Kaye Halili: Need volunteers for a dental mission in Carmona Cavite. There are around 200 patients. We were not expecting a big registration. Is there a way for us to contact dental associations that do volunteer work? The oportunity to serve is here 🙂
Ask the Dentist Philippines: Contact Cavite Dental Chapter. Search mo lang sa FB or sa Google or Bing.
Hi good afternoon po.ask ko po sana kung magkano madalas hinihinging bayad kapag magpapa pasta ng ngipin?malapit na kasi masira yung ngipin ko sa itaas,yung pinaka gitna,butas na sya at i’m sure kapag di naagapan,mapuputol na to,saka magkano din po kaya magpa linis ng ngipin?kung magpa pustiso po kaya ako,magkano,diba bubunutin lahat ng ngipin ko,ilang ngipin ang bubunutin bawat araw,or ilang weeks or buwan naman kaya bago maayos ng tuluyan kapag nagpa pustiso ako?
Depende sa kung gaano kahirap pastahan yang ngipin mo. Base sa iyong deskripsyon, baka for root canal treatment na yan. Last option ang tooth extraction. Hangga’t maaari hindi ka dapat magpabunot ng ngipin. Hindi mo maeenjoy ang buhay mo sa pustiso, kumpara sa natural na ngipin. Kahit gaano kagaling ng dentist mong gagawa ng pustiso, hindi niya pa din mahihigitan ang tunay na ngipin. Parasa impormasyon tungkol sa dentures cost, visit this page: http://costdentures.com/dentures-cost-guide/
“Di mo ma-eenjoy ang buhay mo sa pustiso.” Broked my heart ??
Oks.
Ang cost ng pagpapalinis ng ngpin ay depende sa kung gaano kadumi ng ngipin mo. Ang dental treatment ay hindi mo maihahalintulad sa barberya na may fixed price sa bawat gupit.
Masakit po ba ang magpalinis Ng ipin?
Hindi.
available padin po ba ang dental mission nyo? kung meron po dito sa manila mas ok po. student plng po ako. khit assistant lng sa mga dental missions ok na po..
Leave contact number or FB 🙂
Doc, may alam po ba kayong dental clinic na marunong mag Ovate pontic teeth bone socket preservation technique para sa all porcelain bridge. e2 po yong tinutukoy ko.
kung may alam po kayo penge nmn po ng contact no. nila..
Depende sa natirang buto yan. Pwede iprepare ang ridge kung matagal ka ng nabunutan at okay pa naman ang buto mo at soft tissue.
Pwede din sa kasong dahil kakabunot ng ngipin at huhulmain ng ovate pontic ng temporary bridge tapos lalagyan ng ovate pontic ng final bridge. Kung mababa na ang buto mo at hindi ok ang soft tissue mo, hindi pwede ang ovate. May modified din na ovate. Buti pa send ka ng photo sa FB para malaman ko kung pwede pang i-ovate or pm mo ako sa FB. Saan ka sa Manila?
actually doc, hindi pa po nabbunot ang ngipin ko, para sakin hindi po natural look ang crown jacket baka mas maganda kung bridge nalang na naka pasok sa teeth socket? mas muka atang natural un.
magkano po kaya ito. QC po ako…
Bweno. Wag mo ipabunot. I pacrown mo. Maghanap ka lang ng magaling na dentist para magmukhang totoo ang crown mo. Siyempre sa presyong gabulbol, hindi talaga magmumukhang ngipin ang crown. Kung gagawin ng tama ang jacket crown, 5 thousand pataas ang presyo. Kung talagang mas maganda pa, 20K pataas ang crowns. http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
yan na po bang `E-max ang pinaka maganda at matibay na crown wala po yang metal sa loob? hindi po ba yan mababasag basta basta?
ito na rin ba ung nagkakahalaga ng 20k+ per tooth?
4.5k ang singil ng dentist ko para sa crown, pwede pa ba i pa brace yon para ma push papasok ng mouth ang teeth ko. plano ko kasi mag p brace kaso pangit nga po ang jacket crown ko.
pero ayoko naman mag pantay pantay ang taas ng ngipin ko gusto ko po mairestore yong dati kong ngipin pwede ba ipa kabit ang crown individually sa bawat ipin or talagang mag kakadikit dapat sila. sa harap po kasi?
Madami pang ibang uri. Depende sa presyo at sa gagawang dentist kung maganda. Ang pagkabasag niyan ay depende sayo at sa dentist mo. Kung kakain ka ng sugar cane o kaya-y naikagat mo sa bato sa kanin, syempre mababasag. TUparin mo kung ano ang gusto mo. Malay mo ang plano mo pala ang maghahatid sayo sa iyong magandang kapalaran sa relasyon at sa pera. Lahat ng gusto mo matutupad basta may pambayad ka. Unless hindi talaga itinakda ng Diyos, depende sa religion mo. Basta ang tandaan mo, ang quality may katumbas na halaga. Kahit ikaw, siguro hindi ka magtratrabaho ng magtratrabaho kung hindi ka naman binabayaran.
As a dentist, ang kabutihan mo ang gusto ko. Kaya ang una kong ipinapayo ang highest quality. Wag kang magpapabunot kahit kailan. Kung pwede i-RCT, i-RCT. Kung pwede pa icrown, icrown. Last option ang bunot.
Pero kUng gusto mo ipabunot, ipabunot mo. Katawan mo yan. Ikaw ang magdecide kung ano ang pangarap mo.
kung sa buto nmn po ng mga ngipin wala po akong problema sa root ne2 basag lang talga ang mgafront teeth cosmetic reason lang po ang nais ko and smpre ung tibay!
malaki pong pagpapasalamat ko sa mga payo nyo!! tamang tama lang na hindi ko ito pinabunot! andami pa kasing paraan para ma ibalik ung nabasg kong mga ngipin! 🙂
nag ipon po akong mabuti para makuha ang gs2 ko matagal ko na pong pangarap mag karoon ng mgandang ngipin! diba kaht pangit ako bsta mganda maka ngiti! XD
hehheheh mag papacheck up po ako sa lahat ng dentista makkta ko XD para maka kita ng magaling at garatisadong sulit pera!
thank you and godbless sa concern doc!!! Philippine dentistry more power! :3
Walang anuman. 🙂
doc.pwede pa po ba magpa brace ng ipin kahit na 35 years old na?
Yes.
sir/maam magkano po ba mag papasta ? student lang po ako ?merun pabakaung dental mission
Depende sa dentist na pupuntahan mo. 🙂 Una mong puntahan ay health center sa town mo.
ilang beses po ba pwede magpabunot ng ngipin? pwede po ba mgpabunot ulit 4 days after ng unang bunot? reply pls
Nasagot ko naya ito sa pm mo sa akin sa FB.
Good day po, im 18yrs old.. gusto ko po mag paimplant ng ngipin sa taas po sa harap, nakakainis lang kase talaga na dati pede palang maayos pa yung ngipin kahit nabali, e yung lola ko pinabunot. kaya ayun asar! hmm, magkano po ang halaga nun? tatlo po yung papaimplant ko, at san ko kayo mapupuntahan..
Aabutin din ng P210,000 pataas ang magagastos mo sa 3 implants. Hindi ako tumatanggap ng pasyente dito. Contact mo na lang recommended dentists sa page na ito: http://www.askthedentist.tv/clinics/
ang mahal pala :(( hmm, ano po yan cash po talaga?
Yan yung usual price. Huwag ka makipagtawaran sa akin. Syempre sa dentist mong papagawan ka makipagtawaran.
hi po doc.. tatanung ko lang po sana kung magkano ma cocost ng all porcelain crown sa front teeth ko 4 po un.. gustu ko na po palitan ung metal crown nangingitim kc yung gums ko.. matagal na din po kase to
Ilan ang nakacrown ngayon?
magkano po ba magpa-brace?
Depende sa lala.
Doc, i paid out about P 55,500 ( whole payment ) using the credit of my friend to my dentist , pero ilan palang ang na trabaho nya, dalawang ngipin pa ang na extract at na rifill . Pwede ko pa ba makuha ung natirang pera?
Mukhang hindi totoo.
pag katapos po ba ng root canal ilang days po b bago e jacket
Masasagot yan ng nag-RCT sayo. Depende sa materyales na ginamit at depende kung kailangan pa ng poste at depende sa kung anong klase ng poste.
ngpa root canal treatment po aq, 4 years ago na, at ngayon nangingitim na po ung tooth na un, tapos sa harap pa kaya ang pangit tingnan. ano po kaya pwde qng ipagawa pra mapalitan ung toooth q na un? pa-crown po kaya? mgmu-mukha po kayang natural un? saka po kalapit nung nangingitim na ngipin q, may ngipin aq na nakausli, nag-iisa lng po xa s lahat ng ngipin q, after q po sna papalitan ung nangingitim na ngipin, pwde q pa b xa ibrace or retainer muna?
Most of the time, required na ijacket crown ang na-root-canal treated na ngipin. Since 4 years na yan, ipax-ray mo muna para makita kung okay pa. Kung okay pa ang seal, ipa-jacket crown mo. Yung dentist na titingin ng x ray ang madidecide kung okay pa. Magmumukhang ngipin yan hanap ka lang ng magaling na dentist at wag ka maghanap ng “cheapest”.
how much po ang jacket crown?
Depende sa klase. Porcelain fused to metal crowns usually 5.5K pataas. All porcelain crowns 20K pataas. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
tanong lang po…pwede po bang lagyan agad ng pustiso pag katapus bunutin…pls reply po
Depende sa purpose. Kung yan ay healing denture. Or immediate denture, pwede.
ano po ang healing dendure at immediate dendure?
Itranslate mo sa tagalog, tapos basahin mo, maiintindihan mo agad. 🙂
anong po ba ang healing denture or immediate denture?
sorry po mali ang pagkakatype…
Oks.
at magkano po ba ang mga gagastus pag tatlong ipin ang bubunutin at gagawan ng pustiso?
reply po..pls.. para po mapagipunan ko po
Yung dentist pupuntahan mo ang makakapagsabi sayo kung magkano.
mga magkano po ba ang magagastos? tatlong ngipin po kac…
Sasabihin sayo ng dentist na makakakita sa bibig mo.
Kpag ba naka usli ang ngipin sa harap papasok ba yun kapag nag pa brace?
Yes.
Sir, may tumutubo na na ngipin sa harap sa baba 2 sya pero yung milk teeth nya di pa maluwag .. sa anak q po to na 6 years old… ipapabunot po kya to..kung ipapabunot sya can you give me at least range ng price ng pagpapabunot? Pra lng po may idea aq,, first time q kasi sya dadalhin sa dentist. Thank you po.
Oo. Pag may kapalit na ang milk teeth, pwede mo na ipabunot. 500 pataas.
Sir pede po ba mag ask mula po kasi pagkabata ko yellow teeth na po aq
pede po ba mapa jacket yun kahit may mga sira na yung ibang ngipin ko sa bagang
at yung front teeth q pede po ba rin eh brige
Magsend ka ng panoramic xray para makita ko kung pwede.
Makakasira po ba ng ngipin kapag ung dunture may wire na parang retainer??
Oo. Kung kada isang dekada ka magpalinis ng ngipin, kada isang taon ka magbrush. At kung hindi magaling ang dentist mo.
ilang beses po ba pwede magpabunot ng ngipin? pwede po ba mgpabunot ulit 4 days after ng unang bunot? reply pls
Hannggat kaya mo at may bubunutin pa.
magkano po ang magpapalinis ng ngipin?
Depende yan kung gaano kadumi at kung saanng probinsya ka. Mas mura syempre sa probinsya.
doc sumasakit kasi ang ngipin ko!. anu po bang pweding gawin ko para pag ipabunot ku hindi sya ganung masakit!kasi sabi sakin may nana daw kaya sumasakit!. anu po yung gamut na pwde kung inumin. . salamat!
Ipabunot mo or RCT.
Pwede po bang magpabunot tapos magpalinis ng ipin ? In one session lang po. , ?
Yes. Regular cleaning first then surgical extraction is followed
dok magkano poh ba ang cost nang pagpapabonot? mga 3 poh.
Depende kung simple o surgical extraction.
Good Morning Ma’am /Sir,
Masakit po ba magpalinis ng ngipin ?
Hello po! Ano po ang ginagamit o ginagawa para mahugasan ng husto ang mga pustiso at retainers?
Use soap as cleaning agent. hindi Tooth paste
Kakapabunot ko lang po kahapon (March 4, 2015) may tatlo pa pong bubunutin ilang days po ba pwedeng magpabunot ulit?
Yung dentist mo na naunang nagbubot ang magpapayo sayo kung kailan.
Dok, magkano po ba mag palinis ng ngipin?
Depende kung gaano kadumi. Dito ang clinic namin: http://dentistquezoncity.com
dor magkano po ba mag palinis ng ngipin?
Depende kung gaano kadumi.
Pag po may mga sira ang ngipin magkano ang palinis
Depende sa kung gaano kadumi.
Kapag madumi ang ngipin madaming sira magkano po ang pa linis
Yung dentist na makakakita ang magsasabi kung magkano.
Fully dentured napo ako 19 years old magkanu po aabutin pag nag pa implants aq ng lahat ng ngipin?
Malalaman lang oras na makita ng dentist ang bibig mo, at CT Scan.
Hello po !! ask ko lang po kung ung dilaw n dilaw n ngipin o nagmarkang dilaw sa ngipin matatanggal pa . reply plss
Oo.
Gd morning po wla po ba kau malapit dto s manila?
Nope. Quezon City area.
yung dulo po ng ngipin ko yung malaki po basag po siya sabi ng dentist aabutin daw ng 1k plus ang pagbunot ng wisdom tooth di na daw pde pasatahan sa laki ng butas totoo po ba yun:(
Ms. Urbisa, mukhang totoo. Hindi naman pwede magjoke around yung dentist mo sa iyo.
doc pwede ba magpalinis ng teeth then pabunot?
Oo.
Doc masyado na kasing makapal ang yellowish ng ngipin ko at sa likod pa ng mga ngipin ko at I to ang dahilan king bakit dilaw tungnan yung ipin ko, may chance pa po bang matanggal ang mga yellowish na y@n?
Oo.
hi good day po ..
may isa po akong ngipin na masakit at mejo umaalog na pero mejo ok parin ang itsura ,may way po ba kayo para masave pa ang ngipin ko ..
help po please ..
asap
Pumunta sa dentist at kailangan makuhanan ng xray kaagad para ma evaluate ng mabuti at mabigyan ng magandang treatment option
Doc, tanong ko lng po ilang buwan bago magpalinis ulit ng ipin doc?
Usually every 6 months.
Ilang beses po ba dapat tayo nararapat na magpalinis ng ngipin sa loob ng isang taon?
Kapag periodic recall, twice a year