Braces Removal

Angelo : Hello good evening doc, my problems po aq sa dental clinic nag close n po sila tapos hnd name rin macontact eh nagpabrace po aq sa kanila almost mag 2 year n kaso paano po yung adjustment pwede po ba sa ibang dentist pls help me

Angelo : Hello , po doc.. Sana matulungan nyo po aq

Ask the Dentist : Pwede. Pero usually, panibagong bayad sa treatment.

Angelo : Doc last n tanong na po , paano kung ipapatanggal ko n lng ung brace kasi kapos n kami student lng po kasi ako pwede po ba un?

Ask the Dentist : Oo. Mas mabuti pa.

Angelo : Magkano po kaya magagastos kapag pinatanggal ung brace po

Ask the Dentist : Iba iba. Depende sa kung ano makitang kalagayan ng braces mo na tatanggalin. Kaya itanong mo na lang sa dentist na magtatanggal kung magkano.

Angelo : Meron po ba 2k?
Meron po b 2k ung magagastos sa pagpapatanggal sa palagy nyo po .

Ask the Dentist : Sa dental clinic ko, sinisingil ko diyan 6 thousand.

Pasyenteng may Braces Gustong Kumain ng Matigas

Katarina : Hi Doc Good Afternoon po, ask ko lang po, kapag may braces na, ano po ma suggest nyo na food na pwede kainin para hindi masakit, at ilang days pa po pwede makakain tulad ng fried chicken at meat? O forever na po ba na soft food lang kakainin? plan ko pa naman magpataba kasi underweight ako.

Ask the Dentist : Sa una lang yan soft food. Masasanay ka din at makakain ka din ng soft meat.

Katarina : LoL

Katarina : Natawa ako sa soft meat hehe

Mabaho ang Hininga

Jhemz : Hi doc??pahide po ng name ko f ever ipost nyo to.kakahya po kaz tanung ko.nagwowork po ako as promo diser sa mall,napifeel ko po kaz mejo mabaho hininga ko,4-5 times naman po ako nagtotoothbrush,gumagamt dn po ako ng mouthwash.Hndi po ako umiinum o naninigarilyo.anu po bang method gagawn ng dentist sa ngipin ko para mawla po ung amoy.please responce.thank you.

Ask the Dentist : Okay. Sagutin mo itong mga tanong ko.
Ilan ang sira sa ngipin mo?
Ilang beses kang magpalinis ng ngipin sa dentist kada taon?
May jacket crown ka ba?
May fixed bridge ka ba?
Binabrush mo ba ang dila mo?

Jhemz : *bale napastahan at nabunot na po ung sira na ngipin ko.

*actually po last 5mos po huling linis ng ngipin ko sa pilipinas.

*wla po akong jacket crown.

*wla din po akong fixed bridge..

*Opo binabrush ko po lage dila ko.pati nga ngala ngala ko binabrush ko po e.

Ask the Dentist : Bago yung huli mong pagpapalinis, ilang buwan bago yun?
Wag naman ngala ngala. Hehehe!

Jhemz : Mga 3-4 mos po.
Frustrated mawala ung amoy.hahaha
Doc d na nagresponce.please i’m serious po.

Ask the Dentist : Mas mabuti kung makakapagsend ka sa akin ng panoramic x ray. Kung okay ang dental health mo, pwedeng systemic. Nakapagpatingin ka na ba sa doctor?
May buhay din ako. Hindi ako laging online at nakaharap sa computer. Kaya late ang reply ko.

Jhemz : Sorry po..hndi pa po ako nakapagpatingin sa doctor e.pag nakapagpa xray po ako send senyo.sori po ult.

Pasta sa ngipin na basag

Kim : Doc. Pwede pa po bang ipapasta yung ngipit kahit basag na po?

Ask the Dentist : More info.

Kim : Dba po may magkatabing ngipin sa harap? Yung isa po nabasag po yung gilid pero hndi po gnun kalaki. pag tinignan mo nag ka space na po sa gitna yung 2 ngipin.

Ask the Dentist : Pwedeng pastahan, provided, na mas malaki pa yung kakapitan na ngipin kaysa sa pasta.

Kim : Opo malaki pa po yung ayos na ngipin. Salamat po pupunta po kasi ako sa dentist ngyon. Ayoko naman po kc ng pustiso eh.

Ask the Dentist : Alright.
Pero hindi pa naman masakit?

Kim : Hindi pa naman po. Pag umiinom po ng malamig masakit sya.

Ask the Dentist : Patay. Kung masakit at infected na malamang dapat iRCT. Pero itanong mo sa dentist na titingin kung pwede pang pastahan. Kung abot na sa pulp, malamang RCT muna.

Kim : Ano pong RCT?

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/root-canal-treatment-rct-canine-tooth/

Kim : Wala na po bang ibang option? Sa 20 po kc enrollment kna eh.

Ask the Dentist : Patingin mo muna sa dentist. Unless kaya mong picture-an yang ngipin mo nang malinaw. At send mo.

Kim : Sige po salamat po. Tatanong ko po dun sa dentist.

Dapat nga bang bayaran kapag nagpaBridge at RCT ulit?

Nila : Good day,i had crown & fixed jacket done last February 2013 (front upper 12 elements),the upper right last molar had a partial root canal first .I paid 6k per tooth plus other treatment so i paid about 78k.The problem is after a week my last molar began to ache. Last April i visited the Philippines & went to the dentist who did the job he said the crown shld be removed otherwise the molar will get infected since i got no time & the procedure will take a week & im about to leave i told the dentist that iìll be back in May.These past 4 days i got a severe toothache & my upper rigth gum is swelling ,im taking antibiotics for 3 days also a pain killer coz i cant bear the pain.My questions is,should i have to pay the dentist again?He did a bad job & thus causing me sufferings & i even quarelled w/ my Italian hubby.Here in Italy in this case the patient won’t pay even a single cent & he could sue the dentist instead…Thank you
PS by the way can you refer a good & honest dentist?I want to change my lower crowns & fixed bridge since a tooth is beginning to cause me trouble.

Ask the Dentist : Yes. MAgbabayad ka dapat. Parang sa restaurant yan, kunyari kakain ka. Sinabihan mo ang waiter na hindi ka magbabayad dahil bad food yun inorder niyo noong nakaraan. Hindi ka magbabayad pero kakain ka. Tapos inaway pa ng asawa mo ang waiter. Baka duraan ang pagkain mo or yung pagkain noong isang linggo ang ihain sayo.

Hindi masisiguro ang quality kung hindi ka magbabayad.

Nila : So yung quality ng trabaho nia walang guarantee parang d ata tama,n damage lng ung pasyente nia laki p ng nagastos…thanks for the info…

Ask the Dentist : Oo. Dahil sa Italy, napakamahal ng bayad. Kaya yung quality dapat mataas. Ang quality may presyo. Kaya kapag mura ang bayad, doon nasisira ang quality.

Nila : ung s resto,pag d masarap food dna ko babalik but since we’re talking of a professional here, a dentist whose patients must be guaranteed of a job well done at since malaking pera involve,im obliged n bumalik s kanya dahil d maganda ung gawa nia…i think ur comparison i inappropriate ,kaw ba babalik pa s resto kakain ka ba s kanila if d masarap food? walang logic…thanks again…I dont think mura ung bayad ko pinaka mahal at pnka sikat ung pinuntahan kong dentist sya ung choice ko dhil d best s lugar nmin but after my experience…no way

Ask the Dentist : Really? Kapag hindi masarap ang pagkain sa sikat na restaurant, hindi ka na buamabalik? Hindi ka pa nakasubok kumain sa Jollibee?

Ask the Dentist : Binibigay ko ang opinion ko. Ikaw ang bahalang magdecide. The thing is, kung hindi mo babayaran, yung quality hindi mo masisiguro. Ang dentistry, hindi exact science. Kahit gaano kaperpekto ang treatment, may pwedeng mangyari na beyond control ng dentist. May biglang sasakit, may biglang magpafracture, may iba’t ibang kaabnormalan na pwedeng mangyari. Hindi exact science dahil iba’t ibang tao, iba’t ibang reaction ng katawan ng tao sa dental treatment.

Ask the Dentist : Ako bumabalik balik ako sa restaurant. Lalo na jollibee. Naku!

Nila : Of course not y babalik p if d masarap food nonesense dba Maybe u dont get my point dun s dentist surely dna ko babalik pa no way dhil d ako satisfied,dun s resto babalik ako lijke s Jolibee but ung masarap n fuds lang choose ko .Since i spent a big amount of many & the dentist assured me that wlang magiging problem kelangang bumalik ako coz she’ll have to fix the problem i consulted a dentist here & he told me i have to go to the dentist who did the job,,i agree w/ you inconvenience may arise ako nmn i’ll pay nmn la nmng problem kaya prng d tama,un lang anyway thank you…hehehe iba ung Jolly bee s dentist …

Ask the Dentist : Kung may assurance siya na walang magiging problem, dapat nga niyang malaman na may naging problem. May common na sinusunod sa mga dentist, na kung may problem, balik muna ang patient sa dentist niya para may chance maayos ang problem. Kung hindi na possible, saka ka niya gagawan.

Kung nasa sayo ang xray mo, pwede mo litratuhan tapos send sa akin. Yun eh kung gusto mo ng opinion ko sa kung ano dapat gawin sa ngipin mong may problem.

Nila : Ok thanks ,unfortunately nsa dentist ung panorama,he told me n me possible masira ung 2 crows at 2 bridges cz aayusin ung sicked n tooth,so un ang cnsbi ko if macra nia dpat dko bbayaran,hehehe anyway la nmng problem maayos lng tooth ko,grabe sakit!!thanks have a great pm!!!

Gusto Dental Implants pero ayaw magpa-x-ray

Reymart : good day po! last two years po pumunta kami sa dentist ipapabunot ko sana ‘yung isa kung ipin dahil nandun siya sa likod ng upper left front teeth ko kaso sabi ng dentist ay hindi daw po pwede kailangan pati rin iyon isa. or parang push mo ‘yung teeth papunta sa unahan. at hindi nalang ako nagpabunot. sabi ko baka ‘it takes for years pa yan bago mapunta sa unahan ‘yung ngipin ko kaya one week after nagpabunot ako. noong una ok lang ‘yung denture kaso nung after a few months (napansin ko na ang gums ko ay parang lumalim then pagngumingiti ako makikita mo talaga na nagpa-denture ako. so nag-search ako sa net nakita ko ang dental implants nagustuhan ko, iba-iba ang prices 50k, 70+k ang mamahal, ok lang sa isa pero sa 2 teeth hindi ko na talaga kaya. so ang nasa isip ko ay mag-implant sa front tooth ko at magpa-bridge? para mas kaya… pwede po ba? ok pa naman ‘yung ibang teeth ko (then nung nagpaposteso ako napansin ko nalang na unti–unting nasisira ang teeth ko yung natatakpan sa metal pati na rin sa posteso ko kahit lagi naman ako nagto-toothbrush. )or any suggestion po? ang magkano po ang cost lahatlahat? thanks po

Ask the Dentist : Ang una mong gawin, magpa-panoramic x ray ka. Yung malinaw. Picture-an mo. Yung malinaw. Tapos send mo sa akin, para makita ko kung ano ang pwede gawin.

Reymart : magkano po ba ang magpa-panoramic xray?baka wala po dito sa mis. occ. ang ganyan…

Ask the Dentist : Sa implants mas madami pang x ray ang kailangan. Kung wala sa mis occ, hopeless kung ganun. Pustiso nga lang ang meron dyan.

Reymart: uo nga po eh!ok po, baka meron sa kabilang city or sa cagayan doon na lang ako magpa-panorami xray. then kailangan pa ba ng xray para malaman kung anong mas babagay sa akin or what?hindi naman siguro po aabot ng 2k ang panoramic xray di po ba?

Reymart : hindi naman po mag-iiba-iba ang form ng mouth, jaw, teeth di po ba? so bakit maraming xrays ang kailangan?para mas-save kunti…wala pa nga akong work butas na butas na ang pocket ko. allowance nga lang tinitipid ko pa dahil gusto kong magpa-implant. ayaw ni mother magpa-implant ako dahil mahal daw sayang din yung thousands. “kuripot ako mas kuripot pa pala siya” pero ok lang forever naman po siguro ‘yun, di po ba?

Ask the Dentist : O sige wag nang xray kasi “hindi naman mag-iiba-iba ang form ng mouth, jaw, teeth”. Hanap ka na lang ng bolang kristal. Para hulaan ko na lang kung ano dapat gawin sayo. Kapag nakakita ka na ng bolang kristal, ipabendisyon mo sa pinakamalapit na bundok diyan. Tapos punta ka din sa pinakamalapit na pari. Sabihan mong halikan niya ang bolang kristal para maipasa ang ancient power ng pari sa bolang kristal. Paguwi mo, picture an mo ang bolang kristal. Tapos send mo sa akin. Tapos huhulaan ko na kung ano ang pinakamainam na dapat gawin sa bibig mo.

Reymart : salamat doc ha! ang galing niyo talaga…

Pediatric Dentistry Philippines

Siopao : Good eve po, ask ko lang po ung condition ng baby girl ko , 3 yrs old palang po sya and sobrang sumsakit na po talaga teeth nya then ngconsult na po kami sa pediatric dentist and she gave us 2 options : 1st one cost 40 thousand which is bbunutin ung 5 teeth nya sa taas then papastahan ung 4 sa baba then 1 day confine sa hospital w/ dxtros and general anesthesia 2nd option is 20 thousand which is bbunot lang ng 5 then wala ng pasta , wala narin confine. ang question ko po is ganun po ba talaga ang price nun for not permanent teeths? And kung sakali pong ppiliin ung 1st option , anu po ba ang mgging effect, consequence sa pagtubo ng permanent teeth nya? And ung bout sa general anesthesia anu po ba effects nun for a 3 yr old kid? And meron po ba kayong other suggestions bout sa condition nia? Hndi pa po sya ngttake ng any antibiotics calpol lang po or gel for teeth.

Ask the Dentist : Hindi ako makakapagsuggest dahil hindi ko nakita ang baby mo. Ganun talaga ang presyo sa ganyan kabata dahil mahirap ang case. Yung consequence niya ay itanong mo sa pediatric dentist niya.

Panoramic X Ray Cost

Joanne : gud pm po ask ko lng po f anu pinakamainam ko gawin s teeth ko bali s lower teeth ko po 4 n po ung wala dalawa s left side at dalawa sa right side ung wisdom teeth ko n lng po natira s part ng bagang ko po kaya ung teeth ko po sa baba nagkahiwa-hiwalay na tpos s taas po ng teeh ko nabungi po ung katabi ng pangil ko pudpod n po xa peo ayaw ko ipabunot kc baka maghiwalay din po ung teeth ko s bandang taas pasta po ung apat n teeth ko s harap anu po b mas maganda ko gawin para maayos teeth ko any suggest po… tnx po

Ask the Dentist : Ang mabuti pa, magpapanoramic xray ka para malaman natin kung ano ang pinakamainam na gawin.

Joanne : Magkano po cost ng panoramic x-ray?

Ask the Dentist : P1,000 usually.

Joanne : Tnx po

Hindi Nabunot pero Gusto Dental Implant

Iame : DOC 7 PO ANG TOOTH DECAY KO NA HINDI NABUNOT PWD PO BA AKO MAGPA.IMPLANT? KAHIYA MAG.SMILE MY BUNGAL AKO!

Ask the Dentist : Para sa bungi lang ang implant. Kung hindi nabunot, hindi bungi.

Iame : nabulok na kc ung ngipin ko eh! bale parang napudpud na xa na halos prang wlang ngipin

Ask the Dentist : Bubunutin muna yung pudpod kung infected na.

%d