Lavid : Doc, pwede ba maglagay ng fake tooth sa retainer after braces?
Ask the Dentist : Yes.
Itanong mo sa Dentista!
Lavid : Doc, pwede ba maglagay ng fake tooth sa retainer after braces?
Ask the Dentist : Yes.
Lyly : Hi Doc. good pm po.. Ask ko po sana kung kelangan pa bang i-XRAY bago mag pa brace? ask ko din po sana kung may marerecomend po kayo saakin na dentist na malapit sa SM Fairview pero affordable at license or orthodontist. Thanks in advance
Ask the Dentist : Yes. Kailangan.
Lyly : good morning doc. ask ko lang po pano malalaman kung licensed talaga yung dentist na magkakabit ng braces sakin? thank you po
Ask the Dentist : Hanapin mo PRC ID Niya.
Rockie : doc .,, paano kaya yun mag saudi na kasi ako tapos balak ko dun mag pa brace .,,, kung uuwe ako ng pinas anu po yun tatangalin ba ulit yun kung mag papa check up po ako sayo?????
2nd question malake damge ng ipon ko kasi may pag ka ngiwe po ako aabutin kaya ng mag kano doc??? 150k??? gustong gusto ko kc mapaayos to sa prof., tlga wala kasi ako tiwala sa mga tag 20k eh.,,
thnks godbless.
private send nalang doc thnks/…
Ask the Dentist : Hi. Wag ka muna magpabrace kung aalis ka ng bansa.
Rockie : bakit po doc???
Ask the Dentist : Isasama mo ang dentist mo sa ibang bansa?
Raineer : Doc Good morning ,
I would like to ask is it possible to have braces.My front teeth is
postiso. How much would it cost? Estimation for the bills?
Thank you po Doc
I love your blog
Ask the Dentist : Yes possible. Depende sa lala ang cost.
Brook : Doc? Pwede po bang lagyan ng retainer or braces ang buong pustiso sa upper teeth? Thanks!
Doc?
Ask the Dentist : Hindi kailangan.
Brook : Pero pwede po ba?
Ask the Dentist : Pwede ang lahat. Pero may epekto. Kahit uminom ka ng lason pwede. Pero may masamang epekto. Pwede ka ding tumalon sa bangin, pero ikakamatay mo. Ganun din sa retainer. Pwede pero masisira mga ngipin mo.
Brook : Thanks po!
Brook : Goodafternoon! Doc. One question po, ano po tawag sa braces na yung parang may goma? Yung may iba iba kulay?
Ask the Dentist : Braces.
Brook : Alam ko naman po braces yun! Yung parang may goma po doc?
Mga magkanu po kaya ang ganun doc?
Ask the Dentist : Alam mo pala. Bakit mo tinatanong? 🙂
Brook : Ang sungit mo naman doc Masama ba magtanong. -.-
Ask the Dentist : Ako pa ang masungit. Wag kang madrama, wala tayo sa radyo. Braces talaga ang tawag doon. Hindi mababago.
Jenny : Hi doc! San po clinic niyo? Kinakabahan po kasi ako talaga mag pa dentist basta basta. Ang hirap ibigay ang tiwala. May marerecommend po ba kayo dito sa Santa Rosa Laguna?
Ask the Dentist : Manila ako. Sa Laguna, wala ako kilala.
Jenny : Nagtanong po ako tungkol sa braces dun sa site mismo. Sabi ko po dun(verbatim)
Jenny : Hi doc! Nakakatuwa naman mga sagot mo sa questions. Anyway, I’m canvassing for a good dentist. I just visited 3 today kasi I wanted to have braces talaga. I have gap between my incisors, and mali din yung bite ko so I have TMD na din. I asked how much will it cost and around 60k lahat ng price nila. Yung isa, more on bunot yung treatment plan niya and self ligating yung braces niya, mejo malayo din xa sa residence ko. Yung isa naman, hindi ko natanong kung self ligating ba pero sinusuggest niya sa akin na may ilalagay daw na appliance sa teeth ko to correct yung TMJ apart from braces, malapit lang din xa sa house ko. I also need to have surgery kasi yung gap nga ng tooth ko lalala if hindi na operate. Who do you think is better? Is this price reasonable enough? I don’t want to push through kasi napaka mitikolosa ko sa kung sinu mang tumitingin ng tooth ko. Please help me.
Jenny : Sorry ang haba.
Jenny : Hi doc! Nakakatuwa naman mga sagot mo sa questions. Anyway, I’m canvassing for a good dentist. I just visited 3 today kasi I wanted to have braces talaga. I have gap between my incisors, and mali din yung bite ko so I have TMD na din. I asked how much will it cost and around 60k lahat ng price nila. Yung isa, more on bunot yung treatment plan niya and self ligating yung braces niya, mejo malayo din xa sa residence ko. Yung isa naman, hindi ko natanong kung self ligating ba pero sinusuggest niya sa akin na may ilalagay daw na appliance sa teeth ko to correct yung TMJ apart from braces, malapit lang din xa sa house ko. I also need to have surgery kasi yung gap nga ng tooth ko lalala if hindi na operate. Who do you think is better? Is this price reasonable enough? I don’t want to push through kasi napaka mitikolosa ko sa kung sinu mang tumitingin ng tooth ko. Please help me.
Ask the Dentist : UNa mong gawin, magpa-panoramic x ray ka. Lahat ng matinong dentist na nagbibraces, hihingin ang x ray mo. Pag hindi humingi ng x ray, magpalit ka ng dentist.
Jenny : Yep, ie x-ray naman po. But which do you think is better na treatment plan? Yung may ilalagay pa na appliance para macorrect yung bite? Kasi nga po ang layo daw ng pagitan ng upper and lower arch ko. Or yung isa naman ang kinatatakot ko kasi eh mahilig xa magbunot ng ngipin. Reason naman is maliit yung arch ng lahi namin kaaya nagtutulakan ngipin. Also, in between treatment yung pagpasta and all. San ka po ba sa Manila?
Ask the Dentist : Ang una mong gawin ay magpa-panoramic x ray. Unless gusto mong hulaan ko ang itsura ng buto at ngipin mo. Babayaran mo ako pag pinilit mo akong manghula dahil bibili pa ako ng bolang kristal sa Quiapo.
Jenny : Cge po Doc. Huhuntingin kita after. Thank you
Ask the Dentist : May shotgun ka dapat.
Pwede na din tirador.
Jenny : Hahahaha Kulit mo Doc! San ba kasi clinic mo? Punta po ako. Mejo hesitant po kasi ako talaga magpa brace at mahirap magtiwala eh. Kaya todo research at tanong ako ung kani kanino. 😐
Ask the Dentist : Panoramic x ray, kailangan talaga. Hindi makakagsinungaling ang x ray. Kita ang lahat.
Hindi mo kailangan ang self ligating. Hindi mo kailangan ng appliance. Pag nakita ko na x ray mo, makikita natin pareho kung ano ang problem.
Jenny : Aaah ganun po pala. OK cge po. Kaso kailangan pa ata ng recommendation para sa Xray eh. Thanks Doc
Ask the Dentist : Tama yan. Mahirap magtiwala agad. Nabubuntis kapag madali ka magtiwala.
Jenny : Hahahaha!!!! Kaya nga hindi pa ako nabubuntis kasi hindi agad agad nagtitiwala
Ask the Dentist : Hindi na. Sa L—– Dental Center. Ilagay mo, referred by www. askthedentist.tv .
Jenny : Saan po yun and how much?
Ask the Dentist : Cubao. Shopwise. Meron din sa robinson magnolia.
Jenny : Rob Ermita ang nasa net? Cge po hahanapin ko na.
Ask the Dentist : Hingi ka ng soft copy. Para yung file ang isend mo sa akin.
Jenny : Ok po. Meron pala sa Galle. Dun na lang cguro. Magkano po yun DOc? Di ko makita price.
Jenny : Doc pagnagpa xray ba ako ngayon pwde ko po ba gamitin next year january pa ko magpapa brace? Thanks Doc
Ask the Dentist : Next year ka magpaxray.
Jenny : Ok po doc thank you Talk to you again next year hehe
Louela : hi doc good afternoon..
may nabasa po kasi ako dito na dapat isa lang dentist sa braces..nagpa braces po kasi ako.. yung clinic po na pinupuntahan ko eh maraming dentist (associates)..yung nagcheck up po sa akin at yung nagkabit sa lower braces isang dentist lang..then pinabalik nya ko after one week for extraction pero wala sya nung araw na yun pero nandun yung parang pinakahead nila chineck ulit yung ngipin ko then sbi eh for extraction n daw yung 1.1, 1.2 pinabalik ulit ako next sunday pagbalik ko ibang dentist naman ang bumunot sa ngipin ko… ok lang ba yun?…thanks
Ask the Dentist : Anong 1.1?
Hindi ok.
Louela : 11, 12 pala sorry.. ganun po ba..ano po bang dapat kong gawin?
doc yung 11 po kasi talaga ang problema ko kaya ko nagpabraces kasi nakausli na ang sbi po ng dentist eh trauma daw po un konti na lang daw yung nakakapit sa buto kaya for extraction na daw tsaka mobile din daw po..yung 12 naman may abscess pero hindi naman umuuga binunot din nila..
Ask the Dentist : May panoramic x ray ka?
Louela : nasa dentist po eh
Ask the Dentist : Oks.
Hindi ko maintindihan. Lower braces lang?
Louela : lower braces pa lang po yung nakabitan kasi may problem pa daw po yung upper yun nga po yung binunutan ako.. bale pinapabalik ako after one month for installation ng upper.. yung binunutan po saking kinabitan ng denture
lower braces pa lang po yung nakabitan kasi may problem pa daw po yung upper yun nga po yung binunutan ako.. bale pinapabalik ako after one month for installation ng upper.. yung binunutan po sakin na dalawang ngipin kinabitan ng denture
Ask the Dentist : Oks. Hindi ako makapagcooment. Hindi ko nakita xray mo.
Louela : eh doc kung xray nung january pwde ba kasi nagpa xray ako nung january hindi lang ako natuloy magpadentist nun.. yung xray po na nasa dentist eh ung bago nitong july lang
Ask the Dentist : Ano ang gusto mong malaman?
Louela : gusto ko lang po malaman kung tama ba yung mga ginagawa ng dentist sa kin.. kung dapat ko pa po bang ituloy o magsasayang lang ako ng pera
Ask the Dentist : Magkano ang ibinayad mo?
Send mo yung panoramic x ray mo.
Louela : ang total daw po eh 45,000… 2,500 downpayment for lower..2,500 for upper..then 2000.00 for every adjustment..yung dentures naman po para sa dalawang ngipin 3,000.00 then 1,000 for extraction dalawang ngipin
doc eto po yung xray medyo malabo pinicturan ko lang
Ask the Dentist : X-ray hindi litrato.
Louela : folder po kasi yung sinend ko hindi pala pwde..medyo mabagal po mag upload eh..
Ask the Dentist : Central at lateral ang binunot?
Louela : hindi ko po alam kung anong tawag basta ang sabi ng dentist 11, 12
Ask the Dentist : Ngiti ka. Picturean mo ang ngiti mo.
Louela : with dentures?
Ask the Dentist : Oki. Ano ang binunot sayo? Harap na ngipin ba? Taas ba? Sa gitna ba?
Louela : sa taas.. front teeth sa right side at yung katabi
Ask the Dentist : Binigyan ka ba ng option na ipa-RCT?
Louela : hindi po doc.. tinanong ko po kung ano po magandang gawin ang suggest eh extraction daw po kasi kung kakabitan daw ng braces konting galaw lng daw matatangal na
Ask the Dentist : Picture-an mo yung panoramic na nasa kanila. Kasi kung ibabase sa luma mong x ray, hindi kailangan bunutin.
Louela : ok cge po.. kaya lang next month pa yung next sched. ko.. thank you po sa mga info.. medyo napahaba na po usapan natin sorry po sa abala..thanks

FerLyn : Goodeve po Doc , ito po ung teeth ko, lahat po yan may spacing, magkano po ba kapag pina brace ang ganyan? tsaka ilang yrs po ako mag bbrace?

Ask the Dentist : 40 thousand pataas.
FerLyn : kapag nakapag pa brace na po ba ako, ilang yrs ako magbbrace po ? pede po ba sa inyo nalng ako mag pa brace?
Ask the Dentist : 2 years ang maximum. Tagasaan ka?
FerLyn : taga bacoor cavite po
Ask the Dentist : Manila ako. Malalayuan ka.
Neszie : Doc ask ko lang po, ndi po kase complete set of yung lower part ng bibig ko. So does it mean po, kpag mag pa brace ako upper lang po ang lalagyan nila?
ng dentist pla
Neszie : Tsaka yan po ung teeth ko, tingin nyo po ba kelngan ko pa ipabrace yan? ung sa pangil lang kse problem ko tlga

Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces.
Kung may pera ka at gusto mong maayos yan, magpabraces ka. Kung wala kang pera, wag ka magpabraces.
Neszie : Okay doc. Thanks po!
Tom : Hi. Where is your clinic located?
Ask the Dentist : Sorry, hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Ito recommended dentists ko:
http://www.askthedentist.tv/clinics/
Tom : Nka braces kasi ako, first braces ko nag relapse kaya kelangan ko magpa braces ulit sa ibang dentist, kaso hindi naman ung dentist ung ngaayos ng braces ko, kasi lagi syang wala, at assistant lang nya nag.aadjust at gumagawa ng procedure. Matatapos na ung braces ko suddenly the assistant suggest na ipa.fixed bridge ko ung space na upper at lower dahil binunot ung ngipin. Im seeking advice sana if kelangan ko pb ipa.fixed bridge? Parang doble gastos pa. What are yiur thoughts?
Ask the Dentist : Hahaha! Pustahan tayo naghanap ka ng cheapest.
Hanap ka na lang ng magaling na dentist para hindi ka mapariwara.
Tom : Nope.. Same price lang ung brace ko before and ngayon. Family friend ksi ung unang dentist, ung dentist ko naman ngayon, kilala sya dito, kaso nung nkabitan nko ng dentist tsaka ko nalaman na assistant lang nya pla ung gumagawa, and madami kasing clinic ung dentist na un kaya assistant lang nya naiiwan..
Tom : Actually mas mahal ung braces ko ngayon, compared sa una na package.
I.recommend mo npo ako sa clinic nyo. Hahaha.
What’s funny is, hindi naman dental student ung assistant, one of our boarder sya before, and wala daw anatomy ung teeth ko, kaya kinikil nya at linagyan dw nya ng anatomy.
Ask the Dentist : Pingaexperimentuhan ka dre. Base sa teorya ng Chito Miranda Rules.
Ganito gawin mo. Base sa Jaworski Rules. Magpa-panoramic x ray ka muna. Tapos send mo sa akin. Wag ka magalala kahit sino ang magbraces sayo, kung nakapagaral ng ortho ang gagawa sayo, requirement ang Panoramic X Ray.
Magkano mo naman binayaran?
Tom : 30k ung brace ko ngayon, wla pa dun ung bayad pag nabakbak ung bracket, elastics..
Ilalagay ndw ung final wire na triangular ng thick
Ung braces ko before, 40k package na un, kaso ng relapse
Nagpa.panoramic xray nko nun, 3 or 2 xray yata, tapos picture, tapos ung parang kandila na kinakagat, tapos ung chalk like model teeth.. Mejo magastos na, tapos ipapa.fixed bridge pa.huhu
Sayo nlng ako lilipat, para maayos na talaga..magiging responsible at mabait akong client.. Pramis
Ask the Dentist : Dre, yung latest syempre, gusto mo maayos eh. Pero mas maganda kung masend mo yung 3 na xray + yung latest. Free online consultation na ito ayaw mo pa.
Bakit ka kasi nagpabunot. Lalaki lang dapat ang bumubunot ng nakabaon.
Tom : Sira na kasi.. Kaya binunot na
Ask the Dentist : Naku. PinaRCT mo dapat.
Magpapaoramic x ray ka. Kailangan yun latest. Kasi syempre kung yung past ang pagbabatayan natin, ba eh hindi natin maayos yung present na problem. Past problem ang maaayos pag ganun.
Tom : Hindi na kaya, kasi parang small portion nlng ng ngipin ung nkalabas, kya ginamitan ako ng dahas nung dentist, parang philip screw ung ginamit para mahukay at makuha ung buong ngipin.
Mahabag kna skin doc. Haha.. Bigay mo na dental clinic address mo.
Are you familiar with dr. m. of o–_– dental centere?
Ask the Dentist : Tsk tsk, sinong ngasbing hindi na kaya? Kayang i-RCT yun basta may pambayad ka sa RCT.
Oo nga, magpapanoramic x ray ka. Requirement ang panoramic x ray. Kahit umikot ikot usapan natin, panoramic x ray ka muna, tapos pm mo dito.
Tom : Panoramic xray lng?
Wat else do i have to do?
Ask the Dentist : Oo. Gusto ko makita yan case mo. Hanap ka ng malinaw magxray. Kung tagaQC ka. Lapid dental center, malinax panoramic x ray nila doon. Sa Cubao Shopwise meron sila. ATmeron din sa SM north.
Tom : Yap.. Jn ako nagpa xray before.. I.pm nlng po kita if nkpa.pa.xray na ako.
Thank you so much..
Ask the Dentist : Sa panoramic x ray ka magstart. Yan pinakamahalaga. Kita lahat diyan ang problem.
Tom : Last question, what should i do sa current dentist ko?
Ask the Dentist : Hindi ko alam dre. Yun ang ability niya eh. Iba ibang klase ng dentist yan. May hindi magaling. May magaling. May mas magaling. Habang tumataas ang singil nila, may kaakibat na quality yan. Madalas, you get what you pay for. Makakapagaral lang naman ang dentist kung may pera siyang pampaaral. Kayawag mong asahan na kung mura ang singil niya ay pwede siyang magaral ng ortho.
Tom : Actually, he’s one of the best dentist dito, nkalagay pa sa clinic ang certificate nya na nag aral sya abroad. Siguro kung sya hahawak magiging better, kaso assistant lang e. madami kasi sya clinic sa ibat ibang lugar. Actually, nkalagay pa nga sa clinic nya ung, tmj ortho implantologist haha
Tom : Do i have to tell his assistant na mag transfer nko dentist? Or do i have to pay the remaining balance?
Tom : Mdami syang clinic dito sa bulacan, kaya siguro visit visit lang sya kaya d nya matutukan client nya.
Ask the Dentist : KApag nakapagaral yan ng ortho hindi niya hahayaan magkaganun. Ang ortho kung kanino ka nagsimula, sa kanya lang gagawin at siya din ang tatapos. Kahit identical twin niya yung associate dentist.
Tom : Kaya doc, magpakilala kna sakin. Mukang ikaw ang tatapos talaga ng pagdurusa ko.. Haha..
And i think gradually nko nagkakaron ng gingivitis