Self-Ligating Braces Cost

Jed : Hi doc. ask ko lang po sana kung mag kano ang self-ligating braces dyan sa pinas? mas ok ba cxa sa metal braces? may plano po kc ako mag palagay ng braces pag uwi ko sa pinas. pero nag aalala po ako sa monthly check up. kc any time baka umalis nanamn po ako ng bansa. kc problema ko tlga ang ngipin ko sa harapan na may sungki. help doc. tnx

Jed : doc anu po ba best way para mag pa brace sa tulad kong ofw? ok po ba ang self-ligating braces?

Ask the Dentist : Mahihirapan ka sa plano mo.

Jed : doc ano ba magandang gawin?

Ask the Dentist : Kapag ikaw ay nanatili na sa sa Pinas, saka ka magpabraces.

Jed : ganun po ba. anu po ba ang pag kakaiba ng self ligating braces sa metal braces?

Ask the Dentist : Isipin mo na lang kung natanggalan ka ng bracket. Ano, imamighty bond mo?

Jed : what do you mean po?
so mas ok parin po ang metal braces?

Ask the Dentist : Metal din yun. PAreho silang metal.

Jed : so anu po ibig sabihin ng self-ligating braces?

Ask the Dentist : So kahit self ligating man yan o hindi, kapag natanggalan ka ng bracket, kaya mong ikabit? Nasa Pinas ang dentist mo. So Self ligating nga, walang isang bracket. So paano pag natanggalan ka ulit. Tapos natanggalan ka ulit. Ilang bracket na. Self ligating nga, sino ang magmimaintain na dentist diyan sa bansa mo, eh nasa pinas ang dentist mo.

Jed : ganun po ba. thank you doc.

Ask the Dentist : No problem.

Metal Braces Cost with 2 Missing Anterior Teeth

Mie : ung mgpbrace (if may bungi with dentures) doc how much po sa inyo?

Ask the Dentist : Depende yan sa hirap ng case, galing ng dentist at materyales na gagamitin.

Mie : kht range/estimate lng doc. para may idea lng aq. may 2 dentures aq sa front teeth. . tnx

Ask the Dentist : 30 – 50 thousand din

Cheapest Lower Braces Cost Philippines

Irish : Hi doc! Eto po yun sinasabi ko na nag move backward tapos sabi ng isang dentist okay na daw po yan so inilipat ko sa ibang dentist. Ganyan yun itsura nya pag naka close pati yun bagang nya hindi nakasakto sa upper bagang kasi na move sya. Nabawasan po kasi ipin ko sa baba ng dalawang bgang kaya nagkaroon ng spaces po s ipin ko. Paano po ba gagawin jan? Meron naman po na ginawang retainer po sa kin sa taas tapos sa ilalim nya meron parang gums na maumbok para dun ko dw ikagat yun lower ipin para mag move forward sya.

Cheapest Lower Braces Cost Philippines
Cheapest Lower Braces Cost Philippines

Ask the Dentist : Bakit ba nagkaganyan? Ilang buwan ka nagpaortho? Kapag braces upper at lower lagi. Magkano mo binayaran? Mahirap na yang case mo. Hindi yan masosolve kahit ipakita mo kahit kaninong dentist online. Masosolve lang yan kapag actual na nakita at kailangan magaling ang dentist mo.
Saan diyan ang bridge? Bridge ba o crowns? Kung gusto mo, magpapanoramic x ray ka. Tapos litratuhan mo, tapos send mo sa akin.

Irish : 20k po sa unang dentist. Yun nilipatan ko ganun din 20k po. Naku 3yrs na po ito. Antagal na. Pabalik balik ako. Nainis na ako nun paiba iba na yun sinasabi sa akin. Di na ko bumalik. 3mos na ko d nagpakita sa dentist. Yun crown po sa taas. Pero yun nagkaroon ng spaces sa baba po kasi nabunutan dati ng bagang na 2. Magkano po ba magpapanoramic xray? Nalimot ko na kasi. Thanks po

Irish : Ang ginawa po kasi ng 2nd dentist pinagawmit lang ako ng retainer s taas n may gums s ilalim para dun ko daw ikagat yun ipin ko sa baba para mag move forward sya
Nabubwisit na nga po ako. Wala na kong pangpagawa. Huhu. Yun sa upper problema ko yun crown na malaki. Tapos sa baba yun ipin na umurong backward dhil s braces

Ask the Dentist : Ah. Well, ganyan talaga kapag naghanap ka ng cheapest. Tapos lower lang pinagawa mo. Ang Braces upper at lower lagi. Magkapares yan, kung iaadjust mo ang taas, iaadjust mo din ang baba and vice versa. Ang problema diyan, iniadjust ang baba, ayun naadjust nga, naiwan naman ang taas. Sa braces talagang babalik balik ka every month. Lahat ng braces ganun. Dapat naipaliwanag sayo yan. Hindi ako nalalakihan sa crown mo.

Ask the Dentist : Sabihin mo ang totoo, nagpapanoramic x ray ka na ba? Hiningan ka ba ng dati mong dentist?

Irish : Hindi po ako hiningan nun nagpa brace ako. Nun lang po nagpa jacket ako, hindi ko alam kunf panoramic xray ba tawag dun. Basta nun nagpa jacket po ako hiningan ako. Yun jacket ko po pala iba na color umiitim sya. Magkano po ba ang jacket na porcelein?

Ask the Dentist : 5 k pataas ang porcelain fused to metal na crown.

Crowns and Dental Braces Philippines

Irish : gudpm. doc tanong ko lang po if nabasa nyo na po yun pinost ko sa timeline nyo? thanks

Ask the Dentist : Nasaan? Kung nabasa ko, magrereply ako.

Irish : regarding po s ipin ko yun jacket sa harap. sobrang laki po po sya. pwede po ba yun maliitan? tapos yun braces ko naman po sa ibaba umurong backward yun ipin ko kaya lumipat ako ng ibang dentist. ang ginawa naman po ng dentist na nilipatan ko pinagamit ako ng retainer sa taas at may gums sya s ilalam para dw dun ko ikagat yun ipin ko na nag move backward po

Ask the Dentist : Ah. OO, sa pamamagitan ng paggawa ng bago. Tatanggalin ang crowns mo tapos papalitan ng mas maliit.

Irish : ok po. salamat. nagwoworry lang po kasi ako doc kasi yun gums nya kinaskas dati tinanggal daw yun patay n dugo so mejo lumaki po yun kabitan ng crown po. tapos doc yun sa braces naman po? paano po ba yun? nag move backward yun ipin ko sa baba sabi okay n daw dikit dikit na daw po

Ask the Dentist : Hindi ko masasagot ang tanong mo sa braces dahil hindi ko naman nakita ang bibig mo. Kung ibabase natin sa mahiwagang bola ni madam auring, ang hula ko sayo ay kakain ka mamayang gabi. Bukas magigising ka sa umaga at iinom ng tubig. Maglalakad ka din bukas. Titingin ka din sa orasan at titignan kung anog oras na. May posibilidad din na makikita mo ang liwanag ng araw bukas. Kung titingin ka sa langit, makikita mo ang mga ulap na nagsasabi sayong, ang buhay ay maganda.

RCT & Braces Philippines

Reynalyn : hi..

Ask the Dentist : Hi.

Reynalyn : my braces po ako. 50k dw then d p pla kasama dun ung iffixed bridge ung bagang ko n bnunot nya- 12k dw un, tas rct nmn sa isa ko png bagang na sumasakit ngyun -( 6k mas mura mura kesa ipa fixed bridge din ) aiyt, d nya n inform from da start n ung 50k un braces lng un at my additional fees p pla at dpat gwin sa ngipin ko,hmm ala po xray na nganap, Dr. ________ po name ng dentist ko ,hehe la lng bka kilala nyo po?haha msbe lng ..ortho din dw xa. ..anyway im planning mgpa rct sa dentist ko kc ung bagang ko sa baba 2nd to last sumasakit n nmn ngyun ..actually my sira n kc yun at kulay dilaw ba, kainis.. hmm what shud i do and ask to my dentist ..

Reynalyn : anu po bng tamang protocol pag ngpapabrace or pag my brace n?
still der ?

Ask the Dentist : Ok. Dinadigest ko ang kuwento mo. Para mapayuhan kita ng tama, magpa-panoramic x-ray ka. Saan ka ba banda? Manila?

Ask the Dentist : Yung bridge, inilalagay lang pagkatapos ng ortho treatment mo. Yung i-a-RCT, iparct mo na. Sa RCT dapat ini-x-ray din. Kapag ina-RCT ka at hindi ka man lang ini-x-ray, wag mo na ituloy, hindi marunong ang dentist mo. Sa braces, dapat may panoramic xray lagi. Kung hindi ka hiningan ng x ray, well, kaduda duda kung nagaral nga siya ng orthodontics. Madalas yung mga ganito, murang mura silang maningil.

Magsend ka ng panoramic x-ray, para makita ko kung ano condition ng ngipin mo. Malaki ang tsansang hindi na kailangang i-bridge yan kung isang ngipin lang naman ang kulang, para masiguro ko tignan natin sa x-ray. Pero siyempre maghanap ka ng dental clinic na may malinaw na x-ray. Lapid Dental Center, madami silang branch, pa-x-ray ka doon, litratuhan mo at i-pm mo sa akin.

Reynalyn : magkanu po yung oanoramic xray ?
panoramic xray ? taga mambugan antipolo po ako ee
sige po pls. help me .. thank you.

Reynalyn : grbe sakit at kumikirot pdin po pdn hanngang ngayun ..5hrs. n to.. normal pa pu b to ?

Ask the Dentist : Depende sa clinic. Iba iba ang singil. P1,000 usually.

Reynalyn : minimum n po b yun ?
anu po bng gngwa wen u say ortho treatment ?

Ask the Dentist : Ang masakit ay hindi normal. Kasi pag normal ang pagiging masakit, hindi mo yan tatawaging “masakit”.

Reynalyn : haha tama nga nmn..

Ask the Dentist : Braces. Hindi yan ipinaliwanag ng dentist mo? Ginagawa sayo hindi mo tinanong kung ano?

Reynalyn : not further explained.. my mga spaces po kasi ipin ko sa baba , mga 5 in between teeth, sa taas 4 naman.. aun nga yung braces para ma compress sya.. july aq ngpa brace , my improvement nmn na meju ngddkit dkit na cla..
merun aqng molar band (2)sa taas lang ..
sa baba wala.. kasi nga bungi na ung isa kong bagang..
sa kaliwa 2nd to last ,sa kanan naman ung 2nd 2 last din yun yung sumaskit .

Ask the Dentist : Oki. Kung isa lang na bagang ang nabungi, pwedeng maayos na sa braces ang space. Hihilahin lang ang molar mo patungo sa bungi. Syempre mga nagaral lang sa ortho ang nakakaalam nito. Hindi na kailangan ibridge. Unless napalawak talaga ng space at madami pala ang bungi at mali pala pagkakakuwento mo.

Ask the Dentist : Ilan na lang ang molar mo sa baba?
Mas mabuti talaga pag magsend ka xray. Para hindi ako magkamali sa mga sinasabi ko. Oks?

Reynalyn : 4 sa kanan, 3 sa kaliwa..
3 nlng sa kaliwa kasi nbungi ee..

Ask the Dentist : Apat sa kanan? Sa baba lang madam.

Reynalyn : ok. sige mgpapa xray nlng aq..
uo nga po ..sa baba lang yun.. e diba mya kanan -kaliwa part

Ask the Dentist : 3 molar mo sa kaliwa? may nabungi pa niyan ha? Hahaha!
Sa baba, 1st, 2nd at 3rd molar sa kaliwa, 1st, 2nd 3rd molar sa kanan.

Reynalyn : haha makatawa ka nmn wagas.. hmmp
teka ilan ba dapat lahat ng ngipin ? 16 b? eh 14 lng lahat skin ee
sa baba lang aa..

Ask the Dentist : Ibig sabihin nito, mali ang pagkakuwento mo. At malamang mali din ang sinabi ko.

Reynalyn : db my 3 molar the 2 pre molar..

Ask the Dentist : Hayaan mo, magpopost ako ng litrato ng maxillary arch at mandibular arch ng tao.

Reynalyn : i mean yung sinasabi ko 4 at 3.. mga bagang po yun..

Ask the Dentist : O alam mo pala. Bakit may apat kang molar sa kanan?

Reynalyn : na include ko lng yung premolars sa molars..enxa nmn..
yung nsa pic. sa baba yung 1st premolar and second premolar merun aq nyan yung first molar ko yun yung sinsbi ko na masakit at my sira then ok nmn yung second molar ko .. yung third molar parang ala ata ko nun.. , bat kc 16teeth yung complete na ipin sa akin 14 lng lahat tapus nbungi p ung isa .. ampf

Reynalyn : kya d n aq ngtataka kung bkit my spaces yung skin..

Ask the Dentist : O nagsend ka pa ng photo, nagattach ka na din sana ng photo mong nakaswimsuit, natuwa pa ako.

Reynalyn : haha adik lng.. lakas mka segway aa.. haha akala ko ba ask a dentist itu at all about teeth ..sabay photong nkaswimsuit hnanap? haha Lol

Ask the Dentist : Ayun. Ok, hindi pa tumutubo ang 3rd molars mo. Unless impacted ang mga 3rd molars mo. Kapag natapos na ang braces mo, mga 1 year or 2 years from now, dapat bunutin ang 3rd molars mo.
Ano sa tingin mo sa mga dentist, hindi tumitingin sa mga nakaswimsuit? Next na send mo ng photo, dapat may nakaswimsuit na Reynalyn na ha.
Pero since may nabunot sayo, depende pa din sa result ng braces kung dapat tanggalin yung 3rd molar mo sa side na yun.

Orthodontist Philippines

Nikka : Doc, ask ko lang, ano po ba ibig sabihin kapag di ka hiningian ng Xray ng dentist? Kasi po ung bf ko po, magpapabraces na po xa. Then nung tinanong ko po kung kelan sya magpapaxray. Sabe daw po ng dentist, di na daw po kailangan dahil alam n dw nya gagawin

Ask the Dentist : Magduda ka sa dentist niya.

Nikka : Baket po? Ano ba ibig sabihin nun? Pinagpapraktisan lang teeth nya?

Ask the Dentist : Sa braces, kailangan lagi ng panoramic x ray. Kapag nakapagaral ng ortho ang dentist, alam niyang dapat may x ray. Lagi.

Nikka : Ay ganun po ba? Nagtaka nga din po ako, sabe nyo po kasi magduda ako. baka nga po kung ano lang gawin sa ngipin nya eh.

%d