Pwede ba ipabunot ang may abscess

Eike : doc,tanung ko lang po pwede po bang ipabunot ung ngipin kahit na my abscess?

Ask the Dentist : Punta ka bukas sa dentist para makita.

Eike : wala namn kc pera doc pang anu eh rct po. kya gusto ko sana malaman qng ok na ipabunot? pa help namn po.

Ask the Dentist : Malalaman kapag nakita na.

Sabay ang linis ng ngipin at bunot

Mae : Good morning po. May nakapagsabi po sakin na hindi daw po pedeng pagsabayin ang pagpapalinis at pagpapabunot ng ngipin. Tama po ba? bakit? o bakit hindi? I am planning po na magpabunot ng bagang. (based on the 1st pic po, halos di na sya makita kasi butas po sya, pag tinitignan ko prang ang lalim din po nya. May unting part nlang na natira sa ngipin. Yung iba po kasi ay kusa nlang natatanggal kapag madalas ko nguyaan yung part na iyon. Meron din po yang maliit na part na parang papatubong ngipin ang itsura. Ayos po ba na ipabunot nlang ito? Di naman po sya sobrang sumasakit, pero may kirot din kapag nasisiksikan. Kung minsan ay kinukotkot ko yung sumisiksik.

Tanong ko lang din po kung ok lang ba pabunot ko yung katabi pa na ngipin nitong butas? actually, kng titgnan ko lng po e tig 2 ngipin in both sides ang may sira. (may itim sa top part) papaconsult ko nalang din po sa dentist whats the best way to do.
Pero tutubo pa po ba iyon?

Another concern ko po yung alignment ng kabilang bagang ko, yang part na yan ang style ng mga ngipin ko di pantay. Prang “biglang paling”, ano po solusyon sa ganyan? (isa rin ang ngipin na yan sa may bulok na part sa ibabaw.)

Ask ko lang din po, magkakaspace o hiwalay ba ang mga ngipin kapag may bungi in between sa knila? (ung upper molar po ba yun?) Basta yun, natanggal din po yun ng kusa kakanguya ko ng mais, ok lang po ba na hayaan nalang na may pagitan iyon?

Npansin din po sakin na bakit daw po prang palabas daw yung mga ngipin ko at mas nakaungos ang ibaba. Di ko po msabi kung may mali ba doon. At kung may pwedeng gawin doon, ano po iyon at bakit iyon? (refer to 2nd pic)

Psensya na po sa haba. Pero Salamat po in advance. lalo kung mabibigyang kasagutan ang mga concerns ko. more power and God Bless po.
sabay

Ask the Dentist : Magkasunod, pero hindi sabay kasi dalawa lang ang kamay ng dentist. Pagkatapos linisan, bunot ang susunod.

Root fragment ang tinutukoy mo, oo,bunot nga yan. Yung katabi, ipa-RCT mo.

Wala nang kapalit yan kapag nabunot.

Braces ang solution sa space at sungki.

Dapat bang ipabunot lahat ng ngipin

Abby : Hi doc .a sk ko lang po . May sira akong ng ipon isa , need ko na po I pabunot kasi sumasakit na . Eh mejo busy pa po ako , after ilang araw sumasakit na din ung mga kata bing ngipin . Kailangan ko po bang I pabunot lahat yun or kumakalat lang yung sakit ? Thanks po in advance .

Ask the Dentist : Malalaman ng dentist mo kung dapat bunutin.

Abby : Ok po . Thank much.

Hindi anak ni Wolverine ang Binunutan ng Ngipin

Julie-ann : Doc, binunot po wisdom tooth ko 4Days ago. Pero up to now butas paren gilagid at nagkaron po ng nana. Ano po kaya dahilan bakit ganito. Salamat po

Ask the Dentist : 2 weeks bago magsara yan ng tuluyan. Inumin mo lang ang iniresetang gamot.

Julie-ann : Ok po doc. Thank you

Ask the Dentist : No problem.

Pwede ba magpabunot ang may regla?

Janelle : Hi doc. Pwede na po ba magpabunot kahit na papatak patak na lang yung dalaw un bang pahabol na lang po? Saka pwede po ba magpabunot ulit ng ngipin one day after magpabunot salamat po

Ask the Dentist : Pwede kahit umulan ulan ng dalaw.

Janelle : Haha yung seryoso doc. I mean yung menstruation period po.

Ask the Dentist : Oks.

Janelle : Salamat doc.

Janelle : Doc magkano po bunot sa clinic nyo saka restoration ung specific price po balak ko po pabunot e

Ask the Dentist : Hindi ako tumatanggap ng pasyente galing sa website. Ikaw bahala ang maghanap ng dentist mo. Sumasagot lang ako sa tanong.

Janelle : Haha comedy talaga. Saan po ba ang clinic nyo? Para pwede po ako bumisita

Ano ang Magandang gawin kapag nagpabunot ang hindi Wolverine ang pangalan

Jelo : Hi dentist, tanung ko lang po, nagpatanggal po ako wisdom tooth dalawa yung extraction site po ginawan ng stitches, so after 24 hours po doon sa my stiches my mga white stuff po anu po kaya yun? minumog ko na po nd parin po sya naalis. anu po kayang magandang gawin doon? salamat po.

Ask the Dentist : Wag mong tanggalin. Gumagaling na ibig sabihin. Hayaan mo lang kahit maging brown or black.

Jelo : Ah ganun po ba thanks

Matagal Nang Iniinda ang Sakit ng Ngipin

James : Dok ask ko lng po kasi matagal ko na po itong iniinda eh kasi may tatlong butas yung ngipin ko po mag kakaiba po yung dalawa sa baba mag kabila tapos yung isang butas nmn po nasa taas eh wala nmn po akong pera pampabunot ng ngipin sana po sa christmas mapabunot ko na e2 oh bago nmn dumating….ano po ba mangyayari at anong sakit makukuha ko dun???….at saka po pla lagi po tumutulo yung laway ko dahil po ba sa butas na ngipin po ba yun?? tatlong taon ko na po ito iniinda sana po ma tulongan ninyo po ako plsss DOK….
TY po wait po ko po yung Replay mo….

Ask the Dentist : Punta ka sa dentist bukas.

James : eh Dok wala nga po ako pang bayad eh kaya po d ako makapag Pa check up…

Ask the Dentist : Oks.

%d