Deborah : Hi po doc. Nabali mo kasi yung ngipin ko. Yung pangil sa right side po. halos di na po kita. Tanong ko lang po kung pwede ko na lang ipabunot na lang, tapos pustiso and pabrace? Possible po ba na pwede ibrace? Magkano po kaya aabutin?.
Anthony : Doc good evening. I am planning po na magpalagay ng fixed bridge. Ano pong type ang ang maganda? And I’m choosing between Pasig and Mandaluyong dentist. San po mas specialized sa dalawa pagdating sa fixed bridge? And by the way 2 ipin po na magkatabi ang kulang ko. How much po estimate nyo?
Thanks and more power!
Ask the Dentist : Ang type na okie ay emax bridge:
Hidi ako makapagupdate ng ilang araw dahil sa kawalan ng internet connection. Ayaw ibalik ng wi-tribe ang connection ko hanggang ngayon dahil kailangan ko daw magsubmit ng sceenshot. Paano nga ba makakapagsend ngscreenshot ng walang internet. Basahin bukas ang usapan sa pagitan ng Wi-Tribe Philippines at Ask the Dentist.
————————–
Arlene : Hi po good evening doc.. Nabasa ko po ung q&a portion sa ask the dentist website at na amaze ako sa mga sagot nyo… Ask ko po sana kung anong mgandang gawin sa teeth ko.. Para maayos,, mgpp fixed bridge muna po ba ako before braces? Or vice versa?? Ill send my pics
Missing teeth
Ask the Dentist : Pabraces ka muna. Malamang na hindi ka na kailangan lagyan ng bridge. Hanap ka ng dentist na magaling.
Eden : Doc kalalagay pa lang ng sat ng permanent mareremoved b yun hindi kaya madamage yung ngipin n kinapitan? Thanks doc
Ask the Dentist : Walang permanent na bagay. Kapag nasemento na ng final, sisirain ang bridge mo para matanggal yang bridge. Bakit gusto mo tanggalin?
Eden : Pag manipis na food hindi nya ma bite. Sabi ng dentist ko sa iba ko daw pagawa balik nya na lang daw bayad ko. Eh bka madamage yung ngipin n kinapitan pag naremoved kya nagtatanong ako.
Eden : Thanks doc
Ask the Dentist : Oks.
Eden : Hindi naman madamage yung ngipin n kinapitan doc? Hindi b masakit procedure ng pagtanggal?
Ask the Dentist : Huwag ka maghanap ng cheapest. Ang quality ng gawa ay may presyo. Maghanap ka ng magaling na dentist para hindi madamage yung ngipin mo.
Eden : Yes doc. Yun procedure doc hindi naman masakit?
Eden : Doc good evening yung procedure ng pagtanggal ng fixed bridge masakit?
Ask the Dentist : Para ka lang kinagat ng higanteng langgam.
so heres the situation wala na ung isa kong teeth sa harap nakapustiso ako ngaun but im planning na gawing permanent na sya.. then sira na ung katabi nya… what procedures po kaya pedeng gawin dto plus how much pabunot at pasta sa inyo.. and san location nyo po..
Ask the Dentist : Walang permanent na bagay. Kahit nga ngipin nabubungi. Pwede ka magpaimplant. Or bridge.
Chan : ok thank u so much for the info.. mga magkano nagrerange ung price ng bridge..
Ask the Dentist : Madaming material na pwedeng gamitin for bridge: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/ . Ang pinaka ok sa harap na ngipin ay e.max, pero medyo mahal. Para sa isang bungi, 60K pataas. Ang porcelain fused to metal bridge, 15k pataas.
Abeljon : doc, 4 po sa front teeth ko sira sira na, may pag-asa pa po ba sa ngipin ko? salamat in advance.
Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa.
Abeljon : pwede po ba pabunot nlang 4 na front teeth tpos, ano po susunod na pwedeng paraan?
Ask the Dentist : Pwede. Denture, bridge, implant ang mga option mo.
Ask the Dentist : Pero mas mabuti, isave na lang. Ipa xray mo muna kung kaya pa pastahan. Kung hindi na pwede, ipa-RCT mo tapos crowns: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Abeljon : hindi na daw pwede i’pasta doc eh, wala na daw tlaga chance.
Ask the Dentist : Okie ito ang option mo:
RCT tapos crowns: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Denture : http://www.denturesguide.com/
Bridge: http://www.dentures.com.ph/fixed-fixed-dental-bridge/
Dental Implants : http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
Rael : Doc gud pm po.heto po ung retainer na may ngipin. Question ko po is pwedi po bang palagyan ng ngipin yan ung naka permanent na sya? Mga magkano po kayo ang cost? Senxa na po medyo yellowish tlga ngipin ko. Thanks po doc.
Rael : Before and after po doc . Gusto ko po sana magkapermanent na ngipin pwede po ba un? And then mga magkano po kaya? Thanks much po Retainer
Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Kahit nga yang ngipin nabubungi. Pwede mo yan ipa-implant or bridge:
Rhem : dok ano po ba ggawin ko. wala n po kc akong ipin sa ibabang bagang. bale ung harap lng na ipin at dun ako ngumunguya, gusto ko sna ipapustiso kso mhahaba n ung ipin sa loob at tumatama n s gilagid ko..
Ask the Dentist : Malaki ang posibilidad na kailangang bunutin yung masyadong mahaba para malagyan ka ng pustiso. Option din na RCT, bawasan ang haba saka lagyan ng crown saka ka lagyan ng pustiso sa baba. http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/
Rhem : sabi po ng dentist kikil dw po.. tama po b un, ntatakot dn po kc ako..
Ask the Dentist : Oks.
Rhem Mugol : doc anu po b mngyayari kpag di po ao ngpadenture?
Ask the Dentist : Ang mangyayari ay bungi ka. At hindi mo maeenjoy ang buhay mo.
Rhem : buhay agd dok? hehe.. ala bng complications nun? kc po tumatama n s gilagid n alang ipin ung ipin s taas e
Ask the Dentist : Madami. Kaya nga hindi mo maeenjoy buhay mo.
Rhem : tulad po ng?
Ask the Dentist : Tulad nyan, tumatama sa gilagid mo yang ngipin.
Rhem : ah un lng po b dok? anu p po..
Ask the Dentist : Picture-an mo nga yung bandang likod, para malaman natin pinakaok gawin sa ngayon.
Rhem : yn po.. Bungi sa lower
Ask the Dentist : Okie. Magpalinis ka ng ngipin. Tapos ipapasta mo yung mga may sira. Kapag napastahan na, saka ka magpadenture. Sayang mga ngipin mo kapag pinapabayaan mong sra sira dahil mauuwi yan sa pagkabungi. Pwede sayo ang Equipoise denture: http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/
Rhem : e doc mga mgkano po kaya yn? tsaka po kpg b my dentures dpat b suot p rn kahit gabi?
Ask the Dentist : 7 K din pataas. Sa simula, pero pag lumaon dapat hindi na isuot sa gabi. More info: http://denture.cheap/services/dentures/
Chris : tapos . pwede po bang mag pa sukat muna tapos kung nagawa na yung pustiso ay dun na magpabunot ? pls reply . needed po ng pinsan ko.
Ask the Dentist : 2 weeks. Kaya ng isang araw pero mas mataas ang presyo. Depende ang presyo sa klase. Madaming klase ang pustiso: http://www.dentures.com.ph/
Ask the Dentist : Pwede yung sinasabi mo, immediate denture ang tawag: http://costdentures.com/removable/immediate-upper-removable-partial-denture/
Chris : wala po bang minimum of 3 or four days lang ?
Chris : 3 ipin lang po
Ask the Dentist : Kaya nga ng isang araw. Pero mas mataas ang babayaran mo.
Chris : range po ?
Ask the Dentist : Madaming klase ng pustiso. Ang pinakamabuti mong gawin ay magpunta sa dentist bukas.