipin ko sa baba , mga 5 in between teeth, sa taas 4 naman.. aun nga yung braces para ma compress sya.. july aq ngpa brace , my improvement nmn na meju ngddkit dkit na cla..
merun aqng molar band (2)sa taas lang ..
sa baba wala.. kasi nga bungi na ung isa kong bagang..
sa kaliwa 2nd to last ,sa kanan naman ung 2nd 2 last din yun yung sumaskit .

Ask the Dentist : Oki. Kung isa lang na bagang ang nabungi, pwedeng maayos na sa braces ang space. Hihilahin lang ang molar mo patungo sa bungi. Syempre mga nagaral lang sa ortho ang nakakaalam nito. Hindi na kailangan ibridge. Unless napalawak talaga ng space at madami pala ang bungi at mali pala pagkakakuwento mo.

Ask the Dentist : Ilan na lang ang molar mo sa baba?
Mas mabuti talaga pag magsend ka xray. Para hindi ako magkamali sa mga sinasabi ko. Oks?

Reynalyn : 4 sa kanan, 3 sa kaliwa..
3 nlng sa kaliwa kasi nbungi ee..

Ask the Dentist : Apat sa kanan? Sa baba lang madam.

Reynalyn : ok. sige mgpapa xray nlng aq..
uo nga po ..sa baba lang yun.. e diba mya kanan -kaliwa part

Ask the Dentist : 3 molar mo sa kaliwa? may nabungi pa niyan ha? Hahaha!
Sa baba, 1st, 2nd at 3rd molar sa kaliwa, 1st, 2nd 3rd molar sa kanan.

Reynalyn : haha makatawa ka nmn wagas.. hmmp
teka ilan ba dapat lahat ng ngipin ? 16 b? eh 14 lng lahat skin ee
sa baba lang aa..

Ask the Dentist : Ibig sabihin nito, mali ang pagkakuwento mo. At malamang mali din ang sinabi ko.

Reynalyn : db my 3 molar the 2 pre molar..

Ask the Dentist : Hayaan mo, magpopost ako ng litrato ng maxillary arch at mandibular arch ng tao.

Reynalyn : i mean yung sinasabi ko 4 at 3.. mga bagang po yun..

Ask the Dentist : O alam mo pala. Bakit may apat kang molar sa kanan?

Reynalyn : na include ko lng yung premolars sa molars..enxa nmn..
yung nsa pic. sa baba yung 1st premolar and second premolar merun aq nyan yung first molar ko yun yung sinsbi ko na masakit at my sira then ok nmn yung second molar ko .. yung third molar parang ala ata ko nun.. , bat kc 16teeth yung complete na ipin sa akin 14 lng lahat tapus nbungi p ung isa .. ampf

Reynalyn : kya d n aq ngtataka kung bkit my spaces yung skin..

Ask the Dentist : O nagsend ka pa ng photo, nagattach ka na din sana ng photo mong nakaswimsuit, natuwa pa ako.

Reynalyn : haha adik lng.. lakas mka segway aa.. haha akala ko ba ask a dentist itu at all about teeth ..sabay photong nkaswimsuit hnanap? haha Lol

Ask the Dentist : Ayun. Ok, hindi pa tumutubo ang 3rd molars mo. Unless impacted ang mga 3rd molars mo. Kapag natapos na ang braces mo, mga 1 year or 2 years from now, dapat bunutin ang 3rd molars mo.
Ano sa tingin mo sa mga dentist, hindi tumitingin sa mga nakaswimsuit? Next na send mo ng photo, dapat may nakaswimsuit na Reynalyn na ha.
Pero since may nabunot sayo, depende pa din sa result ng braces kung dapat tanggalin yung 3rd molar mo sa side na yun.

Endodontic Treatment Philippines

Dental Chart
Dental Chart

Nikka : Hi Doc! Magtatanong lang ako. Eto po yung legends nung mga kulay kulay diyan sa picture:

yung straight lines po na grey=mga umitim sa teeth (cavities ata pero dot pa lang naman. in between po siya ng teeth)

yung X po na black= it means sira na po yung teeth at abot na po sa pulp yung cavities pero hindi pa nabubunot. halos eaten na po ng cavities yung whole tooth.

yung X po na grey= it means sira po yung teeth pero mababaw pa lang po at hindi pa nakakain nung cavities yung tooth.

yung shade na black= it means extracted na po yung teeth.

uhmmm, my question doc…. pwede pa po ba yan ipabraces? Kasi yung mga central incisors ko po is sungki (yun lang naman). at saka may mga ways pa po ba para maisave yung iba ko na teeth na hindi naman dapat bunutin? ano po ba yung mga teeth na dapat bunutin? ilang weeks po yung gamutan na kailangan? Salamat doc! Looking forward for your response. Merry christmas!
teeth.JPG

Ask the Dentist : Oo pwede sa braces. Ipa-x-Ray mo para makita kung pwede pa i-RCT. Kung taga-Manila ka meron ako mga kaibigan dito na magagaling.

Ano ang mas ok bunot o root canal

Saudi Boy Ray Ubando : Enjoy na enjoy ako sa mga camel dito sa Saudi boss! Ano ang mas ok bunot o root canal?

Ask the Dentist : Kung long term ang iisipin mo, mas mura at mas ok ang root canal, kasi mananatili ang ngipin mo sa bibig mo. Kaya kung ang balak mo ay mabuhay pa ng matagal, mas mabuting magpa-root canal treatment ka.

Root Canal Treatment Philippines

May Jean : Hello, good morning po. May itatanong sana ako.

Oct 20 ay nagpa RTC ako ng upper and lower molar tooth ko pero hangga ngayon ay nasakit pa rin tulad ng dati before the treatment at both nasakit. 4 times ng na open at linis upper at 5 times naman sa lower. Everytime na file nya ay masakit yong dulo na natutusok. 1 canal sa lower at 1 din sa upper ang nasakit pag natutusok. Hindi ko alam kung hindi lang talaga magaling dentist. Tiningnan ko calling card ay DND nakalagay at wala nakalagay na specialization. Ni refer kasi ako ng kasamahan nya na d kayang perform RTC ng molars at sinabing magaling daw. At everytime na nag perform ay sya lang at wala assistant. Yong assistant ay taga tawag lang. Tapos pag nag perform ay wala pa 1 hour for both tooth kasi dati kong root canal ay 1 canal lang sya pero inaabot dati ko dentist mahigit 1 hour at d man lang sumakit after the procedure.

Parang kulang pati sa instruments at hindi masyado hygienic. Parang wala transillumination at ni wala yong kulay blue na ussually giangamit dentist para sa pagkagat pag nilalagyan temporary/permanent filling.

Tapos aalis kasi ako bansa for 3 months. Paano po if d mawala sakit before ako alis? I close na ba nya permament at kailangan ko ba bayaran ng full kahit d successful?

Thanks and sana po ay masagot nyo mga tanong ko. Thanks 🙂

Ask the Dentist : Hi May Jean. Normal lang ang pananakit after ng RCT. Nagheheal ka pa. Nilagyan na ba ng final restoration? Palagyan mo ng final resoration ha. Kailangan within one month malagyan na ng crown o pasta. Pero kung tatanunin mo ako kung ano ang pinakamainam, porcelain fused to metal crown, next ang onlay, last ang pasta. Kapag maganda ang seal sa crown, at maganda ang seal ng mismong sa apical, pwedeng habambuhay na ang ngipin mo. Siyempre dapat practice good oral hygiene, floss 3 times a week tuwing gabi, at brush after matapos mo kumain. 3 -5 minutes ang brushing ha.

Post, Core and Jacket Crown Cost

Gilbert : musta po? may jacket (crown) po ko sa front isang ngipin lng after 15 years naputol po ung pinagkakabitan na ngipin. nilagyan ng turnilyo nung dentist para maikabit uli ung crown at ni RCT ko. pero after 1 week nauga na ung crown bumalik ko para ikabit uli kaya lng after 2 weeks umuga na nman. dati 15 years ung tinagal kung hinde pa naputol ung ngipin ko hinde siya matatanggal. Maiikabit pa kyo ung crown ko na kasing tibay nung dati, takot tuloy ko kumagat bka kasi bigla matanggal. May kilala po ba kayo magaling na dentist sa laguna at medyo affordable po.magkano po kaya magagastos? d2 ko nga pla pinakabit uli sa saudi kasi d2 naputol pero sa pinas ko pinagawa ung crown ko.. uuwi po kasi ko sa december..salamat po

Ask the Dentist : May gagawin diyan para hindi matanggal agad. Malaki ang possibility na papalitan ang crown mo. At babaguhin din yang kakabitan. Ang karaniwang magagastos mo para siguradong hindi matanggal agad ay mga P12 K. Kung mabibigyan mo ako ng copy ng X-Ray mas mainam. Mahirap hanapin ang combination na “Magaling + Affordable”. Yung mga magagaling, kaya magagaling ay nag-aaral sila. At ang pampaaral ay pera. Bayad sa tuition at bayad sa gamit ng mag-aaral na dentist. Expect na may kamahalan ang mga dentist na naglalagay ng crown na hindi matatanggal agad.

Affordable Jacket Crown Cost

Gilbert : musta po? may jacket (crown) po ko sa front isang ngipin lng after 15 years naputol po ung pinagkakabitan na ngipin. nilagyan ng turnilyo nung dentist para maikabit uli ung crown at ni RCT ko. pero after 1 week nauga na ung crown bumalik ko para ikabit uli kaya lng after 2 weeks umuga na nman. dati 15 years ung tinagal kung hinde pa naputol ung ngipin ko hinde siya matatanggal. Maiikabit pa kyo ung crown ko na kasing tibay nung dati, takot tuloy ko kumagat bka kasi bigla matanggal. May kilala po ba kayo magaling na dentist sa laguna at medyo affordable po.magkano po kaya magagastos? d2 ko nga pla pinakabit uli sa saudi kasi d2 naputol pero sa pinas ko pinagawa ung crown ko.. uuwi po kasi ko sa december..salamat po

Ask the Dentist : May gagawin diyan para hindi matanggal agad. Malaki ang possibility na papalitan ang crown mo. At babaguhin din yang kakabitan. Ang karaniwang magagastos mo para siguradong hindi matanggal agad ay mga P12 K. Kung mabibigyan mo ako ng copy ng X-Ray mas mainam. Mahirap na hanapin ang combination ang “Magaling + Affordable”. Yung mga magagaling, kaya magagaling ay nag-aaral sila. At ang pampaaral ay pera. Bayad sa tuition at bayad sa gamit ng mag-aaral na dentist. Expect na may kamahalan ang mga dentist na naglalagay ng crown na hindi matatanggal agad.

Hanapin mo na lang kung ano pinamadaling puntahan.
http://www.askthedentist.tv/clinics/

Gilbert : maraming salamat po..

Ask the Dentist : No problem

RCT Cost Philippines

Brylle Yu : pwede po ba ipa rct yung front teet kahit malaki na yung butas nito ?? tnx.

Ask the Dentist : Oo.

Brylle Yu : sa tingin nyo po magkano po ?

Ask the Dentist : Sa tingin ko hindi ko pa nakita. 🙂 P3,000 pataas kapag isa lang ang canal. Tapos sa crown, P5,000 pataas.

%d