Retainer or braces

Daniel : Hi po doc,
Ask ko lang po kasi po 11 years old lng po ako yun 2 ngipin ko po ay medyo nakaforward po ano po pwede nyo pong mareccomend retainer with treatment or braces po?

Daniel : Pati po may marerecomend po ba kayo na dental clinic na mura po sa laguna especially santa rosa po tnx

Ask the Dentist : Walang inaayos ang retainer.
Walang inaayos ang retainer.

Daniel : Ok po tnx po
Merry Christmas rin po

Daniel : Hi po ulit doc sorry po kung makulit ako tanong ko lang po yun mga prices na ganito po ba nakakapagpaayos po ng ngipin ? Or fake po?

Ask the Dentist : Pumunta ka sa dentist at wag sa kung anu anong ads ng karaniwang tao..

Daniel : Ok po thanks po

Ceramic Dental Braces Cost

Shiela : hi doc, may nakita po ako sa sulit.com nagaadvertize ng clinic nila ang ceramic braces nila 8000 lang ang downpayment tapos same day ikakabit then walang fix na price basta monthly ka lang babalik 1000 a month ganun po ba talaga ang price ng ceramic brace?? or fake yon hope to hear from you salanat

Ask the Dentist : Malamang na fake.

Braces sa may missing tooth

Dezhara : Hi! Gud eve doc. Ask ko lng po pwde p po bng ibraces yn teeth ko? My missing teeth p yn s both side upper and then my cra p ung ibng teeth ko.. Tnx pu! Nbbsa ko po kc ung blog nyu e..

Bungi

Ask the Dentist : Pwede. Pero may gagawin muna diyan bago ibraces. Hanap ka ng magaling na dentist para alam niya ang gagawin.

Dezhara : Tnx doc.

Dezhara : Ask lng ule doc anu pu ang gagawn jn s front teeth ko? Fix bridge b o ung filling lng? Preho lng b un? Ahaha

Ask the Dentist : Yung dentist mo ang magsasabi sayo kung ano.

Dezhara : Ok doc tnx pu

Braces Cost Today

Arriane : hi, im getting my braces installed tomorrow but i need to know if kailangan ko muna magpa jacket.. yun front tooth ko kasi sa left side eh ni root canal and mejo discolored na sya (ng konti) i wonder if best ba na jacket muna or braces? thanks a lot!

Ask the Dentist : Depende sa diskarte ng dentist mo. May gagawin diyan na alam ko na maaaring hindi alam ng dentist mo. Depende sa galing niya. Pero ayoko siyang pangunahan.

Arriane : like what? please tell me!!!
tomorrow pa rin ako x-xray eh, so i dunno anythin..

Ask the Dentist : Depende sa galing ng dentist mo yan.

Dental X-ray 3 years ago

Lorenza : Good day po. 2010 po ng pa x-ray po ako panoramic plus pix po ng whole teeth ko… Iniwan ko po ung record ko sa dentist, this year ko lang po naalalang balikan at gusto ko po sanang kunin na pero according to her po property na daw po nya un ayaw na po nya ibigay sa akin. May right po ba ako na kunin pa mga yun? salamat po.

Ask the Dentist : Wala. Sa kanya yun. Nasa batas na dapat itago niya yun.

Lorenza : hay ganun po ba? kahit wala pa po sya nagagawa sa ngipin ko? paiba2 kasi po sabi nya gagawin na procedure sa ngipin ko kaya want ko po sana magconsult ng ibang dentist kaso ung record ko nga po nasa kanya pa po.
salamat po

Ask the Dentist : Magpapanoramic ka ulit. Useless na iyon, madaming nabago sa 2 years na nakalipas.

Lorenza : mukha naman po walang nagbago sa ngipin ko. Dami po ako missing teeth na di na po tlga lumabas at base po sa panoramic wala na po lalabas, 25 lang po lahatng ng ngipin ko. Dalawa po dun milk teeth pa, wala po ako third molars. tas ngipin ko po sobrang far apart. Anu po kaya pinaka best na gawin po sa ngipin ko? thanks po.

Ask the Dentist : Magpa-xray ka para malaman natin ang dapat gawin.

Ganito ang Itsura ng Teeth ni Kristine

Kristine : doc ano pong treatment ang pwedeng gawin ng dentist ko kung magpapabrace po ako, i have a big space kasi i lost my 2 upper left premolar, tapos sa right in between yung space bacause i lost my upper premolar at molar. thanks po.

doc ganito po ang itsura ng teeth ko.

Ask the Dentist : Madali lang ang case mo. Hanap ka ng mgaling na dentist.

Kristine : salamat po.

Ano ang Pwedeng gawin kung Gustong Magpabraces

Lee : Hi doc gusto ko po magpabraces kaso my dalawa na po akong kulang na ngipin lower molar po pareho on both sides. ano po kaya dapat kong gawin? ty po.
and doc masakit daw po mag pa implant? totoo po ba? kasi sobrang hina ko sa pain

Ask the Dentist : Magulo ang tanong mo. Pakilinawan.

Lee : gusto ko po magpabraces kaso kulang na po ng dalawang ngipin sa ibaba. ano po ba ggwin ko? magpapa implant po ba muna or braces? ty po.
at masakit po ba mag pa tooth implant?

Ask the Dentist : Okie. Pwede. Magpabraces ka.
Kung masakit, sabihin mo sa dentist mo na gumagawa para may gawin siya para hindi sumakit.

Lee : hmm ok po. thanks po. e pano po ung space after mgpabraces? mejo lumiit na din po kc ung space dahil tumubo na ang dalawang wisdom tooth ko. kaso meron padin pong space. ty po.

Ask the Dentist : Hanap ka ng dentist na magaling para alam niya ang gagawin.

Lee : ok po. nkita ko po ung dalawang rec. dentists nyo. wiling to pay nman po ako. ty po Doc.

Braces na Mura

Lan : doc? nag bbrace po ba kayo ng mura magkano po ba?

Ask the Dentist : Ang presyo ay depende kung gaano kalala. http://www.askthedentist.tv/clinics/

Lan : doc nag bbrace po ba kau and ung ngipin ko nmn po wlang masyadong sira lht po ok sungki lng po kc ang problem kea ako mag ppabrace

Ask the Dentist : Oks.

Lan : pero nag bbrace po kayo??

Ask the Dentist : Yes.

Lan : pde pong mag tanong kung magkano?

Ask the Dentist : Depende ang presyo sa lala. Send ka ng panoramic xray para makita ko.

Lan : wla po kc akong gnun eh pero ok nmn po lht ng ngipin ko.
my contact po ba kayo?
or san po ung location nyo? sa manila? pnta nlng po ako

Ask the Dentist : Check: http://www.askthedentist.tv/clinics/

%d