Missing Tooth Replacement

Marvin : Doc may solusyon ba sa bungi wala na kasi isa ipin ko sa harap sa likuran ng pangil premolar may solusyon po ba sa mura halaga lang

Ask the Dentist : Laging may solusyon kung may pambayad ka.

Marvin : Anu ba solusyo dun doc sa nawala sakin premolar? Dental implant na ba talaga wala na ba paraan?

Ask the Dentist : Ipa bridge mo:

All Ceramic Bridge with CAD CAM Milled Zirconia Framework
In milled-porcelain core bridge, computer controlled technology is used to mill the framework instead of using the casting or the lost wax technique. Block of porcelain (zirconia) is cut by compute…

Ask the Dentist : Or implants:

Dental Implants Cost
Estimated cost of dental implant / dental implants pric…

Marvin : Magkano mag pa bridge hndi na ba matatanggal un?

Ask the Dentist : Hehehe! Walang permanent na bagay sa mundo. Possible na matanggal.

Marvin : Meron kayang pag nagpa dental implant ka dba permanente na un? He! He!

Ask the Dentist : Hindi. Parang ngipin din, kapag napabayaan mo, mamamaga ang paligid at ipapabunot mo din.

Flexible Dentures at Namamagang Gilagid

Kristine : Doc ako po yung nagtanung about sa kung pwede ibrace ung may pustiso.apat na ngipin sa harap.magkano po kaya aabutin.

Ask the Dentist : Pwede naman. Yun nga lang, mapapamahal ka. Kasi hindi ganun kadali gawin yan. Apat ba na magkakatabi ang bungi? Yun lang ba? Wala ka ng sira sa ngipin? Kung gusto mo, picture-an mo yung bungi na part, tapos send mo.

Ang suggestion ko, magpafixed bridge ka na lang.

Kristine : Opo 4 n mgkakatabi,pag fixed po kaya magkano po aabutin nun?
Send ko po sa inyo maya ung pic.

Flexible Dentures at Namamagang Gilagid
Flexible Dentures at Namamagang Gilagid

Kristine : Gusto ko lng po maaus ngiti ko ang panget po kse nakaangat ung pangil ko tska malaki.
Yung apat po sa taas n magkakatabi,flexible dentures po yan.

Ask the Dentist : Pustiso part yan. Hindi bungi part. Hindi ko makita kasi natatakpan ng pustiso.

Ask the Dentist : Namamaga gilagid mo. Ganyan pag flexible denture, dahilan ng pamamaga.
Yang bungi lang ba ang problem? Walang sira iba mo pang ngipin?

Ask the Dentist : Bale ano ang reklamo mo tungkol sa ngipin mo ngayon or sa pustiso mo?

Kristine : Mrun po ako sira di ko p po npapastahan.gusto ko po pumantay yung ngipin ko po.para gumanda lang po ung ngiti,pag nagpafixedbrdge po ganu po ktagal gngwa yun o bgo gumaling?magkano po kya aabutin doc.

Ask the Dentist : Kung ipi-fixed bridge yan, apat ang bungi, apat din ang kakapitan. Kaya 8. ANg bridge, usually, 5K per unit. Kaya 5K x 8. Aabot din ng 40K.
Yung gilagid mo ang dapat magimprove.

Kristine : Ah,mas okay po b kung fixed bridge nlng po?

Ask the Dentist : Oo. Pero syempre kung may pondo ka,ipabraces mo muna. Tapos after mabraces, fixed bridge. Yun lang tiyak na mapapamahal ka kasi hindi ordinaryong case yan.

Kristine : Magkano po kaya doc pg pinabrace ko to.

Ask the Dentist : Problem din yang flexible dentures mo. Kasi ang flexible, pangtemporary lang dapat. Pero ang ginagawa ng mga dentist ngayon, hindi nila pinapaliwanag na temporary lang. Nakakapa-maga yan ng gilagid. Habang namamaga ang gilagid mo, unti unting lumiliiit yang buto mo sa harap. Kaya lulubog nang lulubog yang mukha mo sa harap.

Kristine : Oo nga po doc eh.minsan sumasakit glagid ko s harap.

Ask the Dentist : Aabot din siguro ng 80 thousand. Kung tama ang gagawin. Pero syempre, madaming hokus pukus na dentist ngayon, nagbibraces kahit wala namang alam.

Crown & Bridge Philippines

Alyssa : Goodevening po. Ask ko lang po magkano po ba mag pa fixed bridge wala na po ksi ung 1st to 3rd molar ko Thankyou po

Ask the Dentist : HIndi ka pwede ibridge. Walang pwedeng gawing poste.

Alyssa : So ano po ba dapat? Yun po ksi sbi nung nagpabunot po ako sa school. Nagtataka rin po ako un nga dn po naisip ko. Hehe

Ask the Dentist : Removable denture ang possible.

Removable Prosthodontics | CostDentures.Com

Alyssa : Thankyou po. Godbless

Mahirap ang Pustiso kaya Alagaan ang mga Ngipin

Eirahs : hi doc,tanong ko lng po,may sira po ung ngipin ko sa taas may butas n po xia,ano po mgnda gawin?? nagpunta n din po aq sa dentist ko pn check up ko po,sabi nia pag RCT daw gawin sa ngipin ko hndi dw nia sure kung hanggang kelan tatagal pag p n RCT ko,kz sirang sira n daw po..

Ask the Dentist : Ang pinakamagandang gawin ay RCT. Ipa-x-ray mo tapos send sa akin dito para makita ko.

Eirahs : Morning doc, kaso ng pasukat na po ako sa knya ng ngipn sa taas,, ano po mgnda dun?
Hanggal kelan po b tumtagal ang RC.
Nsisira din po b un ngipn pag n RCT

Ask the Dentist : Oo, tulad ng iba mo pang ngipin, kapag napabayaan mo masisira.
Hindi naman porke na-RCT magiging super ngipin na na hindi tinatablan ng bala o kayang ipangkagat sa bakal.

Eirahs : Yan po cra ng ngipin ko, cra. N po sa ilalim
Papabunot ko po un ngaun,mahal po ata at mdmi proseso pag sa rct hndi po b msasayang un pera ko, oh magpapustiso nlng po aq, nagtxt po dentist komn anjn n dw po ngipin ko kaso po hndi ko pa napabunot, pag po nabunot ngaun kelan po pwde. Ilgay ung pistiso.mga 5 days po b pwde
Ano po mas mgnda Pagka bunot po ilgay n po agd ung pustiso oh after 5 days,
Thanks po sa advise nio knina.
Zana po m2lungan nio aq

Mahirap ang Pustiso kaya Alagaan ang mga Ngipin
Mahirap ang Pustiso kaya Alagaan ang mga Ngipin

Ask the Dentist : Kung ngipin ko yan, ipapaRCT ko na lang tapos, jacket crown.
Bakit nauna ang pustiso kaysa bunot?

Eirahs : Opo kaso po nag pasukat n po aq ng pustiso taz andun n daw po ung ngipn ko
Magkano po b ung RCt Taz jacket crown
Un nga din po gs2 ko p RCT n pO kaso po may cra din ngipin ko sa taas isa po sa kliwa tas po itong harap.suggests nmn po amo ggwin ko, taz pinabunot ko po ung cra ng ngipn ko sa baba
Taz po nag pabunot nga po aq sa baba 2 bagang ko hanggang ngaun po mejo sumskit p taz ung tenga ko sumasakit din
Advise nmn po plz

Ask the Dentist : Kung may panggatos ka for dental health, ipa-RCT mo. Kung wala, no choice, pustiso.

Eirahs : Un nga po, 4, 5 po ung pistiso taz Rct 4,5 din po same price lng kazo hndI p po kasama dun xray, tzka anajn n po ung ngipin ko.

Eirahs : Ano po mas mgnda Pagka bunot po ilgay n po agd ung pustiso oh after 5 days,
Salamt doc
Ayw ko zana pustiso kaso andun n po ung ngipin ko, mkakahiya nmn sabhin na p RCt ko nlng.tzka nag down n po aq ng 2k, sa pustiso.
Un nga po, 4, 5 po ung pistiso taz Rct 4,5 din po same price lng kazo hndI p po kasama dun xray, tzka dumating n po ung ngipin ko nung friday july 12.

Ask the Dentist : Kung ipapaRCT mo, madali lang imodify ang pustiso. Harap na ngipin yan, babae ka. Mahirap ngumiti kung pustiso ngaipin mo.

Eirahs : Dpt po pla nun ko pa kau nkita,haizt. Doc, pwde po b ung pinasukat ko sa taas eh sa baba nlng , pwde po b un, pltan nlng ng ngpin.dox, help me plss.
Baka po kz maglit ung dentist ko pg cnv ko p Rct nlng aq,
Pag po ba ganan ang case ehh, babayaran ko po b ung pistiso ko na pinagawa ko taz , ung rct..pag po kau ung dentist ko ano po kya reaction nio, mgagalit po b kau,..
Pag po ba ganan ang case ehh, babayaran ko po b ung pistiso ko na pinagawa ko taz , ung rct..pag po kau ung dentist ko ano po kya reaction nio, mgagalit po b kau,..
Doc
Pag po ganan pwde po b aq ibrace

Ask the Dentist : Oo babayaran mo. Pero hindi problema yun kung hindi mo papabunot yung i-a-RCT dahil madali lang iadjust yun.
Ang nilalagyan ng pustiso ay yung bungi lang.

Eirahs : Ok lng po b na ung pustiso sa taas, ilagay nlng sa baba ng ngipin ko kz po, 3 bungi q sa baba, sa taas nmn po eh 1 bunhi tas 1 sira ung pinakita q nga po senio kanina, ano po mgnda gawin sa pustiso ko n sukat n at anjn n.
Kung mah p rct n aq,

Ask the Dentist : Isa lang naman ang i-a-rct sayo kaya pwede mo pa isuot yun. I-a-adjust lang.
Hindi pwede ilagay ang pustiso mo sa taas sa baba. Ano ka monster? Hehehe!

Eirahs : Thanks po sa info.

Porcelain Veneers Cost

Michael : doc I just chipped my incisor this morning, medyo half nabawas pero paside yung tanga, what’s the best way to repair this kaya? Kaya pa ng ordinary past lang to correct?

Ask the Dentist : Pwede. Pero hindi yan tatagal.

Michael : ano po kaya pinaka advisable treatment, and ballpark figure ng gastos po?
Jacket or veneers? I heard both cost a lot?
may I send you the photo of my tooth po doc para po makita nyo?

Ask the Dentist : veneers. 20K usually.

Esthetic Veneers
The advent of new possibilities in adhesive cementation…

Ask the Dentist : Crown, depende sa sira kung dapat i-crown.

Michael : Yan po yung sira doc

Porcelain Veneers Cost - askthedentist.tv
Porcelain Veneers Cost – askthedentist.tv

Ask the Dentist : Oks. Pwede yan laminate/veneer.

Michael : how much po yan doc? and if ever po ano po yung cheaper alternatives that’ll look natural?

Ask the Dentist : Umiikot tayo. Basahin mo from simula, nasagot ko na tanong mo.

Ask the Dentist : Pwede ang pasta pero hindi tatagal. Yan ang alternative.

Laminate/veneers. 20K usually.

Michael : aw, mahal pala. Thank you very muc doc sa enlightenment. Huge help po. How about pala yung mga crowns na costing around 5k doc? tatagal po ba yun?

Ask the Dentist : Maliit lang sira ng ngipin mo para i-crown. Pero pwede din. Yun lang kapag crown kasi, malaki ang tatabasin sa ngipin mo. AT yung 5 K, porcelain fused to metal yun.

Ang all ceramic crown naman, 20K din pataas.

Dental Health Philippines

Yow : Hi doc… Uhmm umpisahan ko na po kwento ko.. Nung bata po ako may nagpunta sa lugar namin na mga dentista para sa libreng bunot at pag gawa ng mga sirang ngipin.. Ang ngyari po is natakot ako at nagka trauma kasi po nagbiro po ung dentista nun.. At never na po ako nagpupunta sa mga dentista.. Ang ending po nagkaron ako ng 10 ipin na bulok at sira.. Mga 10yrs old po ata ako nun.. Tapos po nung 21 yrs old ako nabuntis ako, nagka problem po ako sa pagbubuntis ko ng dahil sa ngipin.. 3mos pregnant pa lang po ako nun pero tiniis ko po yung sakit ng ipin ko hanggang sa makapanganak ako… After 5mos pagkapanganak, naglakas loob po ako magpabunot ng ngipin mga 3 ipin lang po ang nabunot sakin at 4ipin na pasta (front) po yun lang po kasi kaya ng budget ko.. Ngayon po mag 2yrs old na baby ko, nakakaramdam nanaman ako sa ipin ko.. Ang ikinababahala ko po kasi ngayon yung ipin na sumasakit at namamaga is ung 2 front teeth ko.. Nararamdaman ko po na parang humihina na ung ugat sa mga ipin kong toh.. Katunayan po 1 week na po namamaga ang gums ko to the point na umabot na po sa ilong ko at ibabang mata ung maga dahil sa ipin ko… Nung una po lips at gums ko lang namaga.. pero ngayon umabot na sya sa ilong ko ang ikanakatakot ko po is paloob ung maga nya habang kumakalat sa mukha ko… Ngayon po mejo di na visible ung maga sa mukha ko pero pag hinawakan ko po ilong ko at pisngi ramdam ko sa loob ung maga…

Mahabang kwento tungkol sa ngipin at maikling solusyon
Mahabang kwento tungkol sa ngipin at maikling solusyon

Gusto ko na po sana matapos tong paghihirap ko sa ipin kasi hindi ko na po nagagampanan ang pag aalaga sa anak ko at nahihiya po ako sa byenan ko dahil sa kalagayan ko ngayon… Ano po bang dapat kong gawin? Pag naiisip ko pa lng na babalik ako sa dentista natatakot po ako talaga Meron po akong budget na 10k para sa ipin ko.. Madami po kayang maitutulong yun sa ipin ko? Ang priority ko po is front teeth ko dahil graduating na po ako at kakailanganin ko po talaga ngumiti pra sa pag apply ko ng trabaho…

Yow : At napapansin ko din po na hindi na pantay yung mukha ko malaki po ang hinala ko na dahil po yun sa ipin ko.. magse send po ako ng pictures sa inyo doc

Yow : Hindi po ako mkanganga ng maayos kasi maga pa din po yan.. mukha lang po maliit ang maga kasi tumaas na maga ng ipin ko sa ilong yun nga lang paloob.. kung mapapansin nyo po dun buong mukha ko bukod po sa tabingi na talaga.. yung sa may pagitan po ng ilong ko at itaas na lips is maga po..

Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay bumisita sa dentist at ipakita ang problema mo sa ngipin.

Retainer sa Pustisong Bagong Gawa

Ayra : pwde po lagyan ng reteiner yung pustiso bgong gawa

Ask the Dentist : Oo. Pero hindi advisable.

Ayra : bkit po hndi advicesable. gus2 ko kc nsa itry mg reteiner or brace kya nga

Ask the Dentist : Dahil ang retainer ay isinusuot ng kakatapos magbraces.

Ayra : so pde ang brace sa pustiso? sa pustiso mismo cia ilalagay?

Ask the Dentist : Hindi. Kung pustiso ka mas mabuting wag ka magbraces. Dahil mahal ang gagastusin mo at kailangan mo ng magaling na dentist para alam niya ang ginagawa niya.

Ayra : ahh ok po tnx gu2 q lng sana itry my design sa ngipin hihihi

Jacket Crown na Mabaho

MBell : gud pm! Doc, ano po ba gagawin sa teeth ko pina jacket ko po porcelain last 2007 mag bleed siya tapos pag nagtotoothbush ako bleeding din po siya…minsan may maamoy ako hindi maganda sa portion niya at now nagkukulay gray na yong ibabaw sa teeth, sabi pa ng dentist ko normal lang daw kasi metal yong nasa loob kaya nagrepflect yon pagkakulay gray…ano po ba dapat gawin?

Ask the Dentist : Ang unang dapat gawin ay magpa-x-ray ka. Tapos picture-an mo. Send mo ang x ray sa akin.

Ask the Dentist : Or ipakita mo sa mga ito:

Approved Dental Clinics
Dental clinics na aking isinasuggest. Kumbaga, may seal of approval ng website na ito. Kung may papuri kayo sa mga dentist na narito, pakifill-upan lang ang comment for sa baba. Metro Manila Manila…

Pustiso sa 3 Ngipin

Anne : Good pm po doc. Ask q lang po sana kung pede po ba magpapustiso ng 3 ngipin lang? Wala na po yung 2 ngipin q left sa taas and yung isa sa right bubunutin pa lang po. Salamat po and more power po..

Ask the Dentist : Oo pwede.

Affordable Removable Partial Denture
Removable Partial Denture is a prosthesis that replaces some teeth in a partially dentate arch and can be removed and replaced by the patient at will. RPD with one piece casting metal framework are…

Anne : Maraming salamat po doc.

%d