Fixed Bridge

Chrissie: Anu po disadvantage ng fixed bridge?

Ask the Dentist Philippines: Hi Chrissie. Thanks for visiting Ask the Dentist Philippines. Kung tama ang pagkakagawa, walang disadvantage. 7 – 14 years ang tinatagal ng fixed bridge. 8 – 14 ang removable dentures. 5 – 7 ang complete dentures.

Usually pagpatak ng 7 years, opaque na ang fixed bridge. Namumuti. Dahil sa microcracks at pudpud na sa brushing etc. Oo, napupudpod din ang ceramics, may layer na nawawala kaya namumuti.

Siyangapala, huwag mong gawing absolute na tama ang sagot ko. Kaya dapat ikonsulta mo ng personal sa Dentist. Bisitahin mo ang Dentist na pinagkakatiwalaan mo. Thanks sa tanong mo.

Root Canal Treatment (RCT) Endodontics

Jenie: Doc, nagkafracture yung isa kong ipin, tabi ng pangil malapit sa mga molars. May pasta siya before pero biglang nagcrack and nabasag ng tuluyan yung gilid, nakikita ko pa yung pasta pero pag kinapa ko ng dila ko, may part na butas. Sumasakit na siya ngayon, pwede pa kaya itong pastahan? kahit parang abot na sa gumline yung fracture? Hanggat maari kasi ayoko pabunot kasi medyo malapit na siya sa front teeth, makikita pag nagsmile ako na may gap. Nung pinapastahan ko to mababaw lang naman siya, kaya taka ako why bigla nabasag. Btw, pinastahan siya i think 2 years ago. Thank you

Ask the Dentist Philippines: Hi Jenie. Base sa pagkakakuwento mo, malamang na nagkaroon ng recurrent caries yang ngipin mo. O pwede ding nagcrack dahil sa may nakagat kang bato sa kanin, o iba pang matigas na bagay. O pwede ding nagcrack lang talaga, dahil siyempre ginagamit mo naman lagi ang ngipin mo. Hehehe! Hindi na yan pwedeng pastahan. Base sa kuwento mo, malamang infected na yan. Ang pwede mong gawin, iparoot canal treatment mo. Kapag sumakit na, ipaRCT mo. Kung infected, hindi pwedeng pastahan lang. Lalala lang yang kalagayan ng ngipin mo.

Ang ginagawa sa RCT, nililinis ang infected na canal, kapag malinis na, lalagyan ng gutta percha pamalit sa infected na soft tissue na inalis sa loob ng ngipin mo.
Continue reading “Root Canal Treatment (RCT) Endodontics”

Canine Tooth Extraction

Yang: Doc. Is it it okay to have my canine tooth extracted? Sabi po kc ng iba konektado daw po sa utak kya masama ipatanggal.

Ask the Dentist Philippines: Hahaha! Yes, of course! If the tooth is beyond restoration, you can have it extracted. Hindi yan konektado sa utak. Pero kung maari pang irestore, dapat irestore, kasi isa yang mahalagang ngipin sa esthetics ng tao. Kapag ang pangil ay ipinabunot mo, mawawalan ng suporta sa bandang labi ng mukha mo. Ikaw ay magmumukhang matanda dahil magku-collapse ang tambok ng mukha mo. Isa pa, ang canine ay isang matibay na ngipin para masuportahan ang pustiso mo, mapabridge man o removable denture.
Continue reading “Canine Tooth Extraction”

Dentures Cost in the Philippines

Glen P McGivney: I have 4 missing teeth sa harap. How much do dentures cost in the Philippines? Advise naman po.

Ask the Dentist Philippines: Hi Glen McGivney. Thanks for asking the dentist! Dentures in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Una dahil sa economy, ibinabagay ang presyo sa kakayahan ng tao na makabili. Pangalawa, may mga steps na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo. Madami pang ibang rason.

Sa Cost of Dentures, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Continue reading “Dentures Cost in the Philippines”