Irish : Hi doc! Eto po yun sinasabi ko na nag move backward tapos sabi ng isang dentist okay na daw po yan so inilipat ko sa ibang dentist. Ganyan yun itsura nya pag naka close pati yun bagang nya hindi nakasakto sa upper bagang kasi na move sya. Nabawasan po kasi ipin ko sa baba ng dalawang bgang kaya nagkaroon ng spaces po s ipin ko. Paano po ba gagawin jan? Meron naman po na ginawang retainer po sa kin sa taas tapos sa ilalim nya meron parang gums na maumbok para dun ko dw ikagat yun lower ipin para mag move forward sya.

Ask the Dentist : Bakit ba nagkaganyan? Ilang buwan ka nagpaortho? Kapag braces upper at lower lagi. Magkano mo binayaran? Mahirap na yang case mo. Hindi yan masosolve kahit ipakita mo kahit kaninong dentist online. Masosolve lang yan kapag actual na nakita at kailangan magaling ang dentist mo.
Saan diyan ang bridge? Bridge ba o crowns? Kung gusto mo, magpapanoramic x ray ka. Tapos litratuhan mo, tapos send mo sa akin.
Irish : 20k po sa unang dentist. Yun nilipatan ko ganun din 20k po. Naku 3yrs na po ito. Antagal na. Pabalik balik ako. Nainis na ako nun paiba iba na yun sinasabi sa akin. Di na ko bumalik. 3mos na ko d nagpakita sa dentist. Yun crown po sa taas. Pero yun nagkaroon ng spaces sa baba po kasi nabunutan dati ng bagang na 2. Magkano po ba magpapanoramic xray? Nalimot ko na kasi. Thanks po
Irish : Ang ginawa po kasi ng 2nd dentist pinagawmit lang ako ng retainer s taas n may gums s ilalim para dun ko daw ikagat yun ipin ko sa baba para mag move forward sya
Nabubwisit na nga po ako. Wala na kong pangpagawa. Huhu. Yun sa upper problema ko yun crown na malaki. Tapos sa baba yun ipin na umurong backward dhil s braces
Ask the Dentist : Ah. Well, ganyan talaga kapag naghanap ka ng cheapest. Tapos lower lang pinagawa mo. Ang Braces upper at lower lagi. Magkapares yan, kung iaadjust mo ang taas, iaadjust mo din ang baba and vice versa. Ang problema diyan, iniadjust ang baba, ayun naadjust nga, naiwan naman ang taas. Sa braces talagang babalik balik ka every month. Lahat ng braces ganun. Dapat naipaliwanag sayo yan. Hindi ako nalalakihan sa crown mo.
Ask the Dentist : Sabihin mo ang totoo, nagpapanoramic x ray ka na ba? Hiningan ka ba ng dati mong dentist?
Irish : Hindi po ako hiningan nun nagpa brace ako. Nun lang po nagpa jacket ako, hindi ko alam kunf panoramic xray ba tawag dun. Basta nun nagpa jacket po ako hiningan ako. Yun jacket ko po pala iba na color umiitim sya. Magkano po ba ang jacket na porcelein?
Ask the Dentist : 5 k pataas ang porcelain fused to metal na crown.
Wow naman doc ako pa example mo hehe. Ano ba gagawin ko ngayon dyan? Ayoko na po bumalik sa dating dentist
Palit ka ng dentist.
dok gusto ko lang po itanong kung magkano ang pabrace 16 years old na po ako 🙂
40 thousand pesos pataas.
Doc yung 40K po ba ay sa pagpapakabit lang ng braces? hiwalay pa po ba yung bayad sa monthly na pag papaadjust nya?
Yung mga nababasa mo dito, ay hindi yung para sa partial, half, quarter, kalahati. Ang presyo ng treatment ay case to case basis.
kung reatainer lng po ? magkano po? 16 YO po.
Bakit ka magriretainer? Nagbraces ka ba?
Hi Doc! May itatanong lang po sana ako. Ano po bang difference ng brace at retainers? Tapos how much po ba yung brace? 14 years old napo ako. At, binabayaran po ba kada treatment? Thanks po.
Ang braces ay para maayos ang sungki. Ang retainer ay isinusuot after braces. USually ang braces ay 40 thousand pesos pataas. Ang terms ngpayment ay depende sa mapagusapan niyo ng dentist mo. Kunyari downpayment 20 thousand, tapos yung natira babayaran mo kada adjustment.
hi doc! magkano po ba ang retainers na parang braces? uso po kasi yan dto smin eh 🙂 gusto ko din sanang magka.retainers. thank you po 🙂
Kung hindi ka nagbraces, wag ka magretainer. Masisira lang mga ngipin mo.
17 years po pala ako
Oks.
doc magkano po b ung retainer…di po ako nagbrace,ok lang po b un gwing pangdesign ng teeth?….ano po ba mas ok?
Hindi. Wag ka na lang magretainer. Masisira lang ngipin mo.
anu po ba pde idesign sa teeth?
Eh di yung design para magmukhang ngipin.
anu pong design ang pwede?
Hindi ka dapat magretainer dahil hindi ka naman naging ortho patient. Masisira lang ang ngipin mo kung ipipilit mo ang gusto mo.
Hi doc may possibility po ba na tumabingi ang bibig sa braces? Thanks po.
Yes. Kung naghanap ka ng cheapest. At kung tsumamba kang hindi kagalingan ang dentist na napuntahan mo.
may kilala po ba kayo sa cubao na dentist?
See: http://www.askthedentist.tv/clinics/
hi!i just wanna ask if ano po yung single braces? nung nagpacleaning po kasi ako ng teeth nagask po yung dentist if i wanna try it kasi hindi pantay ung upper gums ko sa lower gums. Thanks!
Yan yung para sa mga walang boyfriend. Pero seryoso, ngayon ko lang nadinig yang pakulong single braces.
dito po sa nueva ecija may kilala po kayong dentist na magaling magpapabrace po kasi ako may isang sungki po kasi ung tubo ngngipin ko mga magkano po ang aabutin pag dito sa province namin?reply doc tnx
Wala. Visit for more info : http://www.askthedentist.tv/braces-cost-philippines/
Hi Doc. magkano mgpa ortho retainer ba yun? thanks!
Wag ka magretainer kung hindi ka naman nagunder ng ortho treatment. Makakasama lang sayo. HIndi ka gaganda kung may retainer ka.
Doc 🙂 tanong lng po kung pdeng mag paretainer for papogi lng,paganda or display at kung mag paparetainer po ako mag kano po ang cost ??? May balak po kc ??? D po ako nirecommend ng dentist gusto ko lang po pde po ba???
Hindi. Makakasama lang sayo.
Diretso nmn po ngipin ko wala po syang sungki gusto ko lng po disignan
Hindi mo kailangan ng retainer para magkaGF.
D naman po ako nanliligaw gusto ko lng mag ka design ngipin ko. Dalawa na po napagtanungan kong kaklase sabi nila basta pantay pantay ngipin mo pdeng lagyan ng retainer kc daw po babagay
Ikakasira lang ng ngipin mo yan. Yung TMJ mo din maapektuhan. Kung ayaw mo maniwala, go ahead. Bibig mo yan. Ngipin mo naman ang masisira, hindi sa akin. Hehehe! 😀
May mangyayari po bang masama pag nag paretainer ng walang dahilan ????
Oo. Masisira ngipin mo.
Ano po pdeng mangyari pag nag paretainer ng trip lng po kaklase ko po kasi nag paretainer po sya kaso d nmn po nirecommend sakanya ng dentista nya
Sira sira ang ngipin niya pagtanda niya.
magkano po magpa-retainer? my braces po ko before wala na ngaun, eh natanggal po ung sa bagang ko. ayoko na po ulit magpa-brace.
PUstiso or bridge ang kailangan mo, hindi retainer.
Anu po bang dapat gawin sa ipin ko,kase po dito po sa upper part ng ngipon ku meron pong mga space.magpaparetainer po sna aku ,pero hindi nagpabrace..anu pu ba dpat kung gawin??.magkanu pu ba magretainer?
Walang inaayos ang retainer. Ang retainer ay nariri”retain” ng position ng mga ngipin kapag natapos na ang braces.
Tanung ko lang po.pwde po bang lagyan ng postiso o kahit maliit na postiso yung ipin ko,kse meron syang. Space yung medyo nsa may gilid sya medyo malaki yung space,e kse dapat tagdalawa ngipon ang dapat tumubo eh tag isa lng yung tumubo..
Pwede.
Anu po ba ang dapat gawin sa ngipin ko,kse po meron syang space,medyo malapad yung space nya.
Braces.
Magkano po magpa Fixed Bridge ?
Depende sa kung ilan ang bungi at klase ng bridge.
Doc, I would like to know if where will the dentist place the molar bands if the 2nd molars will be removed? Both of my 2nd molars on the posterior were already cracked off.
Diskarte ng dentist mo yan. Iba iba ang edukasyon ng dentist, kaya mas mabuti sa dentist mo itanong.
Good evening po pde po ba ung retainer n my dentures kc ung 2 molar ko wala na mgktbi p nmn eh cant afford ko p poung fixed bridge eh just to prevent na mghiwlay ung mga teeth ko sa lower jaw?
Denture lang.
So hnd po advisalble ung denture n my ksmang retainer?
Hindi. Kahit kulitin mo ako, hindi.
So anu po ang pinka best solution
Umiikot tayo.
So anu po ang dpt gwin
Pumunta sa dentist.
Hi Doc! Meron po bang retainer with dentures? Andami ko bungi and yung two front teeth ko po kasi kitang kita ung pasta so gusto ko matakpan.Thanks Godbless po
Meron, pero hindi dapat gawin.
If you dont mind Doc.bakit hndi po dapat gawin?Thanks poh
Dahil kung kita ang pasta, ibig sabihin kailangan mong papalitan ang pasta (ipapasta ulit).
magkano po ba and san po pwede mag pagawa nung hindi naman pocket breaking na retainers. dati po ako naka braces kaso po nawala ko ung retainers ko please do respond po thanks.
Magpagawa ka ng retainers sa dentist na nagbraces sayo. Paano mo masasabing “pocket breaking” ang retainers eh base nga sa sabi mo nagbraces ka dati? Alam kong hindi ka nagbraces.
may mga spaces po yng ngipin ko not too big naman pero pa kumakain ako laging napapasukan ng karne parang every space, maayos ba ng retainers yun?
Walang inaaayos ang Retainer. “Retain”er ay nagriretain.
may braces po ako I want to switch ortho kasi ang mahal ng retainers sakanila. how much po usually ang retainer?
Hindi ka nagpabaces. Malabong malabo ang kwento mo. Dahil lang sa retainer magsiswitch ka? Hehehe!
Hi doc. nagplan po akong magpabraces. im 19. tanong ko lang po kung maaayos ng braces ang sungki ng ngipin tapos mejo palabas po yun orientation or to what extent ang kayang ayusin ng bace? and saan po ang maire recommend nyong dental clinic dito sa Baguio City? 🙂 Thanks po ! 🙂
Kaya yan. Habang may buhay may pagasa. Wala ako mairerecommend sa Baguio.
may braces po ako ngayon kaya lng di ko na napa adjust inquire ko lng san kaya ako pde lumipat ng dentist na medyo mura?
Ah. Restart ulit yan. Panibagong bayad.
with tooth decay yung isang front teeth…pede ba yun for braces?
Papastahan muna yan bago ibraces.
dok pwde ba na mag pa brace kahit wla ka ng sunki ????//
Laging may sungki ang tao. Unless isa kang Spartan.
doc.,ano po ba best solution para sa sungki n mga ngipin?
Braces.
DOC. MERON PO NANG BRACES NA HINDI SYA GANUNG KAKAPAL, IN WHICH HINDI SYA MAGCA-CAUSE NAG PAGKAKAROON NG MAS NAKAUSLING LIPS, PAANO PO KASI YUNG MGA MAY BIGGER UPPERLIPS, LALO PO SYANG MAGIGING MALAKI KAPAG MASYADONG MAKAPAL ANG BRACES.
Ba, ayaw mo ng malaking lips? Gusto yan ng lalaki.
doc my space po ngipin ko sa taas medyo mlaki na poh anu poh ba best solution dito.
Patingin.
Seryoso ba mga tao dito.. natatawa ako sa mga reply. LOL
Yes. Seryoso lalo na’t maganda ang nagtanong.
Hi, Doc. Saan po ba ang clinic nyo? Meron po ba kayong clinic around Laguna area?
PS: Your answers rock! 😀
Hindi ako tumatanggap ng pasyente mula dito. Hanap ka na lang dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/
Goodeve po..im a 17yrs old na po ako..
Gusto ko pong malaman kung anong procedure ang dapat ko munang gawin for my teeth
Because i have 1lost in upper and 2 in down..
Dahil sa napabayaan ko 7yrs yung teeth ko w/o any jacket/crown kaya yung lower ko nag move forward
Pls ..kindly give me an advice what to do first..
Braces.
Hi doc, nag s splint po ako ngayon kasi po nag lolock jaw ako, nag lessen na po ung pag click ng jaw ko.. pero napapansin ko po na ung lower teeth ko natabingi po, pero ok naman po ung upper. May sungki po akong isa sa baba, nakakapekto po ba ung splint sa pagtabingi pa nung iba kong ngipin a baba? Ano po kayang pweng gawin? Nasakit na po kasi ung isanang natabinging k ngipin.. 4 months palang po ung splint ko.nd ayaw ko na po bumalik sa dentist ko dati.
Send a panoramic X-ray para madetect natin kung ano ang problem. Maliwanag na xray, kuha pati condyles, send mon sa FB ko. Hindi ako fan ng splint. Most of the time, hindi mo kailangan ng splint.
Nasa dati ko po kasing dentist ung xray and nasa malayo n po ako. Ill ask someone to get it pero it will take days.. For now po, wala pa po ba kayong maadvise sakin? Para po kasing nataas ung lower front teeth ko.. parang nagkakaron po ng arch.. sould i stop using my splint? Thank you po..
Paxray ka ulit. Mura lang ang x ray.
doc, nawala po ung retainer ko 1 buwan na nakalipas…magkano po ba ang magpagawa ng retainer uli..o babalik p ba ako sa braces?? (wala pang akong 1 year sa retainer)
Punta ka sa nagortho sayo.
Hi, May itatanong lang po ako.. Nabunutan po ako ng ngipin sa Molar, this month of September lang.. Kailangan ko po bang magpa-brace para maiwasan ang spacing? 🙂
Kung may pera ka pampabraces, kailangan. Kung wala, hindi kailangan.
Doc, pinaayos ko na po yung ipin ko sa taas 2 po before magpasukan, then nagpapustiso na rin po ako. pero lagi ko pong tinitignan yung ngipin ko sa may left side hindi siya pantay sa false teeth ko. yung pustiso is nakabackward and yung tunay na ngipin is forward. pwede po ba yun ipabrace? O ipapayos mismo yung pustiso? Thanks po. 🙂
Magpagawa ka ng bagong pustiso. Wag maghanap ng cheapest.
doc last december po nag pa cleaning po ako, sinabihan po ako n dentist n magpa ret space sa ibaba teeth ko, never pa po ako ng pa brace, ok lang po ba un plagay retainer
Walang inaaayos ang RETAINer. RETAINer ay nagriRETAIN.
Hello po ! Gusto ko po sana na magparetainer para design lng kumbaga po . Pede po ba yun ? Kasi nag observe po ako ng ilan schoolmate ko na nagparetainer wala nmn pong nangyaring negative sa pagreretainer po nila . Please do respond , Thanks 🙂
Kuha ka ng mouth mirror, tignan mo mga ngipin nila. Tapos hintayin mo after ilang taon, maliit ang mukha nila. Pero kung ayaw mo maniwala, ikaw ang bahala, katawan mo yan, bibig mo yan.
Pero doc pwede po ba un n mgpa retainer muna habang ng iipon png brace.. ? para m retain lang un ngipin n hindi lalo gumalaw.. medyo mahal kasi pa brace pag iipunam muna. Ty
Idagdag mo sa ipon mo yung gagastusin mo sa retainer. Nagwawaldas ka lang ng pera.
Gud pm! Gusto ko na ipaalis yung braces ko kahit hindi masyado naayos ngipin ko at palagyan na lang retainers. Pede po ba yun? Wala pa po ako kasi budget for braces ulit at lumipat sa ibang dentist. Kaya balak ko retainers muna. How much po ba retainers?
Wag ka na magretainers. Useless.
doc, ano po difference nung porcelain sa bridge? pwede po ba magpabridge pag nagkahiwalay ung ipin or brace na talaga un?
Malaki. Ang bridge ay fixed partial denture. Ang porcelain ay ceramics. Ang porcelain ay pwede gamitin sa pinggan. Ang bridge ay hindi pwede gamitin sa pinggan.
hi doc .. kulang ng tig isang ngipin sa baba at taas ang ngipin ko .. ngaun ng sisimula ng mg hiwahiwalay ngipin ko sa unahan. anu dapat gawin ? baka kc lalong lumaki awang ng ngipin ko ..
Magpabraces ka.
retainer kya doc?
Pakikumpleto ang tanong.
kc pg braces expensive kc xa .. pg retainer pasok s budget at d nman malaki ang awag ng ngipin q doc .. maganda at pantay pantay naman ang mga ngipin ko .. nacoconcious lng tlaga aq sa awang nya though d nman malaki ..
Ipapasta mo para maclose ang awang.
sbi mu nga doc ang retainer ay ng reretain lng ng mga ngipin .. masisira kya ang ngipin q kung mg paretainer aq .. gusto q lng n maretain ang ngipin q .. at para d n mas lumaki p ang awang ng ngipin ko
Yes. Masisira lang ngipin mo.
hi doc, bago pa lang ako nagpatanggal nang molar to make way for my wisdom tooth. Medyo sira na rin kasi yung molar na yun. Problema ko parang nagmove pa inward yung molar katabi nung tinanggal. Can i use retainer? may habit din kasi akong mag grind/lock nang ngipin.
Walang inaaayos ang retainer.
Maganda po ba magretainer if di ka nagbraces.
Hindi. Katangahan lang dahil masisira lang ang ngipin mo.
Doc dati po ako nakabraces then after nagretainer po ako kaso di ko na naituloy tuloy. after a few years napansin ko nagkakaroon na naman ng sungki yung teeth ko. pwede po ba uli maayos yun ng retainer uli or panibagong braces na uli. Tsaka pwede ba magpagawa ng retainer sa ibang dentist?
Braces. Walang inaaayos ang retainer.
Hi doc, anu po bang dapat kong gawin,? kasi po, wala na po akong first molar (left and right) sa lower part. tapos talaga po bang tabingi ung tubo ng wisdom teeth? nakakaloka lang kasi. ano po bang dapat gawin? thanks po. reply asap. 😀 🙂
Ang dapat gawin ay mabuhay ng masaya. Palagyan mo ng bridge.
tabingi po ang tubo ng wisdom teeth ko, or tabingi po ung second molar teeth ko, some of my teeth kasi sa lower part eh parang naghihigaan na eh, lalo na ung mga molars kaya nasabi ko pong parang tabingi ung tubo ng wisdom teeth ko, ano po ba solution dito? thanks
Pwede ka magpabraces. Itatayo yan.
pwede po magpabraces kahit na wala akong second molars? lower part, left and right? hehehe
Yes.
hi doc, safe pa po ba ung pustiso ng nanay ko na di tanggal, parang retainer, kahit na mahigit limang taon na nyang ginagamit?
Send a photo ng pustiso sa FB ko. Or ng bibig ng nanay mo.
hi doc, ask ko lang po if possible sa lower lang magpalagay ng braces? kasi po sa upper maayos and pantay pantay naman po ang ngipin ko, ung baba lng po ang may konting spaces
Upper at lower lagi ang braces. Kapag inadjust mo ang baba, iaadjust mo din ang taas. Unless, wala na yung sa taas mo dahil inalis dahil sa kanser.
1.Goodmorning ask lang po doc. Last dec. 2012 po nagpapasta ko 2 front teeth ko den habang tumatagal masyado ng nagiging obvious ung pasta ko kitang kita n ung part tlga tas ung guhit parang may black n .. Ano po kaya dpat gwin dto??
2.at doc ung 2 lower front teeth ko pina cleaning ko to pero ung middle may maitim padin ano din po dpat dun ..
Ganyan talaga ang pasta. 3-5 years lang tinatagal ng pasta. After niyan, ipapasta mo ulit. Naluluma lahat ng bagay. Kaya huwag ka maniwala kapag sinabihan ka ng “permanent” pasta.
Hi doc! Ask ko lang po kung magkano ang magpagawa ng retainers? Nawala ko po kasi ang retainers ko. Kakatanggal lang po ng braces ko. Thanks!
Yung nagortho sayo ang makakasagot. Kung minsan kasama na sa total na binayaran mo.
Anu po bang solution sa sungking ngipin??
Braces.
Doc, straight naman alignment ng teeth ko. Up and down. Ang problema Edge to edge yung teeth ko and medyo maiksi yung 2 upper front teeth ko. Gusto ko sanang ipa lengthen yung maiksing ipin. Ano po ba ang best solution? 32 lahat ng ipin. Kelangan po ba talagang bunutan ng ipin pag magpapabrace? sabi ng dentist ko 4 teeth ang pwede iextract saken.
Braces. Depende sa kaso. Tinatanggal ang 3rd molars. At kung minsang yung ibang premolars.
Pwede ko ba i preserve yung ipin ko? sayang din kase kung bubunutin. Pag binunutan po ako ng 4 teeth posibleng bang lumubog yung cheeks ko? And kapag hindi nman po ako bunutan ok lang po ba yun sa edge to edge case, mai p-proper ba yung alignment ng teeth ko?
Patingin ng x ray. AT photo ng mga ngipin mo. Send mo sa FB ko.
Hello po. Gusto ko lang pong magtanong. Kasi po yung upper teeth ko, maayos naman sya, walang sungki or any problems saka pantay naman po, yung lower lang yung problem kasi may sungki. Pwede po bang lower lang ang ibraces?
Hi. Gusto ko lang sumagot. Upper at lower lagi ang braces. Kapag lower lang, mahuhuli ang upper. Parang sa tsinelas mo yan, ipaadjust mo ang isa, ang mangyayari mas magiging maliit ang isa. Mga bobong dentist lang ang gagawa ng upper lang o kaya’y lower lang.
hi doc. ask ko lng mgknu po ang synergy braces at anu pinagkaiba nya sa conventional braces?
Oks ang synergy braces.
Doc, Can i ask? Ano po bang magandang gawin sa ipin ko na may space po sa parteng baba? Tapos may sira tatlo ipin ko din sa baba ano magandang gawin?
Ipapasta mo muna lahat ng may sira saka mo ipabraces.
doc super nag enjoy ako sa mga reply mo.. hehehe
Ako din super nagenjoy dahil nagenjoy ka sa reply ko.
pero supre dame ko napulot na knowledge..
Oks.
May other solutions pa po ba para sa spaced na ipin other than braces? Ang mahal kasi
Ipapasta mo or veneers. http://www.denturesaffordable.com/affordable-ceramic-veneers/
Hello po. Magkano po ang retainers? Nag-braces po ako noon. Ngayon nawala ko po retainer ko. Eh hindi pa po nag-eend yung prescribed period ko sa pagsuot ng retainers. 🙁 Napansin ko rin po kasi na humihiwalay po ulit yung two front teeth ko. Pero sabi po ng ortho ko hiwalay na yung bayad kapag nawala ko yung retainer. So magpapagawa po sana ulit ako, di ko lang po alam kung mga magkano hihingiin ko sa parents ko. :/ mga magkano po ba iyon? thank you po.
Itanong mo sa ortho mo. Usually mas mura sa kanya dahil siya ang nagbraces sayo.
Hi Doc im 13 ,years old. Medyo hindi po pantay ang itaas na ngipin ko at pantay naman sa baba. Pede naman ako sigurong mag pa brace right?
Depende kung oks na ang roots ng ngipin mo. Makikita sa xray kung pwede na ka na ibraces.
Doc how much po mag pa xray?
Mura lang. Anong klase ng x ray?
doc good day, question lng po, i have been wearing braces for 5 years now, since late nko nkapagpa.brace, (i was 28 then) kaya sabi ng doctor medyo matatagalan daw bago tanggalin, but since sa cebu pa po kasi ako nun, di na po ako nkabalik mga one year na po mahigit, i tried consulting another dentists but wala nmn po kasi tumatangap na ibang dentist so ginawa ko po aq nlng po nag.change nung mga ligaties, i cant go back to cebu just for this reason and also medyo hassle na po kasi yung braces. tanong ko lng po pwede na po ba change na to retainers, and will there be dentist na i.accept po ung treatment and how much will it cost po? or do i need to start with the treatment sa ibang dentist para ituloy yung care plan with another 45k or so? please i am really bothered na with these braces, i think mas tolerable kasi ung retainers since hindi maxado nakakausli ng nguso… thank you for taking time to read… god bless
Kailangan mong maghanap ng dentist na magaling sa orthodontics. Ikwento mo yan. Since nakausli ang nguso mo, hindi pa yan maayos. Pero kung kuntento ka na, ipatanggal mo na. Hindi dapat ikaw ang nagpatuloy niyan, hindi yan simpleng palitan ng goma.
Doc e paano kung retainer lang ang maafford ng parents ko….pwede magretainer na lang nagfoforward kasi yung teeth ko ,,,14 yrs old po
Walang inaayos ang retainer.
..Hello po ! how much po kung mag papa brace.. dalawa po ung sungki sa taas tas dalawa din po sa baba ..
Send ka ng photo, panoramic x ray at cephalometric x ray sa FB ko.
Doc ask ko lang po. Hindi po gaanong match ‘ung color ng porcelain crown jacket ko sa color ng real teeth ko. Pwede pa po ba ipaadjust yung color and isend back sa lab to match my teeth color? hndi pa po nace-cement permanently ung crown.Thanks!
Madalas na problem yan kapag naghanap ka ng cheapest. Malamang na porcelaind fused to metal crown ang tinutukoy mo. http://www.dentures.com.ph/porcelain-fused-to-metal-dental-crown/ Possible, kung shade nga ang problem. Pero kung sa metal ang problem, iba na ang gagawin ng dentist mo.
Doc all porcelain po ito pra po sa 2 upper front teeth. May additional charge po ba sa akin kung ipapabalik ko sa lab pra ma-modify yung color?Thank you.. 🙂
Hi. Dentist ka ba? Bakit ikaw ang magpapabalik sa lab? Kung pasyente ka, sabihin mo sa dentist mo kung ano ang reklamo mo sa crowns mo nang magawan niya ng paraan.
Hi, Canvass lang doc how much ang retainers. Kakatanggal lang ng braces sa ibang dentist. Nasa US na kasi yung original dentist ko. Walang referral na ginawa para sakin eh.Thanks.
Tinanggalan ka ng braces, hindi ka ginawan ng retainer ng nagalis? Ipagawa mo sa nagtanggal para may discount ka.
Hi doc. Ask ko lang po,wla nmn po akong sungki pero napansin ko yung ngipin ko sa baba nagkakaroon ng unting space . Ok lng po ba na magpalgy ng retainer?
Walang inaaayos ang retainer.
Magkano po ba braces ? 15 years old po ako .
Send ka ng photo ng ngipin mo sa fb ko. 🙂
Ano pong FB Account nyo ?
Nakalink sa gilid. Pwede rin dito: https://www.facebook.com/AdvancedDentistryPH
Nangitim na po yung isa kong ngipin .. Ano po dapat gawin ?
Ang dapat mong gawin ay magpa check up ka na dai.
Doc, may alam po ba kayong orthodontist dito sa palawan. Reply po please
Wala.
Doc, wala po akong budget pwede po ba yung monthy payment na 500 lang.
Mahihirapan ka maghanap. Pero try mo, hanap ka. 🙂
Gusto ko po sana magpabrace kaso budget lang po ng parents ko 20k . may mairerecommend ko ba kayo ng dental clinic na 20k lang yung pa brace marikina or montalban area po
Depende ang presyo sa lala ng aayusin. Wag ka magalala, ang braces ay instalment naman. Usually yan, magdadownpayment ka muna, sa monthly adjustment mo babayaran yung natitira.
Doc, kapag nag pabrace po ba magiging prone ka sa mga singgaw?? kasi sa mga pinagtanungan ko, maari kang magkaron..
Tnx
Pwede ka magkaroon.
Doc, anu anu po ba yung sinasabi nilang package sa pag papalagay ng braces??
Itanong mo sa dentist na nagsabi ng package kung ano yun.
Pwede po ba akong magparetainer kahit hindi pa po ako nagpapa brace ?
Unnecessary.
Nakakasira po ba ng ngipin yun kapag hindi ka pa po nakapag brace ?
Ang nakakasira sa ngipin ay ang pagiging pabaya sa paglilinis ng ngipin. Magbrush ka pagkatapos kumain. Magfloss tuwing gabi. Magpalinis ng ngipin sa Dentist kada anim na buwan. Ipapasta mo ang lahat ng may sira na ngipin.
Twice po ako nagbraces. Umalis ako sa una kong dentista kasi yung assistant nyang nagaattend sa akin mukhang baguhan kasi pag linilinisan yung braces ko, nababasa yung likod ko as in. Tapos nung tinanggal yung brackets ko sa itaas, imbes na linisin yung ngipin, gumawa sya ng square na butas sa ngipin ko. GRABE. So lumipat ako sa pangalawa kong dentist na napakalupit naman. Kinabitan ako ng bagong braces pero dahil madalas syang malupit sa mga assistant at pasyente nya, hindi na ako bumalik. Last na punta ko sakanya, tinanggal nya muna yung mga brackets ko kasi papastahan yung mga natirang butas na ginawa nung first dentist nightmare ko. So nung lumipat ako ng pangatlong dentist ko, hindi pa fully tapos yung orthodontic treatment ko. Pero ang ginawa sakin is pinagretainers ako. Pero hindi naman inaadjust. And since, hindi na mabura yung ginawang damage sa front teeth ko nung assistant, jinacketan yung anim na ngipin ko sa harap. Pero nakaretainers pa rin ako. Nawala ko naman yung retainers ko sa ibaba, naiwan ko ata sa CR nung nagsalamin ako pagkatapos magdentist. Ngayon, sumusungki na yung mga ngipin ko sa baba. Pag hindi ko naman sinusuot yung retainers ko sa itaas ng mga 2-3 days tapos ussuutin ko ulit, sumisikip na. So ibig sabihin gumagalaw parin yung mga ngipin ko. Sabi naman kasi ng dentista ko hindi ko na kelangan magretainers. Papano kaya ang gagawin ko?
Ang gagawin mo ay huwag maghanap ng cheapest. Madalas mangyari yan kapag naghanap ng cheapest ang pasyente. 100% sigurado ako, naghanap ka ng cheapest. Sa cheapest, sigurado ding low ang quality. Mula dentist hanggang sa materials. Cheapest = low quality.
Ang dentist, gumagamit ng tubig para mabawasan ang init mula sa dental procedure na pwedeng matransfer sa ngipin. Masasabi kong maarte ka dahil naalala mo pa ang pagkabasa ng likod mo. Sa pagbabasa ko sa kwento mo, masasabi kong isa ka magandang tao. Karamihan ng maarte at madaming reklamo sa buhay ay magagandang babae. Yun lang hindi ito absolute, may mga nakakalusot din sa probability na maarte = maganda. May ilan ding maarte = pangit.
Nung nagpadentista po ako, hindi po cheapest ang hinanap ko. Yung dalawa kong dentista, relatives namin and mga prominent dentists sila dito sa Baguio. Binigyan lang kami ng discount kaya mga 40k lang pinabayad sa lolo ko. At dun sa sinabi kong nabasa yung likod ko dahil sa tubig, hindi po kaartehan yun. Talagang maaalala ko yun dahil yun ang unang nagrequest ako sa isang assistant ng dentist na kung pwede tumigil muna dahil basang basa na yung likod ng damit ko tapos pagtingin ko sa salamin ay may mga butas na square yung ngipin ko. Kaya ko yun naalala ay dahil yun yung worst memory ko sa pagpapadentista. HIndi dahil maarte ako. At hindi naman po yun ang nais kong pagtuunan niyo ng pansin. Kundi yung tanong ko po. Yun lang po. Salamat po.
Yes. Pinagtuunan ko ng pansin ang tanong mo. Ang sagot, wag kang maghanap ng cheapest. Para ang dental treatment na makuha mo ay high quality.
Oo naman. Alam kong highest quality ng dental treatment ang hinahanap mo lagi. Alam kong hindi cheapest ang hinanap mo kaya sa article na ito ka nagreply / tanong. 🙂 Alam mo bang sa Search engine, tulad ng google.com at bing.com Philippines, kapag nagsearch ka ng “CHEAPEST LOWER BRACES COST PHILIPPINES” ay itong article na pinagreply-an mo ang isa sa mga unang lilitaw? 🙂 Alam kong nalito lang ang Google, pero noong nagsearch ka “Best orthodontic treatment in the Philippines” ang talagang sinisearch mo. Nagmalfunction lang ang Google kaya ka napadpad dito at nagtanong pa dito sa mismong post na ito na pinamagatang “Cheapest Lower Braces Cost Philippines”. 🙂
Oh. oo nga ano. Haha. Sorry doc. 🙂 Ang sinearch ko kasi ay “retainers with design braces Baguio Philippines” at itong forum na to ang pinakaunang lumabas sa listahan sa google (may mga tanong kasi ata dito na may keywords na yun). Pasensya na doc. Lipat nalang ako sa ibang posts mo 🙂 Hehe
Oo naman. Naniniwala ako. 🙂
dok ano po number ninyo at location? name?
im erick po text nyo n lang po para private 0949-8158212
FB: erickmaincanieso@kkjkk.com
Hindi ako magtitext or mageemail kahit kanino erick. Pero libre kang magtanong dito.
Hi Doc. I’m from Paete Laguna. Itatanung ko lang po kung ano po ba maganda gawin s teeth ko. Nagka brace napo ako Kaya lang po nung pinatanggal ko po ang braces ko. mejo nagkakahiwa hiwlaay po ngayun ang teeth ko. Ano po ba ang magandang gawin ko??
Nagkahiwalay kasi hindi mo sinuot yung retainer? Relapse amgg tawag diyan. Kailamgan lang magorthodo braces again
Hai helo po 18 yearsold na po ako.. may jacket po ako sa front na ngipin dalawa po siya porcelein ..tapos may isang missing teeth po ako sa taas at sa baba.. naghihiwahiwalay napo teeth ko sa taas at baba.. tanong kulng po.. pede po ba ako magpabraces?thankyou po 🙂
Pwede. Hanap ka ng magaling na orthodontist.
may ilan din po akong tanung sa brace, girl po ba kayo dok?
thanks
Spartan Warriors kami. Hindi usoo ang girl or boy. Lahat kami warrior. http://www.askthedentist.tv/walang-dental-problem-spartan/
doc i 21 yaers old ask kolang po san kung how much magpabraces and sa age ko po gano po katagal ang treatment ?
Ang halaga ng braces ay depende sa lala ng aayusin, lokasyon ng clinic at galing ng dentist. Ang tagal ng treatment ay depende sa lala ng aayusin, reaction ng buto periodontal ligament at ngipin, at galing ng dentist mo.
hi po doc ask q lng po if panu b mgndang gwn?kc bunot n ung bagang q s babang ngipin q un both bagang tas un harap nlng po un ntira bale 9 teeth front nlng.,un prob q kc un pangil q s left side prng bumababa as in prng pahiga n un lgay nun teeth q wat kea maganda gwn dun?!thanks for the response
Send photo sa FB ko.
doc ung ipin ko po sa taas medyo nakaforward compare sa baba tapos ung lateral incisor sa upper teeth ko binunot dahil nasira sya dahil nabiyak di na kaya ng pasta need daw rtc then post tas crown kaya pinabunot ko na lang kasi may kamahalan po kasi kaya fixed bridge na lang po nauwi pero di pa po nakakabit kasi ung katabi na teeth need pa irtc pero ang problema ko poung bite ko nga po na naforward ung upper teeth ko wala na po ung tig isang 1st molar ko sa taas bale tig dalawang bagang nalang po meron ako sa taas ung wisdom at ung katabi po.pede pa ba un ibrace ano dapat una brace muna o fixed bridge then brace at isa pa doc sabi mo nga na laging up and down ang brace paano po ung baba ko walang na din isang bagang sa left at dalawa bagang sa right ung isa binunot na nung bata ako ung isa ewan bat di tumubo ung wisdon na lang natira pede pa ba un ibrace salamat po sorry sa dami ng tanong.di po kasi na ask sa dentist ko kasi di sya ortho.
Oks.
doc ung ipin ko po sa taas medyo nakaforward compare sa baba tapos ung lateral incisor sa upper teeth ko binunot dahil nasira sya dahil nabiyak di na kaya ng pasta need daw rtc then post tas crown kaya pinabunot ko na lang kasi may kamahalan po kasi kaya fixed bridge na lang po nauwi pero di pa po nakakabit kasi ung katabi na teeth need pa irtc pero ang problema ko poung bite ko nga po na naforward ung upper teeth ko wala na po ung tig isang 1st molar ko sa taas bale tig dalawang bagang nalang po meron ako sa taas ung wisdom at ung katabi po.pede pa ba un ibrace ano dapat una brace muna o fixed bridge then brace at isa pa doc sabi mo nga na laging up and down ang brace paano po ung baba ko walang na din isang bagang sa left at dalawa bagang sa right ung isa binunot na nung bata ako ung isa ewan bat di tumubo ung wisdon na lang natira pede pa ba un ibrace salamat po sorry sa dami ng tanong.di po kasi na ask sa dentist ko kasi di sya orthod
Oks.
Hi doc. Mejo nakaforward po kase ngipin ko sa taas kesa yung sa baba. Ano po ba dapat gawin para maayos ito?
Magpabraces ka. Hanap ka ng magling na dentist.
Hi Doc.
Pwede po bang mag retainer kung yung mga ngipin mo sa taas ay nakausog palabas?
Honestly, hindi.
Ok po. Ano po yung magandang gawin don DoC?
Sa ano?