Cheapest Lower Braces Cost Philippines

Irish : Hi doc! Eto po yun sinasabi ko na nag move backward tapos sabi ng isang dentist okay na daw po yan so inilipat ko sa ibang dentist. Ganyan yun itsura nya pag naka close pati yun bagang nya hindi nakasakto sa upper bagang kasi na move sya. Nabawasan po kasi ipin ko sa baba ng dalawang bgang kaya nagkaroon ng spaces po s ipin ko. Paano po ba gagawin jan? Meron naman po na ginawang retainer po sa kin sa taas tapos sa ilalim nya meron parang gums na maumbok para dun ko dw ikagat yun lower ipin para mag move forward sya.

Cheapest Lower Braces Cost Philippines
Cheapest Lower Braces Cost Philippines

Ask the Dentist : Bakit ba nagkaganyan? Ilang buwan ka nagpaortho? Kapag braces upper at lower lagi. Magkano mo binayaran? Mahirap na yang case mo. Hindi yan masosolve kahit ipakita mo kahit kaninong dentist online. Masosolve lang yan kapag actual na nakita at kailangan magaling ang dentist mo.
Saan diyan ang bridge? Bridge ba o crowns? Kung gusto mo, magpapanoramic x ray ka. Tapos litratuhan mo, tapos send mo sa akin.

Irish : 20k po sa unang dentist. Yun nilipatan ko ganun din 20k po. Naku 3yrs na po ito. Antagal na. Pabalik balik ako. Nainis na ako nun paiba iba na yun sinasabi sa akin. Di na ko bumalik. 3mos na ko d nagpakita sa dentist. Yun crown po sa taas. Pero yun nagkaroon ng spaces sa baba po kasi nabunutan dati ng bagang na 2. Magkano po ba magpapanoramic xray? Nalimot ko na kasi. Thanks po

Irish : Ang ginawa po kasi ng 2nd dentist pinagawmit lang ako ng retainer s taas n may gums s ilalim para dun ko daw ikagat yun ipin ko sa baba para mag move forward sya
Nabubwisit na nga po ako. Wala na kong pangpagawa. Huhu. Yun sa upper problema ko yun crown na malaki. Tapos sa baba yun ipin na umurong backward dhil s braces

Ask the Dentist : Ah. Well, ganyan talaga kapag naghanap ka ng cheapest. Tapos lower lang pinagawa mo. Ang Braces upper at lower lagi. Magkapares yan, kung iaadjust mo ang taas, iaadjust mo din ang baba and vice versa. Ang problema diyan, iniadjust ang baba, ayun naadjust nga, naiwan naman ang taas. Sa braces talagang babalik balik ka every month. Lahat ng braces ganun. Dapat naipaliwanag sayo yan. Hindi ako nalalakihan sa crown mo.

Ask the Dentist : Sabihin mo ang totoo, nagpapanoramic x ray ka na ba? Hiningan ka ba ng dati mong dentist?

Irish : Hindi po ako hiningan nun nagpa brace ako. Nun lang po nagpa jacket ako, hindi ko alam kunf panoramic xray ba tawag dun. Basta nun nagpa jacket po ako hiningan ako. Yun jacket ko po pala iba na color umiitim sya. Magkano po ba ang jacket na porcelein?

Ask the Dentist : 5 k pataas ang porcelain fused to metal na crown.

287 thoughts on “Cheapest Lower Braces Cost Philippines”

  1. Doc, may nag ooffer dito sa office ng 6k na braces, up and down daw, bat ganon kamura? Nung nagpabrace kasi ko dati eh 30k singil ng dentist ko

  2. Doc ask ko lng nagpabrace kasi ako kahapon then may bungi ako sa taas ung pangil ko po sabi ng dentista okay lng daw ipabrace yon kahit wala ung pangil ang sabi ko nman sabi ng dentista ko dati ipaxray ko edi pinarequest nya sa 2nd week pagbalik ko para sa adjustment ipapaxray ako okay lng ba yon di masisira ngipin ko?

  3. dapat ba munang magpabunot nang ngipin bago magmove backward ang ngipin, pano kong ok
    lang ang ngipin? ano gagawin??

  4. Good eve po. Ask ko lang po how much ba nag re range ang retainer? Sb kase ng dentist ko 5k daw sa kanya en pwede po ba na sa iba ako magpa retainer kung sakali?Gusto ko na po kasi ipatanggal ang braces ko. Thank you.

  5. How much ang retainers? Tapos na kc braces ko then nilagyan na ako retainers sa taas worth 2.5K. Yung baba tapos na dn retainers nalang kaso sbi ng friend ko mahal ng snisingil sakin so nagtanung tanung ako. May nagsbi na may 700 tapos ung iba 5k. Ang laki ng agwat e nagtanung ako kung pareparehas b lahat ng retainers tapos sbi ng mga dentist same lang. Kung same lang edi pwd ako sa mura? Paadvice para may idea ako if may pinagkaiba.

    1. Kung kanino ka napgpabraces ay doon ka lang magpagawa ng retainer. Madalas na dahilan ng relapse kung tanga ang gumawa ng retainer mo. Ang lahat ng bagay na may quality, may katumbas na presyo, ano ang aasahan mo sa P700?

  6. Hi doc! Ask ko LNG if sure na makocorrect ang ngipin mo kapag ngpalagay k ng braces?nakaforward po kasi ung upper teeth ko.

  7. Doc, pwede po ba na mag retainer tapos braces na… Dahil sabi ng dentist ko na dapat mag re retainer daw ako para maka ag adjust daw ang ngipin ko

  8. Doc kakatapos ko lang po magpabraces nakaretainer na po ako ang kaso lang po naiwala ko po ung retainer mga ano po ba ung range ng price ng retainer pag magpapagawa po ulit ako?

  9. Doc, pano po ba pag teeth gap lang sa taas yung problema ko.. pwede po bang magpa retainer na lang pag ganun? if ever na pwede po, magkano po kaya aabutin?

  10. Doc ask ko lang kung pwede ako magpabraces kase may crack yung isang tooth ko sa harap mejo nangitim po sya. Ask ko lang kung pwede po ba at anong gagawin ??

  11. Hi Hoc, ask ko lang po kung ok po ba mag pa retainer? Kasi nabunutan po ako ng bagang sa lower teeth.

  12. Hello Doc! May mga gaps po ang ngipin ko sa upper left. Ok lang po ba kung ang papalagyan ko ay yung upper teeth ko lang?. Then…pano po malaman kung overbite ang ngipin?

  13. Hello Doc. May marerefer po ba kaung magaling na Ortho. Balak ko po kasing magpabraces paguwi ko this year sa Pinas. Taga Sto Tomas Batangas po ako. May pagasa pa kayang maayos eh may edad nako. Mag 35 na po ako this year. Thanks a lot and more power.

    1. May mga patients pa nga na nag papa ortho treatment na ages 50. So anyhow, if you are planning to undergo treatment, you make it sure you will be here for a long time. Kasi, walang mangyayari sa treatment mo kung hindi ka makakapunta sa monthly adjustment mo.

  14. hi doc meron akong ipin na hindi natapos yung rootcanal then onti onti nang nasira yung parang cover niya hanggang sa natanggal na yung cotton then sumakit after ilang months di ako nakabalik sa dentist ko dati kasi nasa malayo nako so pina cover ko siya pina pasta ko after nun sumasakit pa din. ano po ba dapat ko gawin mapaparoot canal pa din po ba yun?

Leave a Reply