Bakit may Nana ang Ngipin

Thei : doc tanong ko lan po kse masakit po un bagang ko tska sa my pisngi prang may nana po sa loob tas sa my bagang mejo nangangapal po na prang my sugat tska sumasakit na dn po un lalamunan ko at ulo . pls reply . tnx po

Ask the Dentist : Oks. Wala kang tanong. Hehe!

Thei : hehe ano po un ? bkit po ganun ? anong dpat ko gawin ? tnx po .

Ask the Dentist : Impeksyon sa ngipin. Dahil pabaya ka sa paglilinis ng ngipin. Magpabunot at alagaan ang natirang ngipin sa pamamagitan ng pag babrush, floss at regular na pagbisita sa dentista. Magpapustiso: http://www.dentures.com.ph/

Thei : tnx po !

Ask the Dentist : No prob.

Nagpabunot si Beast

Alex : gud day po dok,
ask ku lang dok mag 2 wiks mulang nagpabunot ako s bagang til now andun parin yung butas d nman xa masakit pero d xa nag hilom normal lang po ba yun dok? tanx ng marami

Ask the Dentist : Ah. Nangangahulugan lamang na hindi ka kamaganak ni Wolverine.

Alex : hahaha..so normal lang po yun dok? salamat po ng marami dok

Ask the Dentist : Yes

Pwede ba bunutan pag namamaga na?

Jessa : Good day,
Hi po, ask ko lang po sana kong pwede ipabunot ang ngipin pagnamamaga na??? sobrang sakit na po kasi…. Salamat

Ask the Dentist : Punta ka sa dentst bukas. Titignan niya kung pwede kang bunutan. kung hindi pa, reresetahan ka niya ng gamot. Importanteng makita yan at siya ang magsasabi kung pwede o hindi ka bunutan bukas.

Jessa : sige po.. salamat

Kailangan ba Magtanggal ng Ngipin

Rennel : i doc, ask lang po sana ako kelangan mo bang mag tanggal ng ipin sa pag mag papa braces ka? nag pa check up po kase ako ang sabi kelanga mag tangal ng 2 ipin, naka usli lang po ng konti ung dalawa front teeth ko. may paraan po ba na wag na mag tangal? TIA doc.

Pwede ba
Pwede ba

Rennel : ang ganyan po ung teeth ko , sabi ng dentist kelangan mag tanggal para daw po magka space . may paraan po ba para walang ng tangalin sa mga teeth ko doc? salamat po.

Ask the Dentist : Kung magtatanggal o hindi ay makikita kapag may x ray ka na, nakita ng personal at nasukatan ka na ng cast. http://www.costbraces.org/cost-of-braces/

Rennel : Check up lng po gnawa nya pro sbi nya mag tatangal sya ng ipin ko. Kaya nag dadalawang isip tuloy ako. Anyway salamat d0c.

Ask the Dentist : Oks.

Imposible ba Lumabas ang Ngipin kapag nagkaroon ng surgery

Eds : Good day po ask ko lang po may ngipin po kc ako na hindi lumbas then nag pa xray po ako nakita po dun na nka baluktot po .imposible po ba na lumabas to kapag nagkaroon ng space or surgery po.. gusto ko lng po ng 2nd opinion tnx po.god bless us.

Ask the Dentist : Patingin ng x ray.

Malalang Bukol

Hamilcar : Helo po, e tatanong q lang po kng meron po bang antibiotic na pwdng magpa galing sa gums q.. Kumakati napo kasi tong pisngi q. Tapos paranag may lalabas la kung ano.. Help po tnx.

Malalang Bukol
Malalang Bukol

Ask the Dentist : Hindi na yan dinadaan sa online. Pumunta ka na mamaya sa dental clinic o hospital. Malala na yan iha.

Hamilcar : Ok po

Impacted Tooth

Anzelyn : hi doc question po lahat po ba ng imacted tooth or teeth masakit?possible po ba na hindi impacted tooth yung sa bagang ko..sabi kasi nung first two dentist na napuntahannko tumutubo lang daw po yung molars ko, then nung nagpapasta ako, sabi impacted tooth daw po yun im really confused, mgpapa xray pa lang po ako for my braces.. i just want some insights about impacted tooth..thanks!

Ask the Dentist : Magpaxray ka para makita kung impacted nga.

Ilang beses pwede magpabunot

Ronil : lang beses po ba pwede magpabunot ng ngipin? pwede po ba mgpabunot ulit 4 days after ng unang bunot?

Ask the Dentist : Pwede. Hanggat kaya mo at kung may ngipin ka pang ipapabunot.

Ronil : after po mag pa bunot pwede na agad mag pa pustiso?

Ask the Dentist : Possible. ANg tawag doon ay treatment denture aka temporary denture.

Ronil : nasa magkano po kaya ang isang ngipin ng pustiso?

Ask the Dentist : Sasabihin sayo kapag nakita na ng dentist.

Ronil Orapa : ok po thanks

%d