Nagpapalit ng bridge

Devie : Good day po. Ask ko lang po nagpapalit po kasi ako ng 4 jacket crown then nung tinanggal na po ung jacket ko may butas na po ung isa. So pinabunot ko nlng po. Then after 2 days, binalikan ko ung crown ko para ikabit na. Ang ask ko po is di ba magkakaroon ng infection ung kakabunot lng na ngipin? Kasi parang bagong bunot sya so may sugat pa un tapos kinabit na ung crown ko. 2 days after till now may nrrmdmn parin po akong sakit. Sana po magreply kau. Godbless!

Ask the Dentist : Paano yun, may bungi ka ngayon? Crown ba or bridge? http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Devie : parang ganto po sya. bagong bunot po ung isa. after 2 days kinabit na ung jacket crown ko. di po ba magkakaroon ng infection ung bagong bunot? kasi nilagay agad parang may sugat pa po kasi. after 2 days na nakabit ung jacket crown ko, til now may sakit parin po akong narrmdaman sa nabunot na ngipin . salamat po sa sagot:)

Ask the Dentist : Bridge yan.
Plastic yang bridge mo?

Ask the Dentist : Sayang ang ngipin mo, pinaRCT mo na lang dapat saka jacket crown.

Ideally, after mabunutan, pwedeng maglagay ng temporary bridge.

Devie : sa lower front teeth ko po ung may jacket crown po pala. naiexample ko lang po ung bunot sa picture :DD
porcelain po sya

Ask the Dentist : Picture-an mo. Send mo dito. Medyo magulo kang kausap. Hehehe!
Picture-an mo. Send mo dito. Medyo magulo kang kausap. Hehehe!

Devie : eto po ung picture parang namamaga po ung gums ko dahil sa bunot. di kaya magka infection po un? inilagay po kasi agad ung porceilain
Bridge

Devie : tska possible po ba na mag brace? hehe
panu din po kaya mapapa backward ung lower teeth ko? kasi pantay na pantay po sya sa upper teeth ko eh.

Ask the Dentist : Hindi mo na lang dapat pinabunot. Akala mo lang nakamura ka dahil pinabunot mo, pero hindi. Dapat pina-RCT mo na lang.

2 thoughts on “Nagpapalit ng bridge”

  1. Gud eve po doc..nskit po ung teeth ko n my crown bridge..ttgalin pob un ng dntist ung crown bridge tas e cement po ule

Leave a Reply

%d