Ramon : Hello po Doc. Pwede po ba mag brace kahit may pustiso yung taas at baba ng ngipin ko po?
Ask the Dentist : Hindi. Kumplikado yang case mo.
Ramon : Bakit po Doc?
Edi hindi na po ako pwede mag palagay ng braces po?
Ask the Dentist : Hindi dahil malaki ang magagastos mo. Pwede kung kaya mo ang gastos. Kumplikado = mahal.
Ramon : Mga nasa magkano naman po Doc ang magagastos ko po? Sa tingin nyo po Doc?
Ask the Dentist : Hindi ko masagot. Hindi ko nakita ang bibig mo.
Ramon : Ay. San po ba clinic nyo po?
Yung pangil po sa taas (left) po, at sa baba bago mag dulo (right) po. Yun po.
Ask the Dentist : Tignan mo recommended dentists ko. Dalawa lang ang bungi mo?
Ramon : Opo Doc. Sira na po kasi yung dalawang yun kaya ko po pinabunot.
Ask the Dentist : Hindi porke may sira bunot agad. Hehehe!
Ramon : Ay. HAHA Ganun po ba Doc? Sumasakit na kasi yun kaya pinabunot po.
Ask the Dentist : Hindi porke sumasakit bunot agad. Hehehe!
Ramon : HAHA. Wala ng paraan Doc?
Ask the Dentist : Kung 2 lang ang bungi mo, hindi ganun kakumplikado. Pwede yan ibraces.
Ramon : Opo Doc 2 lang po ang bungi ko po. Pero ganun parin po mahal parin po magagastos ko?
Ask the Dentist : Depende kung gaano kalala.
Ramon : Ano po bang gagawin?
Ask the Dentist : Braces.
Ramon : Ah. Sige po Doc salamat po Balak ko po kasi talaga magpa braces ee.
Ask the Dentist : Oks.
Ramon : Salamat po Doc
Ask the Dentist : Oks.
Like this:
Like Loading...