Pwede ba magpabraces

Hee : hi! ask ko lang kung pde po magpa brace kahit kulang na yung ngipin ko sa baba? 3 wla sa baggang.. tapos po sa harap.. pinastahan na po yung isa..

kasi yung mga ngipin ko po sa baba.. nakaharap. o nauuna. kesa sa ngipin ko po sa taas..bali. nagmumukha pong mahaba baba ko

Ask the Dentist : Pwede.

Sa Tingin ko Tungkol sa Braces

Jean : Hi Doc, Ang teeth ko ay hindi naman masyadong crooked at hindi rin masyadong straight. May overbite rin ako. Sa tingin mo po kailangan ko ng brace? Kung oo, magkano po aabutin? ty po

Ask the Dentist : Sa tingin ko ay hindi ko makita. Send photo of smile.

Jean : Ito po

Sa tingin mo po kailangan ko ng brace?
Sa tingin mo po kailangan ko ng brace?

Ask the Dentist : It looks ok.
Kung gusto mo pa maayos, ipabraces mo.

Jean : aww okay po
Magkano po ba?

Ask the Dentist : Mga 40K din pataas.

Jean : Awww okay po. Thank you so much

TMJ Disorder Philippines

Gail : Good morning. Doc sumasakit right jaw ko when I open my mouth. Is this because of an impacted tooth? Sudden lang and I decided to see a dentist na pero I would like to ask how much kaya kelangan kong ihanda na pera sa lahat ng procedure na gagawin? For example tooth extraction, pasta, etc. The pain seems to originate from the upper dulong tooth. Thank you in advance.

Ask the Dentist : Magpapanoramic x ray ka. Kailangan ng malinaw na copy. Send mo sa akin.

Gail : The dentist diagnosed me with TMJD. Pero I will go to another dentist para sure. She told me about the “brace” or sorry I forgot what its called. It costs P5000 daw.

Gail : Unfortunately, hindi niya ako pinaxray. I’ll consult another dentist then send the xray to you. Thank you.

Gustong Isuot ang pustiso habang may Braces

Janelle : hi Doc ito po ung missing lateral incisor ko, 3months nang wala.nghihinayang ako bt ko pinabunot,nd ko kc kinaya ung sakit heheh.. nd pa ako naka move on huhuhu…. ano po the best gawin jan?dalawa kc ung pinuntahan kung dentist, ung una binigyan ako ng false denture with retainer, 2days ko lng isinuot kc sa sobrang sakit ung pressure niya sa mga ngipin ko kya nd ko na isinuot. tapos ng 2nd option ako, binigyn niya ako ng false denture e ang saklap nakakairita. then recommend nia skin mgpa brace ako mjo open bite kc ako.mgpapa fixed bridge sana ako kya lang sbi ng dentist ko baka makapal na, mas lalong mg open bite teeth ko. so doc, im planning to have braces cost dw 40k sb ng ortho ko para maayos open bite ko.. ang itatanong ko din po sayo e pwede ba mag move ung canine papunta dun sa missing tooth? (parang impossible tong tanong ko)haha. my napanuod lng kc ako sa youtube na pwede mg move. hmmp.. kaya tanong ko lng kung pwede po ba talaga? doc pls suggest what will i do??? wala na ako confidence ngumiti-ngiti. . chencha mjo mahaba istorya ko. hehe.. ill wait for your response doc. thank you!

Ask the Dentist : Pwede yun. Hanap ka ng dentist na magaling.

Janelle : oh talaga po doc? so pwede na po ako mg pa brace. hmm.mgnda sana pg meron gaya mo na kayang gawin gnyan doc. mga ilang months po kaya susuotin ang brace? at pano n po ung missing tooth nd ba pwede isuot ung false teeth ko hbng my brace?kc pangit nmn pg my missing..tatanggalin nlng pg dito lng sa bahay.pwede kya yun doc?

Janelle : recommend kc ng dentist ko na pg after the brace if maayos na ung open bite ko, ipapa fixed bridge ko na, e d magastos na po un.

Ask the Dentist : Hindi isusuot yang pustiso kapag may braces ka. Kapag yan pinasout ng dentist mo habang binabraces ka, kulang sa edukasyon ang dentist mo.

Filipino Dentists
Dental clinics na aking isinasuggest. Kumbaga, may seal of approval ng website na ito. Kung may papuri kayo sa mga dentist na narito, pakifill-upan lang ang comment for sa baba. Metro Manila Manila…

Janelle : ang hirap nmn 2ng pgdurusa ko doc. huhu. 100% po ba doc na pwede mg move ung canine ko, papunta sa lateral incisor ko na nwala?.

Pwede ba magparetainer ang nagpapasta

Je : Pwede ba magparetainers kahit may pasta ang front teeth

Ask the Dentist : Ang retainer ay isinusuot lang ng kakatapos magbraces.

Je : Hindi nman po kasi malala yung ngipin ko eh
Eh ? Sa tingin nyo po ilan mag-pabrace , kung yung dalawang bangkil ko lang patagilid ..

Ask the Dentist : Usually 40 K pataas.

Je : Ok po ?
thank you po sa info

Walang Inaayos ang Retainer

Alexandria : Hi doc. Ask ko lang po madadala po ba ito sa retainer or brace talaga? Den if mag brace may tatangalin ba Tooth? Ung upper lang talaga ung prob. 1tooth lang talaga

Ask the Dentist : Braces. Wala namang inaayos ang retainer eh. Sa tingin ko wala namang bubunuting ngipin sa ngayon. Pag nagpaxray ka at maisend mo sa akin, makikita ko kung kailangan bunutin ang wisdom teeth mo. Usually, dapat bunutin ang wisdom teeth habang binibraces ka.
Mukhang may mga pasta ang mga ngipin mo sa harap. Lagi kang magbrush after kumain at magfloss tuwing gabi. Maganda ka. Kapag nabungi ka, papangit ka automatic.

Alexandria : what if doc up lang ipapa brace may bubunutin?

Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Sungki sungki ang ngipin mo taas at baba. Pero bagay naman sayo kung ako tatanungin mo.
Ganito yan. May mga dentist na nagbibraces ng upper lang, pero mali yun. Ginagawa lang yung ng mga kulang sa edukasyon na dentist. Masisira lang ngipin mo kapag upper lang or lower lang kasi bobo ang dentist mo..

Alexandria : kaya nga parang i dont trust my dentis eh haha cgi doc mag papa xray ako den send ko nlng sa inyo thank you

Ask the Dentist : Alright.
Kung within metro manila ka, sa L— Dental Center malinaw ang panoramic x ray, hingi ka ng file sa CD para maisend mo sa akin yung JPG.

Clear Retainers Cost

Mayaman : Hi doc. Ask ko lang po sana kung magkano yung clear retainers? Bali nakabraces po ako ngayun. Sabi po ng dentist ko for finishing ndaw po yung braces ko. Thanks Doc! More power and God bless!

Ask the Dentist : Tanungin mo yung nagbibraces sayo.

Ask the Dentist : Kasama ba sa napagusapan niyong price yung retainer?

Mayaman : Hindi pa po ata doc. Di ko po sure eh. Tatanung ko po. Maraming Salamat Doc!

Mayaman : Pero kung hindi pa po kasama sa napagusapan ung retainers, nasa mga magkano po kaya naglalaro ung clear retainers Doc?

Ask the Dentist : Hindi ako naniniwala sa clear retainers. Binabago nito ang occlusion. Pero mas mabuti tanungin mo ang dentist mo dahil “hindi” makakabuti sayo na iba ang gagawa ng retainers mo.

Mayaman : Ah ok po doc. Thank you and Godbless!

Bridge at Braces

Jillan : hello doc! ask ko lng po kung anu po gagawin sa ipin ko wala po kc ung ipin ko bago po magpangil magkabila po?..pero meron po two sa harapan.. pde po bang ipabraces po or need ko na po mag pa pustiso?.. nagcomment din po ako sa page nyo

smile is the best make up in your face. and i want it with 100% confidence.
tnx po for your future reply

Ask the Dentist : Patingin.

Jillan : doc, picturan ko po ba?…tnx sa reps

doc ayan po…='(

Bridge Philippines
Bridge Philippines

Ask the Dentist : Malaki ang probablity na braces at bridge ang kailangan.

Dapat bang bunutin ang wisdom teeth sa Braces?

Exchan : Hi Doc, itatanong ko lang balak ko po kse magpabrace. Sabi nung isa kong doc pwede na daw di ako bunutan ng 4 sa harap ( 2 up and 2 down ) na ngipin while sabi nung iba kelangan ko daw bunutan. Medyo nakalabas kse yung ngipin ko. Ano ba tama at dapat gawin Here I attached my panoramic xray and a picture. Thanks

BTW doc napabunot ko na po yung impacted wisdom tooth ko.

Ask the Dentist : Malaki ang possibility na dapat tanggalin ang 4 na premolars mo. At 4 na wisdom teeth mo dapat bunutin.

Exchan : Dahil possibility naman po yun pwede rin hindi tapos pa-brace ko na lang doc? Thank you po.

Ask the Dentist : Possibility dahil hindi ko nakita ang bibig mo. Pero base sa xray, dapat tanggalin ang sinabi ng dentist mo. Sa ngayon ang siguradong dapat bunutin ay yung 4 wisdom teeth mo.

Exchan : Hi Doc, I saw promo about braces sa different group buying sites. Nagtataka lang ako di naman lahat dapat nagpapa-brace. Lalo na wala naman dapat ayusin. Pano nila malalaman at ireregect yung pasyente kung di naman advisable sa kanila magbrace. Gusto ko sana tanungin yung dent kaso baka maka-offend ako. Okay lang ba yun lalagyan ka ng brace kahit wala naman dapat ayusin? May kilala kse ako balak lang nila gawing trend lang yung braces. Thank You

Ask the Dentist : Ingat ka sa Promo. Kung magaling ang dentist hindi niya kailangang magpapromo.

Braces sa Philippines pero sa ibang bansa nakatira

Grace : good evening po doc,

mag tatanong lang po sana ako kung pwede ba mag pa brace ulit kung hindi sobrang naayos yung ngipin? naayos naman po kaya lang parang yung right side partng teeth ko hindi naayos? nag ask po ako sa dentist sabi niya ok naman na daw po at hindi na daw po talaga maayos ung alignment yata ung about sa molar yata?

salamat po

Ask the Dentist : Pwede.

Grace : Hi doc, mag ask lang po ako. Meron po ba talaga na braces na kahit 1 year di ka mag punta sa dentist? Nag wowork po kasi ako sa ibang Bansa and sabi ng dentist meron daw po na ganun. Thanks po!

Ask the Dentist : Sugal yan. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces.

Grace : Doc good morning po self ligating daw po tawag dun? At may magagawa pa po ba kung ang mga ngipin ko eh naka lock na daw po? Cross bite daw po ako. Sabi po kasi ung dentist daw na nag brace saken before instead bunutin ung wisdom tooth ko ung isang ngipin po sa harap ang binunot. Pero sabi po kung self ligating magagawan pa daw po ng paraan? Salamat po doc.

Ask the Dentist : Hi. Isipin mo. Ito ang number 1 na dahilan kung bakit “kung saan ka madalas ay doon ka dapat magpabraces”. Isipin mo, kung natanggalan ka ng bracket at nasa ibang lugar ka. SIno ang magdidikit ng bracket sa lugar na iyon? Babalik ka sa Pinas? Babalik ka sa clinic ng dentist mo? Self ligating man o hindi, kung natanggal ang isang bracket, sino ang magdidikit? Ikaw? Madami pang ibang dahilan, hindi lang ang pagkatanggal. Isa na din ang maintenance ng ngipin mo, kung may braces ka, kapitin ng dumi, prone sa caries. SIno ang magmimaintain? Ikaw? Kawawa ka lang habang masaya ang dentist mo.

Magsend ka ng panoramic x ray para makita ko ang sinasabi mong nakalock.

Ask the Dentist : Sa braces, laging tinatanggal ang wisdom teeth. Absolute yan. Pampagulo ang wisdom teeth.
Alalahanin mo, hindi kita pinagkakakitaan, kaya ang payo ko walang impluwensya ng pera. Hehehe!

Grace : Kasi po doc nung nag pa brace po ako before di po tinanggal ung wisdom teeth ko. Sige po papa X-ray po muna ako. Kala ko po kasi ung sinabi nila na self ligating eh hindi matatanggal na ung mga bracket eh.
Salamat po doc ah. Pacensiya na po kung makulit hehe
And usually doc how much po ang self ligating braces?

Ask the Dentist : Hindi ko alam kung gaano kalala yang ngipin mo, kaya hindi ko masasabi kung magkano.

Grace : Ok po doc salamat po.

%d