Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Itanong mo sa Dentista!
Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
hello po doc.
balac ko po sana mag pa braces kasu ang dami na po sira ng teeth ko. dami po kailangan na bunutin then nag sugest po ung dentist na pinuntahan ko na mag pa RCt nalang daw po aq apat bubunutin na teeth konpo sa harap then 7 na ngipin ko daw po hbg ipapa RCT .pero bat hindi po ako sinabihan na mag pa Xray muna bagi mag pa Pabunot at ituloy ung RCT ko po. salamat doc.
Oks.
DOC AKO MAY TANONG
FIRE AWAY!
WHAT IS
Hi Doc. Nagpapasta po ako Last July 15. Ok naman po sya after , then kahapon po lagi nalang nangingilo & sumasakit everytime na umiinom ako ng malamig or khit hindi malamig , ska po pag nahahanginan. Bakit po kaya? Salamat po sa sagot
Nag react ang nerve. tooth needs root canal treatment as of this point.
doc saan po yung clinic nyo puntahan ko po para sa inyo nalang po ako mag pa RCt. thanks po
Phone : 0927 984 8895
#75 15th Avenue cor. Main Avenue
1101 Cubao, Quezon City
Doc !! may nakita ako akong ngipin doon sa talaga sa taas ng gilagid ko as in sobrang taas at sobrang laki kung ikukumpara sa ibang sungki anu po ba pede kong gawin .. ayus namn po sana kaso sobrang taas pede po ba ipabrace yun
Ipabrace mo.
Doc namamaga po mga gums ko dahil sa braces ko,what should i do? ;(
Magtutulong kayo ng dentist mo para mawala ang pamamaga. Kung nagdi-DIY ka lang, pwede ka na magdasal.
Hi doc. Good eve. Ask ko lang po. Nagpagawa po kasi ako ng jacket. Pangalawang balik ko n po ito pero d pdin po tugma sken ung jacket. Mejo nadisappoint po ako kasi hndi po mukang totoong ngipin ung jacket ko. Masyado pong makintab. 5000php po bnayaran ko. Pfm po ata to ksi my metal sa loob. Ganon po b tlga ang jacket? O case to case basis po tlg. Thank you po..
Sabihin mo sa dentist mo kung ano ang reklamo mo para magawan ng paraan. KUng gusto mo ng maganda, syempre dapat willing kang gumastos ng malaki. Ang quality, may presyo yan na katumbas. Magpagawa ka ng all ceramic crown para mas mukhang totoo.
Read: http://dental.tips/dental-crowns/
http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/
Hi Doc, May possibility po ba lumabas yung impacted tooth ko after mabunot yung lower second molar ko. Or need na pong ipasurgery yung wisdom. Thanks.
Makikita sa x ray. Send mo xray mo sa FB ko.
Wala po akong fb Doc. Hehehe. san pa po ba pwede magsend sa inyo?
Oks. Tulungan mo ang sarili mo, send mo sa FB or sa personal, nandito ang clinic namin: http://dentistquezoncity.com/
Hello doc tanong lang po ako ano pede gawin dun sa ngipin ng anak ko sa banda harap sa taas. Nadapa kasi sya kaya nabasag. Lagi nadaing na masakit kya pinapastahan ko pero lalo lang lumala sakit. Sa tingin ko mas masakit tuloy kesa noong dpa nadudugtungan.. pinainom ko na pain reliever pero pbalik balik pa din sakit. Please po sana matulungan nyo ako naaawa na ako sa anak ko. Salamat.
Malamang na kailangan i-RCT ang ngipin niya. For more info about RCT read:
http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
http://dental.tips/rct/
Nandito ang clinic namin kung gusto mong magpagamot sa amin:
http://dentistquezoncity.com/
Hello doc. Maaayos pa po ba gung underbite. Nagpacheck up po ako sa orthodontist. Tmj specialist po. Bale ginawa po sakin splint muna tapos balak daw po bubuunutan ako ng 4 na ipin tapos tuloy yung ssplint. Aside from underbite, medyo paling din po yung bite ko pero medyo naayos na po dahil sa splint. Mafifix pa po ba ng tuluyan yung jaw alignment at ipin ko through braces? Salamat po
Hanap ka ng magaling na dentist. Ang splint ay parte ng kulto branch ng dentistry. Kung gusto mo ng accurate na sagot at masabi ko sayo ang solution, send mo yung Panoramic X Ray mo sa FB ko. Since sabi mo TMJ Specialist ang pinuntahan mo, tiyak akong pinakuhanan ka na ng panoramic x ray. Send mo.
Nagsend na po ako sa sa inyo ng pic. Wala na po akong kopya ng isa ko pang xray e. Nasa dentist ko po. Di pa po ako bumabalik sa dentist ko kasi namamahalan pos si mama e. Aabot po kasi ng 85k yung gagawin sakin kaya di pa po ako bumabalik. Nagtatanong pa po kami ng opinion ng ibang dentists e. Salamat po ulet
Oks.
Hi, Doc. May abscess po sa gums sa may 41 yung kakilala ko. yung 41 nya po is at first nilagyan ng temporary pasta, natanggal po then nung ipapapasta nya ulit nakita ko na may abscess na nga. dinrain naman daw po nung dentist kaso may bump pa rin po. tsaka sumasakit daw yung ngipin nya na yun. so i assume na baka may nana pa rin. nagkaron n din sya ng kulani sa lower jaw. sabi ko ipa-extract na lang nya, he did. bleeder sya. one day after the extraction he said na maga pa rin daw po yung sa may gums nya. can you give some opinion po? thanks! 🙂
Sabi ng kakilala ko, oo makakapagbigay ng opinyon ang kakilala ko. Ang opinyon niya ay “oks”.
Pwede mong siguruhin muna sa sarili mo kung ano ang tanong mo. Kapag sigurado ka na sa tanong mo, balik ka dito.
Doc, kakapabunot ko lang po ng ngipin kanina. Bagang po yung binunot. Kelan po ba to maghihilom? Malaki kasi yung ngipin na binunot tsaka mukhang malalim. Natatakot lang po kasi ako. Thanks 🙂
2 weeks. Saradong sarado na yan after 6-8 weeks.
Doc nagpabunot ako ng bottom left 1st molar kahapon dahil sira na sya. Tanong ko lang po, patubo na kasi yung wisdom teeth ko sa baba. Magmomove pa kaya yun para mafill in yung spaces gawa nung extraction? Kaya pa po ba yun maagapan kasi almost 19 na po ako. Tapos po, balak ko rin po ipabunot yung bottom right 2nd molar kasi sira na din. Kung ipapabunot ko po, posible rin po ba na magmove yung wisdom tooth sa bottom right? Or kelangan ipa RCT na lang? Or ipabunot ko tapos implant na lang?
Pwedeng patumba sa bungi ang tubo. Pwede mo ipaRCT or implant: http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
http://dental.tips/rct/
IMplant:
http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
kung ipapabunot po tas patumba po yung tubo, maaayos pa po kayo yun ng braces?
kung ipapabunot po tas patumba po yung tubo, maaayos pa po kaya yun ng braces? or what you meant by patumba, as in impacted?
Makikita sa x ray kung kaya ayusin.
Makikita sa x ray kung kaya ayusin.
Hi po, ask lang pwede po ba magpabunot ng ngipin kahit sumasakit pero d nmn po namamaga.
Pwede. Tatagan mo ang loob mo.
Hi Doc. Pag ba okay na yung taas na ngipin or na aligned na tatanggalin na ang braces? While sa baba eh nakabraces pa kasi maraming gap?
Sabay na tatanggalin. Hindi masasabing okay na ang ngipin mo sa taas kung hindi pa maayos ang baba. Magkatapat yan. Pares.
Hello doc. Good afternoon. Ask lang po sana . ano ang gagawin kapag yung face mo ay lumulubo ng dahil sa gums? Ano po bang gamot ang iinumin para hindi lumobo ang face ? At ano ang gagawin ko?
Hindi lumulubo ang face ko.
Doc may disadvantages ba ang braces?
Read: http://dental.tips/dental-braces/
Pwede pa bang magpabraces kung wala na ang first premolar sa upper right and first premolar, first molar, second molar sa upper left? Pwede pa ban kapitan ang wisdom tooth? Pwede pa ba itong mamove?
Patingin.
Doc, Good eve po. Nagpabunot po ako ng ngipin, bagang to be exact. Nung wednesday lang po, July 8. Balak ko po sana sumali sa volleyball team para sa sportfest sa school namin. Okay lang po ba na maglaro/train ako sa volleyball? Wala po bang bad effect ito sa gums ko?
Oo.
hi! ask ko lng po if anong dentures pwede s magkabilang side ng molar..and what time po pwede pumunta sa clinic nyo for consultation regarding this…thank you
Number 1 option is Dental Implant, 2nd option is Fixed Bridge, Third is Removable Partial Denture. Kindly schedule for an appointment with us. –> http://www.dentistquezoncity.com
Hi Doc. Nagpabrace po kasi ako sa taas lang nilagyan niya Nextmonth nadaw po sa baba, tapos yung band po nung braces eh hindi po yung parang bakal na nakasuot sa ngipin kundi parang bracket lang din pero may lock (if you know what I mean po) okay lang po ba yun? Nothing to worry po ba? Kasi sa Middle East po kasi ako nagpabrace. Tnx
Depende sa kaso kung anong gagamitin. For more info about braces read: http://dental.tips/dental-braces/
Doc ask ko lang gumglaw po ba ung ipin pag nakabraces?? Hindi po ba matatanggal un?
Y E S. At Matatanggal ito
Hi doc ask ko lang pi if tlagang gumagalaw ung ipin pag nakabraces?? Hindi po ba matatanggal un??
Yes. Magstabilize ang ngipin after some weeks, not days. Hang in there
Doc nagpabrace po ako tapos may isa ako ngipin na parang umuuga nung nilagyan ok lng po bayun?
Chill. Normal ang slight mobility ng mga ngipin
ano pong gagawin kung yung isang ngipin sa harap ay.. medyo gumagalaw??
oras na para pumunta dentist. go offline and be concerned of your dental health
pwede po ba painumin ng pain reliever ang bata pag masakit ang ngipin?
Yes. May mga pediatric form ang pain reliever. Oral suspension.
sobrang sakit po ngipin ng anak ko, 3 years old..ano po dapat namin gawin?
Pumunta sa dentist and go offline
Ipatingin ang bata sa isang General Dentist or better yet sa isang Pediatric Dentist
Nag pa crown jacket po aq bkt gnon d maganda ang lalaki ng ngipin n kinalabasab at nkalabas ung metal
Bumalik sa dentist at irelay ang concern mo.
doc my cyst po ung gums ko at mejo afected po ung buto ng panga ko, pg pnatanggal po b ung cyst pwde pa ma’survive ung buto ng panga ko,mejo manipis na po..
Ang kalagayang tulad ng sayo ay hindi idinadaan sa online. Ipakita mo na yan sa specialist.
doc paano po pag nasira ung ngipin sa unahan ano po pedeng gawin?How much din po?
Send photo ng ngipin. Depende sa sira. Pwedeng pasta, pwedeng veneer, pwedeng crown.
Veneer : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-veneers/
Crown : http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Pwede p ba ikabit Ang fixed bridge na natnaggal na?
Kung dahil sa natunaw na cement kaya natanggal ay pwede pa. Kung hindi, pagawa ka na ng bago. Read: http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/
Doc yung ngipin ko sa dulo medyo pudpod na. Anu ba dapat pagawa dun sa dentista?
Send photo ng ngipin para makita ko.
Doc ask lang po, nagpapasta po ako kanina at 5 pm then ngayon 10 pm napo, ang sakit padin po. Kailan po ba mawala sakit neto? Tsaka bakit po sumasakit eh pasta lang nman po.
Kung sumakit na yan kaya mo pinapasta, hindi pasta ang remdeyo. RCT yan or bunot : http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
http://dental.tips/rct/
Hi Doc, 16 y/o po ako at may dalawa po akong na-RCT; sa central incisor and sa second premolar po. Parehas pong taas. Yung central incisor po nilagyan ng crown, yung second premolar naman po is pasta. Kaya po ba ng mga ipin ko braces? Thank you po in advance 🙂
Oo. Read these articles for more info about braces:
http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
http://dental.tips/dental-braces/
http://www.costbraces.org/cost-of-braces/
Ano po ba ang tulong ng brace sa sirang ngipin?
Kung sirang ngipin, hindi braces ang remedyo diyan. Depende sa sira, pwedeng pasta, veneers, inlay, onlay, crown etc.
Veneers: http://www.denturesaffordable.com/?s=veneers&x=0&y=0
crown : http://dental.tips/dental-crowns/
hello po Doc. Ask ko lng po , yung ngipin ko po sa taas pantay nman po sana yun nga lng hiwa hiwalay po ang tubo .nung maliit po ako dikit dikit nman po ang ngipin ko nung nubunot na po gnito na po ang pumalit hiwahiwalay . Gusto ko po sana mgbraces pero diku po afford at tsaka hndi nman sungki ngipin ko .Maliban po sa braces anu pa po ang pwede gawin para maging mganda tingnan. May nagsabi po sa sken kya daw po hiwahiwalay kse maliliit po ngipin ko . Kaylangan daw po palakihan ang mga nipin ko .Anu po ang tawag dun Pasta po ba ?
Pasta ang tawag. Pwede din ang veneers : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-veneers/
http://www.denturesaffordable.com/?s=veneers&x=0&y=0
Hi dok 2 weeks ago na po ako nbunutan ng 1 molar… after one week po medyo my kaunting swelling pa… and sinukatan ako ng dentist para mag p crown po ako ng 17 teeth…. 2 upper front teeth… 5 lower fronth teeth 5 lower left side molars and 5 upper right side molar…. nung kinikil yung molar ko sa tabi ng binunot until now nag swelling pa sya dun s pinag injectan and 3 days magkkasunod ako sinukatan kya grabeh maga… pero nag take nko antibiotic cefalexin normal lng b yun dok nag swelling? ska ok lng po ba toothbrushin yung part ng may swelling? now pinatigil ko po muna yung pag sukat kc po gusto ko muna mag subside yung maga… i need badly your reply dok… thnks 🙂
Hindi ako pwedeng sumagot. Hindi ko yan nakita at hindi ko napanood ang nangyari. Ni xray hindi ko nakita.
Hi doc. May tanong po ako. Nagpa veneer po kasi ako. Maganda nmam pero ang DILAW kunpara sa iba kong ngipin. Pano po kaya to? Kahapon lng nagawa
Sabihin mo sa dentist mo.
Hi good day Doc, ask ko lang magkano ang pakabit ng braces sa inyo? Thanks.
40K pataas.
Doc ask ko lang po kung candidate ako for braces, ganito yung itsura ng teeth ko
Upper:
U_u_uuuuuu__uU
Down:
_uuuuuuuuuuuuU
Then di pa ako tinutubuan or di pa nalabas yung mga wisdom teeth ko.
Thanks.
hindi gumagana imagination ko sa ganito. This is so hard!
Hi doc pwede bang gamitin ang mighty bond sa naputol na pustiso Hindi ba makakasama sa kalusugan ko yon
Masama. Mighty bond / Super glue = Cyanoacrylate. Look up cyanoacrylate word. It is synonymous to poison. So once it mixes with your saliva. Poision is ingested in your body and circumvents inside your whole body system.
doc ask ko lang po kasi nitong march 28 po nag palinis po ako ng ngipin at nag papasta na din po ng ngipin ko na nag crack po dahil sa pag kain ko ng matigas na bagay . noong una po doc okay naman po yung pinastahan hanggang sa nung abril po ng pa brace po ako . dun po sumakit ung pinastahan na ngipin ko doc iyong nilagyan po ng bakal . sinabi ko po iyon sa doctor ko kaya lang sabe po niya uminum lang po ako ng pain reliver pero kahit anung inum ko po wala pong talab sumasakit paden po hanggang sa inopen niya po ule ung pinastahan niya sobrang sakit po sabi niya may nana daw po sa loob tapos po doc hanggang ngayon open pa po iyong ngipin ko na sira . sumasakit pa din po madalas at minsan nga po pati panga ko at ulo masakit na din po sinabihan po ako ng doctor ko na iparoot canal nalang daw po nagtataka po ngayon kasi kung kelan umabot na ng ganitu katagal tsaka lang po ako sinabihan ng mag paroot canal at isa pa po bago ako nag p brace may xray po ako kaya nag tataka ako na di man lang agad na kita na may ganung problema po ako . doc ano po ba ang magandang gawin ? maraming salamat po
Ipa root canal treatment mo na. Solve the problem by undergoing the root canal treatment process
good evening po. ask ko lang po, meron po kasi akong ngipin na pinabunot pero may natira pala. matagal na po sya. more than 1 year na, di ko panapapabunot. tapos this year lang, few months ago. may tumubo na bukol sa gulid ng ngipin. located ung teeth as bagang. di naman po masakit. kaso natakot lang ako kase umimpis na sya, tax lumaki na naman. Sana matulungan nyo po ako. salamat.
GO AND SEE A DENTIST. GO OFFLINE AND PROVIDE TIME FOR APPT
Hi doc,ask qlang poh.pgmasakit ba ang ngipin pde bunotin?
yes
Doc, may problem po ako about sa payment ng braces ko. Since 3rd yrs HS pa po ako may braces. Ngayon po 5th yr college na po ako di pa rin po natatanggal kasi po di ako consistently nabalik. Pero pag nabalik naman po ako nagbabayad ako 1k/month. 35k po ung package ko po then nagdown po ako ng 10k. Tapos po ung total na nabayad ko nasa 30k na po. Nung last ko pong punta sa clinic, sabi po ng dentist ko mag new package na daw po ako kasi matagal tagal na daw po ung braces ko. So additional payment. Ganun po ba talaga dapat? O hindi po ba pwede additonal fee na lang po like 5k. Kasi sabi niya po sakin dati pag di daw po matagal pong di bumabalik may additional 5k. Pero nagtaka po ako ngayon, pinapa new package po ako. Mas malaking bayad po yun eh akala ko po mafufully paid ko na this year. Ganun po ba talaga doc?
Yes. Lalong lumalala ang sitwasyon nyan kung madalang kang magpaadjust. Lalong tumatagal. Kaya imbes na matapos agad, lalo lang tumatagal. Syempre sa price na binigay sayo ng dentist mo, yun yung sa regular na adjustment. Yung ginawa mo, yun ang nagpatagal, at nagpalala. Hindi mo masisisi ang dentist mo na maningil. Max of 2 years lang dapat ang braces,
Doc how much po mag root canal sa inyo?
Mainam to visit us personally. http://www.dentistquezoncity.com
Doc first time ko lang po magpapa-dental implant. May anistisya po ba yun? Kasi mababa po ang pain tolerance ko
Yes. Aside from that, the procedure can be done under IV SEDATION or ORAL SEDATION together with Local Anesthesia. The procedure should be comfortable all through out.
http://www.dentistquezoncity.com
Good Evening po doc. Nangyari lang ito nung nagpapasta po ako ng ngipin. Kasi po napansin k na naging sensitive yung ngipin ko. Kumikirot siya ng walang dahilan. Kumikirot din siya kapag nakakakain ako ng matamis pati na din po kapag uminom ako ng malamig. Kumikirot na siya ng madalas. Kahit nga itoothbrush ko siya para mabawasan pero ganon pa din.. ano po kaya ang problema ko. Thanks po sa pagsagot.
Yung nerve ng ngipin ay possible na infected na. Tooth needs a root canal treatment
Thanks doc. One more thing. Magkano po kaya ang root canal per tooth
May fee factors ito — location ng ngipin and damin ng canal, sino ang gagawan (general practitioner vs Endodontist). Schedule for rct consultation to know treatment and fees. http://www.dentistquezoncity.com
Hi Doc,
Nagpasta po aq last year..mejo malalim po ang butas…ngayun po sumasakit at parang maga sa loob…tpos umuuga po sya…ano po ba need kong gawin?salamat po…GOD Bless!
Ipa xray. RCT/ EXTRACTION ang treatment option sa ganyan
Doc sobrang sakit po ng sirang ngipin ko sa bagang ilang araw na dn po pero mau existing rheumatic heart disease po ako. Pwede ko po bang ipabunot?
Schedule for an appointment with the dental surgeon. The dental surgeon will provide you a clearance to be signed by your Physician. You will bring that back to your dental surgeon for review. Your surgeon will be able to say yes / no with that signed clearance.
Doc ok lng b n mgpabrace kung maayos nmn ipin q i mean wla nmn po akong sungki..gusto lng ko po tlga mgpalgay ng brace at nkasuot sa ipin ko.pwede po b n gmitin ung brace mas higit p sa 2yrs.as long nu gus2 gmitin and magkanu po ang pabrace kung d nmn gaanung me problema sa ipin kc ok nmn po ang ngipin q..
Una sa lahat siguruhin mo sa sarili kung may sungki o wala, kung may problema o wala. Para kang tuliro.
Doc galing po ako sa dentista kahapob kc super sakit n ung kakapasta lang dun din gnawa sa clinic nila pinaxray ako tas sbi root canal gsto ko ng ipabunot ayaw nya bingyan nya ko gamot pero now di na umeepekto gamot sakit na po lalo
IpaRCT mo : http://dental.tips/rct/
DOC question po, sabi sa akin nung dentist ko yung front na ngipin ko di na pwedeng remedyuhan pero ang ginawa nya pinastahan nya po. pwede ko bang ipaalis yung dating pasta kasi nag iba na ng color then pa pasta ko po ulit? paano kung malalim na yung sira? ano po pwede kong pagawa?
Ipa Xray. Kailangan yan maaari ng RCT / Root Canal Treatment
Possible pero ipa xray mo muna to make it sure malayo pa sa nerve.
Good day Po sa mga dentist. Ung ipin ko po kase na lateral incision (tama po b?) Ko po gumagalaw na ayoko po pabunot hangat wala pa po ako budget for crowning or whatever you called it. Mahihiya po ako kase mabubungi po ako. Mga magkano po kaya iyon? Or may missions po ba ang PDA para sa crown or mini implant po ba tawag dun? Sorry po I’m not familiar with the names and procedures. Hoping for your soonest response. Thank you po and God Bless.
Ang mission ay bunot lang. Hindi ginagawa sa mission yung iba pa, dahil pinakamura ang bunot.
Hi doc, inadvise kasi sakin magpastandard panoramic xray at lateral cephalometric xray. Mga magkano po kaya aabutin ung mga xray na yun?
2K up.
doc, ask ko lang po.. yung ngipin ko po sa harap pinapasta ko po, sabi nung dentist ko nung last akong nagpa pasta, di na daw pwede yung ngipin ko. pero pinastahan pa din po nya.. pag ba pinapalitan ko yung pasta, hindi na po tlga pwede or pwede pa din pastahan ulit?
For Rct na malamang : http://dental.tips/rct
gup pm po doc sana po mabasa nyo ang message ko,, may brace po ako isang taon na mahigit galing ng davao pumunta ako nang maynila hindi ko inaasahan na dito ako magaaral so bale magtatatlong buwan na akung walang consultation,pwedy po bang kahit wala akung record mapagpatuloy tong brace ko adjustment lng or kung may nasira sa brace ko yun lang ang babayaran ko.doc kung may alam po kayo pwedy makahingi ng referal subrang tipid na po kc ako.please help me doc salamat po..salamat sa responce
Send photo ng ngipin sa FB ko. Sa mga kasong ganyan, inuuulit na lang mula simula.
Magandang araw po may tanong lng ako kung pwede mgpabrace sa itaas khit may 6 dentures ako ? At my sira din ung bagang ko sa baba
Dami mong dentures. Ilan ang bibig mo?
Doc magkatabi yung sira kong ngipin sa bagang tapos masakit sya at may nana anung pwedeng solusyon dito?
Pumunta sa dentist. Have the tooth extracted or better yet, have it replaced with implants / denture
Doc gud morning ask ko LNG po nung Monday pa ako nagpabunot pero hanggang ngaun namamaga pa rin at masakit yung pinagbunutan ininom ko naman po and resetang gamot…normal pa po ba to?
Doc sana po masagot nyo po ang tanung ko first premolar po yong binunot sa taas nong Monday po hanggang ngaun masakit at namamaga pa dn ang binunutan ,iniinom ko dn ang resetang gamot..normal pa po ba ito? Mga ilang araw ba dapat gumaling ang pinagbunutan ng ngipin
Normal. 2 weeks initial healing
yes its super normal. Follow post operative instruction and medications
Doc I’m 6months pregnant 1wk. Ng masakit bagang. Ko DNA ako mktlug same sbrang skit..umuuga na yong bagang ko at namamaga na any b dpt gawin?
schedule for a consultation appointment and ask for a dental clearance to be signed by your OB GYN stating the obgynist is allowing you to undergo ray and extraction procedure. however, it is best to defer treatment til you are finished with your pregnancy. If not, then that’s the best option
Hi Doc. Gusto ko po sana ipabunot yung molar teeth ko. Yung 2nd to the last po tas magkabilaan po. Magkano po ba ang gagastusin kung sakasakali? Salamat in advance po.
Answered your query
Hi Doc. Gusto ko po sana ipabunot yung molar teeth ko. Yung 2nd to the last po taa both sides po. Namamaga po kasi gums ko from time to time pag nasobrahan ng kain ng matamis o matitigas na pagkain. Magkano po ba ang gagastusin kung saksakali? Salamat po in advance Doc.
Depends whether the procedure is going to be a simple extraction or surgical extraction. Surgical extraction has a higher fee than a simple extraction
Doc MaSakit po ba magpa brace
How much po kung taas lang yung ipapa brace
Hindi. Upper and lower ang pag lalagay ng braces sa patient.
Doc tanong ko lang po kung pwede magpa-brace ang may pasta na ngipin sa harap at yung nagpa-jacket na ngipin?
Possible
hi po ng pa brace po aq napuna ko nauugaan un 2 ko teeth sadya po bang ganun?
Text mo ang dentist mo ngayon para hindi ka mapariwara.
Good morning po doc, magtatanong lang po kung ano yung possible cause ng jaw swelling ko. Nagpatanggal po kasi ako ng impacted wisdom tooth, medyo malalim po siya at nahirapan yung surgeon sa pagextract, natagalan siya kasi may naiwan na maliit na putol daw ng ngipin pero nakuha naman niya. Naging okay naman after nun, pero after a month, nag swell bigla yung sa may jawline ko. Nagpacheck up ulit ako sa dentist and surgeon, then nagrequest pa sila ng panoramic xray, wala naman silang nakita, tinap pa nga niya ng instrument bawat tooth ko pero wala naman akong na experience na pain. Sabi nung surgeon minsan daw yung sa labas healed na pero yung sa loob hindi pa. Nung nagpacheck up kasi ako, medyo lumiit na yung swelling (baka natakot sa dentist yung bukol). Pero ngayon, 4 months na after operation, nag swell ulit siya. Medyo red ang area and may konting pain pag pinipindot. Please help po kung ano yung nag cacause nito, hindi ko alam kung abscessed tooth or palpak yung operation. Salamat po ng marami doc.
Hindi masasagot nang hindi nakikita ang pasyente at x ray niya.
Hi doc. Nagpabrace po kasi ako bakit po tinanggalan aq ng 2nd molar sa upper left then pinaka huling molar ung sa upper right side. Tnx
Patingin ng x ray. Read: http://dental.tips/odontectomy-and-braces/
Doc ask ko lang po. Kkpabunot ko lang po ng wisdom tooth ko last July 24. Ask ko lang po kung ilang weeks yung pahinga para po hindi mabinat? Thank You!
Isang araw.
doc may laman n tumubo s loob ng plate ng bibig q parang butlig po cy ng una ngaun po prang laman n plat malambot po ito at di nmn masakit polyps po yta.. pano po ito magagamot may pwd po b inumin.. tnx po
Ipatingin mo sa PGH.
Hi dok! Ask ko lang po kung normal ba yung sakit na nararamdaman ko sa pagtubo ng wisdom tooth ko. Sobrang sakit kasi hindi ako makakain tapos hirap makalunok at hirap din sa pag open ng mouth. Pano ba mawawala yung sakit? Pwede ba uminom ng antibiotic?
Kung normal ang sakit, hindi mo yan tatawaging sakit, kundi tatawagin mo yang “normal”.
Doc pwde pa bang maidikit yung space sa binunut na upper 2nd molar na ipin q sa braces?
Possible
Yesssss
YES
Doc nag pabunot po aq magkabilang side ng ngipin 3 anesthesia yta nailagay mejo nahihilo po aq tanong lng kung ok lng po b ung gnwa ng dentist q?
Yes. Ako nga minsan 8 pa mahigit.
doc tanung ko lng po..pwede po ba magpabunot ng ngipin kahit sumasakit??mejo maga pa kasi sa tingin ko eh..
You will be premedicated then kung may swelling.
Good morning.. Doc bakit po sumasakit ngipin ko, wala naman po sira?
Go offline. Schedule for an appointment.
Kapag nagpa xray ka po ba ng ngipin kailangan tangalin ang dentures?
YESSSS
dok… ask ko lang po.. pwede padn po ba ang bulok nà ngipin..sumakit na at nagnana.. pde parin ipapajacket?
Hindi. IpaRCT mo muna :
http://www.denturesaffordable.com/?s=endodontically&x=0&y=0
http://dental.tips/rct/
Ako po may tanong….
Ano po ang ginagamit para sa ngipin ng pustiso para dumikit po uli.????
Ipadikit mo sa dentist.
hi doc!ask ko lng po if dentures po ang 4 front teeth pwde p po bng ipajacket un?ty.
Ang jacket sa ngipin. Kung bungi ano ang ijajacket? Baka bridge ang tinutukoy mo :
http://costdentures.com/ask-the-dentist/porcelain-metal-bridge/
http://www.denturesaffordable.com/?s=bridge&x=0&y=0
doc ask ko lng po anu pong effective home remidies sa skin ng ipin,,bale wla aman po aqng cra sa ipin kaso nitong nkaraang week halos sobrang skit na ung sa lst part ng ipin ko sa bandang taas,,,may home remidies poe ba kc dto aq ibang bansa,,sobrang mahal kc ultimo patingin?salamat poe sa sagot godbless
Bisita ka sa dentist.
nagpabunot poh ako ng ngipin s gilagid after poh non 4 days ng masakit at namamaga.wla nmn poh akong mainom na gamot kasi breast feed po ako.ano po ang dapat kong gawin?
Ang dapat mong gawin ay uminom ng gamot. Kung anong gamot ay magpareseta ka sa nagbunot.
Doc mgndang hapon..ask k lng po kung anu pong gmot pwedeng inumin pra tumigil pag durugo ng gums ko bgong bunot po kc hndi b maubus dugo ko nto..pls reply asap po francis
Pareseta ka sa nagbunot. Sa ngayon, ikagat mo sa bulak, o tea bag.
Hi doc. Pano ba tong case ko? Kasi nagpalagay ako braces tapos dalawang beses nya check ngipin ko at dalawang beses din nya sinabi yun price 50k. Nung nilagay na yung sa may upper d pa nya ako pinapirma ng contract or ung legal na docs, then after 2 weeks kinabit nya yung sa may lower. After nya po nilagay sa lower sabi nya po ibigay ko nalang sau yan ng 65k, nagulat ako kasi ang usapan po 50k then pinapirma nya ako ng contract. Tapos sabi ko d ko kaya, ang sabi nya po hindi ko kasi nakita ngipin mo nun na madami pala aayusin ee the fact na check up nya ngipin ko ng dalawang beses before ako nilagyan ng brackets and worst inopera nya pa wisdom tooth ko. Valid ba yun doc? Kung gusto ko po na d na ituloy yung contact ko sa kanya pwede pa po ba? Wala syang word of honor. Pa advice po doc. Thank u.
Kayo ang magusap tungkol dyan, wag mo ako idamay. 🙂
hellow po 2weeks and 4days n po since nag pabunot ako, pwd na po un para mag pa pustiso ako bukas ? tnx po
Ilan ang binunot?
Doc nagpabrace ako, 1month na ngayon pero sa upper teeth lang meron tapos sabi nung Ortho ko Nextmonth nanaman daw sa baba. Okay lang po ba yun?
Upper at lower ang braces.
Doc delikado po ba pagkabunot namaga po nagkakulani pa sa my bagang?
Ipacheck up mo. Para makita kung delikado o hindi. Dito clinic namin : http://dentistquezoncity.com/
Doc, bakit po kaya every time mabangga ng iba kong ngipin yung isa kong ngipin ang sakit? Sira po kasi yung nababangga pero pag hindi naman nababangga hindi naman masakit.
SInagot mo na ang tanong mo.
Doc ask kolang yung gilagid KO po brown Na may itim pede PA poba maging pink yun. O imaging healthy kapag tinigil. KO pag yoyosi KO 16. PAlang po Ako.
Oks.
Doc, Sumasakit po kasi yung ipin ko everytime after ko kumain. pero pag itinulog ko naman po nawawala pagkagising ko . pero po ngayon everytime na magalaw/gumalaw na yung ipin ko masakit na po. salamat po
Oks.
Doc pa advise po yung pisngi KO po humpak Na masyado pede pa po bang bumilog uli ang pisngi KO kapag Kain Ako ng Kain o magpataba..
Gamit ka ng tagalog.
doc ask ko lng po if ano best recommended sa ipin ko?
hiwa hiwalay po kc ngipin ko sa taas, parang 1 tooth ang pagitan. ano kaya dpat dto?
Braces. Read these articles for more info about braces:
http://www.askthedentist.tv/braces-faq/
http://dental.tips/dental-braces/
http://www.costbraces.org/cost-of-braces/
hi po .. dalawang buwan po akong buntis at tinutubuan ako nang wisdom tooth ano pong gamot kaya ang pede kong bilhin para mawala ang pananakit at pamamaga nam gum and jaw ko .. thanks po ..
Pareseta ka sa ob gyne o sa dentist mo.
Doc sobrang sakit po ng ngipin ko uminom na po ako ng mefenamic acid hndi nman po nawala ung pananakit. Halos nag isang araw na po syang nasakit yung pisngi ko po ang sakit narin. Ano po ba ang dapat ko ng gawin?
Salamat po!
Punta ka na mamaya sa dentist. Ipa-RCT mo :
http://dental.tips/rct/
Kapag po doc nagpop out po ung condyle at my tmj problem splint po b agad ung kailangan I have braces and splint po doc for 2 years. And I’m suffering po ng numbness sa mukha pO. Normal LNG po b un doc ?
Braces ang kailangan mo, hindi splint. Parte ng kulto ang splint sa dentistry.
Hi po. Dok pede po bang magpa GUM CONTOURING ako kung may tatlong jacket akong ngipin sa upper front teeth ko po?
Bisita ka sa clinic para makita: http://dentistquezoncity.com/
Hi doc. Ask ko lang po ano pinag kaiba ng jacket sa fixed bridge? Nkita ko po kase sa net pareho po sila may metal na binabaon. Thanks po.
Ang jacket ay para sa ngipin. Ang bridge ay para sa may bungi.
Jacket: http://dental.tips/dental-crowns/
Bridge : http://www.denturesaffordable.com/?s=bridge&x=0&y=0
Hi doc. Ask ko lang po ano pinag kaiba ng jacket sa fixed bridge? Nkita ko po kase sa net pareho po sila may metal na binabaon. Thanks po.
Ang crown ay para sa ngipin. Ang bridge ay para sa may bungi.
Jacket: http://dental.tips/dental-crowns/
Bridge : http://www.denturesaffordable.com/?s=bridge&x=0&y=0
Pwedi po mag ask. Yung teeth kc ng hubby ko natanggal nlanh bigla. Bali pinagawa namin yun ng porcelains para permanent po sna kaso natanggal. Pano po pwedi ikit ukit yun. Thanks.
Patingin. Send photo sa fb ko.
Doc mag kanu po ba bonding ngaun dlawang ipin ko
1K pataas bawat ngipin. Nandito clinic namin: http://dentistquezoncity.com/
Doc dto po ako saudi gsto ko sna mag p bonding sa dlawang ipin ko mg knu ma cost tpos mg knu po ung teeth nplant
70 K pataas ang dental implant : http://dentistquezoncity.com/dental-services/dental-implants/
http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
doc, pwede ba ko magpabunot ipin kahit masakit pa sya? Bagang po yung msakit, 2days na kasi d nwawala sakit. Bubunutin ba to kahit masakit or d po advisable magpabunot ng masakit ipin? Thanks doc.
Possible.
Hi Doc, gusto ko po sana magpa-braces para po sana mas umayos yung mga ngipin ko (medyo ok naman po kasi yung alignment nila), MAAARI NAMAN PONG MAGPA-BRACE AKO DI’BA?
May nabasa din po ako sa isang post dito, KAILANGAN PO BA TALAGANG BUNUTIN ANG WISDOM TO HAVE BRACES? Thank you po. 🙂
Depende sa kaso kung may bubunutin.