Saudi Boy Ray Ubando : Enjoy na enjoy ako sa mga camel dito sa Saudi boss! Ano ang mas ok bunot o root canal?
Ask the Dentist : Kung long term ang iisipin mo, mas mura at mas ok ang root canal, kasi mananatili ang ngipin mo sa bibig mo. Kaya kung ang balak mo ay mabuhay pa ng matagal, mas mabuting magpa-root canal treatment ka.
Good Morning Doc, tanong ko lang po kung pwede bang magpabunot ng wisdom tooth kahit na may menstruation?
After menstruation na lang. Oks?
Gud morning dok.ask lng kung pwedeng magparootcanal khit namamaga ang mukha?
Punta ka sa dentist para makita kung ano ang dahilan ng pamamaga at maresetahan ka muna ng gamot.
Good evening doc, kapag ang isang ngipin ay na RCT at wala na yung visible area ng teeth(crown ba tawag dun?), pwede pa ba itong bunutin?
Pwede. Pero bakit mo ipapabunot?
Dok yung ngepin ko sa harapan nahati, pwedi pa po bang ma pasta yun?
Pwede kung hindi pa sumakit at wala pang impeksyon.
ilang taon po ba ang kaylangan para mag pa root canal ?
May para sa ngipin ng bata. May para sa ngipin ng matanda.