Maganda ba ang jacket

Maganda ba ang jacket

Malu Reyes : Tanong ko lang po. Maganda ba ang jacket sa teeth?

Ask the Dentist : Ang kagandahan ng jacket (dental crown) ay nakadepende sa gagawa at kung anong materyales na pinili mo. Ang gagawa ay pwedeng Prosthodontist at pwede ding ang paborito mong dentist. Ang materyales na pwedeng gamitin ay acrylic o metal ceramic o all ceramic. I-exclude na natin ang acrylic dahil inferior talaga ang acrylic kung esthetics ang pag-uusapan. Ang metal ceramic na kilala ding porcelain fused to metal crowns ay madami ding uri. Ang all ceramic na kilala din sa tawag na all porcelain crowns ay marami ding uri.

Porcelain fused to metal na jacket

Porcelain fused to metal crown. Photo credit: Cost Dentures

Para maging maganda ang crown mo, kailangan mong maghanap ng magaling na dentist na kayang gumawa ng maganda at functional na crown. Natural looking at nagagamit pangngiti, pangsalita at pangkain.

Bukod sa galing ng dentist mo, nakadepende din sa materyales. Mas maganda ang all porcelain crown sa porcelain fused to metal crown. Pero mas mahal ang all porcelain crown, mga 5x or 10x ang halaga kumpara sa porcelain fused to metal.

Ilang araw ang pustiso

Juan McCkraken : Doc, ilang araw ang pustiso? Ilang araw po ba bago ko maisuot ang pustiso mula sa unang pagbisita ko sa dentista.

Ask the Dentist : Depende sa uri ng pustiso. Ito ba’y : Complete denture or removable partial denture or fixed partial denture. Depende din sa kung anong uri ng complete denture, uri ng removable partial denture at uri ng fixed partial denture.

Ito ang tandaan mo, mas matagal gawin, mas maayos ang denture treatment. Mas madaming balikan ng patient sa dentist, mas maayos ang kalalabasan ng denture treatment. Maniniwala ka bang kapag ni-rush ang isang bagay ay magiging maayos ang kalalabasan? Kahit ikaw kapag minadali ka ng boss mo sa isang trabaho, tiyak mo bang mapapaganda mo ang kalalabasang resulta?

Kung susundin ang treatment plan, matagal dapat at ilang balikan dapat.

Para sa akin, minimum ang 2 weeks. At lampas apat na balik ng patient.

Affordable Fixed Bridge Philippines

For Root Canal Treatment
Patient’s old denture

Venus : hi good day. pls advice me what to do …napapagod nako sa pustiso ko laging natatangal yung ipin,kakabalik ko nga langg ulit sa dentista ko kahapon yan para marepair.. kaso nung ifit sakit di na ganun kaganda yung lapat at pagkakabit ng ipin di na panaty…in short di nako satisfied sa di tangal na pustiso ang hirap kasi istorbo sa trabaho..sumasakit yung upper right tooth ko as described in the picture e..gusto ko sana yung nakafix na,,,para di na natatangal ng ilang buwan lang anu po bang mest na gawin para dito,, pls see attached pictures..and magkanu po kaya ang affordable price but good and quality ang output..and ur recommended orthodentist…pls advice me naman po,,,, sobrang burden napo kasi sakin to at nasstress nako dito.. sasakit po ba mga ipin kong my pasta if ever na magbuntis ako…plan ko na kasi iapbunot yung magkabilang side ng upper front kasi yung isa sumasakit ngayun iniinuman ko ng mefenamic muna para mwala ang maga. my konting kirot kasi at mapula yung gums na parang my dugo… yung other side naman in good condition pa yung pasta pero sa loob nun pudpod narin yun di lang kita dahil sa pasta…..pls help me po where po ako pwedeng pumuntang dentist/orthodentist para mapaayos ko na to…im from las pinas po…thanks po.. pls let me know po asap…

Ask the Dentist : Ipa-RCT (Root Canal Treatment) mo yung ngipin na sumasakit. Pagkatapos ng RCT, ipa-fix bridge mo. See this page for my recommended dentists. πŸ™‚

Dental Crowns Cost Philippines

Indicated for RCT and dental Crowns

Gerome : Ask ko lng po kung ano po pwedi gawin sa ngipin ko bali po ung 3front sira na po sya… Pwedi po ba i pa fixed bridged yan at magkano po magagastos manila area po ako saka kung dentures mga ilang ngipin po ang idedentutres at magkano po estimate price

Maraming salamt po

Ung 2front sumakit na dati saka na pasta na kaso sa katagalan nasira na ung pasta

Ask the Dentist Philippines : Ipa-RCT mo na lang, tapos crown. Kung long term, mas makakamura ka sa RCT tapos crown.
Continue reading “Dental Crowns Cost Philippines”

Dental Crown Philippines

Ronald : Good day po! I have a few questions po tungkol sa pasta.

– Kahit po ba malaki na yung butas, pwede pa ring pastahan? I had my pasta done a few years ago sa ilang ngipin ko. Diba po sa process, “kinakayod” po yung bulok na part ng tooth bago lagyan nung pasta? I’m afraid na baka konting part na lang yung matira sa tooth ko pag kinayod at baka di na siya pwede. This time po kasi, malaki-laki siya compared dun sa previous na pinastahan sa akin.

– Yung pasta ko po kasi sa front teeth, medyo nasira. I don’t know if dun po siya nasira sa pagkain ng maasim. Kita po pag malapitan yung division sa ngipin at pasta sa harap. If ever po ba, pwedeng ipabago yun at tatanggalin po ba lahat or aayusin lang yung previous na pasta?

– Pwede po bang magpa-braces kahit may pasta na sa ngipin?

Naging pabaya po ako sa teeth ko, kaya now I’m suffering the consequences. Hope masagot niyo po yung mga tanong ko. Thanks! More power.

Ask the Dentist Philippines : Pwedeng pastahan basta hindi pa umaabot sa pulp at wala pang infection. Kung hindi na makuha sa pasta pwedeng icrown basta hindi pa umaabot sa pulp. Kapag umabot na sa pulp, kailangan iroot canal treatment muna bago pastahan or crown. Continue reading “Dental Crown Philippines”

Fixed Bridge: Sensitivity

aymi: ask lang po,, fixed bridge po ang 4 teeth ko sa taas..4 days ago pa lang …ang prob..talaga po bang okay lang na pinapasikan ng water s loob? prang ramdam ko po yung lamig,,may konting ngilo pag malamig na tbig ang iniinom ko. thaks.

Ask the Dentist Philippines: Kung naadjust naman ng husto at sakto ang pagkakagawa ng bridge, 3 days to 1 week mawawala iyang pangingilo. Ang pangingilo matapos ng pagkasemento ng fixed bridge ay natural lang. Bigyan mo ng ilang araw at mawawala din ang pangingilo. Kapag dumaan ang isang linggo at hindi nawala ang sensitivity, bumalik ka sa dentist mo at ikuwento mo ang nagyayari at iyong mga nararamdaman. πŸ™‚

Upper Denture Cost

Earl Dennis: Did u know how much if i make it only top dentures?

Ask the Dentist Philippines: Ang price ng denture ay depende sa gagawang dentists, kaalaman ng dentist, gaano kahirap lagyan ka ng pustiso, mga ngipin na kakapitan, uri ng soft tissue na meron ka, quality ng buto at lokasyon ng clinic.
Continue reading “Upper Denture Cost”

Fixed Bridge Lifespan

Zanhjoe Tapaludoh: Ganu katagal ang lifespan ng isa fixed bridge?

Ask the Dentist Philippines: Kung tama ang pagkakagawa, 7 – 14 years ang itinatagal ng porcelain fused to metal fixed bridge. Yan eh kung:
tama ang pagkakafabricate
tama ang pagkakasemento
tama ang occlusion
tama ang pagkakadjust.
tama ang esthetics
tama ang materyales.
tama ang presyo sa materyales.
Continue reading “Fixed Bridge Lifespan”

Affordable Dental Bridge

Jonelle: Hi Doc. My upper front teeth (7 in all) are in fixed bridge. I do not recall when I exactly got them but its definitely more than 7 years old already. However I think I should have it replaced already kasi halatang halata. Pantay pantay kasi masyado yung ibaba nung mga teeth. Can you recommend some good yet affordable dentists who specialize in these types of services? Also would you know how much these (assuming porcelain) cost nowadays so that at least I know whether I have enough budget? Thanks much in advance.

Ask the Dentist Philippines: Hi Jonelle. Ilan ba ang missing teeth mo? Specialists charge high. Imposible ang hinahanap mo. Prosthodontist ang tawag sa specialist sa pustiso. At ilan lang ang Prosthodontist sa Pilipinas.
Continue reading “Affordable Dental Bridge”

%d