Esthetic Dentistry Philippines : Gummy Smile

An extremely ultra super small photo trying to prove its usefulness.
An extremely ultra super small photo trying to prove its usefulness.

Karen : Hi Doc! Thanks for your reply. Here’s the pic you asked. Believe it or not, it looks even worse sometimes. what can you advise?

Thanks again.

Ask the Dentist : Wala ka ng mas malaking photo? Hindi makita. Haha!

Karen : ngek. wait lang. hanapin ko ang blow up nyan. hehe

Karen : doc, ito ang screenshot. wahaha sorry for the hassle ha.

Ask the Dentist : Rachel, ganito kasi yun. Ang limit ng online laban sa mismong nakikita eh nakadepende ka lang sa photo. Kunyari yang photo na yan, mga 4-8 meters ang layo mo niyan sa kumuha. Kahit ilapit ko ng todo ang mukha ko sa screen, hindi ko na maizo-zoom. Kahit izoom ko sa photoshop, useless na ang image, kasi hindi ko na makita kung ano ang height ng gilagid mo kumpara sa buto. Ikumpara mo sa pagpunta mo sa dentist, kunyari nasa upuan ka na, para makita ko ang smile mo, lalapit ako sayo. Pwede ko pang ilapit ang mukha ko para mas makita ko pa. Sa laptop mo, may camera. smile ka tapos litratuhan mo. Smile lang naman ang kailangan ko,wag ka mahiya. Mas maganda kung may photo na medyo malaki at malinaw, para maipakita ko sa kaibigan ko.

Ask the Dentist : Pero anyways, idescribe ko na lang siguro. Within metro manila ka lang naman di ba?

Karen : I am not. I’m in Dumaguete. Anyways, I’ve looked it up – baka gingivectomy/gingivoplasty ang solution. I will ask my local dentist. Thank you again for your time. I really appreciate it.

Ask the Dentist : Mali. Crown lengthening procedure. Tatabasin ang buto bago ang gums. Kapag hindi mo tinabas ang buto, ang gums babalik pa din sa dati niyang state na tulad niyan. Ang problema mo, maghanap ng dentist na may specialization sa perio. Hindi lahat ng dentist pare pareho, hindi lahat ng dentist magaling. Isa sa maipapayo ko pag pumunta ka sa dentist, magbihis ka ng simple at magpanggap kang mahirap. Pumunta ka sa ilang dentist. Bibigyan ka ng presyong mura, tiyak yun. Kunin mo lahat ng price, tapos pumunta ka sa may pinakamataas na price sa kanila. Pangalawa, tanungin mo kung saan grumadweyt ang dentist, –, — at — ang okay. Pangatlo, sa case mo dapat hindi bagong graduate ang gumawa, dapat may experience na, so tanungin mo kung sino ang main dentist. Pangapat, kung graduate ng periodontology sa US, or may Masteral sa perio sa pinas, doon ka na. Ang abosolute na magaling sa cases na ganyan, may masteral dapat sa periodontics.

Ask the Dentist : Sa paggawa ng case na ganyan, una susukatan, kukunanan ng x rays tapos photos. Kapag hindi ka kinuhanan ng x ray, magduda ka na. Kapag hindi ka sinukatan magduda ka na. Kung hindi ka kinuhanan ng photos, magduda ka na. Kaya ako humihingi ng photong malinaw, SOP yun sa esthetic cases.

14 thoughts on “Esthetic Dentistry Philippines : Gummy Smile”

  1. doc paano naman po kung nag recede na ang gums at shaky na ang teeth?

    sabi ng dentist bunutin na lang

    pero hindi naman po masakit at nakakain naman ako ng maayos

    pa bunot ko na lang po ba ang ngipin?

    bale tatlo po at sa harap pa sa ibaba

    salamat po

  2. dati po kasi napabayaan ko ipin ko

    tas ngayon po regular na ako nagpapalinis every 6 months

    malinis naman po yung ipin ko ngayon

    kaso lang medyo umuuga yung 3 sa ibaba

    tsaka mas mahaba kesa sa ibang ipin

    ang totoo po ayoko sana ipabunot

    kasi normal naman ang buhay ko

    kaso inisip ko din yung health

    magkaka-cancer po ba ako?

    salamat po

  3. Hi Doc. Ako din may problema about gummy smile. Based from my research, extreme yung case ko.. I’m willing to send a picture, let me know how. Ilang tuloy ako magsmile/tumawa ng todo lalo na pagnakikipagusap.

  4. hi doc paano po magsend ng photo sainyo? yung gums ko po kasi, dun sa nilapatan kong ortho hindi maganda yung mga nangyari, gusto ko na pong ipatanggal yung braces ko pero di ko alam kung paano ang susunod na gagawin ko if ever

Leave a Reply