RCT and Braces

Mark Joseph : doc ilan days po ang hihintayin ko after ng root canal sa front teeth bago ako malagyan ng braces? nabunot narin po ang isang bagang ko sa lower left, posible din po bang magdikit yung dalawang ngipin na katabi nya pag nlagyan ng brace?
Thanks a lot Idol!

Ask the Dentist : Itanong mo sa nag-RCT. Kasi siya nakita yan. Ako hindi.

Root canal treated tooth for extraction

Fernan : Doc, magandang araw po. ngpa root canal po ako ng isang ngipin noon, kaso po sira na eto ngayon, pwde po ba itong ipabunot nlng? thanks..

Ask the Dentist : Pwede. Nasa sayo yan kung gusto mo ipabunot.

Fernan : salamat po doc,.dpo ba may tinanim sila sa loob ng ngipin na parang bracing? tatanggalin din po ba yun? konti nlng po kasi na ngipin naiwan na lumabas sa gums, mahirap po ba bunutin yun? bka masakit..salamat po doc.

Ask the Dentist : Oo pag binunot tanggal na din yun. Pag naiwan baka tumubo at magkaroon ng dahon at bunga. Baka hindi ka na bumili ng pagkain niyan. 🙂

Fernan : salamat po doc,. konti nlng po naiwan na ngipin na lumabas sa gums ko.,wala po bang problema sa pgbunot nun? salamat po doc.,

Ask the Dentist : Try mo muna ipabunot nang malaman natin kung wala o meron.

Fernan : salamat po doc.,

Pasta at Braces Philippines

Jerico : doc. may sira po ako sa ngipin sa harap bale dalawa sila, yung isa kong ngipin na sira sa harap napa-pasta na. 3 years ako nabulok narin yung sa pagitan ng ngipin, dun yung bulok, tas yung pinastahan po sakin nung una hindi maganda yung pagkakakagawa nakaangat po yung pasta. pwede pa po bang mapaganda yung pasta sa bulok sa pagitan as in sa gitna ng ngipin sa harap ?

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Hanap ka ng magaling at hindi yung mumurahin.

Jerico : pwede parin po ito mapapasta ?? pwede pobng ipa brace pag napapasta ?
ayyy doc meron pa kong isa pang bulok sa harap ng ngipin. sa pagitan parin po ng mga ngipin, madadaan pa po ba ito sa pasta ?? or ipa jacket ko na lng ??

Ask the Dentist : Kung gusto mo ng siguradong sagot, ipaxray mo muna.

Jerico : ask lang po, nag lolock jaw po ako. bawal po bng ipa brace to ?

Ask the Dentist : Hindi bawal.

Jerico : nakakahiya po kasi mag smile haha. Sana after mo mag pa pasta no shy na hah

Ask the Dentist : Oks.

Bridge Quezon City

Eureka : hi doc, good morning po . ako nga pala si mhigz , galing po ako sa ask the dentist site nyo , and nabasa ko rin po ung mga naka post dun , dito ko na lang po kayo nagawang imessage kasi nabanggit nyo na mas nababasa nyo po dito , ganito po kasi un , nagpabunot ako ng 1 ipin last week ,. and now , nag iisip po ako kung ano magandang gawin para hindi naman pangit tignan na bungi . ok sana ung pustiso kaso baka malaglag naman bigla. kaya iniisip ko po kung yung mismong nakadikit na lang , ung bridge at jacket po ba , ano po yung pinag kaiba nya ? dun po kasi ako nalilito ,.. salamat po sa magiging reply nyo

Ask the Dentist : Ang bridge para sa may bungi. Ang crown para sa may sirang ngipin na pwede pa i-restore sa crown. Kaya para sa yo, bridge ang dapat gawin.

Eureka : salamat po sa sagot doc isa pa nga po pala doc, kanina po kasi nung tinitignan ko sa salamin ung ipin ko , napansin ko na may mga maliliit na sira pala ung iba , and yung sa front lower teeth ko po sa likod nito may mga namumuo dito na parang magaspang na kulay dilaw na halos umabot na sa gums , akala ko nga po namuo lang ung kinain ko kanina, nung nag brush ako andun pa rin hindi na-alis,. tingin nyo doc ano ung bagay na un na nasa mga ngipin ko? this week ko pa lang po kasi plano mag pa tingin sa dentist ,. dapat ko rin po bang ipa x-ray ang ngipin ko ? magkano po kaya sa tingin nyo aabutin ng pag papa x-ray ? salamat po ulit doc .

Ask the Dentist : Magpalinis ka muna ng ngipin. Mura lang ang xray. Anong ngipin ba ang binunot? Ganito ang bridge: http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Eureka : ung binunot po ung sa may incisors katabi po ng pangil , hindi ko na po kasi nagawang itanong sa dentist ung kalagayan ng mga ngipin ko kasi sa center lang po ako nag pabunot at marami po kasi akong kasunod ,.. sige po doc magpapalinis na lang muna ako , salamat po ulit ng marami , at babasahin ko na din po yan about sa bridge

Ask the Dentist : Oks

Eureka : doc gudpm po . pasensya na ulit sa istorbo ., about po sa pagpapalinis ng teeth , kasama na rin po ba ung pag aalis ng kaunting bulok na part sa ipin ? or iba na naman po na procedure yun?

Ask the Dentist : Iba pa yun. Pasta siguro tinutukoy mo. Ibang bayad yun.

Eureka : ok po doc. maraming salamat .

Restorative Dentistry and Braces

John : Good evening Doc ,I have a small space sa upper front teeth ko po, how can I prevent cavities sa space na yun? By flossing and pagtotoothbrush lang doc? One more pa po, 11 nalang po ngipin ko sa taas, is it okay/possible pa rin po ba na ipa-brace siya together with the lower teeth (syempre)

Ask the Dentist : Yes. Oo.

John : Doc nagpapasta na po ako kanina, I thought 3 ngipin lang ang kailangang pastahan. Nagulat po ako 6 daw po kailangan. So umo-oo nalang ako para matapos na. Talaga po ba dapat ng pastahan kahit may medyo mga brown ng lines yung ngipin? Hindi pa siya black. Bagang po. Thanks

Ask the Dentist : Yes. Butas yun.

John : ahh thanks Doc you’re really helping :))) pano doc for eg. After 5 years nasira na yung pasta, pwede ulit siyang pastahan or kailangan ng bunutin?

Ask the Dentist : Kung walang problema sa pulp, papastahan mo lang ulit.

John : what causes po the pulp na magkadamage? diba po may pasta na siya?

Ask the Dentist : Kung nagkaroon ng caries ulit. Hindi porke may pasta, super tooth na yan. Kung napabayaan mo, pwedeng magkacaries ulit. AT pag lumalim, pwede madamage ang pulp.

Wisdom Teeth Extraction

Regz : doc magkano po aabutin ng wisdom tooth extraction. 2years na po yung wisdom ko na tumutubo pero di pa din complete, impacted lang yung gums. sabi po nung school dentist namen kelangan ng surgery. magkano po kaya per tooth, pati pre and post medication? thank you.gbu

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/odontectomy/

Regz : saan po clinic nyo? gumagawa po ba kayo ng ganung procedure?
sa clinic po ba kayo or hospital?

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/clinics/

Regz : i mean yung clinic po na kayo mismo yung doctor salamat po

Ask the Dentist : Hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website kaya hindi ako nagpapakilala. Sorry.

Regz : ay ganun po…sige lang po, i understand. may kilala po ba kayo sa chin.gen.hospital na magaling gumawa ng ganung procedure kasi may mild hypertension po ako?

Ask the Dentist : Sa PGH ka na lang. Look for Dr. ____

Regz : natatakot po talaga ako kasi never po ako nakaranas mabunutan ng ngipin. plus more or less magkano po aabutin? say sabihin ni Dr. _____ na yung 4 na wisdom ay aalisin na para mapaghandaan ko naman po. Im 22 BTW na may mild hypertension :))

Ask the Dentist : Ako din natatakot pero kailangan kong harapin ang mga pagsubok. Hindi ko siya kilala ng personal pero alam ko na magaling siya. Sa kanya ka na magtanong. Kasi sinagot ko na yang tanong mo. Hehehe!

Regz : salamat po Doc…babalitaan ko po kayo kapag katulad nyo, naharap ko ang pagsubok :))

Temporary Pasta

Vharry : Doc gusto ko po ipakita sainyo yung picture ng napastahan kong ngipin, mejo alanganin padin po kasi ako mag patingin dito kasi hindi po Pilipino yung mga dentist dito, natatakot po ako ng baka pag praktisan lang ako, eto po, sana po matulungan nyo po ako salamat po ulit. . .

Temporary pasta
Temporary pasta

Ask the Dentist : Eh hindi ka pala sumunod sa sinabi ng dentist mo eh. Kaya naman pala sumakit. Base sa picture na iyan, pinapabalik ka ng dentist mo. Pero hindi ka bumalik.

Vharry : Sir wala po sinabi sakin na bumalik ako, kung sinabi naman po nya na bumalik ako babalik ako ee
Kaso po wala talaga
Loko yung dentist na yun aa, doc ano po maipapayo nyo?

Ask the Dentist : Hindi ka din nagpalinis ng ngipin. Magdudugo talaga yan, may gingivitis ka din.
Sigurado ako pinapabalik ka.

Vharry : Doc wala po talaga sya sinabing bumalik ako di pa naman ako ganun makakalimutin para diko matandaan yung mga sinabi nya, ang sinabi nya lang sakin ee ” temporary lang yung ilalagay ko sayo, maganda din naman to at tumatagal so nga nga, ” pag kanga nga ko nilinis po nya yung butas ng ngipin ko tapos nag halo sya ng mixture na ilalagay dito sa ngipin ko, tpos nung pinasta na nya ko tapos ayun po after ng pasta pinirmahan na nya yung kelangan ko para sa requirment ko tapos pinaalis n nya ko, ayan po yung nangyari

Ask the Dentist : Alright. Yun ang sagot temporary. May 2 option ka. IpaRCT mo or ipabunot mo.

Vharry : maraming salamat po doc:) ee yung about naman po sa gingivitis ko?? pano po kayang treatment ang pwede gawin?

Ask the Dentist : Magpalinis ka ng ngipin nang madalas. Twice a year.

Vharry : sige po doc maraming salamat po… last question po doc, mag kano po kaya ang rct?

Ask the Dentist :
http://www.askthedentist.tv/root-canal-treatment-rct-canine-tooth/

Gusto Fixed Bridge Lahat

Joana : doc may pagasa pa bang mafixed bridge tong ngipin ko? magkano pa kaya ang aabutin?

Ask the Dentist : Yung harap pwede sa fixed. Yung sa bandang likod removable denture. http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/ Mapipicture-an mo ba ng mas malinaw?
Namamaga gilgid mo. Kailan ka huling nagpalinis ng ngipin sa dentist?

Joana : Ngpatingin aq sa dentist last week sabi nia kaya daw ifixed bridge lahat kaya lng nkakatkot ksi 5k per tooth nkakatkot baka mamaya mgmukhng peke eh. Mgkano po kaya aabutin doc?

Ask the Dentist : Hindi indicated for fixed bridge lahat. Yung harap lang. mga 15 thousand din pataas ang aabutin sa harap. Sa Manila ka ba?

Joana : Opo qc lang ako. Doc pwede bang lahat sa harap ifixed bridge? Ksi hndi pantay ung kulay eh.

Ask the Dentist : Isa lang ang missing mo sa harap. Bakit lahat?
Ang pinakamabuti mong gawin, magpa-panoramic x ray ka muna. Para makita kung healthy pa yung natititra mo pang ngipin.

Braces in Nueva Ecija

Henry : Herlo po hingi lang po ako ng payo, 20 yrs old na po ako, nung 7 to 8 yrs old po ako ngkaroon po ako ng crowding bg upper front and lateral incisors ko po, so dinala po nmin sa dentista kaso di po kmi nirefer sa ortho e wlang alam si mama about dun, di man lang sinabi n mgpabraces so ngdecide ung dentista na bunutin ung two first premolar ko, e ngayon po ngresearch ako na bawal pla bunutin ang mga bata kasi maapektuhan po ung growth ng jaws e wala na po ako magagawa ngayon kung di ayusin ung mga consequences ng pagbunot ng ngipin noon, ngayon nirefer ko po sa ortho kahit late n po, ngayon ko lang po narealize ang importance ng mga ngipin, sabi po ng ortho kung di maagapan magiging underbite po ung upper jaw ko, kasi nawalan na po ng two premolars at nasira ung first molar sa upper right side.

Braces in Nueva Ecija
Braces in Nueva Ecija

Nagpabraces po ako last march 2012, 40 k po singil sa akin tapos kung mgpaparebond may extra bayad na 300makatarungan po b un? Hahaha
Tapos eto na po binunot nya po ung 1st molar sa lower right sa left po kasi wla na nasira na rin po .
Medyo may pinagbago po ung ngipin ko kaso sabi po ni doc di daw magiging perfect ang result tapos ang nakikita ko pong problema sa lower, hindi na daw po niya macecenter ung mga ngipin kasi medyo nasa left side po kasi, tapos ung binunutan niya po ng molar ung may space sa pic lalagyan daw po ng denture, binunot po kasi ung molar na yun kasi may lumalabas n blood sa taas ng ngipin ska medyo foul smell.
Tapos ung isang problem po is ung receding gums, sa upper front
Magkano po kaya magpa gum graft kahit ung estimate lang po tapos saan pwede gumawa ng surgery kasi wala po perio dito sa cabanatuan city…
Mahaba na po tanong ko sana mabigyang pansin hehehe thanks po more power!

Henry : Ps: (hahaha) sabi po ni doc di na daw magcloclose ung space sa molars, tama po b siya? Parang sa tingin po niya hindi maganda imove backward ung mga ngipin sa lower jaw.

Ask the Dentist : Wala ka pang premolar kapag 7-8 years old. Madalas, kapag ang magulang ang nagpunta ng anak niya sa dentist, tinitipid ng magulang. Madalas mangyari yan sa probinsya. Kaya kung alam ng dentist na nagtitipid ang pasyente, syempre yung pinakamurang option ang ibibigay. Kaya yung extraction ang ginawa.

Ang singil ko sa pagdidikit ng bracket ay sanlibo. Kaya nakatipid ka dahil P300 lang sa dentist mo.

P20,000 pataas ang graft ng soft tissue. Ang maipapayo ko ay lagi kang magpalinis ng ngipin sa dentist mo para magimprove ang gums mo.

Hindi ko pakikialaman ang treatment plan ng dentist mo.

%d