Braces, Crown & Bridge Philippines : Importance of Actual Photo

Neri : Hi Doc, tanung ko lang po sana kung pwde po ako ipustiso kahit may sungki po ako? bale ung sungki ko po kasi parang umextra lang sa loob. kunyari po ang bilang po ng ngipin ko sa taas is 12, bale yung sa likod ng ngipin kong pang 7 andun po sya. sorry po di ko po xa ma explain ng maayos, parang ganyan po sa picture ung mga ngipin ko po. ung “x” po means wala na pong ngipin. and yung my red na malaki po andun po ung ngipin kong xtra.sana po matulungan nio po ako. SALAMAT po. )

Braces, Crown & Bridge Philippines : Importance of Actual Photo
Braces, Crown & Bridge Philippines : Importance of Actual Photo

Ask the Dentist : Mas mabuti kung pipicturan mo. Kung tama ang pagkakaintindi ko, papa bunot mo yung umextra na ngipin mo.

Neri : Hindi na po ba maaayos ng braces yung umextra kong ngipin? kasi po ang sabi po sakin ng dentist ko nung nagpabunot po ako last week, kaya daw po maayos ng braces yung alignment ng mga ngipin ko, so ung umextra po mapuupnta sa harap.
Taga Antipolo City po ako. Di po ba naoopen ung sample picture sau Doc?
thank you po sa pagsagot!! 🙂

Ask the Dentist : Pwede yun. Maaayos yun sa braces. Neri, bale ano ba ang gusto mong gawin sa ngipin mo? Mas mabuti kung ang actual photo ng mga ngipin mo ang isend mo. Smile ka ng mabuti tapos send mo ang litrato. Para makita ko kung ano ang dapat aayusin.

3 thoughts on “Braces, Crown & Bridge Philippines : Importance of Actual Photo”

Leave a Reply