May Alam ba akong Dentist

Alyssa : Good day may alam po ba kaung dentis within QC na kayang sukat muna ng pustiso bago bunot tapos kabit agad?
thanks..

Alyssa : Tsaka ano po palang gamot pwede itake kasi yung upper front teeth ko po ay may cra na tapos po nagkaroon n po ng nana mejo makirot po..ano po pwede igamot? thanks po..

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/clinics/

Tinatamad maglaba, gusto diretsong Bunot

Weslie : Hi po! gusto ko lang po magtanong. pero bago po yun may sasabihin lang po ako. I’ve already researched about what am I feeling nitong nakaraang mga araw. Feeling ko po meron akong Irreversible Pulpitis. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko. sabi raw po dun, kailangan daw pong ipa-Pulpectomy, e ang mahal po ata nun. wala pa naman po akong kalakihang budget sa ngayon, uhm, sabi rin po doon na may namamatay daw po na nerve sa ngipin. e nung mga nakaraang araw po, sobrang sakit po talaga niya. ngayon po, medyo humupa na po yung sakit. pero may kirot pa rin po. ano po bang mabisang gawin dito? salamat po.

Ask the Dentist : Ang mabisang gawin ay RCT. Ang susunod ay bunot.

Weslie : Bakit hindi po maaaring diretsong bunot ang gawin? Maaari niyo po bang ipaliwanag sa’kin?

Ask the Dentist : Pwedeng bunot. Pwedeng RCT. Ikaw ang mamili.

Weslie : Huling tanong na lang po. Paano po ito, pakiramdam ko po e maga na po yung sa may bandang panga ko. ano pong gagawin ko?

Ask the Dentist : Ipa-x-ray mo para makita ko kung ano ang problem.

Weslie : Osige po. Huling tanong na po talaga. Ayos lang po ba kung maglaba ako kahit ganito?

Malabon Dentist

Strechle : good pm po Doc. I got my intellicare card po from my company.. planning to go to a dentist po.. but honestly it will be my first time to visit a dentist my entire life po.. and with the condition po ng aking teeth its not really good. I can consider it worst. ,, my 3 front teeth po sira na xia .. ung 2nd premolar – 3rd molar ko decayed na din po tpos may naiwan pang mga ngipin upper and lower part.. if i am going to count with my tongue almost 12 na po ang sira.. anu pong dapat kong gawin.

Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist bukas.

Strechle : consultation pa lng po muna un di ba doc?
may recommended po ba kaung dental clinic na accredited ang intellicare?

Ask the Dentist : Yes. Try mo: http://www.malabondentist.com/
Or http://www.askthedentist.tv/clinics/

Nagpabunot ng Ngipin si Wolverine

Notsky : okay lng po ba magpabunot ng ipin khit kumikirot ito?

Ask the Dentist : Yes. Kung tatablan ka ng anesthesia.

Notsky : di po tumalab doc. hehe sakit tapos my nana dun sa roots.

Ask the Dentist : Oks.

Notsky : doc bkit po parang kumikirot padin yung pinagbunutan na katulad nung kirot nun bago bunutin?

Ask the Dentist : Kung ikaw si wolverine magtaka ka. Kung hindi, wag ka magtaka. Nasugatan ka eh.

Namamaga at May Sugat pa Dahil Hindi Siya si Wolverine

Andrea : Good Eve po, Baka po makatulong kayo, Nagpabunot po kasi ako sa bagang last Nov. 7, 2013. until now po namamaga pa rin. Nagsusugat na rin sya and mahapdi.

Ask the Dentist : November 9 na ngayon. Bale ano ang tanong mo?

Andrea : ano po ang dapat inumin?
na gamot?
wala po kasi nasabi yung dentist e, hndi ko rin po natanong

Ask the Dentist : Kung ano ang inireseta ya siya mong inumin.

Andrea : wala hong naireseta eh,

Ask the Dentist : Dental mission ba yang pinuntahan mo? Dentist ba ang pinuntahan mo? Normal lang yang sugat kasi nagpabunot ka unless ikaw si Wolverine tiyak sasara agad ang sugat mo..

Nang magtanong ang Anak ni Wolverine sa Dentist

Sheila : Doc nagpasurgery po ako kasi impacted yun wisdom tooth ko, after po matanggal yun tahi npansin ko po after one day bumuka po yun tinahi n part. Sabi po ng dentist ko natural lng dw po yun. Ang nangyayari po kc kpg kumakain ako nalalagyan ng kanin yun loob and natatakot po ako kc may bahagyang kirot. Anu po ba pwede gawin? Magpasecond opinion po ako sa ibng dentist?

Ask the Dentist : Magmumog ka lang kapag napasukan ng kanin. Kung ayaw matanggal, hayaan mo lang, malamang hindi yan kanin kundi yung gumagaling na sugat na mukha talagang kanin. Wag ka magtaka na gumagaling ang sugat mo nang ganyan katagal. Alalahanin mo, hindi ka anak ni Wolverine at tiyak ako, hindi ikaw si Wolverine. Isa pa, hindi ka Spartan . Kaya tiyak ako na hindi yan gagaling within seconds after mabunutan ng ngipin.

Sheila : Thank you po doc.

Ask the Dentist : Oks.

Nagpabunot ng Ngipin sa Center

Claribella : Hello po. May gusto lang po akong tanungin. nung nagpabunot po kasi ako ng ngipin sa center namin may maliit na part po ng ngipin ko na naiwan, nabali po kasi sya, then sabi nung dentist intay daw po ako ng 1 month uusli daw yun, tas tsaka na daw nya tatanggalin. pero 2 months na po yung nakalipas wala naman pong nangyayare, naghihilom na po yung gilagid ko. kinakabahan lang po ako. okay lang po ba yun? Salamat po

Ask the Dentist : Syempre hindi ok.

Claribella : Sge po, salamat. babalik nalang po ako dun sa pinagbunutan ko para magawan nya po ng paraan.

Apicoectomy Philippines

Arianne : doc sinurgery po ng dentist ko ung ngipin ko na n-root canal nia. Pre molar po cia, sa tabi ng pangil. Ang sabi po nia need daw po putulin ung ugat kaya kelangan isurgery, mdame po kcng nana ung sa may ugat, ndi natanggal nung n-root canal. Ganon po ba talaga un? Ang sakit po doc sobra, hiniwa nia po ung bandang gilagid ko, ndi po namin ntuloy ung procedure kc ayaw po umampat ng dugo ndi daw po nia makita ung ugat. Ayoko na pong ulitin ung surgery. Ntrauma na po ko. Sabi pa po nia ndi nia pdeng ikabit ung jacket hnggat ndi npuputol ung ugat. Sana mtulungan nio po ko. Thanks po.

Ask the Dentist : Base sa kwento mo ay tama ang ginawa niya. Ang mabuti pa ipaxray motapos send mo dito angxray para makita ko.

%d