Cherrymobile : GUD AM PO DOC,,ASK KO PO SNA IF UNG TEETH S UPPER S GITNA AY POSTISO PWD PO B P LAGYAN NG BRACES PRA ND HALATA POSTISO,,,THANK U PO:)
Ask the Dentist : Pwede. Pero kung yang pustiso lang problem mo. Pagawa ka na lang ng bago, hanap ka ng magaling na dentist para hindi halata na pustiso.
Cherrymobile : AHH OK PO,PRO S PLAGAY NYO PO MAGKANO KYA MAGPA BRACES UP & DOWN?
Ask the Dentist : Depende sa hirap ng case. AT kapag may bungi sa ngipin sa harap, mas mahirap na case yan. Kaya for sure, mas mahal yan kaysa sa complete ang ngipin.
Usually, umaabot din ng 80K. Pero syempre, madami ding mga loko ngayon na kahit walang pinagaralan tungkol sa braces, eh nagbibraces.
Cherrymobile : AHH GNUN PO PLA,,,PRO PAG BABA LNG PO PALAGYAN NG BRACES PWD PO B YUN?
Ask the Dentist : Hindi. Upper at lower lagi ang braces. Unless, wala kang mandible dahil sa cancer. Or wala kang maxilla dahil tinaggal dahil sa cancer.
Iam : Hi Doc, I have decided to go for braces. Now, my Dentist suggested me to extract ng 2 ngipin. Tanong ko po: Is it advisable to put braces immediately after extraction ng ngipin? And schedule ko na po kasi ay this Saturday.. I’m worried kasi majority ng friends ko sabi, hwag daw pag sabayin. Dentist ko po ay Singaporean/ Chinese. Thank you po sa payo.
Ask the Dentist : Pwede. Ilalagay lang naman. Unless, nilagyan ng force. Wala munang force dapat, pero pwede na ilagay.
Iam : doc, may suggestion ba kayo if sa pinas ako mapapabrace? pro hindi kailangan ng monthly adjustments? maybe at least 1 1/2 month to 2 months nasa 150thou ang pabraces dito sa singapore.
Ask the Dentist : Kailangan ng monthly adjusment. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces. Ikaw ang kawawa kung malayo ang dentist mo.
Iam : thanks po doc. will follow yung mga payo nyo po.
Frances : Goodam..just wana ask which one is better ceramic self ligating or metal self ligating?i had my braces removed 8 months ago but it seems nag relapse un overbite ko.its not that complicated but it still disturbs me so i want it back..thanks
Ask the Dentist : Bakit nagrelapse? May nalilimutan kang isuot?
Sa esthetic syempre metal. Kasi ang pinoy gusto nila makita ng kapwa nilang nakabraces sila. Mas kita ang metal, kaya mas kita, mas okay. Base yan sa feedback galing sa patient. Yung ceramic, hindi masyadon nakikita.
Kung sa function, halos pareho lang. Kasi nasa abilidad yan dentist. At syempre kung masunurin ang patient.
Frances : Honestly, list to follow up ako…d nako nkapa retainers and all so eto haha.,nagrelapse…ang 80k po ba ay reasonable price for a ceramic braces here s province?ayoko ndn kse ng metal e.thanks
*lost
Ask the Dentist : Yes. 100 K yan pataas dito sa Manila. YUng sa mga napagaral na ortho ha.
Jay : Hi sir good pm po, I’m jay may gusto lang po me sana itanong, may alam po ba kayong dental clinic which 5k lang po muna yung hinihinging down payment for braces, particularly in manila, Makati or taguig area? Baka meron po kayong mairerecommend, meron po ko napagtanungan sa c- p- g- po, 15 k po ang braces, not sure if okay po kasi dun eh, thanks in advance po for the respond
“Gusto ko magpabrace crossbite daw po ang tawag”
Jay : And sir, yan po pala kaya gusto ko magpabrace crossbite daw po ang tawag, severe case na po ba ito? Thanks.
Iam : Gudpm tnng ko po sana if pde po b plitan un dentures or pustiso kht nkabrace at plitan Ng jacket
Ask the Dentist : Ipaliwanag mo. Ano ito, nakabraces ka tapos nakadentures?
Iam : Nka brace po ako tpos my pustiso po ako sa harap,isang ngipin lng po sya,gusto ko po sana ipaplit Ng jacket,pde po b un?
Ask the Dentist : Dentist naglagay ng braces mo? Removable dentures ang suot mo?
Iam : Opo removable sya,pde po b un plitan? Ng jacket ? Tska my pustiso po b na wlng ngalangala?
Ask the Dentist : Mukhang hindi dentist ang naglagay ng braces mo.
Iam : Opo .. Student po KC sya graduating..
Ask the Dentist : Hehehehe! Sabi na eh. Removable denture tapos nakabraces. Mas mabuti, ipatanggal mo yan. Kasi sigurado ako magiging dahilan lang yan ng pagkabungi mo.
Bale ano ba ang pinakaproblem? Yung bungi ba? Yang braces mo, sa ikakabuti mo, dapat ipatanggal mo. Kasi ang braces na kinabit ng hindi dentist, sigurado dahilan lang ng pagkabungi.
Ano pinakamabuti mong gawin, tanggalin mo muna yung pustiso mo. Picture-an mo yung bungi. Yung malinaw ha. Tapos send mo sa akin.
Iam : Cge po pg nagol po ako sa comp sa cp lng po kce ako ehh.. Gusto ko sana ipatnngal un pustiso khit nkabrace ,at plitan Ng jacket ,?? Pde po b un?
Iam : Pde po b?
Ask the Dentist : Ang ipapatanggal mmo diyan ay ang barces mo. Dahil sigurado ako mabubungi ka diyan sa braces mong hindi dentist ang gumawa.
Harry : Nung 10 yrs old po kasi ako nadapa ako at nabunot yung ngipin ko sa harap (right side)
Tapos after 2 months ko lang siya napalagyan ng pustiso so medyo lumiit na yung space.
Tapos po nung nagHighSchool ako, ginawan na lang po ng paraan, sinubstitute yung ngipin na katabi ng may bungi, nilagyan ng pasta at ginawa na nga siyang kapares nung ngipin ko sa harap. Ngayong magcocollege na ako, binawasan ng konti yung pasta nung ngipin ko at pagdidikitin na lang daw po. Ayos lang ba yung ganun? Kasi medyo malayo na sa midline yung ngipin ko sa harap eh.
Pagdidikitin na lang daw po nya yung ngipin ko para mawala na yung space na nabungian.
Braces Patient na nagdududa. – askthedentist.tv
Kung okay po yung aim nya na ganyan, mga gano katagal kaya yan bago magsara? Sabi nya kasi mga 3-6 months daw po. Tama ba yun?
Harry : bale po sinubstitute yung lateral incisor para maging central incisor. Sensya na po, nag-aauto rotate yung picture eh.
Harry : Tanong na rin po, sa tingin niyo po ba ok na dentist siya? Harry : Tanong na rin po, sa tingin niyo po ba ok na dentist siya?
Kasi po hiningan nya ako ng X-ray saka may parang record po siya ng ngipin ko, yung cement ho na model ng ngipin ko.
Kasi 5 na yung napagtanungan kong dentist pero hindi sila humihingi ng X-ray eh
Ask the Dentist : Hindi ako pwedeng magcomment sa gawa ng kapwa ko dentist. Ayokong magulo ang treatment plan ng dentist mo. Diskarte niya yan.
Base sa kuwento mo ay alam naman niya ang ginagawa niya.
Harry : Doc, tanong ko lang pala. Kagabi po kasi nag-floss ako, eh dahil nga po may braces, yung central incisors ko po sa baba parang feeling ko gumagalaw pag natutulak ng dila. Hehe, ang weird po sa pakiramdam eh. Nagffloss naman ako dati pero hindi ganito, saka dun lang po siya sa may central incisors ganun yung pakiramdam.
Kareen : Hi! Ask ko lang po kung legal po ba ito? [Link to a website] Kasi po they offer 6000 all in na daw po yun. Then additional 500 for monthly adjustment. Thanks!
Ask the Dentist : Sa mura niyan, ewan ko kung dentist yan.