Cheapest Lower Braces Cost

Anna : Hi po! Galing po ako sa website nyo. Naguguluhan po ako sa dapat ipaayos sa ngipin ko.Masyado na po kasing nagging kumplikado. Kindly help po maclarify ung mga tanong ko

1. May false teeth po ako sa upper part for 3 teeth sa magkakahiwalay. – Ano po bang mas maganda, pagdating sa quality-usage, FIXED Bridge or FIXED Denture? Ano pong mas tumatagal ung porcelain?ceramic?resin?

2. Problem sa Brace : FYI po, meron pa akong 2 sungki sa lower part. Nabunutan ako ng 2 teeth.

Before makabitan ng brace, nagpapasta and bunot ako ng ngipin (2) kasi ang sabi ng dentist ko, ndi nadaw kaya ng pasta, so um-okey ako. And confirmed nya na ok pa din ang magpa-brace since gagalaw pa daw ung ngipin ko (sungki) and sasakto lang ung space.

Ang concern ko po nuon eh, may false teeth na ako that time, ang sabi nya ok lang un, and sa baba na lang ang lagyan. Since dentist sya, and liscensed sya, kaya ang inisip ko nun , alam namn nya ung mga sinasabi nya. —sabi nung ibang dentist dapat ndi daw po nilagyan, and sa totoo lang po, ndi ako pinag-xray, w/c is may fault din ako kasi ndi ako nagresearch, um-okey lang ako kasi bago lang sakin un (and aminado po ako na na-excite ako..haayy..)and professional namn kaharap ko..- —

So tuloi kami sa pagbrace, hinintay lang ung paggaling nung gums ko (nabunutan ng 2 teeth) Next na pagpunta ko , nakabitan nako nung bakal, I don’t know po ung tawag, ung sinasabitan ng wire. then every mo. pmupnta ako sa knya para magpaadjust.

Sobrang konti po nang movements ng ngipin, nagworry din po ako since ung kinabitan ng crown para brace umiikot na, sabi ng dentist gnun daw tlaga, nagpapanic po ako kasi ndi In-elaborate kung bakit, basta adjust lang ng adjust everymo..nag-iiba kasi ung shift ko kaya minsan nahirapan ako sa sched para magpa-adjust, may mga mo. din ako na hndi nakapunta, hanggang sa gumulo na ung teeth ko. Php18,000 singil sakin, kalahati daw since half ung brace,.bayad na ako’t lahat, tumigil na lang ako sa pagpunta kasi parang nangyayari, 2yrs na and parang chinichika na lang ako ng dentist,.naiinis tuloi ako, kasi prang walang nangyari…

Nagpacleaning ako sa ibang dentist and at the same time nagpachekup nadin,.iba sa mga sinabi ng dentist ko ung sinasabi ng bagong dentist, so naguluhan talga ako…. Gusto ko nang maaus ung problem ko sa ngipin, please help po…..

Ung may dot po na red- ung false teeth ko.if u cud see @ the center pic, may isang ngipin pa na ndi kasama sa brace, iniwan ng dentist ko kasi sabi nya ipanghuhuli daw nya iyon na galawin.

Hindi ko po knkwestyon ung dati kong dentist, pero sana mtulungan nyo akong malinawan or kung anu man ung tingin nyong mas mabuti kong gawin sa ngipin ko…Minsan nahihiya na din ako lumapit personally sa mga dentist kasi nga kumplikado ng sitwasyon ko para sakin..

Cheapest lower braces in the Universe.

Ask the Dentist : Magsend ka ng xray.
Upper at lower lagi ang braces. Para maiayos nang optimum ang ngipin mo bago ilagay ang definitive bridge sa taas. Pero hindi ko masagot nang tiyak dahil mukhang naghanap ka ng cheapest kaya nagkaganyan ng treatment mo. Dahil kapag common sense ang gagamitin mo, laging may presyo ang quality ng kahit anong bagay.

Anna : ndi nmn sa naghahanap ako ng cheapest, nagkataon lang na ni-refer sakin ung dentist kaya sumangayon ako dun,and well-known ung dentist ditto samin, w/c is admitngly mali nga naman ako dun, na ndi muna ako ng background checking, pero atleast confirmed ko na ndi pla dapat tlga lower lang…and bridge ang pwdeng resolution,.sa sobrang dala ko sa dentist nagche-check muna tlaga ako ngaun ng possible kong gwin or dapat malaman,. what if ipatanggal ko na lang ung brace and bridge na lang, up and down, is it possible?

Ask the Dentist : Send x ray.
Pwede. Pero syempre ganyan pa din ang pagkakaayos, sabog sabog.

Anna : Still working, i’ll send po if makapg-xray ako. pwede po ba ung brace sa upper kahit may false teeth? or bridge?

Ask the Dentist : Punta ka sa tunay na dentist. Siya ang magsasabi sayo kung ano ang dapat gawin batay sa ankita niya sa xray mo at sa bibig mo.

Anna : ok. thanks na din po.

Ask the Dentist : Basta tandaan mo upper at lower lagi ang braces.

Anna : ill take note of that! thanks po, next time, i’ll be more careful in choosing my dentist.

Babalik ang Gap

Sarah : Hi po ulit Doc.. may braces na po ako ngayon 1 month na.. Dahil po sa laki ng gap ng ipin ko at 5 na ang bungi sa baba.. Hindi na po ba babalik ang gap kpag na-pustisuhan na at na-fill na lahat ng missing ng denture? Baka po kasi sayang bayad ko sa braces tapos babalik din naman sa dati… Salamat po in advance doc

Ito po yung ipin ko bago ko ipa-braces

Babalik ang Gap
Babalik ang Gap

Sarah : follow up question lang po Doc.. Mahirap po ba yung case ko?
Thanks po doc

Ask the Dentist : Hindi ko masasabi kung babalik o hindi. Tandaan mo, hindi ako ang dentist mo.
Madali lang ang case mo.

Sarah : Salamat po Doc

Alternative for Bridge

Shem : Hello po Doc, good day

patapos na po yung braces ko 4 months na lang. nirerequire ng dentist n mgpa bridge po ako asap kasi may missing teeth po ako sa bagang. the prob is I’m broke. kasi 30k magagastos e d nmn po yun installment.

QUESTION: pwede po kayang wag n lng po magpa bridge (since i’m broke0 at tanggalin yung braces at mg proceed na po retainer?

base kasi sa usapan nmin hihintayin nya muna n mgpa bridge ako before magdebond at mg retainer.

Since I’m broke di po kasi sya priority n pag ipunan. pero the dentist insited po talaga. So i’m a bit pressured.

Please advice huhu

Thank you.

Ask the Dentist : Ask for alternative.

Shem : D nmn daw pwede dentures kasi removable po daw yun. Dapat daw po fix.

Ask the Dentist : Alright.

Ano Pwede Gawin sa Twisted Tooth

Genn : Good morning Doc! Ask ko lang po kung anong pwede gawin sa twisted tooth ko. Nakakabother na rin po kasi na parang malalaglag yung pakiramdam nya, kaya nakaugalian ko pong ginagalaw gamit ang dila. Saka po, madali lang po ba ito maayos sa braces? Kasi po baliktad po yung tubo niya, imbes na nasa harap, nakatalikod po yung ngipin. Salamat po sa magiging sagot ninyo

Ask the Dentist : Yes braces.

Dapat Ba Magpabraces

Kenchang : doc yung ngipin ko dati dikit dikit. habang tumatagal lumalaki ang spaces sa isat isa. lalo na ang space sa gitna ng front teeth. nag karoon din ako ng parang white na spot sa isang front teeth. dapat po bang i-pa braces ito? para po kasing lumalaki ang spaces habang tumatagal. magkano po ang bayad sa braces ng ganitong ngipin?
at yung sa loob ng spaces between teeth nag kukulay brown. di ko ho alam kung dahil sa kakainom ng tea o kung di lang nalilinisan ng maayos. libre ho ba mag tanong dito? nakita ko ho kasi sa site nyo.

Thankyou! have a good day! :))

Dapat ba magpabraces?
Dapat ba magpabraces?

Ask the Dentist : Dapat ipabraces, kung may pera ka para sa iyong ngipin. Kung wala, no choice.
Magpalinis ka ng ngipin sa dentist.

Kenchang : Salamat doc! :))))))

%d