Anna Lea : Hello po doc. Tanong ko lng po kung pwede pagsabayin ang pagpapasta saka pagpa linis ng ngipin?
Ask the Dentist : Pwede magkasunod sa isang dental visit.
Itanong mo sa Dentista!
Anna Lea : Hello po doc. Tanong ko lng po kung pwede pagsabayin ang pagpapasta saka pagpa linis ng ngipin?
Ask the Dentist : Pwede magkasunod sa isang dental visit.
Jenylie : Hello po doc, pwede po bang magpabrace kahit pustiso na po yung ngipin ko na isa sa upper left side po and sungki po yung right side upper ko, the yung lower side naman po sa bagang ko both side po pustiso na. Pwede pa po ba kaya magpabrace??
Dr. Jesus Lecitona : Oo pwede.
Rose ann : Hello po doc.tanung ko lang po anu po bang treatment sa ngipin f ung lower part is nauuna sa upper part..may possibility p po b na Mapush in ang lower part para ung upper part ay umuna…thanks in advance po.
Dr. Jesus Lecitona : Depende sa lala. Usually kaya na “ipush” sa pamamagitan ng braces. Pero kung sobrang lala, dapat icombo sa maxillofacial surgery.
Maris : Doc, may bukol din po ako sa ngala. May isang ngipon po na pustiso sa left next to front teeth. Then yung isang front tooth ko po is root canal na po..Nung kinapa po ng dila ko medyo may sakit pero tolerable naman po. Delikado po ba to doc? Salamat po.
Ask the Dentist : Oo delikado. Ipacheck mo agad sa dentist after ECQ.
Lahra : Pwede po bang pastahan yung ngipin sa harap na medyo masakit na po minsan?
Ask the Dentist : ipa-RCT mo. Pwede din bunot.
Analyn : Good day doc. Ask ko lng po about sa bagang ko, butas na siya tapos yung gums pumubo sa doon sa butas na bagang. Delikado po ba ito? Hindi nman po siya masakit wala din pong nana. Ano po ang maaari kong gawin d2? Salamat po sa sagot
Ask the Dentist : Oo delikado. IpaRCT mo. Or pwede din bunot. Read :
http://www.denturesaffordable.com/?s=rct&x=0&y=0
Angelene : Doc kailangan po ba sungki Ang ipen bago mag pabrace??
Ask the Dentist : Basta may dapat ayusin.
Nicole : Doc? Yung ngipin ko po sa bagang nasira. Nung una po maliit na butas lang hanggang sa lumaki na yung butas. Ngayon po wala na syang ngipin sa itaas. Naiwan po yung ngipin sa loob. Ito po yung minsan pinag mumulan ng sakin ng ngipin ko po doc. Gusto ko na po syang patanggalin. Nasa magkano po siguro ang magagastos?
Ask the Dentist : 1,000 pataas. Pero itanong mo sa dentist sa lugar mo. Depende kung magkano ang singilan sa kung saan ka nakatira.
Julia : Doc. Pwede puba mag pa braces kapag sa lower teeth yung bagang at katabi nun wala na? Tsaka po yung sa Upper teeth naman po yung katabi ng pangil yung wala na?
Dr. Jesus Lecitona : Oo pwede.
Kim : Hi Doc! Pwede po ba magpabrace kahit 3 ngipin ang wala sa upper left? Thank you po.
Dr. Jesus Lecitona : Oo pwede.