Marife : Dr. 🙂 Pwede ba lagyan ng brace ang magandang ipin?
Ask the Dentist : Hi Marife. Oo, pwedeng lagyan ng dental braces ang magandang ngipin. Kahit ang pangit na ngipin, pero dapat muna itong ayusin. 🙂
Itanong mo sa Dentista!
Marife : Dr. 🙂 Pwede ba lagyan ng brace ang magandang ipin?
Ask the Dentist : Hi Marife. Oo, pwedeng lagyan ng dental braces ang magandang ngipin. Kahit ang pangit na ngipin, pero dapat muna itong ayusin. 🙂
Nicole : doc ask ko lang po, plan ko po kc mag pabrace eh for xray pa nman ako. yung case ng ngipin ko is may kulang na 2 sa front teeth ko hindi ako tinubuan taz ung lower gums ko medyo maga daw. ok lang ba na i-brace nako khit hindi pa natritreat yung maga na gums ko? tnx po. eh ang sabi lang nya i-floss ko daw yung gums ko na maga
Ask the Dentist : Kailangan ma-treat muna ang gums mo. Kailangan maayos muna ang periodontal problem bago simulan ang orthodontic treatment.
Paul : Hi po Doc! Ask ko lang po sana kung pwede po bang magpa-braces muna bago magpa-pasta? Tsaka ask ko din po kung pwede pa rin magpa-braces kung may jacket yung front teeth ko. Thanks po.
Ask the Dentist : Hindi. Sa Orthodontic treatment, ang pinakainiiwasan natin ay tooth decay. Mahirap mag-maintain ng kalinisan sa bibig kapag nandiyan na ang brackets at wires ng orthodontics. Kaya ang dentist, sinisigurong alam ng pasyenteng linisan ang kanyang mga ngipin kapag nailagay na ang braces.
Kaya bago pa man ilagay ang braces, dapat wala nang papastahan. Dapat pastahan muna lahat ng dapat pastahan bago ikabit ang braces.
Isa pa, may tendency ang pasyente na hindi na magpapasta kapag nailagay na ang braces. Sigurado na kapag nailagay ang braces at hindi ka nagpapasta, lalala nang lalala ang caries ng mga ngipin mo, hanggang sumakit ang mga ngipin mo dahil sa infection.
Para sa pangalawang katanungan mo. Oo, pwede kang magpabraces kahit may jacket ang front teeth mo.
Eddie Angle : Dok! Pwede bang magbraces kahit may pustiso?
Ask the Dentist : Hi Eddie. Oo naman. Pwedeng magpa – brace kahit may pustiso ka. Punta ka sa pinagkakatiwalaan mong orthodontist para matignan nang husto ang iyong kalagayang pang-dental.
Ruth Canal : Masakit ba ang braces?
Ask the Dentist : Oo. Meron kang sakit na mararamdaman sa dental braces. Depende sa tolerance mo sa pain. Ito ay dahil sa force na ina-apply sa ngipin mo. Pain in temporo-mandibukar joint TMJ is also a possibility. Punta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista at itanong mo ang mga ito sa kanya. Pwede mo ring bisitahin ang aking inirirecommend na mga dentist.
Eloi : pwede bang gamitin ang braces ulit?
Ask the Dentist : Kung ang braces mo ay tinanggal ng iyong dentista dahil ito’y kailangan sa Orthodontic treatment mo, ang braces mo na tinanggal ay pwedeng ikabit muli sayo. Ito ay braces na ginamit sayo, at sayo lang dapat gamitin.
Ang braces na tinanggal sayo, ay hindi pwedeng gamitin sa iba. Ang braces na tinanggal sa iba, ay hindi dapat gamitin sayo. Ito ay isang kababuyan. Oks? Ang brackets ay nakatalagang “for single use only”.
Ang tamang pamamaraan ng mga orthdontist ay, ipinapakita muna nila sa patient na nagmula sa bagong bukas na case ng brackets ang ilalagay sa pasyente. At matapos ang ilang buwan o taon at tapos na ang orthodontic treatment, ang tinanggal na brackets ay ibibigay sa pasyente. Ang tungkulin naman ng pasyente ay kunin ang brackets na tinanggal mula sa kanya, pagkatapos ng kanyang orthodontic treatment.
May ilang dentist na nagrerecycle ng brackets. Isa ito sa dahilan kung bakit mura ang singil ng ilang dentist. Dagdag pa dito ang kakulangan sa training. Dahil kung ang dentist ay may sapat na training tungkol sa orthodontics, hinding hindi niya gagamitin ang brackets mula sa isang pasyente papunta sa susunod na pasyente.
Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?
Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.
Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.
Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?
Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.
Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.
Continue reading “Braces Cost in the Philippines”
Lancer: doc ask ko lng sumasakit mandible jaw ko pag ngumanganga… braces ba solution dito???
qng papa brace naman ako wala na 2nd & 3rd molar saleft side possible pa ba mg pa brace pag ganun?
Ask the Dentist Philippines: No. Madaming dahilan at madami ding solution. Depende sa nakikita sa Xray at exam ng dentist sa kaso mo.
Sa second question mo, oo, pwede ibrace kahit may missing teeth. 🙂
Nikka: Hello! Just wanna ask, pwede po ba magpabraces kahit wala na yung 2 molar teeth ko sa baba. Sa right po, wala na, wisdom tooth nalang nasa dulo. Then sa left side, ipapabunot ko po yung 2 molar teeth ko kasi bulok na. Pwede po ba yun?
Ask the Dentist Philippines: Pwede mong ipabrace. Ipaendo mo na lang. Huwag mong ipabunot. 🙂
Paul: hello po……… tnong ko po sna kpg po b ngpapasta binubutas po b un???kc i had my pasta a year ago and sbi skn d nmn po ddkit ang pasta kng d un nbutas orn carve po bgo po ilgay ung pasta. ska npansin ko po kc ung isng ipin ko n npstahan e prng my itim2?ano po b ggwin ko?ska pwde po b mgpapasta kht nkbraces po?ska 1st adjust lng po ng ipin ko last week po..pls po sna msgot nyo po ako….slmat po………
Ask the Dentist Philippines: Butas na yun dahil sa caries. Mukhang binubutas lang dahil tinatanggal yung caries. Pwede pastahan kahit nakabraces. Ang dapat mong gawin ay magtiwala ka sa dentist mo.