Philippine Periodontology

Asehc : hello po.ask ko lang , kc my bagang ako sa ryt side na sira na and umuuga na siya,mejo nadamay yung bandang gilid ng katabing bagang din pero di pa sira. Pwede po bang yung sira at umuuga na lang yung ipabunot at ipacleaning na lang yung nadamay? hoping for your response.a big thanks!

Ask the Dentist : Makikita yan ng dentist na magbubunot niyan kung ano ang dapat gawin.

Need for RCT

Bianca : Hi doc Good Evening po! Ask ko lang po sana kung bakit sobrang sakit nung ngipin kong napastahan, front teeth po doc. Almost 6years na din pong napastahan. Then kanina chineck ko po siya sa mirror parang may black po sa ibaba nung ngipin ko. Natatakot po kase ako baka inadvice sa akin na ijacket. Kase po I’m taking up BS TOURISM, importante po kaseng alagang alaga ang ngipin. Thank you po! :)))))) More power!

God bless you unceasingly!

Ask the Dentist : Malaki ang probability na may infection na ang ngipin mo. Buti pa ipaxray mo para makita. Kung may infection nga, iparoot canal treatment mo. Tapos ng RCT, pwedeng crown or pasta, depende kung gaano kalaki.

Bianca : Maliit lang po doc. Nung nakikita ko na po na nabablack na agad ko na pong pinasta. At this moment sobrang sakit po talaga Salamat po ng narame doc
Doc ask ko lang po sana ano po kaya yung black na panibagong kong nakikita sa ngipin mo? Bukod po sa napastahan na. Sa iisang ngipin lang din po yun doc. Salamat po ulet!

Ask the Dentist : Bale kakapasta? Ngayon?

Bianca : Hindi po doc. Yung nauna pa pong napastahan yun. Almost 6 years na po ang nakalipas. Nag woworry po kase ako lala na sa front teeth po. Pero di naman po ganun kalaki.

Ask the Dentist : Kung sumasakit ipaxray mo paramakita kung ano yun. Isend mo x ray sa akin.

Bianca : Sige po doc! Salamat po ng marame.

Ask the Dentist : Wala anuman.

Jacket and Braces

Braces Philippines
Braces Philippines

Jayvee : pde b magpa.brace ang nka jacket na ngipin . nka.jacket kc ngipin kong dalawa sa harap .. recommended na dentist nyo po since hnd po pde sa inyo

Jayvee : magsend nalang ako pic po para mkita nyo pic . ng teeth ko para then advice kung pano dpt ggwin po

Ask the Dentist : Pwede, magpabrace kahit may jacket ka.

Jayvee : eto po teeth ko

Jayvee : ano po dapat gawin dyan doc

Ask the Dentist : Ipaxray mo. Panoramic xray.

Jayvee : then … san po recommended nyo

Ask the Dentist : Then isend mo yun litrato ng xray.

Jayvee : sa inyo po . para makita po b kung ano dpt gawin ganun po b
may mga sira din kc ung iba kong ngipin doc .

Ask the Dentist : Malaki ang probability na sa akin mo nga isisend, unless gusto mo isend sa tindera sa palengke. Hehehe!
Kung magpapabraces ka, yan din naman ang unang hahanapin sayo, panoramic x ray.

Jayvee : pero may pag.asa po bng pumantay yan doc … x.ray po and then ano po nxt na gawin

Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa.

Jayvee : nsa magkano po b ung x.ray doc

Ask the Dentist : Papatak din ng sanlibo.

Jayvee : sanlibog doc . thx

Ask the Dentist : Oks.

Jayvee : doc kahit b kulang na ngipin hnd na complete pde din ipa.brace un ??

Ask the Dentist : Yes.

Dental Implants & Dentures Philippines

Anna : Hi Doc. Advisable pa ba ang dental implant for senior citizens na nag-recede na (yata) ang gums? The person wears a full set of upper dentures but getting tired of it.

Ask the Dentist : Paanong full set? Wala ng ngipin ang patient? Pwede ang implant sa senior citizen, provided na healthy ang patient.
Kung wala ng ngipin ang pasyente, possible na bridge na sa implant kumakapit. Yun lang expect na mahal ang gastos. Pwede ring implant retained denture, yun lang parang complete denture din lang na mas makapit, dahil retained siya ng implant.
Kapag senior citizen, expect na mahal ang gagastusin. Maliit na ang buto nila kaya kailangan magdagdag ng buto. Mahal ang bone graft.

Anna : Wala nang upper teeth, doc. Actually, okay na sa kanya ang (full) dentures. Kaya lang, tatlong beses na sya nagpagawa …panay pangit. Nasasayang lang. The current one she wears has thinned out na. Doc, gumagawa ka din siguro ng full dentures. Siguro magaling kang gumawa. Can you give a price estimate … Where’s yur clinic located, doc?

Ask the Dentist : Oo, gumagawa ako ng dentures. Pero hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Masyaong delikado. Nasa FAQ page ko kung bakit. Tignan mo na lang yung recommended dentists ko na nakapost sa website.

Anna : Huh? Ang haba ng FAQs hirap hanapin. Anyway, I hope to consult with you one of these days. SM Santa Mesa clinic mo?

Ask the Dentist : Nasa website ang FAQ. Sa fb ka ba galing directly o sa website? http://www.askthedentist.tv/faq/

Ask the Dentist : Sorry. Hindi ako tumatanggap ng pasyente galing sa website o galing dito sa FB. Sumasagot lang ako sa tanong for free. Hindi marketing strategy yang website.

Bridge or Dental Implants

Rose Ann : Good day! Doc, nakadenture po ako ngayon, isang ngipin, removable po ito. Gusto ko sana ipagawa yung permanent na. Tanong ko po, ano po ang tawag dun sa ipapagawa ko, fixed bridge po or implant? Ano po ang pagkakaiba ng fixed bridge sa implant?
Doc, follow-up question po, ano po ang disadvantage ng fixed bridge?

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Nasa sayo kung ano ang gusto mo. Ang bridge ibang ngipin mo ang pinagkakapitan. Ang dental implant, metal ang kakapitan.

Rose Ann : Oo nga naman po, Doc, walang permanenteng bagay sa mundo. Thank you, Doc!
Nagbasa po ako ng FAQ, very informative. Thanks for the public service

Ask the Dentist : Ilan ba ang bungi mo?

Rose Ann : Isa po sa harap sa itaas.

Ask the Dentist : Kung isa lang, at may pondo ka, pinakaok ang dental implant. Conservative ang treatment. Pero yun lang P70 thousand pataas ang isang implant. Sa bridge, dapat makahanap ka ng magaling na dentist para magmukhang ngipin ang kalalabasan.

Rose Ann : Opo, ganon nga po, pag-iipunan ko po yung implant, bago pa lang po kasi sa work eh. For now, fixed bridge muna. Salamat, Doc! God bless po.

Ask the Dentist : Sample ng fixed bridge
http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/
http://costdentures.com/fixed/pfmb/

%d