Ana : Good morning po!
I’d like to ask if magkano po kaya aabutin para mapaayos ang teeth ko. Got crooked teeth, since sobrang magkadikit yung two front teeth ko, may nafoform na cavity sa may likod. May sira din po ang molars ko.
And may mairerefer po ba kayong orthodontist somewhere Antipolo or QC na trusted pero di naman po masyadong kamahalan. Mostly, dentists lang po yung mga nakikita ko dito. Thank you po
Ask the Dentist : Bale ano ang tanong mo?
Ana : Estimated price ng pagpapabrace and kung may mairerefer po kayong orthodontist (please include contact number and location of clinic if possible)
Ask the Dentist : Hindi ko alam ang price, depende sa kung ano ang makikitang problema sa ngipin mo.
Kung ako mismo, sa Pangasinan at Manila ako.
Louie : ask k lang po..
anu po b magandang gawin kc ung ngipin k s baba nagkarun ng space s pagitan nila..
kung ipaparetainer k b o palalagyan k ng pustiso ung mga natanggalan n dati ng bagang para magdikit uli ung mga ngipin k..
Ask the Dentist : Ipa braces mo. Malaki possibility na hindi lang yung space ang problem mo.
Nherii : hhmm, pwde po kaya ako magbraces kahit naka dentures?
naku- curious lang po kasi ako sa sinabi ng dentist ko, na pwdeng maayos ung sungki ko sa loob at mapupunta sa harap. ill send pic nalang po nxt time. thx po.
Ask the Dentist : Pwede, pero hindi mo susuutin ang dentures mo.
Nherii : Ahh,d po xa pwdng pagsabayin. Eh pwd po ba aku magretainer kasabay ng dentures??
Ask the Dentist : Bakit ka magreretainer? Hindi ka pa nga nabibraces?
Neri : Hi Doc, tanung ko lang po sana kung pwde po ako ipustiso kahit may sungki po ako? bale ung sungki ko po kasi parang umextra lang sa loob. kunyari po ang bilang po ng ngipin ko sa taas is 12, bale yung sa likod ng ngipin kong pang 7 andun po sya. sorry po di ko po xa ma explain ng maayos, parang ganyan po sa picture ung mga ngipin ko po. ung “x” po means wala na pong ngipin. and yung my red na malaki po andun po ung ngipin kong xtra.sana po matulungan nio po ako. SALAMAT po. )
Braces, Crown & Bridge Philippines : Importance of Actual Photo
Ask the Dentist : Mas mabuti kung pipicturan mo. Kung tama ang pagkakaintindi ko, papa bunot mo yung umextra na ngipin mo.
Neri : Hindi na po ba maaayos ng braces yung umextra kong ngipin? kasi po ang sabi po sakin ng dentist ko nung nagpabunot po ako last week, kaya daw po maayos ng braces yung alignment ng mga ngipin ko, so ung umextra po mapuupnta sa harap.
Taga Antipolo City po ako. Di po ba naoopen ung sample picture sau Doc?
thank you po sa pagsagot!! 🙂
Ask the Dentist : Pwede yun. Maaayos yun sa braces. Neri, bale ano ba ang gusto mong gawin sa ngipin mo? Mas mabuti kung ang actual photo ng mga ngipin mo ang isend mo. Smile ka ng mabuti tapos send mo ang litrato. Para makita ko kung ano ang dapat aayusin.
Jane : Hndi po pantay yung front teeth ko sa lower teeth ko, and baliku baliku pa yung sa lower teeth ko, balak ko po sana magpabraces, gagamit po ba ko ng tmj? Ano po b un?
Ask the Dentist : Oo. Lagi mo talagang gamit ang TMJ. Parte ng katawan ng tao ang TMJ. Base sa maliit na picture mo, maganda ang TMJ mo. Nababagay sa mukha mo. 🙂 Kapag nagpa-braces ka, siguruhin mong uppper at lower ang braces. At siguruhin mong nakapag-aral ng orthodontics ang gagawa. 🙂
Whally : dra/dr sa ipin…ask lng pano po kya maayos ang ipin q sa harap..4 sa taas at apat sa baba..kc sungki sya ee..pano po kya maayos un..ung iba nagka bulok bulok n..pabaya kc aq nung kbataan pa aq nung araw…ngaun 37yrs.old na aq..ano po doc..ang mgandang gawin d2???need answer po.
hindi 2loy aq mka ngiti ng bonggang bongga sa pic.d2 sa fb..hahaha..plaging nka tikom ang bibig toink!slamat po ku itoy inyong msasagot.
Ask the Dentist : Kosa! Ipa-dental braces mo. Hanap ka ng magaling na orthodontist. Kapag naayos na yang sungki. rakrakan tayo!
Whally : kya pa ba ng braces ito?cge pg uwi q sa pinas…ayoko kcng ipagalaw d2 sa doha bka pg praktisan lng…o cge…hanapan tau hahaha!
Ask the Dentist : Kaya yan. Habang may buhay, may rakrakan.
Whally : o cge sbi mo ee..ayos yan repapips.rock ‘n’roll!
Edna Angle : Hi doc, I want to ask, where can I find free braces for teeth in the philippines?
Ask the Dentist : Dito sa puso ko. Pero maghanap ka ng braces sa buong pilipinas, mula sa puso lang ang free. Kung ang dentist mo ay kapatid mo, usually free ang braces. Kung ang dentist mo ay nanay mo, kadalasan free ang dental braces. Kung ang dentist mo ay tatay mo, madalas free ang braces. Kung ang dentist mo ay BF mo, usually free ang orthodontic treatment. Ika nga ni Mark Lapid, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!
Meth : hello po ask lang po ako kasi po yung teeth ko upper and lower hindi magka dikit cause po ng tumb sucking mahirap po mag salita specially letter S puro hangin lang lumalabas i pronounce it esth anu po bang dapat kong gawin para magkadikit na teeth ko any suggestion po?reply me asap po thanks 🙂
Ask the Dentist : Ilang taon ka na Meth? Dental braces ka dapat. 🙂 O kaya send ka ng photo ng smile mo, use MACRO sa cam, ngiti na naka-e. Wala ka pa naman bang missing na ngipin?
Meth : cge po mag send po ako ng picture bukas im 23 na po turning 24
Ask the Dentist : Bukas kasi magtu-24 ka bukas? 🙂
Meth : hindi po turning 24 this jan
dentist po ba kayo?i saw your site po kasi sa ask the dentist
Ask the Dentist : Sa kasamaang palad oo. Haha! Ikaw patient ka? 🙂
Meth : hahaha opo pero my time pa po kayo mag message doc ahh 🙂
Ask the Dentist : Nakita din kita sa website. 🙂
Syempre naman. Ikaw pa.
Meth : hehe cge po doc..san nga po pala clinic nyo?
Ask the Dentist : Sa Manila. Pero kahit nasa Manila, pwede mo pa din akong tanungin, for free. May promo kasi ako ngayon, magtanong ka, may isa kang free na sagot.
Meth : Isa lang ba?eh kung madami tanong ko doc ok lang ba?all for free din? ^_^
Ask the Dentist : Syempre. kada tanong may isang free na sagot. Kaya pag madami, madami ding sagot. 🙂
Meth : My missing na po ako na teeth sa front upper part tango isa tapos pinalagyan ko po ng denture magkano po ba ang implant sa tango?
Ask the Dentist : Ano yung tango? 70k pataas kada isang implant
Meth : yung parang pangil po
Ask the Dentist : Yung sa likod ng pangil?
Meth : yung pangil mismo
Ask the Dentist : Sayang naman.
Meth : ang pangit po ng ngipin ko nakakahiya anu po bang dapat gawin dito?
Ask the Dentist : Madali lang ang case mo. For dental braces ka. Yun nga lang dapat maghanap ka ng magaling sa ortho na dentist.
Meth : bakit po doc my pag asa pa po bang tumubo mga ngipin ko pag nag pa braces ako?
Ask the Dentist : Para maiayos ang sungki. Habang may buhay may pagasa.
Meth : hindi namn po ata sungki ngipin ko eh hindi lang po talaga magka dikit upper and lower teeth ko kasi nung bata pa po ako nag tutumb sucking po kasi ako kaya hindi sya tumubo…pag nagpa braces po ba ako mag kakadikit na mga teeth ko?
at sa picture lang po mukhang sungki tignan kasi po nagalaw yung camera pero maayos namn po ngipin ko sa upper part…
Ask the Dentist : Buweno, kung para sayo hindi sungki, ano ang tawag mo diyan? Sa presinto ka na magpaliwanag. Dental braces nga ang solution diyan. 🙂
Ask the Dentist : Sungki. Oks? Ano ang mapapala ko kung magsinungaling ako sa nakikita ko? Hahaha! Sinabi ko bang sungki out of nowhere? Sungki nga madam. Sungki. Sungki. Sungki. Hahahaha! Dental braces ang solution. Kung gusto mo ng ibang solution, meron akong kilalang barbero dito sa kabilang kanto. 🙂
Meth : hahaha masusunod po doc…anu ba yan!!haha thank you po 🙂
Meth : ouch! inulit ulit pa talga sungki talaga? cge doc kasi ang haba narin ng hair ko hahaha :v opo mag papa braces nalang po ako para maayos na ngipin ko ^_^
Meth : haha hindi naman po kayo mabiro….anu po ba yung jacket crown?
Ask the Dentist : Kapag ang ngipin ay may sira. At ito’y hindi na kaya sa pagpapasta, jacket crown ang inilalagay. Ito ang photo ng jacket crown: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/