Jerico : doc. may sira po ako sa ngipin sa harap bale dalawa sila, yung isa kong ngipin na sira sa harap napa-pasta na. 3 years ako nabulok narin yung sa pagitan ng ngipin, dun yung bulok, tas yung pinastahan po sakin nung una hindi maganda yung pagkakakagawa nakaangat po yung pasta. pwede pa po bang mapaganda yung pasta sa bulok sa pagitan as in sa gitna ng ngipin sa harap ?
Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Hanap ka ng magaling at hindi yung mumurahin.
Jerico : pwede parin po ito mapapasta ?? pwede pobng ipa brace pag napapasta ?
ayyy doc meron pa kong isa pang bulok sa harap ng ngipin. sa pagitan parin po ng mga ngipin, madadaan pa po ba ito sa pasta ?? or ipa jacket ko na lng ??
Ask the Dentist : Kung gusto mo ng siguradong sagot, ipaxray mo muna.
Jerico : ask lang po, nag lolock jaw po ako. bawal po bng ipa brace to ?
Ask the Dentist : Hindi bawal.
Jerico : nakakahiya po kasi mag smile haha. Sana after mo mag pa pasta no shy na hah
Henry : Herlo po hingi lang po ako ng payo, 20 yrs old na po ako, nung 7 to 8 yrs old po ako ngkaroon po ako ng crowding bg upper front and lateral incisors ko po, so dinala po nmin sa dentista kaso di po kmi nirefer sa ortho e wlang alam si mama about dun, di man lang sinabi n mgpabraces so ngdecide ung dentista na bunutin ung two first premolar ko, e ngayon po ngresearch ako na bawal pla bunutin ang mga bata kasi maapektuhan po ung growth ng jaws e wala na po ako magagawa ngayon kung di ayusin ung mga consequences ng pagbunot ng ngipin noon, ngayon nirefer ko po sa ortho kahit late n po, ngayon ko lang po narealize ang importance ng mga ngipin, sabi po ng ortho kung di maagapan magiging underbite po ung upper jaw ko, kasi nawalan na po ng two premolars at nasira ung first molar sa upper right side.
Braces in Nueva Ecija
Nagpabraces po ako last march 2012, 40 k po singil sa akin tapos kung mgpaparebond may extra bayad na 300makatarungan po b un? Hahaha
Tapos eto na po binunot nya po ung 1st molar sa lower right sa left po kasi wla na nasira na rin po .
Medyo may pinagbago po ung ngipin ko kaso sabi po ni doc di daw magiging perfect ang result tapos ang nakikita ko pong problema sa lower, hindi na daw po niya macecenter ung mga ngipin kasi medyo nasa left side po kasi, tapos ung binunutan niya po ng molar ung may space sa pic lalagyan daw po ng denture, binunot po kasi ung molar na yun kasi may lumalabas n blood sa taas ng ngipin ska medyo foul smell.
Tapos ung isang problem po is ung receding gums, sa upper front
Magkano po kaya magpa gum graft kahit ung estimate lang po tapos saan pwede gumawa ng surgery kasi wala po perio dito sa cabanatuan city…
Mahaba na po tanong ko sana mabigyang pansin hehehe thanks po more power!
Henry : Ps: (hahaha) sabi po ni doc di na daw magcloclose ung space sa molars, tama po b siya? Parang sa tingin po niya hindi maganda imove backward ung mga ngipin sa lower jaw.
Ask the Dentist : Wala ka pang premolar kapag 7-8 years old. Madalas, kapag ang magulang ang nagpunta ng anak niya sa dentist, tinitipid ng magulang. Madalas mangyari yan sa probinsya. Kaya kung alam ng dentist na nagtitipid ang pasyente, syempre yung pinakamurang option ang ibibigay. Kaya yung extraction ang ginawa.
Ang singil ko sa pagdidikit ng bracket ay sanlibo. Kaya nakatipid ka dahil P300 lang sa dentist mo.
P20,000 pataas ang graft ng soft tissue. Ang maipapayo ko ay lagi kang magpalinis ng ngipin sa dentist mo para magimprove ang gums mo.
Hindi ko pakikialaman ang treatment plan ng dentist mo.
Angelo : Hello good evening doc, my problems po aq sa dental clinic nag close n po sila tapos hnd name rin macontact eh nagpabrace po aq sa kanila almost mag 2 year n kaso paano po yung adjustment pwede po ba sa ibang dentist pls help me
Angelo : Hello , po doc.. Sana matulungan nyo po aq
Ask the Dentist : Pwede. Pero usually, panibagong bayad sa treatment.
Angelo : Doc last n tanong na po , paano kung ipapatanggal ko n lng ung brace kasi kapos n kami student lng po kasi ako pwede po ba un?
Ask the Dentist : Oo. Mas mabuti pa.
Angelo : Magkano po kaya magagastos kapag pinatanggal ung brace po
Ask the Dentist : Iba iba. Depende sa kung ano makitang kalagayan ng braces mo na tatanggalin. Kaya itanong mo na lang sa dentist na magtatanggal kung magkano.
Angelo : Meron po ba 2k?
Meron po b 2k ung magagastos sa pagpapatanggal sa palagy nyo po .
Ask the Dentist : Sa dental clinic ko, sinisingil ko diyan 6 thousand.
Katarina : Hi Doc Good Afternoon po, ask ko lang po, kapag may braces na, ano po ma suggest nyo na food na pwede kainin para hindi masakit, at ilang days pa po pwede makakain tulad ng fried chicken at meat? O forever na po ba na soft food lang kakainin? plan ko pa naman magpataba kasi underweight ako.
Ask the Dentist : Sa una lang yan soft food. Masasanay ka din at makakain ka din ng soft meat.
Josephine : hi doc ask q lng po if mababalik pa ung dating alignment ng ngipin ko. nag pa braces ako 1 and a half year ago pra maaus ung sungki sa harap(taas). meron akong gaps sa baba.. dlwang bagang. humingi nmn ng panoramic ung dentist pero prang d po ako nttuwa sa progress. sabi nung dentist ko need daw i fill up ung two gaps sa baba. so nagpgwa kami pustiso for the mean time. kaso un nga habang tumatagal ung ngipin at jaw ko ata mismo nwla sa alignment. hhndi nmn to ganito dati. sana po makakuha ako ng advice. balak ko na kasi tlga lumipat ng dentist. salamat po ng mrami.
ps. ung main concern ko n sna maaus ung dlwng ngipin ko sa harap hanggang ngaun eh medyo crooked padin.
Josephine : meron rin pla akong isng gap sa taas. right part katabi ng bagang pero hindi nagsabi dentist ko kng kelangan ba i fill up un. ty po sna mbsa nyu
Ask the Dentist : Ano ba yung dati? Ang advice ko ay tapusin mo yung treatment. Kung wala nangyari, saka ka lumipat. Sabihin mo sa dentist mo kung ano ang gusto mo. Kung base sa picture, bagay naman sa mukha mo, maganda ka.
Josephine : tnx po sa reply. yn po ung latest na pic. sobrng nging asymmetrical na ung mukha q d tulad dti. ayun nga dun aq naiinis pag cnasabi ko ung gusto ko. ang ssbhin “wala tayong mggwa gnun tlga ung tubo eh.” disappointed ako sa sagot eh. tnx sa reply ‘doc!
Ask the Dentist : Send ka ng photo ng before. Nasa sayo ba yung x ray?
Yesha : doc ask ko lang po ndi po b tlaga nililinis yun ngipin bago ibrace?upper jaw ko lang po ang nkabrace..tapos po dun sa gilid ng sungking ngipin meron kaunti na bulok….tnx po
Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Kung may nagbrace sayo ng uppper lang, hindi yun nagbibraces na dentist. Hindi siya nakapagaral ng ortho.
Yesha : Doc sabi po nya dati isama ko n daw po yun ibaba…pero sabi ko po sa taas n lng muna..pero doc humingi naman xa ng panoramic xray.pwede po b ipalinis yun ngipin bago ibrace.maraming salamat po.
Ask the Dentist : Kahit na ikaw ang makiusap na taas muna. Laging taas at baba ang braces. Failed agad yang treatment mo.
Yesha :Doc nagpunta na po aq kanina pinalagyan ko n rin po un ibaba….doc paano po b malaman kung lisensyado yun dentist..
Ask the Dentist : May certificate galing PRC ang dentist.