Masakit ang Ngipin na Pinastahan

Gliezel : Hello po doc. Tanong ko lang po, ung 2 ngipin ko po kasi sa taas sa dulo sobrang sensitive sa malamig tas masakit po sya pag nillagyan ng sobrang pressure, ung kapag kumakagat ng mtitigas d ko po maikagat ng maayos, pinapastahan ko po un akala ko po kaya ganon kasi trauma pa ung ngipin ko sa kakadrill at bka d pa umeepekto ung gmot na nilgay tas after 3 weeks ganun pa din po although mejo nabawasn ung sakit kumpara nung bago pastahan pero maskit parin po. Sbi po nung dental clinc na pinapastahan ko for root canal na daw po, pero nung pinatgnan ko po sa ibng dentst ung xray at ung ngipin ko po sabi wala naman daw pong signs ng infection at baka daw po hndi nalinis maigi ung cavities. Ilang ulit na po ako nagpapa periapical xray pero gnun at ganun lang nmn po ang itsura. Nung pinasthan po sbi sa dulong ngipin may nakita daw pong dead nerve, at malalim na po lalo na po ung sa dulo, july pa po nung napastahn ito. Tas ngayon po araw araw pag ng ddental floss po ako, pag chinicheck ko naman po ung gums ko wala naman pong parang pimple na tumutubo atska ung sakit po consistent lang po ndi po siya ung parang tumitibok ang pakiramdam. Pano po ba yun doc?

Ask the Dentist : Send mo xray dito tignan ko.

Ask the Dentist : Or punta ka sa clinic, tignan namin. Set ka ng appointment: http://dentistquezoncity.com/

Gliezel : Yan po siya doc bago pastahan

Gliezel : Tas yan nman po ung after na pong napastahan.

Gliezel : Ung ngipin po na sinsbi ko doc yung dalawa po na magkatabi simula sa dulo.

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Kung tiyak na maayos na ang pasta at sumakit muli, ipaRCT mo.

Ask the Dentist : HIndi ko masabi kung maaayos ang pagkakapasta. Sa tunay na buhay ko lang malalaman. May ichecheck diyan.

Gliezel : Pero doc mkukuha pa ba ng pasta ung ngipin ko basi po don sa xray na pinakita ko?

Ask the Dentist : May mga pagkakataon na pangit lang ang pagkakapasta kaya ang pakiramdam ng pasyente ay masakit, pero nangingilo lang pala dahil tagas yung pasta. Ngayon, kapag napastahan na ulit at siguradong maayos ang pasta tapos sumakit, saka mo ipaRCT. Ang RCT ng ganyang ngipin ay aabot ng 9K pataas.

Gliezel : Okay po doc. Salamat po.

Ask the Dentist : No probs.

32 thoughts on “Masakit ang Ngipin na Pinastahan”

  1. nag papasta po ako ng ipin, nangingilo po siya, kaya dina ko umiinom ng malamig . tas sinilip ko po yung likod ng ipin ko may black po siya sa loob. ipapapasta ko po ba ulit ? sa harap kasi eh kaya diko mapabunot. please reply po.

  2. Hi, my kid recently had filling on his molar tooth. As per his dentist, kapag sumakit, need ipa-RCT. But it’s too expensive, estimated is around 8,000 pesos. Do I have other options other than having him undergo RCT? Thanks!

  3. Doc , ung akin din, 2 weeks ago nagpapasta ako, tapos biglang sumakit ngayon at parang my natibok sa loob, nahahandle ko pa ung sakit , pagtinatamaan lang masakit. anu kaya toh doc? salamat po.

    1. Yung dulong ngipin sa sa taas po ng bagang ung pinapasta ko po… nung sumakit po, hinawakan ko po, para umuuga na po siya, help po doc.

        1. Doc ask lang po December po ako nqgpapsta then 1 week nun sumasakit nadaan na a sa mefenamic and amoxicillin Kaya nawalan .
          Then after 3 months na ngayon nasakit nanaman sya .
          Anu Kaya cause bakit sumakit nanaman?

      1. Doc, isang ngipin to, mga magkano kaya ung RCT sa ganto? dulong bagang po, pwd din po ba ung option ng bunot po dito? kasi po nung pinapasta ko, sabi naman ng dentist pwd pa daw isave ng pasta, di ko akalain na sasakit, pero malaki na po ung butas nung pinapasta ko po, ayaw ko lang ipabunot kasi dulong bagang, wala na akong pang nguya, kasi ung sa kabilang dulong bagang ko, medyo malaki din butas pero nung pinapasta ko po, naging ok na, never na sumakit at lampas 1 year na ung pasta, feeling ko kasi sa bagong pasta ko my tagas, pag kinakapa ko ng dila, ganun po ba yun doc? pag sablay ung pasta? sasakit siya pag my tagas?…. salamat po

          1. doc masakit ang ngepon ko tas sabi ng dentista hindi dw dapat ipabunot kaya pinastahan nalang nya peru pagkatapos ng pasta masakit parin sya ? ano bng dapat gawin doc.gusto ko na po sanang ipabunot kaso masakit parin sya hanggang ngayun

  4. Doc,ung ngipin ko po na pinapasta ay sumasakit pagumiinom ako o kaya naman nagmumumog,nangigilo po siya na may kasamang tibok….pinapasta(permanent) ko po ito nung almost 5months ago,tpos ngayon lang po siya sumakit ng ganto….ano po ba ang mga options ko para matanggal ung sakit?
    (medyo malalim na po ang butas nito nung pinapasta ko)

    1. If your doctor was able to inform you about the deep restoration, you are then informed that there is a possibility that the nerve may react and may lead to the condition called pulpitis, during which patient experiences the symptoms you provided, throbbing pain (9 or 10 out of 10 kind of pain). To alleviate you from the throbbing pain is through pain killer but to treat the infection, root canal treatment ang sagot

  5. Doc umitim at sumasakit ung pinasta sakin
    ano poh ba dapat gawin koh..
    diko mapo maibalik sa dentist koh
    kase asa ibang bansa napo ako

  6. Doc nananakit po yung ngipin ko na pinastahan,pero siguro 3 months na ang nakalipas nung nalagay yung pasta.Di na kasi ako mapatulog neto,ano po dapat gawin?

  7. Hello po.. last year po nagpapasta po ako ng 2 ngipin sa harap po magkadikit po sya..almost 1 year nadin po. tas ngaun Lang po.. paranq nanhingilo po ako pag nasagi po ung napasta masakit po. Anu po dapat kung gawin ? Pls reply po

      1. Hi po, nagpapasta po ako bg dalawang ngipin last yr mga Septembe, after a week or 2 ata nedyo nangilopero binalewala ko po yun kasi baka kako ganun lang uun ying tipong di ako maka inom ng mlamig na tubig num, tas ngayon po di na sya nangingilo pero sumasakit na sya yung parang may tumitibok, Lately lang po ‘to. Ano po dapat kong gawin?Thans po.

        1. Hello po doc my 12yrs old daughter nagpapasta ng ngipin last month dahil may maliit na butas at sumasakit na. Ngaun po sumakit ulet ang napastahan sa kanya pinapainom ko lang po ng mefenamic kaya temporay nawawala ang sakit pero bumabalik pa din ang sakit ng napastahang ngipin..ano dapat pong gawin?

  8. Hello po Doc, sobrang lalim na kasi ng butas ng ngipin ng anak ko sa may dulo i think sa bagang po sya na tinatawag.. Since ayaw po bunotin nung una ng dentist dahil di na nga daw po tutubo 9years old lang po ang anak ko.. Pero after 24hrs after niya magpapasta ay sumakit, pabalik balik amg sakit ika3 days na po.. Ang choice po na bngay ni dentist ay bunotin na, pero di ba po hndi na sya tutubo? Hiwa hiwalay na ang ngipin ng anak ko pag nagkataon po.. Is there ay chances po to save ung napastahan?

Leave a Reply

%d